Chapter 17
Jakob was talking to one of the doctors, asking about Austin, Russel, and Gab—the three rangers still in the ICU for observation. It had been three days since it happened.
Wala pa sa tatlo ang nagigising. Ipinaiwan na rin muna ni Ares ang tatlong doctor mula sa grupo nito. Nagpadala na rin muna si Martin ng ilang tao para tumulong sa pagbabantay sa perimeter ng Escarra, ganoon din si Tristan.
Hindi pa siya makakilos dahil siya mismo, iniinda pa ang sakit ng mga tamang natamo niya. Gustuhin man niyang tumulong sa manhunt, hindi pa puwede.
It was two in the morning, and he couldn't sleep, so he went to the infirmary to check on the boys.
"So far, they're stable. Hintayin na lang din po natin silang magising para ma-transfer na natin sila sa normal na kuwarto. Sa ngayon, monitoring lang ang magagawa natin dahil so far, wala kaming na-encounter na infection," sabi ng isang doctor na kausap niya. "Ikaw rin mismo, boss. Magpagaling ka muna. Kami na ang bahala rito."
Tumango si Jakob at muling nilingon ang tatlong lalaking nasa ICU. Tumigil ang tingin niya kay Austin dahil inaalala niya si Anya. Dalawang araw na rin niya itong hindi nakikita. Hindi ito pumapasok sa laundry, ganoon din sa paglilinis sa bahay niya o kahit sa volunteering sa daycare.
Ilang araw na siyang lumalabas ng bahay para makita ito, pero wala. Kahit sa pantry, wala.
Jakob decided to leave the infirmary and upon opening the door, he was shocked to see Anya outside. Nakaupo ito sa hagdan na nasa harap ng pinto. Nakapatong ang baba nito sa sariling tuhod at nakatitig sa kawalan.
"What are you doing here?"
Anya turned her gaze at him. He saw her eyes pooling with tears. No words, she turned around and didn't answer his question. He stood, leaning against the wall, staring at Anya's side profile.
Alam niyang hindi pa nakikita ni Anya si Austin dahil bawal itong pumasok sa ICU. Ni hindi nga niya alam kung nagpupunta ba ito sa infirmary.
"Gusto mo siyang makita?" tanong niya.
Nilingon siya ni Anya. Bumagsak ang luha nito sa gilid ng mga mata, suminghot, at humikbi.
"P-Puwede ba? Kahit one minute lang, please?" Anya said in a low voice, almost begging. "Kahit one minute lang. Gusto ko lang makita ang kuya ko."
Jakob nodded and turned around. He opened the door. Anya stood up, wiped her tears using the back of her hand, and fixed her messy hair. She was wearing a gartered short-sleeved dress that was below her knee.
Pumasok si Anya sa loob. Tinawag niya ang isang ranger na nasa harapan ng infirmary. "Pumunta ka sa bahay. Sa living room may jacket. Kunin mo," pag-utos niya bago pumasok sa loob.
Nakasunod siya kay Anya na mabagal na naglalakad. Lumapit sa kanila ang night shift nurse para itanong kung ano ang nararamdaman ni Anya. Sinabihan niya itong bigyan ng ICU gown si Anya, ganoon din siya para makapasok silang dalawa.
"S-Sure po bang okay lang?" Humarap sa kaniya si Anya. Medyo nakatingala ito dahil sa height difference nila. "Sandali lang, promise."
Seryosong nakatitig si Jakob sa mukha ni Anya. Hindi siya nagsasalita. Inoobserbahan niya ang mukha nitong magang-maga pa rin ang mga mata. Halos iba na rin ang boses, parang barado na ang ilong sa kaiiyak.
Bumalik ang nurse dala ang dalawang visitor gown. Inalalayan siya nitong isuot ang kaniya habang isinusuot naman ni Anya ang sa kaniya. Inayos din nito ang pagkakaipit ng buhok. Sunod ay mask.
Iginiya sila ng nurse papasok sa loob ng main infirmary. Dalawang pinto mula sa pinasukan nila, nandoon sina Austin at ang dalawa pang kasama nito.
Jakob was just walking behind Anya. Kita niyang hindi ito mapakali lalo nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng mga buto nito sa daliri. Sumunod siya hanggang sa makapasok sila sa loob ng kwarto.
"Come here." Jakob walked towards the furthest bed and opened the curtain. "You only have five minutes. Max. Iyan lang ang maibibigay ko sa 'yo."
Anya gave him a bitter smile and nodded multiple times. He leaned against the wall, looking at Anya who slowly walked towards Austin and held his hand. To his shock, Anya buried his face into Austin's arm and started sobbing quietly. Her shoulders were moving up and down.
Jakob left.
He couldn't watch her.
—
ANYA sobbed and held onto Austin's hand as she cried like a child. Marami siyang gustong sabihin, pero kahit isang salita, walang lumalabas sa bibig niya. Kahit na hagulhol, wala dahil tahimik na bumabagsak ang luha niya sa magkabilang mga mata niya.
Masakit na ang lalamunan niya. Gusto niyang iiyak, gusto niyang sumigaw, pero hindi niya magawa.
Sa dalawang araw, wala siyang ginawa kung hindi ang magmukmok sa kuwarto. Hindi siya nakatulog at sinabayan siya ni Nicholas. Gising din ito tulad niya ngunit hindi na kinaya ang pagod kaya nakatulog ito dahilan para makalabas siya.
"Kuya," mahinang sambit ni Anya. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan si Austin. "Gising na, please."
Napakaraming tubong nakakabit kay Austin. Nilingon niya ang monitor na tumutunog. Tiningnan din niya ang mga sugat nito sa katawan. Akala nila ni Nicholas, tatlong bala lang, pero hindi. Mayroon din pala sa braso at mayroong daplis sa leeg.
Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya habang matagal na nakatitig kay Austin. Muli niyang hinaplos at sinuklay ang buhok nito. Inayos niya ang kumot bago hinalikan sa pisngi. Sunod-sunod na pagsinghot, pagtulo ng luha, at mahinang hagulhol.
"Anya. Time's up," Jakob uttered, making Anya stop crying.
Sa huling pagkakataon, hinalikan niya ang noo ni Austin bago patalikod na naglakad. Nakasalubong niya ang doctor na pupuntahan si Austin at nagpasalamat siya rito para sa pag-aalaga sa kuya niya.
Naabutan niya si Jakob sa labas ng ICU na naghihintay sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong mayroong parang sling support. Nabanggit sa kaniya ni Nicholas na nataaman ito ng baril mula sa loob ng sasakyan.
Sabay silang lumabas ng main infirmary ngunit ikinagulat niya nang utusan siya nitong maupo sa isang kama. Dumating ang isang babae, nakangiti sa kaniya. Hawak nito ang isang basket.
Nakatayo naman si Jakob hindi kalayuan kay Anya hawak ang isang jacket. Gusto niyang ibigay iyon, pero hindi niya magawa. He would be too obvious.
"Her." Itinuro ni Jakob si Anya bago ito nilingon. "Kukuhanan ka niya ng dugo for testing. You look pale."
Umiling si Anya. "Okay lang ako."
"I know. I just wanna be sure," Jakob said. Nakasandal ito sa pader habang nakatingin sa kaniya. "Kumain ka na ba?"
Yumuko si Anya at umiling dahil iyon ang totoo. Hindi pa siya kumakain simula kahapon kahit na kinukuhanan siya ni Nicholas ng pagkain. Wala siyang gana. Hindi niya magawang lumunok at parang maisusuka niya ang kung anong pagkaing subukan niya.
"Same." Jakob stood up straight. "Pupunta ako sa pantry ngayon. Gusto mong kumain? I need coffee."
Pinag-isipan na rin muna ni Anya kung sasama ba siya sa pantry. Gusto niyang tumanggi, pero katawan na rin mismo niya ang trumaydor sa kaniya nang kumalam ang sikmura niya. Ang nakakahiya, tumunog pa iyon. Nagkatinginan sila ni Jakob. Umiling ito at mahinang natawa bago siya nilagpasan at naunang maglakad.
Naisip din ni Anya na kuhanan ng pagkain si Nicholas. Babalik na rin siya sa kuwarto nila pagkatapos niyang kumain.
May ilang night ranger sa pantry pagpasok nila. Sabay-sabay na tumayo ang mga ito nang makita si Jakob. Dumiretso naman si Anya papunta sa buffet counter. Kaagad siyang binati ng mga naka-night duty at itinanong kung ano ang gusto niya.
Mayroong chicken sotanghon, giniling na mayroong mga patatas at carrots, kanin, pritong talong, pritong karne ng baboy, at pritong isda.
Chicken sotanghon ang pinili ni Anya dahil gusto niya ng mainit na sabaw. Sinubukan din niyang manghingi ng ininit na tinapay na ibinigay rin sa kaniya. Nagsabi siya na pagkatapos din niyang kumain, manghihingi siya para kay Nicholas.
Naghanap si Anya ng bakanteng upuan, sa pinakadulo, sa tabi mismo ng pader para tahimik. Nakaramdam din siya ng antok at pagod na para bang babagsak ang katawan niya. Siguro dahil sa gutom na rin.
While eating, Anya observed the entire pantry. Maaliwalas ang itsura nito dahil napaliligiran sila ng glass walls. Sobrang galing dahil nakikita nila ang labas. Nakikita ang daan na mayroong ilaw, ang mga bulaklak at halaman sa paligid na well-maintained, at kung tutuusin, mukha itong school cafeteria noong nag-aaral pa siya.
She missed everything. What happened stole everything from everyone. Dahil sa kagagawan ng iba, sila ang naghihirap.
Nilingon ni Anya ang pinto nang makita si Nicholas. Halatang kagigising lang nito at salubong ang kilay na lumapit sa kaniya. Naupo ito sa tabi niya at hinalikan siya sa gilid ng noo.
"Sorry, nakatulog ako," paumanhin ni Nicholas. "Sana ginising mo 'ko para hindi ka na bumaba at ako na lang ang kumuha ng pagkain mo."
"Okay lang." Sinapo ni Anya ang kaliwang pisngi ni Nicholas bago ito hinalikan sa gilid ng labi. "Gusto mo bang ikuha kita ng food mo?"
Umiling si Nicholas at ngumiti. "Ako na. Kanina ka pa ba rito?"
"Hindi naman." Inilibot ni Anya ang tingin sa lugar para hanapin si Jakob. Nasa counter ito, nakasandal doon, at nakayuko. "Ayon si Boss Jakob. Inaya lang niya akong kumain dito kasi galing kami sa infirmary."
Nagsalubong ang kilay ni Nicholas. Ginamit nito ang likuran ng kamay para tingnan kung mainit ba siya o ano. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?"
Umiling si Anya at ngumiti. "Wala." Mahina siyang natawa. "Hindi kasi ako makatulog kanina kaya sinubukan ko lang bumaba. Gusto ko sanang pumasok sa loob, gusto kong makita si Kuya, pero hindi ako pinapasok ng nurse."
Hindi sumagot si Nicholas na hinahaplos ang likuran ni Anya.
"Pero pinapasok ako ni Boss Jakob noong makita niya ako sa labas. Saglit lang, pero at least . . ." Huminto si Anya sa pagsasalita at suminghot. "At least nakita ko siya. Hindi pa rin kasi siya okay. Sabi ng doctor, hindi pa rin siya gumigising and under observation pa rin siya."
Nakita ni Nicholas ang pamumuo ng luha ni Anya habang nakatingin sa kaniya. Bumagsak na nga ang ilang butil pa bago nito inihiga ang ulo sa balikat niya.
"Mahal, gusto ko nang makausap si Kuya. Ang dami niyang sugat. May mga daplis pa pala bukod sa tama talaga ng bala," pagpapatuloy ni Anya. "Gusto ko na siyang makausap."
"Soon. Baka nagpapahinga lang siya sandali. Imagine, for five years, takbo lang siya nang takbo noon." Sinubukan ni Nicholas na pagaanin ang lahat. "Baka sinusulit niya ang tulog kasi alam niyang paggising niya, kukulitin mo na ulit siya."
"Kukulitin ko talaga siya!" Umalis si Anya sa pagkakahiga sa balikat ni Nicholas at ipinatong ang baba roon habang nakasibi kasabay ng muling pagbagsak ng luha sa magkabilang pisngi. "Ayaw ko kayong mawalang dalawa sa 'kin. Please. Tama na sina Patrick at Faith. Ayaw ko na."
Ang tahimik na pag-iyak ay naging hagulhol at hindi na iyon napigilan ni Anya. Nicholas looked around when the night rangers stopped talking and subtly looked at their side.
Mahigpit ang pagkakawak ni Anya sa damit niya. Halos malukot na iyon habang nakasubsob ang mukha sa braso niya.
Anya was mumbling words they couldn't understand except for a name. Faith.
Nakita ni Nicholas si Jakob na naglalakad palabas ng cafeteria. Gusto sana niyang magpasalamat sa pagpayag nitong makita ni Anya si Austin, pero nakaalis na ito. He gazed at the other rangers and mouthed sorry, but everyone shook their head and nodded with a thumbs up. Everyone thought that Anya and Austin were siblings. Pinanindigan na rin kasi ng dalawa iyon.
Austin was a huge part of Anya now. Si Austin ang madalas na nagbibigay ng pagkain ni Anya sa trabaho. Kapag lumalabas ito, palaging may pasalubong kahit pa candy lang. Kapag wala siya, ang dalawa ang sabay na kumakain.
Nicholas knew that Austin would do anything for Anya. Napatunayan niya iyon umpisa pa lang, noong magkasakit si Anya at si Austin ang lumabas para maghanap ng gamot.
Austin even killed someone just to make sure Anya would get anything.
Nang matapos kumain, bumalik sila sa kuwarto. Nag-iiba na ang kulay ng kalangitan. Panibagong araw na naman at habang nakahiga sa kama, katahimikan ang bumalot sa kanila. Nakatalikod si Anya kay Nicholas habang hinahaplos nito ang buhok ng kasintahan.
"Tulog ka muna," bulong niya at hinalikan ang gilid ng noo ni Anya. "Mahal, sorry. Magiging okay ka ba mamaya? May kailangan kasi kaming tapusin sa garage. Papasok ako kahit half day."
"Okay lang. Balak ko na rin kasing pumasok mamaya," sagot naman ni Anya. "Gusto ko na lang din maging busy kasi wala naman akong gagawin. Sabay na lang tayong mag-lunch mamaya, ha?"
Tumango si Nicholas at muling hinalikan ang pisngi ni Anya. "I love you."
Anya faced Nicholas and kissed his lips while caressing his cheek. "I love you. Sorry, kasi palagi akong pabigat sa 'yo. Babawi ako sa susunod, ha? Just . . . last na 'to."
"Hindi naman kailangang mag-sorry." Nicholas caressed Anya's chin using this thumb. "Tulog ka muna. Maaga pa naman. Gigisingin na lang kita 'pag papasok na tayo sa work."
Anya nodded and turned around. Mas komportable siyang matulog nang nakatalikod kay Nicholas. Nasanay na rin siguro siya dahil mas gusto niyang hindi nito nakikitang umiiyak siya o kaya naman ay hindi nakatutulog.
. . . but surprisingly, Anya was able to sleep. Wala na rin si Nicholas pagkagising niya, pero may note sa dining table katabi ang pagkain. Tumingin siya sa orasan. After lunch na rin pala. Hindi niya inasahang magiging mahaba ang tulog niya.
Anya felt a little refreshed especially after taking a bath. Dumaan muna siya sa laundry para humingi ng pasensya dahil hindi na naman siya nakapasok. Imbes na magalit, niyakap siya ng dalawang may-edad na kasama sa laundry dahilan para maiyak na naman siya.
Everyone around Escarra was waiting and rooting for the healing of Austin and the two other rangers. Pare-pareho nilang ayaw may mawala kahit na isa.
Dumaan na muna si Anya sa garage para kumustahin si Nicholas, pero nasa meeting daw ito kasama ang ilang katrabaho. Dumaan siya sa daycare para tingnan ang mga bata, pero nag-uwian na rin daw dahil napagod sa kalalaro.
Last stop ni Anya ang bahay ni Jakob. Hindi pa siya tapos sa ipinagagawa nitong paglinis ng library. Binati siya ng dalawang ranger na nakabantay sa pinto ng bahay ni Jakob at kinumusta. Madalas niyang makakuwentuhan ang dalawa dahil ka-close rin ito ni Austin at napalapit na rin sa kaniya simula nang magtrabaho siya sa bahay ni Jakob.
Pumasok si Anya at tulad ng dati, tahimik ang bahay. Mukhang nakapaglinis na rin si Ate Rose dahil walang kalat o kahit kaunting alikabok man lang kaya dumiretso na siya sa third floor para simulan ang paglilinis.
Wala siyang idea kung nasa bahay ba si Jakob. Gusto niyang magpasalamat sa ginawa nito noong madaling-araw para makita niya si Austin. Bawal, pero pinayagan siya.
Pagpasok sa loob ng library, unang binuksan ni Anya ang bintana. Hinawi niya ang makapal na kurtina at binuksan ang glass window para pumasok ang hangin at liwanag. Malalim siyang huminga habang nakatingin sa buong Escarra dahil kita iyon mula sa itaas ng bahay ni Jakob.
Bigla niyang naisip na sa unang pagkakataon, silipin ang rooftop. Never niyang ginawa dahil natatakot siya kay Jakob, pero curious siya kung anong side ng Escarra ang kita roon. Sana lang hindi siya makita ni Jakob. Mukhang natutulog naman ito.
Hawak ang isang libro, lumabas si Anya papunta sa rooftop. Medyo mainit at masakit sa balat, pero may kaunting hangin kaya maaliwas pa rin. Kita ang kabilang side ng Escarra mula sa rooftop. Nandoon ang ilang pribadong bahay ng ilang nakatira sa loob. Nandoon din ang malaking gusali na mayroong tatlong palapag. Hindi pa niya napupuntahan ang side na iyon dahil off limits silang lahat.
May mga truck na nakaparada roon. Mayroong mga nagtatrabaho rin.
Anya stretched her back and yawned but immediately stopped when she heard a deep chuckle from behind only to realize Jakob was lying on a sofa by the rooftop. Nakapikit ito ngunit nakangiti. Nakapatong din ang braso sa noo.
"That's a long yawn," Jakob said in a low voice. "Okay ka na? Ready ka nang maglinis ulit? If not, go home and sleep."
"Ayos lang, boss. Para maging busy ako ulit." Ngumiti si Anya. Patagilid na tumingin sa kaniya si Jakob. "Thank you ulit sa pagpayag mong makita ko si Kuya."
Hindi sumagot si Jakob na nakatitig lang sa kaniya. Wala na ang ngiti sa labi. Matagal itong nakatitig sa kaniya at seryoso ang mga mata. Walang kahit na anong reaksyon ngunit nangunot ang noo. Hindi niya alam kung bakit hanggang sa maingat ito na bumangon at basta na lang siyang iniwan sa rooftop.
"Boss?"
Tumigil sa paglakad si Jakob at nilingon siya. "What?"
"Pagaling ka," sabi niya at nginitian ito. "Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako. Nasa library lang ako. Kung kailangan mo ng pagkain, ako na ang kukuha. J-Just let me know what you need."
Matagal na nakatitig sa kaniya si Jakob. "I will," sagot nito bago tumalikod.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top