Chapter 16

Sabay na tumayo sina Anya at Ella, ang teacher sa daycare, nang marinig ang malakas na sirena. Alarm iyon kapag mayroong nangyayari sa labas o mayroong banta ng paglusob. First time niya iyong marinig, pero sinabihan siya ni Austin tungkol doon.

"Anya, kaya mo bang buhatin si Karen?" Itinuro nito ang batang nakaupo sa swing. "Kailangan kasi natin silang iuwi, ilagay sa safety room."

Tumango si Anya at kaagad na nilapitan si Karen. Binuhat niya ito. Hinawakan din niya ang kamay ni Marky, ang isa pang batang lumapit sa kaniya dahil natakot sa sirena. Hawak naman ni Ella ang dalawa pang batang tumakbo habang umiiyak.

Maingat silang lumabas ng park. Sinalubong sila ng limang ranger para tulungang ipasok ang mga bata sa safety room. Nakasunod sila ni Ella ngunit tumigil si Anya sa pagtakbo at nilingon ang pagbukas ng malaking gate. Nakita niyang nagtakbuhan ang ilang ranger papalapit doon. Bukod sa alarm, naririnig nila ang mga busina ng mga sasakyan mula sa labas.

Pagbukas ng gate, nagmamadaling pumasok ang tatlong sasakyan sa loob ng Escarra. Alerto ang mga bantay na nasa itaas ng poste at ang ilan naman ay nagmamadaling isara ang malaking gate.

"Anya!" sigaw ng isang ranger na lumabas mula sa safety room. "Pumasok ka sa loob. Samahan mo si Ella na asikasuhin 'yung mga bata. Please!" pakiusap nito bago tumakbo papunta sa gate.

Nilingon niya ang safety room at nakita si Ella na naghihintay sa kaniya buhat ang isang batang umiiyak. Hindi pa rin kasi tumitigil ang alarm. Gusto man niyang makita kung ano ang nangyari, kailangan niyang tulungan si Ella. Kaagad niyang nilapitan ang mga bata at sinabing gayahin ang gagawin niya kung saan tatakpan ang mga tainga habang nagbibilang.

NAGMAMADALING tumakbo si Nicholas kasama ang mga tagagarahe nang marinig nila ang malakas na alarm. Iyon din ang unang beses niyang marinig iyon sa Escarra at sobrang lakas. Masakit sa tainga. Literal na nakaaalarma kaya halos lahat sila, tumigil sa pagtatrabaho.

Habang nasa labas ng garage, nakita nila ang mabilis na patakbo ng mga sasakyang galing sa labas. Hind iyon normal lalo na at dumiretso ang mga ito sa infirmary.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Nicholas sa isang ranger na nakasunod sa sasakyan.

"Hindi ko pa rin alam." Umiling 'to. "Pero mukhang may mga sugatan. Ngayon na lang ulit nag-alarm nang ganiyan."

Hindi na nakasagot si Nicholas. Nagpaalam na rin muna siya kay Ace na pupuntahan sandali si Anya. Dumireto siya sa safety room para sa mga bata dahil iyon ang sinabi sa kaniya ng isang ranger na naka-assign sa lugar.

Binuksan niya ang pinto at naabutan si Anya na nakasalampak sa rubber mat at inaayos ang buhok ng isang batang babae habang binabasa ang librong hawak nito. Malapad itong nakangiti, malayo sa inaasahan niyang may takot.

Sumandal si Nicholas sa hamba ng pinto habang pinanonood si Anya. Mahaba na ang buhok nito kumpara noon. Unti-unti nang nakikita kung gaano kaganda ang buhok ni Anya. It was soft, shiny, and straight. Hindi rin iyon itim.

"O, Anya. Si Nicholas." Pagturo ni Ella sa kaniya. Tumingin naman si Anya at kumaway. "Pasok ka!"

Umiling siya at ipinakita ang kamay na medyo marumi. Hindi man lang pala siya nakapaghugas kaya mayroong mga mantsa ng langis mula sa mga sasakyang ginagawa nila.

"Hintayin na lang kita sa labas," sabi niya kay Anya. Dumiretso siya sa park na hindi kalayuan at naupo sa bench na nasa ilalim ng puno.

Pinagmasdan ni Nicholas ang lugar. Walang mga tao. Kung sa normal na pagkakataon, pakalat-kalat ang ibang residente ng Escarra dahil hapon na, hindi na ganoon kainit, at madalas na nasa park para man lang huminga. Lalo na ang mga may kaya—ang mga nakatira sa may kalakihan at kaniya-kaniyang bahay.

"Ano ang nangyari?" pambungad na tanong ni Anya nang makita si Nicholas. "Bakit sila nagkakagulo kanina?"

"Wala pa akong balita, e." Umiling si Nicholas at ngumiti. "Kumusta ka, mahal?"

Naupo si Anya sa tabi ni Nicholas. Nakita niya ang mga dumi sa kamay nito kaya kinuha niya ang panyong nasa bulsa para sana punasan, pero kaagad iyong inagaw ni Nicholas na natatawa pa.

"Lilinisin ko." Patagilid na tiningnan ni Anya si Nicholas at nginitian.

Umiling si Nicholas. "Huwag na. Sayang 'yung panyo mo kasi langis 'to, e." Ipinakita nito ang kuko na may mga itim dahil sa langis. "Tingnan mo, medyo mahirap talaga siyang alisin."

Anya was about to say something when a ranger walked towards them. Nagkatinginan pa sila ni Nicholas at parehong nilingon ang likuran. Pareho silang nagtataka kung bakit ito papalapit sa kanila.

"Pinatatawag kayo sa infirmary ng head nurse," sabi nito at tumalikod na nang walang ibang sinasabing kahit na ano.

Biglang kumabog ang dibdib ni Anya. Nilingon niya si Nicholas. "S-Si Kuya Austin? K-Kasama ba nilang lumabas?"

"Hindi ko alam." Mabagal na umiling si Nicholas. "P-Pero hindi pa kami nagkikita ngayong maghapon."

Anya fisted and started walking faster. Naramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi pa rin niya nakikita si Austin buong maghapon at hindi sila ipatatawag sa infirmary nang walang dahilan. Halos takbuhin na nila ni Austin ang daan mula sa park hanggang infirmary at nang makarating, hindi nila magawang pumasok sa loob.

"Baka may daplis lang." Nicholas tried to be positive. "Si Austin pa ba, bato-bato 'yun."

Pinilit ni Anya ang ngumiti kahit na may takot sa dibdib niya. Nilingon niya si Nicholas na hinawakan ang kamay niya papasok. Pinagbukasan sila ng isang ranger at naramdaman kaagad nila ang lamig mula sa loob. Narinig nila ang ingay mula sa mga nag-uusap, ang amoy malinis ngunit nahahaluan ng iba.

JAKOB tried so hard not to feel the pain but couldn't. Ericka, one of the doctors inside Escarra, cleaned his wound and checked if he was okay. Nakaupo siya sa kama at isinandal ang ulo sa pader na nasa likuran ng hospital bed nang subukuan ni Ericka na tanggalin ang bala sa loob ng kanang braso niya.

"Boss, sa loob na lang tayo ng operating room," mahinang sambit ni Ericka.

Umiling si Jakob. "Prioritize the others. Kaya mo na 'to rito. Where's the oth—" Tumigil siya sa pagsasalita nang marinig ang pamilyar na boses nina Anya at Nicholas.

Nakabukas ang kurtina kung nasaan siya. Nasa pinakadulong kama siya kung saan malapit ang pinto papunta sa main part ng infirmary kung nasaan ang operating room at ICU.

"Kumusta po si Kuya Austin?" tanong ni Anya.

"Nasa loob siya ng operating room ngayon kasi matindi ang tama niya. Maraming dugo rin kasi," sabi ni Mary. Nakikinig lang si Jakob habang nakatingin kay Anya na mahigpit na nakahawak sa braso ni Nicholas. "Sasabihan ko kayo mamaya kung ano ang lagay niya. Sa ngayon kasi hindi pa rin talaga namin a—"

"You're not allowed in here." Mababa ang pagkakasabi ni Jakob habang nakatingin kay Anya. Sabay-sabay na tumingin ang tatlo sa kaniya. "Lumabas ka."

Nakita ni Jakob kung paanong magsalubong ang kilay ni Anya habang nakatingin sa kaniya. Tiningnan nito ang braso niya, ang pantalon niyang puro dugo, at kamay niyang nakakuyom bago ibinalik ang tingin sa kaniya.

"B-Boss . . . ," Anya uttered, and tears started rolling down her cheeks.

"Sabi ko lumabas ka," seryosong sambit ni Jakob. Nagsalubong ang kilay niya. "Nicholas."

Jakob saw how Nicholas held Anya's hand who was still looking at him. Nang mawala ito sa paningin niya, hinarap niya si Mary na nakatingin sa kaniya. There was an apologetic look on her face.

"Huwag mong papapasukin si Anya rito hangga't hindi maayos si Austin," utos niya. "Balitaan mo ako sa lahat ng mangyayari dito sa loob. Gusto ko ng update sa lahat ng nasugatan lalo na sa tatlong nasa operating room."

Tumango si Mary at humarap sa lalaking bagong dating. Narinig niyang tinanong nito kung maayos lang ba siya at kung puwede ba siyang kausapin sandali.

"Anong meron?" Napapikit si Jakob nang indahin ang nililinis na sugat.

"Nasa gate si Ares. Bukod sa sasakyan niya, merong dalawa pa," sabi ng ranger na nasa harapan niya. "Permission to let them in."

Isang tango ang isinagot ni Jakob bago muling isinandal ang ulo sa pader. He called for help. Ares brought doctors from his group and for sure, may dala itong mga gamot. Nangyayari pa lang ang atake, nagpadala siya ng signal sa mga kaibigan niya para kung sakali mang may mangyaring hindi maganda sa kaniya, ang mga ito ang bahala sa Escarra.

MABAGAL ang paglakad ni Anya habang nakasunod sa kaniya si Nicholas. Gusto niyang malaman kung kumusta ang lagay ni Austin, pero ayaw siyang sagutin ng iba ang tanong niya. Lahat ng ranger na kasamang lumabas, tahimik.

Nilingon ni Anya ang sasakyang paparating. Malaking itim na sasakyan. It was a Mercedez Benz Off-road car. Kasunod niyon ang dalawa pang malalaking sasakyan at huminto ang mga ito sa infirmary.

Unang lumabas ang lalaking nasa unang sasakyan. Naka-all black ito. Naka-hood at mayroong takip ang mukha. Ipinalibot nito ang tingin sa lugar. Sumunod na lumabas ng sasakyan nito ang anim na naglalakihang aso. Six dobermans with spikes on their neck and straps around their body. The black and brown coats were shining, too. The six dogs looked healthy and muscular. Ears up, intimidating look . . . like their master.

Lumabas din sa dalawang sasakyan ang walong lalaki bitbit ang malalaking maleta. Mayroon ding kinuha ang mga ito sa likuran ng sasakyan, parang mga medical machine, hindi sigurado si Anya.

Anya observed. Tinanggal ng lalaki ang hood sa ulo, ganoon din ang itim na nakaharang sa mukha nito. Inutusan nito ang mga kasamang pumasok sa loob at bilisan ang bawat kilos. Ramdam niya ang awtoridad, parang kay Jakob.

"Stay." Itinuro nito sa mga aso ang gilid ng pinto na walang masyadong tao.

Anya was in awe when the dogs sat and looked up to their owner. How the dogs' back muscles flexed, and their ears perked up even more as if ready to do something when told.

Sa ilang buwan, iyon ang unang beses niyang makakita ng aso kaya matagal niyang tinitigan ang mga ito.

"Tubig ka muna." Iniabot ni Shaun ang bote ng tubig. "Nakakuha ako ng information sa mga ranger," sabi nito sa kanila ni Nicholas.

Katabi niya si Nicholas, naghihintay rin ng sasabihin ni Shaun.

"Pabalik na raw sila rito galing sa hacienda St. Pierre. Kumuha kasi sila ng stocks kaso mukhang tinambangan sila ng mga rebelde," kuwento ni Shaun. "Pinaulanan sila ng bala. 'Tangina, e. Make-shift lahat ng baril nila, pero putangina . . . ."

Mabilis ang tibok ng puso ni Anya habang nakikinig kay Shaun.

"Lumabas daw sa itaas 'yung lima para bumawi. Sila ang bumaril sa mga rebeldeng bumabaril sa kanila." Huminto si Shaun at tumingin kay Anya. "Isa sa lima, si Austin."

Anya bit her lower lip and started sobbing. "M-May balita ka ba kay Kuya Austin?"

Umiling si Shaun. "Wala pa sa ngayon. Bawal kaming pumasok sa loob, e. Iyang dumating, si Ares. Best friend 'yan ni boss. Sa kanila galing ang mga gamot at medical equipments dito kasi dating may-ari ng pharma company ang pamilya nila. Ultimo mga sabong gamit natin, sa kanila galing kasi may mga chemist siya."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Anya sa narinig. Hindi niya alam na mayroon pa ring ganoon. Noong nasa labas sila, wala silang idea sa buhay ng ibang grupo. Ni hindi na nila nagawang itanong o kuwestyunin kung saan nanggagaling ang mga kinakain nila dahil mas focused silang maibsan ang gutom.

They all waited outside the infirmary. Madilim na. Inaya na silang kumain sa pantry, pero pare-pareho silang walang gana, lalo na sina Anya at Nicholas na nakaupo sa plant box at naghihintay ng update.

Lumabas sa pinto si Jakob kasabay si Ares. Sabay-sabay namang tumayo ang mga asong kanina ay nakahiga sa gilid ng pinto at sumunod sa among naglalakad.

Nakasuot si Jakob ng arm sling support. Salubong ang kilay nito habang nakikipag-usap sa mga ranger na nasa labas ng infirmary. Dumaan ang tingin nito sa kaniya habang patuloy na naglalakad.

Sunod na lumabas ng pinto si Mary na parang mayroong hinahanap. Nagtagpo ang mga mata nila at ito na mismo ang lumapit sa kanila.

"Katatapos lang ng operation kay Austin." May lungkot sa boses ni Mary dahilan para mas lalong makaramdam ng kaba si Anya. "Medyo natagalan, pero buti na lang din dumating ang mga doctor galing kina Ares. Sila ang nagtuloy ng operation kay Austin."

"A-Ano'ng balita po?" tanong ni Anya. "Kumusta po siya? Puwede po ba namin siyang makita?"

Umiling si Mary at tipid na ngumiti. "Hindi na muna. Nasa ICU kasi siya ngayon and under observation pa siya. Wala munang puwedeng bumisita hangga't hindi sinasabi ng doctor. Medyo . . . marami rin kasing nakadikit sa kaniya ngayon."

Ayaw mang itanong ni Anya, pero kailangan. "A-Ano po ba ang nangyari? Bakit po ganoon ang naging lagay niya?"

"May tama siya tagiliran. Nataaman ng isang bala ang isang kidney niya. Ang isa naman ay nag-cause ng trauma sa lungs niya. Ito lang muna ang masasabi ko ngayon, pero medyo hindi maganda ang naging lagay ni Austin," pag-amin ni Mary. "Siguro kung sakali man, baka mapakiusapan natin ang doctor bukas kung puwede kayong pumasok."

Tumango si Anya. Pinag-cross niya ang dalawang braso para yakapin ang sarili habang iniisip ang kalagayan ni Austin. Humarap siya kay Nicholas na hinila siya para yakapin. Nakakuha siya ng pagkakataon para isubsob ang mukha sa dibdib nito at humagulhol. Hindi na niya pinigilan ang sarili niya kahit na may ibang nakatingin o nakaririnig.

Gusto niyang makita si Austin.

JAKOB gazed at Tristan who was talking about him resting. Alam kasi nitong babalikan niya ang mga gumago sa kanila. Hahanapin niya ang mga ito at wala na siyang pakialam kung ano ang magagawa niya.

"Palipasin mo na muna," sabi ni Tristan. "Magpahinga ka muna. Magpagaling ka. Tutulungan ka naman namin, pero ngayon, just rest."

"Do you think matatahimik 'yan knowing three of his rangers were in critical condition?" sabi ni Martin. "But same. I would suggest na matahimik ka na muna or contact you—"

Tumigil sa pagsasalita si Martin nang sipain ito ni Ares mula sa ilalim ng lamesa.

"What the fuck, Ares! Ano ba ang problema mo?" galit na tanong ni Martin. "Putangina mo, masakit."

Tristan snorted and frowned. Jakob gazed at Ares who looked at him sideways. Magkatabi kasi silang dalawa, nasa harapan naman nilang dalawa sina Martin at Tristan. Nasa pantry silang apat para kumain at pag-usapan ang nangyari. Jakob wanted to eat inside his house, but his friends were up to something.

"Sabi sa inyo, e. Buti na lang dito tayo kumain sa pantry," natatawang sabi ni Ares.

Ngumuso ito na itinuro kina Martin at Tristan ang pinto. Agad namang tumalikod ang dalawa para tumingin, ganoon din si Jakob.

Pumasok si Anya kasabay sina Nicholas at Shaun. Nakatayo ang tatlo, naghahanap ng bakanteng upuan. Kita ang pamamaga sa mga mata ni Anya, ganoon din ang pamumula ng ilong nito dahil na rin sa pag-iyak.

"That's her," bulong ni Ares. "The 'putangina I want her' girl."

Tristan and Martin snorted because of how Ares introduced Anya. Jakob just shook his head without a word. He stared at Anya, who sat four tables away but still enough for them to see.

"The boyfriend," pasimpleng sabi ni Ares nang dumaan si Nicholas sa kanila.

Tristan and Martin were still looking at Anya.

"Stop staring," Jakob commanded.

"Putangina mo rin, e. Masama bang tingnan?" pang-aasar ni Ares. "Possessive ka ba?"

Malakas na natawa si Tristan. "Hindi naman kaniya."

Jakob didn't smile or laugh, unlike his three friends. He was focused on Anya's face who looked down and withdrawn. Nakatingin ito sa kung saan, nakatitig. Malalim ang iniisip dahil na sa nangyari kay Austin.

Tristan, Ares, and Martin noticed that Jakob wasn't in the mood to respond. They all looked at their best friend, who was soulfully staring at Anya, and worry was written on his face.

"Ikaw ang may tama ng baril," paalala ni Martin. "Magpahinga ka na mamaya sa bahay mo."

Jakob didn't say a word. He comfortably sat and squinted. Iniikot-ikot niya ang tubig sa basong hawak habang nakatitig pa rin kay Anya.

Ares looked at Tristan and Martin. They all looked at Jakob with a side-eye. They didn't know what was happening inside their best friend's mind this time. 



T H E X W H Y S
www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys