Chapter 18

With Jakob's permission, Anya could see Austin for five minutes every single day. Alagang-alaga naman ito ng mga doktor lalo ng mga nurse na naka-duty. Hindi niya inasahang papayagan siyang pumasok kahit sandali, pero may go signal naman daw ni Jakob.

"Thank you, Ate Mary," pasalamat ni Anya habang hinuhubad ang hospital gown na ipinasuot sa kaniya bago makapasok sa loob ng ICU. "Babalik na lang po ako bukas. Thank you po sa pag-alaga kay Kuya Austin."

"Wala 'yun." Ngumiti si Mary. "Ibinilin talaga sa 'min ni Boss Jakob na asikasuhin siya. Alam kong mahirap sa part mo, Anya, pero tiis lang tayo, ha? Walang susuko."

Tumango si Anya ngunit kasabay niyon ay ang pagbasak ng mga luha niya. Dalawang linggo na kasi ang nakalipas, pero wala pa rin. Walang idea ang mga doctor kung ano ang nangyayari, kung bakit dalawang linggo na, wala pa ring progress.

Nagising na ang dalawang kasama ni Austin noong nakaraang linggo, pero si Austin, wala pa rin. May takot sa dibdib ni Anya kung magigising pa ba ito. Sa limang minuto araw-araw, nagagawa niyang magkuwento kay Austin tungkol sa kung ano ang nangyari noong nakaraang araw. Pinagkakasya niya sa limang minuto ang kuwento at sapat na iyon.

Muling nagpasalamat si Anya kay Mary bago nagpaalam. Tapos na ang trabaho niya sa laundry kaya sa bahay naman ni Jakob. Patapos na siya sa paglinis ng library dahil nagagawa lang niya iyon kapag natapos na rin ang trabaho niya sa ibang parte ng bahay kasama si Rose. Gustuhin man niyang magbasa minsan, hindi niya pa ginagawa dahil gusto niyang maging maayos muna ang bawat libro bago niya basahin iyon isa-isa.

Binigyan siya noon ni Jakob ng permission, pero hindi niya rin nagagawa dahil mas gusto niyang malinis muna ang buong library. Isa-isa niya kasing pinupunasan ang mga libro. Maingat niyang binubuklat ang bawat pahina lalo na at may kalumaan na ang iba at posibleng marupok na ang bawat papel.

Dumaan muna si Anya sa pantry para kumuha ng stock para sa bahay ni Jakob. Madalas kasi itong lumalabas ng Escarra nitong mga nakaraan at nagpapakuha na lang ng pagkain sa pantry kaya naisipan niya na maglagay na lang ng pagkain sa bahay nito araw-araw.

Kumuha siya ng isang loaf bread, isang dosenang itlog na nakalagay sa box, kapeng nakalagay sa sachet, at smoked ham na kararating lang galing sa hacienda St. Pierre.

"Good afternoon, Kuya!" maligayang bati ni Anya sa dalawang lalaking nakatayo sa magkabilang pintuan ng bahay ni Jakob. "Gusto n'yo pong kumain? Gagawa ako ng sandwich." Ipinakita niya sa mga ito ang basket na hawak.

Mahinang natawa ang dalawa. Nagkatinginan.

"Ikaw bahala, Anya," sabi ng isa. "Sino ba naman kami para tumanggi."

Malapad siyang ngumiti at nagpaalam na papasok na sa loob. Dumiretso siya sa kusina para ayusin ang mga dala niya. Inikot niya ang buong bahay at wala pa si Jakob. Wala rin si Ate Rose, pero mukhang tapos na itong maglinis dahil nakasalansan na lahat at basa pa ang mop.

Nagkita na rin sila ni Nicholas kaninang tanghali dahil sabay silang kumain. Hindi pa rin nito nakikita si Austin dahil siya lang ang puwedeng pumasok sa loob kaya shine-share na lang niya ang kalagayan nito.

Ipinagluto ni Anya ng egg sandwich ang dalawang bantay bago umakyat papunta sa third floor. Goal sana niyang matapos sa linggong ito ang pag-aayos sa library para masimulan na rin niya ang pagbabasa. Inilagay niya sa isang shelve lahat ng librong nagustuhan niya ang cover at unang chapter para basahin sa mga susunod pa.

Bago pumasok sa loob ng library, sinilip na muna ni Anya ang rooftop. Nilingon niya ang bawat sulok dahil baka nandoon na naman si Jakob at nakahiga. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang walang tao.

Pahapon na rin kaya kahit papaano, malamig ang hangin. Pumikit siya para damhin iyon.

Simula nang may mangyari kay Austin, hindi nakatutulog nang maayos si Anya, pero pinipilit niya o hindi naman kaya kapag katawan na mismo niya ang sumusuko. Gustuhin man niyang matulog, paulit-ulit pa rin ang panaginip na hindi niya gusto.

Ipinatong ni Anya ang siko sa railing ng balcony ng rooftop at muling pinagmasdan ang factory na nasa likuran ng Escarra. Hindi niya tinatanong si Jakob o kahit sino tungkol doon, pero base sa observation niya, base sa mga lumalabas na gamit mula roon, factory iyon ng solar power na pagmamay-ari ni Jakob.

Bumaba ang tingin niya sa garden ng compound ni Jakob at ikinagulat niyang kalahati ng pool ay natatabunan na ng lupa. Mukhang tinototoo nitong gusto na itong patabunan dahil madalas nga naman iyong narurumihan. Madalas ding umuulan nitong mga nakaraan kaya napupuno iyon.

Kung ano man ang balak gawin ni Jakob doon, best decision dahil mahirap i-maintain ang pool lalo na at nahihirapan silang linisin iyon minsan.

Nakasalampak sa sahig si Anya habang maingat na pinupunasan ang librong may kalumaan na. It was a law school book with notes on the side of highlighted paragraphs. Nakapangalan din iyon sa dating vice president.

Anya wasn't into politics back then because she was focused on her studies. However, she knew that late Vice President Escarra was known for helping people at mukhang nakuha iyon ni Jakob.

Ipinagpatuloy niya ang paglilinis hanggang sa hindi namalayang padilim na rin. Nakaugalian niyang bago umalis, wawalisan niya ang buong kwarto kahit na malinis naman iyon. Isasara niya ang mga bintana pati na rin ang kurtina.

Excited siyang pumunta sa garage para sunduin si Nicholas para sabay silang kumain ng dinner. Usapan din nila kaninang lunch na bago sila umuwi, maglilibot muna sila sa Escarra o kaya ay tatambay sa park. Bahala na.

Bago tuluyang umalis ng bahay ni Jakob, siniguro na muna niyang walang magulo sa sala, bathroom, kusina, at likod ng bahay. Lumabas siya sa garden para tingnan ang lugar kung saan may tabon.

Iniligpit niya ang ilang nakakalat na pala para itabi sa gilid. Winalis niya ang mga tuyong dahong bumagsak sa puno, at diniligan ang mga halaman sa paligid.

"Hayaan mo na 'yan."

Nilingon ni Anya si Jakob na nasa pintuan habang nakatingin sa kaniya. Hawak nito ang helmet na itim at mukhang kararating lang. Nakita rin niyang sapatos nitong puro putik. Ang itim na pantalon at T-shirt ay iba na ang kulay dahil sa alikabok.

"Good afternoon, boss," pagbati niya. "Patapos na rin naman ako."

Halata mukha nito ang pagod lalo mga mata. Jakob's eyes always looked mad, but it was different this time. It was droopy. Mukhang antok na antok ito.

"Marurumihan at marurumihan lang din 'yan." Tuluyang lumabas si Jakob. Inipit nito ang helmet sa pagitan ng braso at baywang. "Baka bukas babalik sila. May ibang priorities lang 'yung workers."

"A-Ano ba'ng gagawin mo rito? If you don't mind me asking."

"What you suggested," Jakob responded in a low voice.

Anya frowned. "Suggested ko?" She bit her lower lip trying to remember. "Teka, alin ba sa dalawa? Sorry, hindi ko maalala. Fire pit ba or greenhouse? Pareho kasi silang naiisip ko. Hindi ko maalala kung ano sa dalawa ang nasabi ko."

Jakob gazed at her sideways, frowning. Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. He even let out a loud breath, making her even more confused and . . . scared? Yes, scared. His eyes were piercing against her as if she had done something.

She waited for him to say something, but nothing. Instead, he turned around, swinging his helmet while slowly walking towards the door.

"Boss?" May kaba sa boses ni Anya. Tumigil sa paglakad si Jakob ngunit nanatili itong nakatalikod sa kaniya. "M-May nasabi ba akong hindi maganda?" Mabigat ang bawat paghinga niya.

Nanatiling nakatalikod si Jakob na mas lalong nagpakaba kay Anya. Itinago niya ang kamay mula sa likuran niya at pinatunog iyon. Paulit-ulit niyang inisip ang sinabi niya. Tungkol naman sa pool ang pinag-usapan nila, walang iba.

"A-Alis na po ako." Naglakad siya palapit sa pinto ngunit tumigil nang humarap sa kaniya si Jakob. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "S-Sorry po."

"Hindi mo talaga maalala?" tanong ni Jakob sa mababang boses, halos pabulong pa nga.

Umiling si Anya dahilan para mahinang matawa si Jakob. Ipinagtaka pa niya kung bakit.

"I remember the first time I saw you. Even the shirt you were wearing. How short your hair was. Bagong gising ka noon." Jakob was looking down while saying those words. "Fire pit," he murmured and turned around again.

Anya didn't know what and how to respond. She stood there, looking at Jakob. Mabagal ang paglakad nito papunta sa pinto. Mahigpit ang pagkakahawak sa helmet at nakakuyom ang isa pang kamay. Her breathing became ragged. She tried so hard to calm herself just to ease the nervousness when Jakob once again turned around and looked at her.

Their eyes met.

"I'm sorry," mahinang sambit ni Jakob. "Anya, you should go. 'Wag ka na munang magpunta rito sa bahay. Please lang."

"M-May nagawa po ba akong hindi mo nagustuhan dito?" Umiling si Anya at pinilit ang sariling ngumiti. "To be honest, matagal ko nang napapansin na parang ayaw mo sa 'kin. Na kapag nandito po ako, umaalis ka. Kapag nakikita mo ako, sumisimangot ka. K-Kung ayaw mo naman po o kung hindi ka komportableng nagtatrabaho ako rito, okay lang."

Pilit pinatatag ni Anya ang sarili dahil bumibigat ang dibdib niya. Gusto na niyang lumabas, pero nakaharang si Jakob sa pintong dadaanan niya.

"It's not that." Jakob lightly shook his head, still looking down. "Anya, get out," he said in a low voice. "Please."

Anya nodded and walked towards the door. Jakob was still blocking her way but moved sideways to let her pass through. Hindi pa siya tuluyang nakapapasok ng bahay ni Jakob nang muli niyang marinig niya ang boses nito, pero hindi niya maintindihan ang sinabi. Humarap siya. Nakayuko pa rin si Jakob ngunit patagilid itong tumingin sa kaniya.

"I am in . . ." Huminto ito. Tumingin sa kanan. Matagal . . . bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "It's not that I don't want you here. I'm having a hard time looking at you."

"Naiintindihan ko. Kakaus—"

"You don't understand." Jakob shook his head. "You'll never understand."

Anya frowned and stood there for a second, staring at Jakob. Parang may gusto itong sabihin, pero hindi magawa. Bubuka nang kaunti ang bibig ngunit agad na titikom. Hihinga nang malalim, titingin sa kanan, bago muling titingin sa kaniya.

"A-Alis na lang po ako, boss," paalam ni Anya at tumalikod.

"I—putangina," Jakob muttered in frustration, making Anya stop walking. "I want you . . ." He let out a heavy sigh.

Nagulat si Anya sa sinabi ni Jakob. Hinarap niya ito. Nakapameywang si Jakob na nakatingala sa langit. Nakapikit ang mga mata at malalim ang bawat paghinga. Hindi niya alam kung tama ang narinig niya.

"Boss?" Anya's chin vibrated. She was nervous. "A-Ano po?"

Jakob was still in the same position, but his eyes gazed at her sideways. "I . . ." His jaw tightened, and he let out a deep chuckle. "I love you."

Anya's eyes widened in shock upon hearing those words. Her eyes were glued to Jakob, who looked away. His broad shoulders moved as he breathed. She didn't say anything because she didn't know what to say.

She saw how Jakob's jaw tightened multiple times before walking towards her. Akala niya mayroon itong gagawin ngunit nilagpasan lang siya. Dinig niya ang yabag nito habang nasa loob ng bahay habang nanatili siyang nakatitig sa kung saan, pilit na pinoproseso ang sinabi nito.

Humarap siya at naabutan si Jakob na paliko papunta sa hagdan.

"Boss." Kinuha ni Anya ang atensyon ni Jakob na kaagad tumingin sa kaniya. Umiling siya. "Mali po."

Tipid na ngumiti si Jakob. "Alam ko," sagot nito bago siya tuluyang iniwan.

Mula sa backdoor, rinig ni Anya ang bigat ng bawat paghakbang ni Jakob sa hagdan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito. Hindi niya gustong paniwalaan at nakaramdam siya nang pagkailang. Kagat niya ang ibabang labi habang palabas ng bahay ni Jakob.

Nagpaalam siya sa dalawang ranger na nakabantay sa pintuan. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili para kapag hinarap niya si Nicholas, magiging normal lang ang lahat. She walked normally, trying not to think about what the boss said. Sobrang nahihiya siya at naiilang. Ni hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang maihaharap dito sa mga susunod pa.

Anya waited for Nicholas outside the garage. It was their routine, and everything calmed the moment she saw him. She automatically smiled and walked towards him, hugging him after a long day.

Nicholas held her hand as they walked towards the pantry to have an early dinner so they could just enjoy the rest of the remaining hours of the day. Si Nicholas na rin ang kumuha ng pagkain niya. Sinabi nitong maghanap na ng upuan sa pantry at iyon ang ginawa niya.

Habang nakaupo, nilingon ni Anya ang glasswall na nasa gilid niya. Dumadaan na rin ang ibang nagtatrabaho sa Escarra pauwi sa residence nang makita niya si Ate Rose kasama ang asawa nito. Nagmadali siyang tumayo para habulin ito.

"Ate Rose!" pagtawag niya.

Kaagad namang lumingon si Rose. "O, Anya! Hindi tayo nagkita kanina sa bahay ni Jakob. Maaga kasi akong natapos at merong ipinakisuyo sa 'kin 'yung asawa ni engineer. Kumusta? Galing ka na ba roon?"

Tumango si Anya at ngumiti. "Opo, Ate. K-Kagagaling ko lang po roon," nauutal niyang sabi nang maalala na naman ang nangyari. "Nagdala po ako ng tinapay at itlog kanina para sana sa stock ni boss."

"Ay, mabuti naman. Minsan hindi kumakain 'yun lalo 'pag galing sa labas kasi ayaw na magpunta rito sa pantry." Natawa si Ate Rose. "Ano palang sadya mo? Ayos ka lang ba?"

Gusto mang magsabi ni Anya, hindi nya magawa dahil siya mismo, ayaw na niyang maalala iyon. Matagal siyang nakatitig kay Ate Rose na parang naghihintay rin ng sasabihin niya. Hinawakan nito ang kamay niya, ganoon din ang noo niya.

"Anya? Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Ate Rose.

Tumango si Anya bilang pagsisinungaling. "P-Parang po, Ate."

"Ganoon ba? O, magpahinga ka. Huwag ka na rin munang papasok bukas kung sakali man. Masyado ka rin kasing masipag, e. Kaya natutuwa si Jakob sa 'yo!" sabi ni Ate Rose at tinapik ang pisngi niya. "Sige na, ha? Uuwi na muna kami nitong asawa ko bago kami kumain. Magpahinga ka o magpunta ka sa clinic."

Nagpaalam si Anya at nilingon ang glasswall. Nasa upuan na si Nicholas, nakatingin sa kaniya. May pagkain na sa lamesa nila at inaya na siya nitong kumain.

"Ayos ka lang ba?" Hinaplos din ni Nicholas ang noo niya. "Bakit ka hinawakan ni Ate Rose sa noo? May masakit ba sa 'yo? Nagtuloy ba ang sipon mo? Gusto mo bang ikuha kita ng orange juice?"

Muling tumango si Anya. Tumayo si Nicholas nang walang sabi. Pinanood niya itong kumuha ng orange juice bago bumalik sa kaniya. Hinalikan pa nito ang tuktok ng ulo niya bago naupo sa tabi niya.

Anya was quiet. She was focused on Nicholas, who was mixing her pasta. Nilagyan pa nito ng butter ang toasted bread. Mayroon ding scrambled eggs na puwede niyang ipalaman. She wasn't talking at all, and Nicholas noticed.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo bang sa kuwarto na tayo? Dalhin na lang natin 'to," pag-offer ni Nicholas. "Bukas na lang tayo maglakad. Pahinga ka na muna para hindi na rin magtuloy ang sakit mo."

Tumango si Anya at nakatitig sa pinggang nasa harapan niya. Paulit-ulit niyang iniisip kung pinagtitripan ba siya ni Jakob dahil kung oo, hindi iyon nakatutuwa. Wala naman siyang maalalang dahilan para gawin nito iyon. Wala naman siyang ginagawang masama.

Wala siyang maalalang naging interaction nila. Wala siyang maalalang posibleng maging dahilan para sabihin nito iyon.


JAKOB was walking with Tristan. Kasama niya ito galing kay Martin at naisipan nitong sumama sa kaniya at magpalipas ng gabi sa Escarra. Medyo malayo kasi ang lugar kung saan ito nakatira. Delikado pa.

Narinig ni Tristan ang mga sinabi niya kay Anya dahil nasa living area lang ito.

"I didn't mean to say it." Jakob shook his head as they walked toward the pantry to get food. "Hindi ko sinasadya."

"Wala ka namang balak sabihin talaga, 'di ba?" natawa si Tristan. "Wala na. Nasabi mo na. Ano'ng plano mo?"

Umiling si Jakob. "Wala."

Tristan didn't say a word, and Jakob was thankful. He didn't want to talk about his stupidity. It came out of nowhere. Months of suppressing and leaving the place just trying to avoid Anya . . . went down the drain the moment he let his emotions dominate him.

Pagpasok nila sa pantry, nakita niya kaagad sina Anya at Nicholas na nakaupo at nakatalikod sa kanila. He was about to step back when Tristan shook his head.

"Face your fears. Act as if nothing happened," payo nito. "For sure, Anya knew you were just kidding or playing or whatever. I'm starving."

Isa-isa siyang binati ng mga ranger na nadaanan niyang kumakain para simulan ang night shift. Iniiwasan niyang lumingon. Nakapamulsa siyang naglalakad nang diretso nang marinig niya ang boses ng isang engineer. Tinawag siya nito, dahilan para mapaling ang tingin niya sa gawi nina Anya at Nicholas.

"Good afternoon, boss," pagbati ni Nicholas.

Jakob stared at Anya, who looked down and didn't even bother looking at him.

"Mahal, si boss," pagkuha ni Nicholas sa atensyon ni Anya.

Anya looked at him and forced a smile. "Good afternoon, boss," she murmured and looked down again.

Jakob's jaw tightened. It was so different from before when Anya would look at him, smile widely, wave, and even ask him or offer to get food for him—which he always declined. This time, Anya looked forced, and he couldn't blame her.

He turned around and heard Nicholas asking if Anya would want to leave the place instead if she wasn't feeling well.

Hindi napigilan ni Jakob ang sariling tingnan si Anya. Nakayuko ito, nakabagsak ang mahabang buhok na tumatakip sa mukha, at saglit na tumingin sa kaniya. Their eyes met and stared at each other for seconds until she looked at Nicholas.

"Fuck," he muttered and left. 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys