Chapter 12
Pasimpleng nilingon ni Anya si Jakob na nakaupo sa mahabang lamesa habang nakikipag-usap sa isang night ranger. Hindi niya inasahang tatanggapin nito ang offer niyang kape dahil noong unang meeting naman nila, naging snob ito sa kaniya.
Malalim siyang huminga nang matapos magtimpla. Dadalhin lang niya ang kape nito sa lamesa at saka siya maghahanap ng bakanteng upuan na puwede niyang tambayan habang naghihintay kay Nicholas.
May ilang night ranger na kumakain sa pantry. Bukod sa kanila, may mga naglilinis ding all-nighter na naka-assign dito.
Tumigil sa pagsasalita si Jakob nang makita siya. Umalis naman ang night ranger na kausap nito. Bahagya siyang tumango kay Jakob na walang naging reaksyon at diretsong nakatingin sa kaniya.
"Kape n'yo po. Enjoy po kayo." Ngumiti si Anya at umatras.
Walang naging sagot si Jakob. Komportable itong nakaupo, bakapatong ang siko sa katabing upuan, at nakatingin sa kaniya. Tiningnan ang kape bago ibinalik ang tingin sa kaniya.
"You can sit there." Itinuro ni Jakob ang upuan sa harapan nito mismo. "Anya, right?"
Tumango si Anya at kinagat ang ibabang labi. Hawak pa rin niya ang libro. "Yes po."
"Galing ka sa library? You love to read?" tanong ni Jakob. Seryoso ang pagkakatanong. Kinuha rin nito ang kutsarang nasa ibabaw ng platito at hinalo ang kape.
"Kanina po noong wala na akong ginagawa. I hope that's okay. I know na para sa mga bata 'yung library. Natuwa lang talaga akong meron pa rin palang mga libro." Ngumiti si Anya.
Kinuha ni Jakob ang kapehan at hinipan iyon. Sumimsim ito nang kaunti bago muling ibinalik sa ibabaw ng platito. Malalim itong huminga na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"Maiwan ko na po kayo. Hindi ko na po kayo aabalahin dito," sabi ni Anya na kinuha ang cup sa lamesa. "Enjoy your coff—"
"It's fine. You can sit there." Nakatingin si Jakob sa bakanteng upuang nasa harapan nito. "Wala naman akong ibang gagawin. I have time and hindi ka abala."
Naiilang man, naupo si Anya sa tapat ni Jakob. Ibinaba niya ang libro sa gilid. Gamit ang dalawang kamay, kinuha niya ang coffee cup at hinipan iyon. Nakatingin siya sa cup habang maingat na sumisimsim dahil mainit iyon.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila ni Jakob. Nasa iisang lamesa sila, umiimon ng kape, ngunit walang nagsasalita. Tumunog na rin ang orasan, indication na alas-dose na at mas lalong bumigat ang dibdib niya dahil wala pa rin sina Nicholas.
"They're gonna be okay. Pabalik na sila rito, sigurado ako," paniniguro ni Jakob kay Anya. "How are you here? Naka-adjust ka naman ba rito sa Escarra? Nahihirapan ka ba?"
Nakagat ni Anya ang ibabang labi sa tanong ni Jakob. Umiling siya dahil totoo naman. Hindi siya nahihirapan. "Okay naman po ang life rito sa Escarra. Medyo nahirapan lang mag-adjust kasi parang nasanay ako sa labas. M-Medyo nahihiya akong kumain." Tumigil siya sa pagsasalita nang makita kung paanong nagsalubong ang kilay ni Jakob.
"Bakit ka nahihiya?" seryosong tanong ni Jakob at ipinalibot ang tingin pantry. "You can have anything here."
"I know." Anya nodded and looked down. "For years, siguro nasanay ako sa . . . don't mind me."
"Go on." Jakob squinted and relaxed. "Just talk."
Anya breathed and didn't want to overshare, so she started commending Jakob about Escarra. Nagpasalamat siya sa pagtanggap sa kanila, sa hindi pagpapaalis, at sa pagtulong para kahit paano, maging komportable ang buhay ng mga nakatira dito.
Ipinagpasalamat niyang hindi na ito nagtanong ulit tungkol sa pagkain. Patuloy itong sumisimsim ng kape habang nakatingin sa kaniya. Minsang tumatango sa mga sinasabi niya.
"So, ano'ng paborito mong lugar dito sa Escarra?" tanong ni Jakob.
Naningkit ang mga mata ni Anya habang iniisip kung ano nga ba. "Halos lahat naman po, pero gusto ko po talaga 'yung malaking puno sa gitna. 'Yung malapit po sa daycare? Ang relaxing kasi niya. Sa labas kasi hindi ako puwedeng exposed kaya hindi ako nakalalabas."
"Bakit?" Nag-cross arms si Jakob. "You mean, noong nasa labas kayo, nagtatago ka lang?"
Tumango si Anya at pinilit na ngumiti habang inaalala ang panahong kinakailangan niyang magtago.
"You mean to say, you cut your hair just so you can hide better?" Muling huminga nang malalim si Jakob na para bang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Para isipin ng iba na lalaki ka?"
Nahihiya man, tumango si Anya bilang sagot. "D-Delikado kasi. Sa first unit ko kasi noon, may kasama kami sa building na . . . na lumabas para maghanap ng food para sa kanila, pero . . . pero nalamang babae siya. She was violated and she had no choice but to accept what happened. Kaya simula noon, hindi na talaga ako lumabas."
Jakob breathed and fisted. He heard stories about women being violated and killed. He then shook his head, picked up his coffee, blew the steam, looked around the pantry, and breathed. "Mabuti na lang din at nakapasok na kayo rito. Good that you're safe and that you'll be able to grow your hair again."
Anya giggled and brushed her hair using her fingertips. "Hindi naman 'to importante. Mas kampante ako na . . . na hindi na nahihirapan si Nicholas sa 'kin."
Jakob was about to say something when a group of men entered the pantry. He immediately saw Nicholas. The moment Anya turned around, he saw how her eyes lit up. Nawala ang pag-aalala rito. Tumayo ito para salubungin si Nicholas dahilan para mag-iwas siya ng tingin.
Tumayo si Jakob hawak ang coffee cup na malapit na ring maubos ang laman. Nilapitan niya si Neo para itanong kung ano ang nangyari.
"Naging maayos naman, boss. Wala kaming na-encounter sa labas na problema. Kahit sa daan," sagot ni Neo at ipinakita ang papel ng mga piyesang nakuha. "Kumpleto rin po lahat ng ibinigay nila."
"Good," mahinang sambit ni Jakob at hindi sinasadyang mapatingin kay Anya.
Nakahawak ito sa braso ni Nicholas habang tinatanong kung maayos lang ba ang lahat, kung kumain ba, kung nakapagpahinga, at kung gusto ng pagkain dahil kukuha ito sa counter.
Nakita ni Jakob kung gaano kalapad ang ngiti ni Nicholas. Tumingin ito sa kaniya—nakangiti at sumaludo, pero hindi niya iyon pinansin. Muli niyang hinarap si Neo para naman itanong kung kailan sisimulang ayusin ang mga tangkeng pandigma. Wala namang dahilan, gusto lang niyang handa sila kung sakali man.
Habang nag-e-explain si Neo, naka-focus siya sa pakikinig kay Anya na hindi kalayuan sa kaniya. Hindi niya napigilang tingnan ang mukha nito. Hindi niya sinasadya.
Sa kabilang banda, hindi sinasadya ni Neo na mapansing wala sa mood makipag-usap si Jakob. Nasa harapan niya ito ngunit sa iba nakatingin. Nilingon niya si Ace, ang isa sa kasama nilang lumabas at nakikinig din kay Jakob, dahil pareho sila ng napansin.
Salubong ang kilay nito habang nakatingin kay Nicholas.
Sandali.
Mali.
Sa girlfriend ni Nicholas.
Nang makumpirma ni Neo na kay Anya nga nakatingin si Jakob, nagkatitigan sila ni Ace. Nakita nila kung paanong patagilid na nakatitig si Jakob kay Anya, salubong ang kilay, at umalis nang hindi na nagpapaalam sa kanilang lahat.
—
Pagpasok nila sa kuwarto, inayos kaagad ni Anya ang mga damit ni Nicholas. Maliligo lang daw ito sandali bago sila kumain. Nagbaon na lang sila ng pagkain galing sa pantry. Naupo sa dining chair si Anya habang naghihintay kay Nicholas. Humikab siya nang sakto namang lumabas ito sa bathroom.
"Sabi ko kasi sa 'yo, kapag wala pa ako, matulog ka na, e." Natawa si Nicholas. Nakasuot ito ng puting T-shirt at itim na jogger pants. "Nagutom ka ba kanina?"
"Hindi naman. Gusto ko lang ng kape, saktong nando'n si boss. Nagtanong siya kanina kung kumusta ang stay natin dito sa Escarra. Sinabi ko naman 'yung totoo na okay lang," pagkuwento ni Anya. "Alam mo, you're right. He's intimidating, pero caring sa mga tao sa Escarra."
Nag-agree si Nicholas at naupo sa tabi ni Anya. "Oo. Sabi nga nina Neo, palaging mga taga-Escarra ang bukambibig ni boss. Sa limang taon daw, walang naging problema ang Escarra. Kahit minsan, hindi raw nagkaroon ng pagkakataong nagutom ang mga nandito. Hindi sila namroblema sa pagkain."
"Tingin mo, paano niya ginagawa 'yun?" nagtatakang tanong ni Anya. "Curious kasi ako kung saan galing lahat ng gamit dito. Kung bakit kumpleto."
"Hindi ko rin alam, mahal. Hindi kasi siya scope ng job ko kaya wala rin talaga akong idea. Ang alam ko lang, maraming connection sa labas si Jakob. Other than that, wala na akong ibang alam," pag-amin ni Nicholas. "Okay na rin siguro? The less we know, the better. Ang mahalaga lang naman sa 'kin, alam kong safe ka."
Anya nodded and agreed. Hindi na rin nila napag-usapan ulit iyon. Nagpatuloy sila sa pagkain. Pasimple niyang nililingon si Nicholas lalo na kapag humihikab ito. Wala naman daw itong gagawin kinabukasan at sa loob ng Escarra ang trabaho.
It was a sigh of relief. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mag-aalala o masasanay pa ba siya na sa tuwing lumalabas ito, hindi siya makatutulog o mapapakali.
Anya wanted two things: their safety and security.
—
Mahigit isang buwan na sila sa Escarra at wala namang naging problema. Na-embrace na rin nila ang buhay sa loob. Hindi na rin masyadong nahihirapan si Anya sa pagkain dahil naka-adjust na siya. May guilt pa rin, pero wala na rin kasi siyang magagawa.
Kapag tapos na siya sa laundry, madalas siyang nakatambay sa library. Nakakakuwentuhan niya si Jannica, ang nagbabantay roon. Kapag wala naman silang mapag-usapan, nagbabasa siya ng mga libro. Ultimong law books, nabuksan na niya para lang malibang.
Nasa loob lang din naman ng Escarra si Nicholas kaya nagkita sila noong lunch. Sabay silang kumain kaya hindi siya masyadong nag-aalala.
When Anya saw that it was almost five in the afternoon, she immediately left the library. Balak niyang puntahan si Nicholas sa mismong garage at doon na maghintay. Nag-usap kasi silang magkakaroon sila ng "date".
Date meant they would just walk around Escarra while talking about things. Ganoon ang naging routine nila nitong mga nakaraan.
Suot ni Anya ang dress na tinahi ni Daisy—ang mananahi sa lugar. Nakita kasi nitong wala siyang matinong damit at puro oversized na damit ni Nicholas ang gamit niya.
It was just a simple floral below-the-knee dress. Mayroong garters ang manggas nito, ganoon din sa may dibdib. Sakto ang fitting sa kaniya dahil sinukatan talaga siya. Nanibago siya noong unang beses dahil halos limang taon na siyang hindi nagsusuot ng ganoon.
Anya reached the garage and waited outside Nakatayo lang siya sa pintuan. Tumingala siya para tingnan ang langit. Maaliwalas at medyo mainit, pero gusto niya ang golden hour.
Sa loob ng Escarra, normal ang lahat ngunit sa tuwing naaalala niya ang buhay sa labas, nalulungkot siya na hanggang ngayon, walang ideya ang mga tao tungkol sa lugar na ito.
"Nicholas! Si Anya, nasa labas na."
Jakob turned around the moment he heard Anya's name. He was still inside the garage, talking to Neo about some enhancements for the delivery truck. That was when he saw Nicholas leaving the place with a huge smile on his face.
"Sige!" rinig niyang sagot nito sa isang katrabaho. Tumingin ito sa kaniya. "Good afternoon, boss."
"Good afternoon," Jakob greeted in a low voice. "May dinner party mamaya sa HQ, ha? You should come."
Tumango si Nicholas. "Maraming salamat po sa invitation. Sige po."
"Y-You should bring your girl," Jakob said lowly.
"Itatanong ko po," natutuwang sagot ni Nicholas dahil hindi niya inasahang puwede pala si Anya. Balak palang niyang magsabi sa girlfriend niya tungkol doon. "Thank you po."
Jakob nodded and faced Neo.
Neo subtly shook his head when he noticed how Jakob's jaw tightened. Napansin na niya ito noon, na napadadalas ang tingin ni Jakob sa girlfriend ni Nicholas nitong mga nakaraan. Napadadalas din ang punta nito sa garage na hindi naman ginagawa dahil mas madalas na siya ang pinapupunta sa bahay.
At sa tuwing nasa garage ito, palaging nakatayo sa may hamba ng pinto na para bang mayroong inaabangan.
"Boss?" pagkuha ni Neo sa atensyon ni Jakob. Tumingin ito sa kaniya, salubong ang kilay.
"What?"
"Napansin ko kasi na . . ." Neo was hesitant, especially when Jakob's brows furrowed. "May gusto ka ba kay Anya?"
"What the hell are you talking about?" Jakob's voice raised a little and breathed. "You don't question me, right?"
Neo looked down and nodded. "Sorry, boss."
Jakob didn't say a word and just left. He didn't like the question. He didn't want someone asking questions about his personal life, and that question was personal.
Lumabas si Jakob nang hindi na lumilingon. Naabutan niya sina Anya at Nicholas sa labas ng garage, nag-uusap. Parehong tumingin sa kaniya ang dalawa. Nakangiti, pero naka-focus siya sa mukha ni Anya.
Anya smiled at Jakob when their eyes met, and he just looked at her with a dead stare. Natakot siya lalo nang magsalubong ang kilay nito. Natakot siya dahil baka bawal pala ang ginagawa niyang sumusundo sa trabaho.
"Nagalit yata siya." Humarap si Anya kay Nicholas. "Kumuha pala ako sa pantry ng apple kanina." Ipinakita niya iyon kay Nicholas galing sa bulsa niya. "Pina-slice ko kanina kay kuya sa pantry kaya nasa plastic na. Sorry, medyo maitim na siya."
Malapad na ngumiti si Nicholas at ipinalibot ang braso sa balikat ni Anya. Nagsimula silang maglakad habang pinag-uusapan ang tungkol sa bagong librong nabasa nito. Nagkuwento naman siya tungkol sa bagong sasakyang binubuo nila sa garage.
Imbes na maglakad, dumiretso sila sa park kung saan naglalaro ang mga bata. Nakaupo sila sa bench, pinanonood ang takbuhan ng mga ito. Ang iba naman ay nakasakay sa swing at slide.
Anya always wanted a child, but with the current situation, it wasn't ideal. Walang kasiguraduhan ang lahat. The safety and security inside Escarra were okay, but not enough to bear a child.
"Mahal, we never talked about this. But . . . do you even want kids?" Anya asked Nicholas.
Nicholas gazed at Anya and shook his head. "No. Ikaw?"
Anya's heart tightened. "No rin," she answered. Ayaw niyang ma-pressure si Nicholas. "Ang hirap, e. Pandagdag lang siya sa kakain dito sa loob ng villa. Hindi talaga practical."
"Mas gusto ko rin talagang tayong dalawa lang. At least wala tayong aalalahanin. Mas gusto kong ikaw na lang ang aalagaan ko." Ngumiti si Nicholas at malalim na huminga. "Panoorin na lang natin 'tong mga batang 'to. Ang cute nila, e."
Anya agreed, but there were thoughts inside her head. Nagpatuloy siya sa panonood sa mga bata. Pinagtatawanan nila ni Nicholas ang batang nasa putikan nang i-open nito ang topic tungkol sa party ng mga ranger mamayang gabi.
"Sure ka bang okay lang?"
"Oo. Si boss naman ang nagsabi na isama kita. I think isasama rin naman ng ibang ranger ang mga asawa at partners nila. Okay na rin 'yun, para may makilala kang iba," sabi ni Nicholas. "Balik na tayo sa kuwarto? Pahinga muna tayo sandali."
Kinagabihan, dumiretso sina Anya at Nicholas sa headquarters. Nasa labas ang mga ito at mayroong barbeque. Lumapit sa kanila si Austin na inabutan ng beer si Nicholas, juice naman ang kay Anya.
"Ang galing?" Salubong ang kilay ni Nicholas habang iniinom ang beer na nasa baso. "Meron pa pala nito?"
Tumaas ang balikat ni Austin. "Oo nga, e. Sabi ng ibang rangers sa 'kin, monthly raw talaga nagpapainom si boss sa mga ranger lalo na kapag walang naging problema. Ayun. Nagpakatay siya ng mga baboy kaya may barbeque."
Nagpaalam naman si Anya sa dalawa nang maamoy ang barbeque. Kumalam ang sikmura niya kahit hindi naman siya nagugutom. Parang nanubig ang bagang niya dahil doon. Nilapitan niya ang nag-ihaw at nakitang naka-stick pa talaga ang mga iyon.
"Puwede po ba akong kumuha ng isa?" tanong niya sa lalaking nagpapaypay ng baga.
Inabutan siya nito ng isa at itinuro ang mga sawsawan sa kabilang lamesa. Nandoon din ang ilang prutas, vegetable salad, at ilang pagkain. May drinks din tulad ng beer, juice, at tubig.
"Buti nakarating ka."
Nilingon ni Anya ang lalaking nagsalita. Si Jakob iyon, hawak ang isang baso ng beer. "Opo, sinama po ako ni Nicholas. Sabi n'yo raw po—"
"Ayaw ko ng po," seryosong sambit ni Jakob.
"O-Okay." Naiilang man ay tumango si Anya. "Sabi mo raw, puwede naman akong magpunta at sumama rito. Ang galing, saan kayo nakakakuha ng beer, pork, and fruits?"
Diretsong nakatingin si Jakob sa ibang kasama nila nang patagilid itong tumingin sa kaniya. May katangkaran kaya naman nakatingala siya habang nakatingin ito pababa. Walang naging sagot. Uminom lang ito ng beer.
Isinawsaw ni Anya ang barbeque sa suka. Kumuha siya ng pipino at basta na lang iyong kinain. Kumuha rin siya ng carrots na nakahiwa, pati ng lettuce.
"Here." Inabot sa kaniya ni Jakob ang isang plato na mayroong dalawang stick ng barbeque at maliit na bowl na mayroong sawsawan.
"H-Hindi na po." Umiling si Anya.
Ikinagulat niya nang basta na lang nito iyong ibinaba sa lamesa at iniwan siyang mag-isa. Tiningnan niya ang dalawang may-edad na babaeng nagsasandok ng mga pagkain. Nakatingin ang mga ito sa kaniya na para bang nagtataka.
"Kain po," pag-aya ni Anya sa dalawa. Kinuha niya ang ibinigay ni Jakob. Hinanap niya ito, pero wala na sa party.
Magpapasalamat sana siya . . . pero wala na.
—
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top