31- hunch


Dumaan ang dalawang araw. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Gian. I tried asking the other boys kung sino ba talaga si Zoey Chen pero wala naman akong matinong sagot na nakuha.

"The Yu girl?" tanong ni Kuya Onyx when I asked him. "I don't really know. Gian's fling, I think."

I should've known better than to ask. Though the other boys asked me afterward kung ano ba ang pinag-awayan namin ni Gian. They're curious as to why he's suddenly so elusive sa tuwing inaaya magpunta sa bahay. I didn't answer them. Ayokong magpaliwanag. I had my hunch pero hindi pa sigurado 'yon kaya ayoko rin magsalita talaga. Mathev and Kuya Jacob chose to keep mum, too, kasi sa tuwing nabi-bring up sa usapan 'yon, nanahimik lang sila.

Sa iilang araw na walang pasok, naging abala naman kami sa pagpaplano kung saan kami pupunta. We all agreed to go to Ilocos. Well, except for Gian. Ang kuya niya ang nagdesisyon para sa kanya.

Well? I didn't care if he was mad. Ako ang tama. I wasn't going to fold.

The morning of October thirty-first, the entire family, including my cousins, went to Bulacan. It was tradition that we go to our ancestral house in Bulacan every November first. Doon kasi nakalibing ang lolo at lola namin. We always have our Halloween party there kasama ang mga kapitbahay na naging kaibigan na rin nina Tito Matthew.

Habang nag-aayos sina Mom ng magiging pagkain para sa party mamayang gabi, naglakad-lakad ako sa bahay. Tinitingnan ko ang mga photos na nando'n. I smiled when I saw an old family photo. Bata pa ro'n sina Dad, Tito Nicollo at Tito Osen. Nakapalibot sila kay Lolo Maxing. Si Tito Matthew naman, baby pa at karga-karga ni Lola Esperanza. It was a cute photo.

Nakakatuwang isipin na nagsimula ang pamilya na maliit lang. Although may kaya na talaga ang pamilya ni Mom, the De Villa side actually started from scratch. At least, yung sa family namin.

May mga pamana daw kay Lolo. Old money din naman kasi ang pamilya niya pero dahil hindi gusto ng magulang niya si lola kasi mahirap lang, binawi raw at pinalayas sa pamilya. Buti na lang at masipag si lolo. Sa pagtitiyaga niya, nabuo niya ang unang kompanya namin. Hanggang sa lumaki at 'yon ang pinamana niya sa mga anak. Eventually, he made amends with his estranged family and inherited the rest of the family wealth.

Now, the family owned one of the biggest conglomerates in Asia. All thanks to Lolo Maxing.

Pagkatapos kong tumulong sa paglilinis ng bahay, tsaka naman ako tumulong sa pagluluto at pagse-set up ng pagkain. Ang boys ang nag-aayos ng tables at chairs sa labas. Sina Kuya Travis at Kuya Andrei naman ang nagkakabit ng tarpaulin at iilang mga decorations. Lahat kami busy pero nagagawa pa nilang magharutan.

Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan ni Gian. Sa tuwing magkakalapit kami, agad siyang lumalayo. Ni tingnan nga ako, hindi niya ginagawa. He even went as far as going out to buy the drinks for tonight. Siya na kahit noon pa hindi mautusan bumili ng kahit ano sa kahit saan.

What's he waiting for? Na ako ang mag-sorry?

Bandang tanghali, tumayo si Kuya Andrei sa pagkakaupo sa sala at nagpaalam na aalis. Sinundan siya ng mga mata ko. Kaya pala kanina pa bihis ang isang 'to. May lakad pala.

"Where are you going?" asked Dad. Nakatingin na rin sa kanya ang mga tito at tita namin.

"Kina Geon."

"Bakit, Kuya?" I asked, suddenly worried.

"I'll visit his brother. Respect lang kay Tita Alice," diretso niyang sagot.

Wait. Sa kapatid niya? I wasn't aware na may deceased sibling pala si Angelo.

Tumango si Mom, as if understanding the situation. Gano'n din si Dad. The look on their faces told me na kilalang-kilala na nila si Angelo, which confused me. Parang ako lang yata talaga ang hindi siya kilala.

"Sama 'ko?" tinanong ko.

Kuya Andrei smiled at me. "You can't. We have dinner with the others. Babalik kagad ako."

Ngumuso ako. "Pakikamusta na lang si Angelo for me."

He nodded. Nagpaalam siya kay Dad at humalik sa pisngi ni Mom.

"Give my love to Geon, anak," sabi ni Mom.

"Tell him to come over if he has time," sabi pa ni Kuya Travis.

Tumango lang ulit si Kuya Andrei at umalis na.

After he left, bumaling agad sa 'kin si Kuya Jacob. Nakangiti siya, yung tipong alam mo nang wala siyang sasabihing maganda.

"You wanna see Angelo? Bakit pa? Akala ko ba si Luis ang crush mo?"

My cousins chuckled, looking at me with amused eyes. Hinihintay nila ang sagot ko habang tinitignan ang reaction nina Mom. Badtrip! Mukhang nakuha ng tanong na 'yon ang atensyon nila kasi huminto sila sa pagkain. Even Kuya Travis was laughing!

"Tinatanong pa ba 'yan. Play girl 'yang si Javee. No shit!" hirit ni Mathev, sabay halakhak.

"Shut up, Kuya. Pati ikaw, Mathe! Mga tsismoso!"

Napangiti ang mga tita ko sa usapan. But my uncles weren't smiling. Lumingon sila kay Dad na walang emosyon ngayon ang mukha.

"Anak, may nanliligaw na sa 'yo?" tanong agad ni Mom. Nagtawanan lalo ang boys. Nag-angat naman ng kilay si Dad. I could see my uncles waiting for my answer.

"Hindi po, Mom. 'Wag kang maniwala kay Kuya."

"Javee, a. Pakilala mo muna bago mag-boyfriend," paalala pa ni Mom.

"Opo," sagot ko.

Namula yata ako sa atensyon nilang lahat. I was cursing these assholes for selling me off! Humanda sila sa 'kin mamaya!

Dad cleared his throat. "Wala namang masama sa pagbo-boyfriend. Pero sana 'wag muna?"

Tumango lang ako, hiyang-hiya. Sa gilid ko, walang sawa ang pagtawa ni Kuya Onyx kaya siniko ko siya nang malakas.

"Fuck!" sigaw niya, tumatawa.

Nabaling doon ang atensyon. Pinagalitan siya ng mom niya dahil sa pagmumura. I took that moment to excuse myself. Dahilan ko'y mag-aayos na ako.

I decided to be Artemis for tonight.

Pagsapit ng gabi, puno kagad ang tapat ng bahay. Buhay na buhay ang mga Christmas lights na nakapaligid. Maiingay din ang mga bata na naka-costume din at ready na sa palaro. Sa tabi nila ang mga kaibigan at kakilala nina Mom na dito rin sa Bulacan nakatira.

Nakasuot ako ng white greek dress, venus cut. May silver sandals akong pinares do'n at naglagay na lang ako ng crown of flowers sa ulo. To look the part, may props akong bow and arrow.

"Nice. Goddess of the hunt," sabi ni Kuya Onyx. He's a hot demon for tonight. May suot siyang pulang sungay at naka-all black.

I turned to the twins. Si Kuya Paul, nakaputing damit. He's supposed to be an angel. 'Yon lang ay may pulang sungay din ito.

"Lucifer," sabi niya, sabay tawa.

Oh, what irony. Bagay sa kanya! He's an angel on the outside but he's actually a devil inside!

Mathev, meanwhile, totally nailed the vampire look. Naka-brush up ang buhok niya at nakasuot siya ng puting longsleeves, dark pants, at black boots. Nakatanggal ang first three buttons ng damit niya kaya kita ang dibdib niya. Talk about show off.

My brother was true to his words. Topless si Kuya Jacob at nakasuot lang ng simpleng pants.

Humalakhak siya nang pinuna ni Mom.

"Jacob Black. Laging walang damit 'yon!" he said.

Wala nang nagawa si Mom dahil mapilit talaga si Kuya. Sabi ko naman, hayaan niya na. 'Pag gininaw naman 'yan, magpapalit din 'yan.

The rest of the boys looked good in their costumes, too. Spiderman for Gian. Poseidon for Kuya Andrei. A hunter for Kuya Chris. A navy officer for Kuya Nick, and a mad scientist for Kuya Travis.

Kanya-kanya ring costumes sina Mom and Dad at mga tito at tita ko.

In a beat, the party started. Sina Tita Pauline at Tita Jackie ang tumayong host buong gabi. Sina Daddy at Tito naman, kanina pa naka-position sa labas ng lote. Naroon sila at umiinom na, kasama ang mga kababata nila.

I busied myself with the games. Ako kasi ang tagabigay ng mga prizes.

Later on, pinatawag si Mathev sa make-shift stage para kumanta habang kumakain ang lahat.

Nakisabay ang lahat sa kinanta niya. Halaga by Parokya ni Edgar. Mayamaya pa, pati ako tinatawag na sa stage. The motherfuckers! Ayokong kumanta ngayon pero wala na akong nagawa nang itulak ako ng mga kapatid ko papunta sa stage.

Ngumisi si Mathev at tinuro ang upuan na nilagay doon ni Kuya Travis.

"Sit down. What do you wanna sing?" Mathev asked me, playfully strumming his guitar.

"I dunno. Something smooth siguro. Ano bang magandang duet ngayon?"

"Ano bang alam mong duet?"

Napaisip ako. "You wanna try Kean's song?"

"Alin do'n? Yung kasama si Sarah?"

Tumango ako.

He pursed his lips into a smile. "Okay."

Then he began to strum the familiar chords.

On cue, I started to sing into the mic and Mathev joined in when it was his turn.

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos namin ang kanta. My cheeks were burning when I got off the stage.

"Ang galing!" bati ng mga pinsan ko.

Nakipag-apir pa sa 'kin si Kuya Onyx.

Nagtama ang tingin namin ni Gian. Hindi siya ngumiti. Tumango lang siya at binalik ang mata sa iniinom na alak.

Napalingon na rin ako palayo. Never thought a day would come na makakaramdam ako ng awkward air sa pinsan ko.

"Magbati na kasi kayo," tukso ng iba.

Hindi ko sila ininda at umupo na sa tabi ni Kuya Travis.

Lumalalim ang gabi. Mga matanda na lang ang naiwan. Nag-iinuman pa rin sila. Kanina pa umuwi ang mga bata dahil alas dose na ngayon. Like kids, nagsisimula na rin magkatakutan ang mga pinsan ko. I took a picture of them and posted it online.

Nadaanan ko ang photo na kaka-post lang din ni Racel. He was with his family. Kasama niya ang parents niya sa picture na 'yon. My gaze shifted to him and my heart sped up again. I should get used to this, right?

I didn't like the photo. I just texted him a simple Happy Halloween. Honestly, hindi ako nag-eexpect ng reply but it came a minute after I hit send.

RCG

Happy Halloween.

Simple text. Frigging simple. But I was smiling that whole night.

***

The next day, we spent the whole afternoon at the cemetery. 'Di pa rin kami nag-uusap ni Gian. I guess the boys were already growing tired of us because during dinner, Kuya Jacob made a fuss and volunteered to distribute the plates we were going to use. Inutusan niya si Gian na ipamigay naman ang kalahati ng hawak niya.

When Kuya Jacob skipped me, that's when I realized it.

Pinagbabati na nila kami. Gusto nilang si Gian ang mag-abot sa 'kin. I cast my gaze down to my feet. Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako kahit 'di naman dapat. Gano'n din siguro siya kasi tinulak pa siya para lumapit lang sa 'kin.

"Magbati na kayo. Oy!" sigaw ni Kuya Jacob.

Gian cleared his throat. Tumingala ako sa kanya.

"Here," sabi niya, inaabot ang plato.

"Um. Thanks."

"Hug na 'yan! Putragis na drama oh!" panunuya pa ni Mathev.

Nagtama ulit ang tingin namin ni Gian. Saka kami bumungisngis.

"Halika nga dito." He opened his arms to me.

Tumayo ako at niyakap siya. Pumikit ako. I missed him. Nakakatampo na umabot ng ilang araw ang away namin.

"Sorry, Javee," bulong niya sa 'kin.

"Sorry din," sabi ko.

Nagtawanan ang boys at isa-isa kaming hinampas sa braso at likod.

"Magbabati rin pala, e," they were saying.

Nakatingin sa 'min sina Daddy. Hindi kasi nila alam na nagtalo pala kami. Hindi na rin naman sila nagkomento about do'n pero kita ko na masaya sila at bati na kaming magpinsan.

Tinapik ni Gian ang likod ko at pinakawalan ako. Tumawa ako. Now, we're okay. Wala na akong aalalahanin buong gabi kasi maayos na kami.

Halloween came and went. Pagbalik namin ng Manila, bumalik na rin sa trabaho sina Mom and Dad. Me and my brothers went out for another two-days vacation before Kuya Travis and Kuya Chris went back to work din.

Smooth ang naging holidays. I was thinking then na baka wala naman ang hunch ko. I didn't hear anything about the Chens after. Baka naging paranoid lang ako.

***

Lhyle, the girls, and I went to process our enrollment for the second term after the holidays.

I finished mine an hour later, so I stayed at the benches to wait for them there. Sunod na natapos si Lhyle, pero sumaglit pa siya sa org office nila para i-submit ang portfolio na hinihingi sa kanya. At some point, napansin kong pinagbubulungan ako ng mga taong bumabati sa 'kin.

I had no idea what was up until Lhyle came back minutes later.

"J," Lhyle suddenly called from a distance. Tumatakbo siya palapit sa 'kin at mukhang nagmamadali. "Did you hear the news yet?"

"What news?"

"Yung pinsan mo. Sinugod ng daddy ni Yuan Chen."

Para akong binuhusan ng tubig. "What? Why?"

"Hindi ko alam. Basta kalat lang yung balita ngayon. May kumausap na yata galing sa office."

Kaya pala kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito.

I tried texting Gian. Pero hindi siya sumasagot. So I texted the others. 'Di nagtagal, nag-vibrate ang phone ko.

Kuya Jacob calling...

Agad ko 'tong sinagot.

"Nasa'n ka?" bungad agad sa 'kin. May naririnig akong usapan mula sa end niya. Sina Mom and Dad yata.

"I'm in the campus. Why?"

"Umuwi ka na muna," was all he said.

Oh, fudge. Bigla akong kinabahan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top