Chapter 20

Mula sa likuran, pinatunog ni Anya ang buto ng daliri niya para maibsan ang kaba ngunit nadagdagan lang iyon nang marinig iyon ni Jakob na nagsalubong ang kilay habang nakatingin sa kaniya.

Sumandal si Jakob sa lamesa habang nakatitig sa kaniya.

"May b-boyfriend po ako kaya hindi puwede ang gusto mo," matapang na sagot ni Anya. Umiling siya at yumuko para iwasan ang tingin ni Jakob. "I can't give you what you want. Kahit ano, gagawin ko . . . 'wag lang 'to."

Jakob chuckled and shook his head. "Too bad, this is the only thing I want." He turned around and faced the glass windows. "You can go."

But Anya couldn't leave. Her own body betrayed her because she couldn't move an inch. She gazed at Jakob. "Boss, may boyfriend po ako."

"I know," Jakob said, and silence dominated them for a minute. "And I don't care. Alam mo kung ano ang gusto ko, it's up to you now. You can leave."

Her eyes were pooling with tears, and she was trying so hard not to cry but couldn't. The warm liquid rolled down her eyes, and then she sniffed. Jakob faced her this time and stared at her.

"B-Boss." Anya stuttered as she tried so hard to find the right words.

Nakatitig lang si Jakob sa kaniya habang nakasandal sa glass window na para bang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. His breathing was deep and ragged, his fingers were tapping the concrete behind him, and his jaw was clenched.

With one inhalation and an exhalation, Jakob stood up straight. He walked past her without words, leaving her alone inside his office.

Mula sa loob ng kuwarto, narinig niyang bumukas ang motor ni Jakob kasunod ang maingay na pagharurot nito. Naiwan siyang mag-isa sa loob, nag-iisip kung ano ang gagawin niya sa susunod.

Anya looked down and let her tears fall this time. She sobbed silently thinking about Austin and Nicholas. No . . . more on Austin. Kung sila lang ni Nicholas, puwede silang lumabas, pero naalala niya kung gaano kasaya si Nicholas sa loob ng Escarra.

Nang medyo mahimasmasan, lumabas si Anya ng opisina ni Jakob. Nginitian niya ang mga nakatingin sa kaniya, mukhang nagtataka rin kung bakit ba nandoon siya. Nagpalaam siya sa mga ito at paglabas ng pinto, sinalubong siya ng mainit na pakiramdam. Maaraw pa, masakit pa nga iyon sa balat.

Mabagal na naglakad si Anya habang iniisip kung ano ang posibleng mangyari sa mga susunod pa.

She remembered how Nicholas would tell her stories every night about the Escarra, the job, everything. Nicholas was happy and safe inside here. Nakatutulog at nakakakain ito nang maayos. Hindi na kailangang lumabas ni Nicholas at maglakad nang ilang oras para makakain sila.

Sa halos kulang isang taon nila sa Escarra, nakita ni Anya ang kaibahan. Nicholas looked contented and refreshed. Hindi ito basta na lang nakayuko sa sulok na para bang nag-iisip. Hindi na ito nakasandal sa pader, nakatingala, at nakapikit. Hindi na rin nito itinutulog ang gutom at nakatutulog na nang maayos.

Mabagal ang bawat hakbang ni Anya habang binabaybay ang daan pabalik sa infirmary. Hindi pa siya tapos maglinis doon nang ipatawag siya kaya iyon ang gagawin niya para malibang.

Binati niya si Mary na ngumiti sa kaniya at sinabing papasok muna siya sa kuwarto ni Austin kung okay. Mary nodded and Anya didn't waste a single second.

The moment she closed the door, memories rushed like a wave. Memories outside Escarra. How the people would treat other people. Naalala niya rin ang pakiramdam nang ilang araw na gutom. Kung paano sila naka-survive sa tubig, hindi niya rin alam. Naalala niya ang sigawan dahil sa mga rebeldeng pumasok sa building, kung paano sila tumakbo at magtago, at kung paano sila maghanap ng lugar na matutulugan.

Noong nasa labas sila, palagi silang umiiwas ni Nicholas sa ibang tao. Ayaw nilang magkaroon ng attachment sa ibang tao dahil mayroong mawawala at magkakahiwalay lang silang lahat.

Sumalampak si Anya sa sahig at sumandal sa pinto nang maalala sina Faith at Patrick. Nanginig ang kamay niya at pilit na inalis sa isip ang araw na iyon. Gabi-gabi, hindi siya makatulog dahil sa tuwing hihimbing ang tulog niya, para siyang nanonood ng pelikula sa isip niya kung saan buhay pa sina Faith at Patrick, nakakukuwentuhan nila ni Nicholas, hanggang sa makita ang walang buhay na katawan ni Patrick, pati na ang nangyari kay Faith.

Anya tried so hard to calm herself. She stood up and focused on Austin instead. Naupo siya sa gilid ng kama nito. Nagmamalabis ang luha niya habang nakatingin kay Austin habang inaalala ang mga salitang sinabi ni Jakob.

May katotohanan ang lahat ng iyon, pero masakit marinig. Jakob could do whatever he wanted inside Escarra, and she knew that he wasn't bluffing. Kayang-kaya silang paalisin ni Jakob sa lugar. This place was his in the first place.

She breathed while staring at Austin and couldn't even let her tears stop falling. The door opened, and Mary smiled at her.

"Malulungkot 'yang si Austin 'pag nalaman niyang iyak ka nang iyak. Sabi ko nga sa 'yo, nagpapahinga lang 'yan. Sinusulit niya ang mga araw, buwan, linggo, at taong hindi siya nakatulog nang maayos." Natawa si Mary. "Huwag kang masyadong mag-alala. Okay lang siya rito. Nagbilin naman si boss sa 'kin na 'wag siyang pababayaan at ako mismo ang mag-aalaga sa kaniya."

Napatingin si Anya kay Mary. Mukhang wala itong alam sa mga sinabi ni Jakob sa kaniya. Mali. Mukhang siya lang ang may alam tungkol doon.

Ngiti lang ang naging sagot niya kay Mary. Nagulat silang dalawa nang bumukas ang pinto at pumasok si Nicholas. Nakatingin ito sa kaniya ngunit kaagad na bumaba ang tingin kay Austin.

Anya saw how Nicholas' eyes narrowed and tears fell from each side. Ito rin ang unang pagkakataong makita ni Nicholas si Austin pagkatapos ng insidente. Kaagad itong lumapit at lumuhod sa gilid ng kama habang hinahaplos ang noo ni Austin at nagmamalabis ang luha.

Sa araw-araw, palagi nitong tinatanong sa kaniya kung kumusta ang lagay ni Austin dahil hindi naman makapasok. Ngayon, lahat nag-make sense kay Anya.

Kung totoo ang sinabi ni Jakob, tungkol sa nararamdaman sa kaniya, hindi na bilang boss ang mga ginawa nitong pagbibigay ng access sa kaniya. It was already personal, and Anya didn't know if she should be thankful or scared.

"Magiging maayos lang ba si Austin?" tanong ni Nicholas kay Mary.

"Oo, basta nandito lang siya, magiging maayos ang lagay niya. Since hindi pa siya gising, ako pa rin ang magpapakain sa kaniya. Dadaan pa rin lahat sa NGT and palagi pa rin siyang naka-IV. Wala naman na siyang gamot, pero vitamins, meron." Inayos ni Mary ang bintana at binuksan ang kurtina. "Huwag kayong mag-alala sa kaniya. Ibinilin siya ni boss sa 'min. May mga doctor galing sa grupo ni Boss Ares na pupunta rito three times a week, bukod sa sarili nating doctor. He'll be okay."

Tahimik lang si Anya na nakatingin kina Nicholas at Austin. Nicholas was talking to Austin as if he could hear them talking. He was talking about the work and was bragging about the new car they had built.

"Labas muna ako, ha?" paalam ni Anya kay Nicholas. "Maglilinis lang muna ako sa ER para makalabas na rin tayo. Ikaw muna rito."

Hindi na niya hinintay ang sasabihin nina Nicholas at Mary na naiwan sa loob. Dumiretso siya sa cleaning room at nag-mix ng sabon sa mop. Ramdam niya ang pamamaga ng mga mata dahil sa pag-iyak, pero hindi naman magtatanong si Nicholas dahil na rin alam nitong iniiyakan talaga niya si Austin.

Anya made herself busy. Madiin ang bawat pag-mop niya sa puting tile ng infirmary. Sinisiguro niyang walang matitirang spot. Pinanonood niya kung paanong mabasa tile at kung paano unti-unting matutuyo dahil sa buga ng aircon.

Nang matapos mag-mop, siniguro ni Anya na malinis ang bawat kama at maayos ang pagkakatupi ng mga kumot, pati mga unan. Pinunasan niya ang mga side table, ang pader, lahat.

"Mahal?"

Binuksan ni Nicholas ang curtain at naabutan siyang nakasalampak sa sahig dahil pinupunasan naman niya ang legs ng kama. Gusto niya kasing makitang walang dumi, para puti lahat.

"Mahal, tapos ka na? Tara na?" pag-aya ni Nicholas.

Pinilit ni Anya ang ngumiti at tumayo. Inayos niya ang laylayan ng damit niyang medyo umangat. Kinuha niya ang timbang may maruming tubig ngunit sinabi ni Nicholas na ito na ang bahalang magdala sa comfort room.

Malalim na huminga si Anya at pilit pinakalma ang sarili para hindi makahalata si Nicholas sa kasalukuyang pinagdadaanan niya.

Napag-usapan nilang maaga silang kakain sa pantry dahil pagod si Nicholas sa maghapon. Medyo may pasa pa nga ang kamay nito dahil sa pagbuhat sa mabibigat na piyesa ng sasakyan.

Habang naglalakad, huminto si Nicholas at tiningnan ang kamay niya. "Nagkasugat ka na naman sa detergent?" tanong nito habang hinahaplos ang daliri niyang mayroong mga gasgas. "Kagagaling lang ng isang kamay mo last week."

"Ayos lang," sabi niya at mas dumikit kay Nicholas. "Nasasanay na rin naman ako. Hindi na nga ako nagsusugat sa bleach, e. I'll get used to it."

Nicholas kissed the side of her head and they walked towards the pantry. Nakasalubong nila ang ibang ranger na pang-night shift at mukhang kakain na rin. Minsan silang hihinto para makipag-usap.

Anya looked down and stared at their intertwined hands. Nakita rin niya ang mga itim sa kamay ni Nicholas galing sa trabaho. Her mind kept playing the scenario with Jakob. Nicholas is replaceable, and because of her, he would become an outsider again.

Ipinagpasalamat niyang nagpaalam na ang mga ranger na kausap ni Nicholas. Pagpasok nila, medyo maraming tao. Naghanap siya ng bakanteng upuan at komportableng sumandal. Para siyang nahapo sa maghapon. Gusto na lang niyang mahiga at subukang matulog.

Mula sa malayo, nakatingin si Nicholas kay Anya. Nakabagsak ang buhok nito sa mukha at seryosong nakatingin sa mga condiment na nasa lamesa. Iniikot, inaayos, ibabalik . . . uulitin. Something was bothering Anya, that was what he thought.

The way Anya would look down at the table, look around, and then breathe, he knew something was wrong.

Ibinaba niya ang nakuhang pagkain at naupong katabi si Anya. Mula sa ilalim ng lamesa, hinawakan niya ang kamay nito. Kaagad naman siyang nilingon ni Anya at tipid na ngumiti.

"Ayos ka lang?" tanong ni Nicholas. "Ano'ng nangyayari?"

"Pagod lang ako," pagsisinungaling ni Anya. "Puwede bang pagkatapos nito, sa kuwarto na lang tayo? Parang wala na akong energy ngayon." Mahina siyang natawa.

Hirap na hirap siyang itago kay Nicholas lahat, pero ayaw na niyang magbigay ng iisipin kay Nicholas. Susubukan niya ulit na kausapin si Jakob bukas o kung kailan sila magkita o kung ipatatawag siya nito.

Mayroon namang pag-aalala kay Nicholas lalo nang hindi maubos ni Anya ang pagkain nito. Tumayo ito at nagpunta sa counter kung saan may mga tinapay na puwede nilang dalhin sa kuwarto.

Pinanood niya si Anya. Nakaipit ang buhok nito sa tainga ngunit nakabagsak naman ang sa kanan. Naniningkit ang mga mata nito habang binabasa ang label ng mga tinapay. Napangiti siya nang makitang suminghot si Anya dahil mayroon itong mannerism na hahaplusin ang dulo ng ilong.

"Baka naman matunaw," pagbibiro ni Ace na nakaupo sa lamesang katabi nila. "Nakakainggit naman 'pag may love life!"

"Daming babae rito sa Escarra, e," sagot naman ni Nicholas. "Sa dami ng babae rito, wala ka bang magustuhan?"

Ipinalibot ni Ace ang tingin sa pantry. Totoo naman. Ang iba ay babaeng ranger pa.

"Parang wala." Umiling si Ace. "O wala pa, ewan ko. Ikaw, ba't di mo pa pakasalan si Anya? Sinabi naman sa 'yo ni commander na puwede, e. Magpunta lang kayo sa office."

Yumuko si Nicholas bago ibinalik ang tingin kay Anya. "Hintayin ko munang magising si Austin. 'Pag nagising na siya, siguro 'yun na ang tamang panahon."

"Tama! Ang tagal n'yo na rin, 'no? Naisipan n'yo bang magkaanak?" tanong ni Ace ngunit kaagad itong umiling. "Sorry, mali ang tanong ko. 'Wag mo nang sagutin."

"Ayos lang." Natawa si Nicholas. "Hindi. Ang hirap magkaanak. Hindi naman namin maaaalagaan nang maayos. Hindi naman namin mabibigyan ng maayos na buhay. Kawawa lang siya rito."

Tumango si Ace. "Sa totoo lang. Ang pagkakaroon ng anak ngayon, privilege and luxury. Para lang sa mga tulad ni Boss Jakob 'yun. Kainggit, 'no? Ang cute siguro na may baby."

Natawa si Nicholas habang nagsasabi si Ace tungkol sa mga sanggol at bata. Halatang gusto nitong magkaanak, hindi lang talaga umaayon sa kanilang lahat.

Bumalik si Anya at nakatayo ito katabi ng lamesa. Nag-hi ito kay Ace at inaya na siyang bumalik sa kuwarto nila. Mula sa likuran, niyakap ni Nicholas si Anya na kaagad ipinagsaklop ang kamay nilang dalawa.

"Okay ka lang, promise?" bulong ni Nicholas. Hinalikan niya ang leeg at batok ni Aniya.

Anya nodded and tilted her head to give Nicholas access to her neck. She shut her eyes, exhaled silently, and rested her back on Nicholas.

Naramdaman niya ang paghaplos ni Nicholas sa katawan niya habang maingat na hinahalikan ang leeg niya papunta sa balikat. Anya faced Nicholas and welcomed his kisses. They decided to shower together and continued making love inside their room.

Nicholas was on top of Anya. Their lips met, and Anya shut her eyes and moaned inside his mouth when he thrust deeper. They were both naked under the sheet; their hairs were still wet, and they could feel each other's skin.

Nang isubsob ni Nicholas ang mukha sa leeg ni Anya, awtomatikong bumagsak ang luha ni Anya sa magkabilang gilid ng mga mata niya habang nakatitig siya sa kisame. Hindi niya alam ang gagawin sa mga susunod pa. Hindi niya alam kung kaya niya bang ibigay ang gusto ni Jakob, kung kaya niya bang iwanan si Nicholas, o kung kaya ba niyang balewalain ang safety ni Austin.

Pinigilan ni Anya ang humikbi lalo na at malalaman ni Nicholas na umiiyak siya.

When Nicholas was about to look at her, she hugged him instead and pushed his body against her. She caressed his head using her palm and felt relieved when Nicholas kissed her neck as he moved inside her.

Anya faked a moan, but she couldn't feel a thing. She was making love with Nicholas, but her mind was in chaos thinking about tomorrow. She tried so hard to focus on Nicholas but couldn't. Her heart was breaking, tears were falling uncontrollably, and her body was betraying her.

Her eyes were glued to the ceiling when Nicholas stopped and pulled out. He stared at Anya, and their eyes met.

"Mahal?" Nicholas kissed Anya's cheek.

"Bakit ka nag-stop?"

Umalis si Nicholas sa ibabaw niya. Tinanggal nito ang condom na suot, binalot ng tissue, at tinapon sa basurahang nasa loob ng kwarto nila bago nagsuot ng short. Naupo si Anya at ginawang pantakip sa katawan niya ang kumot.

"Mahal? Bakit?" tanong ni Anya.

"May friction na. Baka masaktan ka." Naupo si Nicholas sa gilid ng kama. "Ayos ka lang ba?"

Tumango si Anya, pero naramdaman niya. Mahapdi ang loob niya dahil hindi na siya properly lubricated. Dahil wala ang focus niya sa ginagawa nila ni Nicholas, dahil iba ang nararamdaman niya, hindi nakisama ang katawan niya.

"Okay lang ako." Hinaplos niya ang pisngi ni Nicholas. "Pahiram naman ako ng shirt, mahal. Maglinis lang ako."

Ibinigay ni Nicholas ang T-shirt nito na kaagad niyang isinuot. Sa loob ng maliit na bathroom, mayroong salamin. Ramdam ni Anya ang hapdi sa pagkababae niya dahil sa friction ng condom, dahil hindi na siya basa. Masakit.

. . . pero mas masakit ang puso niya.

Anya cleaned up and got fresh clothing. Nahiga siya sa tabi ni Nicholas na kaagad yumakap sa kaniya. Kung tutuusin, maaga pa, pero pagod ito kaya hindi na nakapagtataka nang bigla itong makatulog. Siya naman, gising pa. Nakatalikod kay Nicholas, nakatingin sa puting pader, iniisip kung tama ba ang gagawin niya.

Ilang oras pa ang lumipas, naramdaman niyang mahimbing na ang tulog ni Nicholas.

Humarap siya at hinalikan ang pisngi nito, ganoon din ang ibabang labi, at tungki ng ilong. Tumingin siya sa orasan. It was past two in the morning. Ni hindi niya namalayang ilang oras na siyang nakatitig sa pader, dinadama ang init ng katawan ni Nicholas sa likuran niya.

Anya once again showered and fixed herself. Again, it was two in the morning. The water was cold, and she didn't bother using a heater. She wore her usual below the knee dress, but this dress was new. Ibinigay ito sa kaniya noong nakaraang buwan. Mayroong butones mula sa itaas hanggang sa dulo ng dress.

Habang nakasalamin, sinusuklay niya ang buhok. Bahala na.

Malamig ang simoy ng hangin, nakita niya ang ilang ranger na palakad-lakad sa Escarra. Ang iba ang binabati siya. Nginingitian niya ang mga ito, tinatanong pa kung saan siya pupunta.

Dumiretso si Anya sa bahay ni Jakob. Kaagad siyang binati ng dalawang ranger na nasa pintuan, tinanong kung ano ang ginagawa niya lalo na at madaling-araw na.

"Wala kasi akong magawa." Mahinang natawa si Anya. "Hindi ako makatulog kaya lilinisin ko na lang 'yung library. Okay lang ba?"

"Oo naman!" Binuksan ng isang ranger ang pinto. "Kararating lang din ni boss, e, pero baka tulog na 'yun."

Nagpasalamat si Anya at pagsara ng pinto, madilim ang buong bahay. Nasa kanang bahagi ng pinto ang hagdan. Sandali niya iyong tinitigan bago nagpasyang umakyat. Mabagal ang bawat hakbang. Nakahawak siya sa railing, mahigpit na parang doon nakasalaylay ang mga susunod pa.

Imbes na sa third floor, dumiretso si Anya sa second floor at huminto sa pinto ng kuwarto ni Jakob. Nakita niya ang ilaw na sumisilip sa gilid ng pinto. Naririnig niya ang tugtog mula sa loob. Naroon nga si Jakob.

Malalim ang bawat paghinga. Nakaangat ang kamay niya, akmang kakatok, pero hindi niya magawa. Ilang beses, pero palaging aatras . . . hanggang sa maalala niya sina Austin at Nicholas.

Anya inhaled and knocked twice.

No answer.

. . . but the music stopped.

Again, she knocked. "J-Jakob?"

No answer.

"Si Anya ito."

No answer.

"Jakob?"

"Come in." 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys