17 - so wrong || edited, uncut ver
It really felt good to be back. Even though I miss the ambiance of Tagaytay, iba pa rin talaga ang comfort kapag nasa bahay na.
Plus, naipahinga ko na rin finally yung swollen ankle ko kaya okay na ako. Mabilis lang ang naging recovery dahil pina-check-up ako ni Kuya Andrei habang si Kuya Jacob naman ang naging extra attentive sa bawat kailangan ko.
Now, I could freely move around again.
Early in the morning, I went out to bike around the neighborhood. Casual stroll lang, to clear my thoughts as well.
Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga nangyari do'n sa Youth Camp. Lalo na yung huling gabi. Kahit ano kasing gawin ko, lagi kong naririnig sa isip ko ang mga sinabi niya, and they bothered me even though I'd loathed to admit it to anyone.
Habang pauwi ako, naramdaman ko ang vibration ng phone ko.
Napakunot ang noo ko nang mabasang unregistered lang pala 'yon. Huh? Sino naman kaya ang magte-text sa 'kin nang ganito kaaga?
A pretty girl like you must know this famous and handsome guy's digits, Jamie V ;)
Napatitig ako sa screen. Jamie V? Isa lang ang tumatawag sa 'kin no'n.
Hoshet. Angelo?
Me:
Haha. Hey, you. How did you get my number?
I saved his number and laughed when I saw the name I registered on top of the screen.
Tazmanian Devil:
I got my ways ofc.
Napangisi ako. Bagay na bagay sa kanya yung nickname. Both a hurricane and a devil.
During the three days na nakakulong ako sa bahay, in-add ako ni Angelo sa Facebook. Nagkausap kami doon, saglit na saglit lang, at wala pang kwenta yung naging usapan. He also followed me on Twitter and IG kaya kahit papano, updated ako sa endeavors niya.
Naturally, I followed him back.
Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Angelo is really adventurous. Obvious sa IG posts niya. From sky-diving to trekking to other sports. Grabe. Busy talaga siya kung busy. At in fairness, magaling din siyang kumuha ng photos.
And another thing to be impressed about was yung pagte-text niya sa 'kin ngayon. Akala ko kasi hanggang social apps na lang kami, because them Notorious Charmers don't really stay. They're just in for the entertainment, the moment, kaya bibihira yung mag-eeffort sila na bumuo ng stable communication. Minsan kasi, active lang ang mga 'yan kapag nandyan ka. Kapag wala ka, wala na rin sila. Kumbaga, napapanahon din ang mga 'yan. Pag trip nila o trip ka nila, do'n lang 'yan kikilos.
Though not all charmers are like that. Iba-iba din kasi talaga sila ng diskarte.
I knew I was safe with Angelo, though, so I did not think of his actions that much anymore.
When I reached our parking space, saktong pauwi na rin sina Kuya Andrei at Kuya Jacob. I could only guess they were returning from a basketball session base sa hitsura nila at mabilis na paghinga.
Unang bumungad sa 'kin ang pawis at mamula-mula nilang mga pisngi. Even from afar, I could already see how ripped my brothers had become. Nakasuot ng wife-beater si Kuya Andrei habang si Kuya Jacob naman nakahubad na ang jersey top. Syempre, nakabalandra ang abs niya.
I marveled at how different these two looked.
Under the morning sun, mas kapansin-pansin ang kaputian ni Kuya Andrei. A true mestizo, so no wonder those girls dig him. But that of course in no way lessened Kuya Jacob's charm. His tanned skin and unruly hair gave him that bad boy vibes. Isali mo pa yung ear cuff na nasa kaliwang tainga niya na kahit kailan hindi niya hinubad simula nang mag-second year. I wonder why.
Despite the differences, though, their similarities were unmistakable. Same soft features, same brown eyes, same commanding aura.
"You're getting better, but there's no way you can ever beat me in my game, bro," sabi ni Kuya Jacob, hinihingal pa habang naglalakad papuntang bahay.
Tahimik lang na tumawa si Kuya Andrei sa tabi niya. Bumaling siya sa 'kin nang mapansin nila ako. He nodded at me.
I parked my bike. Sinabayan ko silang pumasok sa loob.
"You're up early," Kuya Andrei commented.
"Na-miss kong mag-bike."
Dinaanan ako ng tingin ni Kuya Jacob, sinisilip ang paa ko. "Okay ka na ba?"
"Never been better." To prove it, pinadyak ko pa 'yon sa sahig.
Kuya Jacob sneered. "Buti naman. Akala ko, isang buong linggo mo pa 'kong gagawing PA mo."
"Sus," biro ko. "Nagrereklamo ka pa e gusto mo rin naman."
"You hurt my ego too much, sis. Sa labas, matunog ang pangalan ko pero dito sa bahay, walang-wala ako sa 'yo."
I snickered at him.
Umiling lang siya sa 'kin bago pumanik sa kwarto niya. Nakasunod sa kanya si Kuya Andrei.
Tumulong muna akong magluto ng breakfast bago umakyat at maligo. Simpleng pambahay lang ang sinuot ko dahil wala din naman akong lakad ngayon. No classes, no gigs, no anything. At malabong payagan din naman akong umalis dahil nga kagagaling pa lang ng ankle ko.
Pumwesto na ako sa dining room, hinihintay na sabayan ako ng dalawa.
Wala sa bahay ngayon sina Kuya Travis at Kuya Chris dahil inaayos pa rin nila ang business expansion na pinaplano nina Dad. Ang tahimik tuloy ng bahay. I was missing the days when we get to eat breakfast as a family. Yung tipong hihirit si Kuya Jacob, only to be whipped by Dad's crazy come backs. Even yung pang-s-spoil nina Kuya Travis at Kuya Chris, miss na miss ko na.
But no matter. Mabubuo naman na ulit kami soon enough. The Zobels were having a reunion. Na-e-excite na akong makita ulit ang mga pinsan ko doon, which were a bunch of masusungit na guys. Ibang-iba sa mga De Villa na wild bunch.
Unang bumaba si Kuya Andrei. Ngayong nakapagpalit na siya, nakita kong suot-suot niya na ulit yung hoop earrings na binigay ko sa kanya noong nakaraang birthday niya.
He sat from across me, looking at his phone.
"Ang tagal naman ni Kuya Jacob. Nagugutom na ako," I whined.
I heard him chuckle as he glanced up at me. "May kausap."
"Who?"
Kuya wore that amused smile again.
"Who nga?"
"Ask him," lang ang sagot niya bago nagkibit ng balikat.
Nanliit ang mga mata ko kay Kuya. Ever the secretive guy! Alam niya for a fact na hindi magkukwento sa 'kin si Kuya Jacob. None of them really do.
Tumayo si Kuya Andrei at kinuha ang Alkaline water niya sa kitchen. I suddenly remembered something kaya sumunod ako.
"Kuya, barkada mo pala si Angelo? Angelo Castillo?" I called out.
He froze, his hand staying on the still opened refrigerator habang nililihis ang tingin papunta sa 'kin. His face was instantly cautious. "You know Geon?"
I nodded, watching his reaction. May something doon pero bago pa ako makapag-derive ng conclusion, mabilis din nawala ang gulat niya, replaced by that ever present calm expression. His usual. Ang infamous Andrei De Villa poker face.
"Na-meet ko siya sa camp. Teammate ko," simple kong sagot.
"And?" taas-kilay niyang tanong.
I was confused. ". . . and he was okay. Flirt but okay."
Natigilan siya for a second, thinking, and then he nodded at me. "He's a generally nice guy. Magkakasundo kayo." Ginulo niya ang buhok ko at nilagpasan ako para bumalik sa dining room.
Hm. Napaisip ako sa naging reaction niya pero dahil alam ko naman na hindi siya magsasalita kahit magtanong ako, I let it slide.
Umupo na ulit ako sa harap niya. To break the silence, nagtanong na lang ulit ako. "Kamusta pala yung naging lakad n'yo ni Kuya Paul?"
"Flop," he said.
"Flop?"
He shrugged, his eyes shining with laughter. "The girl is a tough nut. They ended up fighting."
Whoa.
Si Kuya Paul? Ang pinakakalmado at reasonable sa 'ming lahat?
Hindi na nasundan ang usapan dahil bumaba na si Kuya Jacob at kumain na kami ng breakfast. Tahimik lang ako sa buong oras na 'yon, nakikinig lang sa usapang basketball at sasakyan nitong dalawa.
Sa kalagitnaan, naputol ang usapan nila at nalipat naman sa nalalapit na birthday ni Tita Jackie, Mommy ni Kuya Onyx. Which reminded me na . . . Oh, my gosh! Next week na nga pala 'yon? Yikes! Wala pa akong gift.
"Sabi pala ni Onyx, i-clear mo na 'yang schedule mo," Kuya Jacob told me. "Friday pa lang, pupunta na tayong Cebu."
Nag-panic ako sa sinabi niya. "Cebu? I thought dinner lang?"
"Change of plans. Uuwi daw ang-kong ni Onyx, kaya sa Cebu."
I wrinkled my nose. "May pasok ako, Kuya. Friday and Sat. Kayo ba wala?"
Kuya Jacob stared at me. "That's why we're telling you ahead of time. Magpaalam ka na."
As if gano'n lang kadali 'yon. Fudge.
Tumingin ako kay Kuya Andrei. I caught a hint of an apologetic smile on his face.
"A few absences won't hurt."
I sighed in defeat.
Hmph. Bahala sila kapag may na-miss akong quiz.
Napansin siguro nila ang pagbabago ng mood ko dahil agad na bumawi si Kuya Jacob.
"Wag ka nang magtampo. Sa Crown Royale naman tayo," he placated, and then added with a grin, "Then we're off to Danasan."
Napasinghap ako. "Crown Royale? For real?"
"Yeah, baby," Kuya Jacob answered smugly.
Nanlaki ang mga mata ko. Hoshet!
"Ano? Sasama ka ba?" natatawang tanong ni Kuya Andrei.
They didn't even have to ask! Dayum! Kung kanina pa nila sinabi 'yan e 'di sana wala na akong reklamo!
I'd always wanted to go there, sa Crown Royal, at Danasan. Nakarating na ako ng Cebu, twice, pero hindi ako gaano nakaikot. Usually kasi nandoon lang kami para mag-beach at mag-bar hopping. Two to three days at most lang din lagi yung stay namin because of busy schedules. Pero wala akong complaints. Magaganda ang mga napuntahan namin noon.
Pinagtawanan lang nina Kuya ang reaction ko. Hindi na kasi matanggal ang malawak na ngiti sa mukha ko.
"I told you, 'yan lang ang panama d'yan," rinig kong sinabi ni Kuya Jacob kay Kuya Andrei.
"It's not surprising. 'Yan lang din naman ang pinanghatak sa 'yo."
"Oy, hindi, a. Paboritong tita ko lang talaga si Tita Jackie."
I rolled my eyes. "Ang sabihin mo, maraming chics do'n."
"Chicks? Sisiw?" biro niya, sabay tawa.
"Letse, Kuya. Ang corny."
I went upstairs as soon as we finished eating. Balak ko sanang bumawi ng tulog pero dahil hyper na ako, I opted to watch a movie na lang sa laptop ko. Paupo pa lang ako sa swivel chair ng mamataan ko ang ice pack na nasa table ko.
Oh, shit.
Wrong move.
I looked away, kunwaring hindi nakita 'yon. I focused on the list of movies―or at least, tried to focus. Minu-minuto kasi, parang minumulto ako at sinusulyapan ko yung nakakairitang pack. Out of frustration, pinasok ko na 'yon sa loob ng drawer na dapat naman talaga matagal ko nang ginawa kung hindi ko lang talaga ginamit 'yon.
Shit.
There went my mind again. Bumabalik na naman ang isip ko sa mga nangyari. Why was I even remembering him?
I shook my head, turned off my laptop, and went downstairs again.
I ended up playing several games in the gaming room to distract my mind. Midway through in the game, though, tumunog ang phone ko, indicating a text.
Dinungaw ko 'yon at nakitang galing ang text sa pinsan ko.
Mathev:
Gig later. Come with your shit face bros.
Uy. Tumutugtog na pala ulit ang Constello? Ilang buwan din kasi silang hiatus dahil sa naging injury ng vocalist nila.
Me:
Noice. What time?
Mathev:
9 PM. BGC, The Bistro.
Nag-reply lang ako ng okay nang matapos na ang laro ko. Habang tinitingnan ko ang inbox ko, napangiti na naman ako ng makita ko yung Tazmanian Devil. It was so fitting. Ano kaya ang magiging reaction n'on kapag nalaman niya 'to?
And then, I accidentally browsed down and saw that one name I'd been trying to avoid.
Racel Gutierez.
My heart thudded.
Napailing na naman ako sa sarili ko. I hated this feeling. Pakiramdam ko, isa akong hormonal school girl with a crush.
I should delete this. This fucking name was the reason why I couldn't sleep properly for the past three days. Nakakainis kasi dahil pagkauwi ko galing Youth Camp, lagi akong tumitingin sa phone ko na parang may hinihintay. Was I expecting him to text me?
Was I hoping?
Gosh, no.
'Di ako pwedeng magka-crush sa kanya.
Ayoko.
Just because I was okay with him didn't mean everything would be okay na rin. That's just the way it is.
Edit, delete.
I deleted even his contact number.
Huminga ako nang maluwag. I should've done this a long time ago.
"Ano 'yan, a?"
Nabigla na lang ako nang may biglang humablot sa phone ko. I quickly spun around and jumped at Kuya Jacob in an attempt to grab it back. But to no avail. He was using his height against me.
When did even he get here?
I stopped reaching for my phone and crossed my arms, frowning.
"Kuya, give it back."
Kumunot ang noo niya habang tinitignan ang inbox ko.
Hoshet! Buti pala dinelete ko na 'yon! Close call 'yon ha!
Lumingon siya sa 'kin, hindi pa rin binabalik yung phone.
"You're still talking to Geon?"
"What's wrong with that? You're friends."
He stared at me. "E 'di naman nagseseryoso yung lokong 'yon. Mag-iingat ka ro'n."
"Please, Kuya. Parehas lang naman kayo. Mas dapat pa ngang mag-ingat ang mga babae from you kaysa kay Angelo."
He returned the phone, but his eyes didn't leave mine yet. "Bakit Tazmanian? May call sign pa kayo?"
Hindi ko napigilan ang ngisi ko. "Wala. He doesn't know about that. Fitting naman, right?"
He frowned at me. "Mag-ayos ka pala mamaya. Pupunta tayong Bistro."
"I know. Mathe told me. Nine pa naman 'yon."
Binalik na niya ang phone ko at sa wakas, tinigilan na rin ako. Bumalik ako sa paglalaro habang si Kuya Jacob naman, umupo sa mga bean bags, may kausap na kung sino. Later on, nagpaalam na rin si Kuya Andrei na may pupuntahan siya. Sa bistro na lang kami magkikita.
Nang gumabi, nagbihis na ako at lumabas muna saglit para mag-skate board. I sucked at this pero hindi ko tinitigilan dahil nakakahumaling. Mathev was good at this, though. Even Gian. In fact, sa kanila ako nagpaturo.
I skated around outside, paikot-ikot lang. Tahimik lang ang gabi dito sa 'min pero paminsan-minsan, may mga dumadaan na kapit bahay namin na bumabati sa 'kin.
When I had enough fill of my board, bumalik na ako. Nasaktuhan naman na nagdatingan ang mga pinsan ko.
Sinalubong ko ang Porsche na pumasok sa parking space namin at kumaway nang lumabas sina Kuya Nick, kasama sina Gian at Kuya Onyx. Lahat sila, nakasimpleng get-up lang but from their looks, mukhang galing na sila sa bar bago nagpunta sa 'min.
"Javee," greeted Gian, sabay fist bump.
Niyakap ko naman sina Kuya Nick at Kuya Onyx.
"Napadaan kayo?"
"Sinisigurado lang na pupunta kayo ngayon," sagot ni Kuya Nick while we were on our way inside.
"Why? Didn't Kuya say yes to you?"
"He did," Kuya Onyx answered. "But that ass ditched us kanina. Nasa Tagaytay pa man din kami."
"Why daw?"
Kuya Nick shrugged. "Wala ka raw kasama dito. Sabi ko isama ka, pero may tama daw ang paa mo?"
Realization sank in. Hindi sila sinamahan ni Kuya kasi nag-aalala siya sa 'kin. Hoshet. Ang sweet.
"I'm good naman na. I think ayaw niya lang mapagod ako."
Bago kami tuluyang makapasok, pinansin ni Gian ang board na hawak ko. "Improving?"
Tumawa ako. "Barely."
He grinned. "Turuan kita ulit?"
"Easy," singit ni Kuya Onyx. "Jacob will talk your ear off again 'pag nagalusan 'yan."
I huffed. "Marunong na kaya ako!"
"Ikaw oo, 'tong si Gian ang hindi!"
"Ano? One on one na lang, o!"
"Sige. But don't go running for your mom after," pagmamayabang ni Kuya Onyx. "Iyakin ka pa naman."
Pinagtawanan lang namin sila. Naabutan namin sa sofa si Kuya. Nakabihis na rin. Hindi na kami nagtagal sa bahay. Soon after, bumyahe na rin kami papuntang Taguig. Doon na lang namin kikitain si Kuya Paul dahil nauna na siya.
I wasn't even shocked when I saw the people inside nang makarating kami. Grabe. Halos mapuno ang Bistro ng mga babaeng naghihintay sa Constello. Iba talaga ang hatak nila. Dayum.
Binati ako ni Kuya Paul na umiinom na kasama si Kuya Andrei.
I sat between Kuya Nick and Kuya Jacob, looking around.
"Sina Mathe?"
"Papunta pa lang," sabi ni Kuya Paul.
Sabagay. Halos eight pa lang naman kasi.
"Nagpaalam ba kayo kay Travis?" bulong sa 'kin ni Kuya Nick.
Narinig ni Kuya Jacob 'yon. He snorted. "I'm not a fourth grader."
"'Di ikaw. 'Yang si Javee, pinaalam n'yo ba?"
I nodded. "I texted Kuya Trav na. And told Mom and Dad na rin."
Kanina 'yon nang papunta kami. Kasama naman si Kuya Andrei kaya pinayagan din ako.
"Oy, Jacob, sino yung babaeng kasama mo kahapon, a? Balita ko, 'di mo raw pinansin sina Cherry," tanong ni Kuya Paul bigla.
Lahat kami napatingin.
"Oy, ano? May bago na naman?" gulat na singit ni Gian.
Kuya Jacob lifted a brow. "Why?"
"Sino 'yon?"
Ngumisi lang si Kuya Jacob. "She's a friend. It's not what you're thinking."
"Friend, my ass," Gian said with a snort.
Kuya Andrei and Kuya Jacob exchanged glances.
"Was that her?" Kuya Andrei asked.
Kuya Jacob nodded. "Yeah."
Kuya Andrei frowned a bit. "Don't."
Nagtaas lang ng kamay si Kuya Jacob at tumawa. "Hey, I'm telling the truth. She's just a friend."
We were cut off by the sudden cheers of the crowd. Oh. Dumating na pala ang Constello.
Malumanay lang silang naglakad papuntang stage, na dumagdag sa lakas ng dating nila. Lalo na yung vocalist nilang si Dash Lim. He's a Chinito, alright, and very cool-looking. Matikas tingnan.
Huminto si Mathev sa table namin. "Wala munang malalasing hanggat wala ako, a."
"Huli ka na. Lasing na kuya mo."
Tumitig lang si Mathev kay Kuya Paul at umiling. "Weak motherfucker." And then lumingon siya sa 'kin. "Okay ka na? Sabi ni Andrei nagka-sprain ka raw?"
"Yup, much better naman na," I said, smiling. "Worried ka?"
Pinisil niya lang ang ilong ko at pumunta na sa stage dahil nag-akyatan na ang mga kabanda niya.
Nagpatunog ng gitara si Dash Lim. Naghiyawan ang mga babae. Then in a beat, nagsimula na ang performance.
After that, hindi rin natigil ang mga fans nila. Maging si Mathev pinipilit nilang kumanta pero tumanggi naman. Sa pamilya lang naman kasi siya kumakanta.
During the second performance, tumunog ang phone ko. Lumabas ako para sagutin ang tawag ni Kuya Travis. Nagtanong lang naman siya kung kamusta kami. Pinagsabihan din akong umuwi nang maaga.
When the call ended, I made a move to go inside na ulit. But I was cut short when a familiar figure entered my peripheral vision.
Hoshet.
I recognized the guy as Marco. Kasunod niya ang mga naglalakihang players ng Centrex. Justin was also there, laughing at some joke his teammate said.
My heart skidded in panic. Agad kong nilibot ang mga mata ko. Was he here, too?
Umalis ako bago pa sila makalapit sa pwesto ko. Mahirap na. Baka mamukhaan nila ako at malaman nilang nandito sina Kuya.
It was a good thing na nasa loob din ang mga 'yon. Iwas gulo.
Bakit ba ang liit ng mundo para sa mga 'to?
The centaurs walked past me. Ilang minuto rin akong nanatili do'n, despite myself, to check if he was here. Why did I do that?
Why did I stare at the restaurant where they came from?
Hinihintay ko ba siyang lumabas?
Either way, there was no sign of him kaya pumasok na rin ako. And fudge, Javee, disappointed ka?
Shit.
Mali. 'Di ko maintindihan 'tong twisted attraction ko para sa kanya. I was the master of myself. I prided myself with that. So was this just my drive for the thrill kicking in?
At the wrong place? With the wrong person?
Ngayon na lang ulit ako nagka-crush... after so many years...
Tapos sa kanya pa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top