75 - So Done || unedited / unrevised
Saan ako nagkulang? Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko. Ano bang ginawa kong masama para lokohin ng dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang sobra? Was I really such a horrible person to deserve this?
Pero habang tumatanim ang mga 'to sa isip ko, lalo kong napagtatanto na hindi ko naman kasalanan kung niloko ako. Ang nakakainis lang, hindi ko malaman kung saan magsisimulang ayusin ang buhay ko. They crushed my heart, my trust, my confidence-everything.
How do I go on from this?
Isang linggo akong wala sa mood. Hindi ako sumasama kapag lumalabas ang barkada. Ni hindi rin ako kumikibo kapag nilalambing ako ng mga kapatid ko. I asked for space, which they had reluctantly given. Puro tulog lang ang ginawa ko sa mga araw na 'yon. Hindi ko kasi kaya. Hindi ko kayang magpanggap na masaya ako habang naiisip ko kung pano ako tinraydor ng kaibigan ko.
Hiromi said Racel never loved her? That he loved me?
Could I trust her words? Kung totoong inagaw niya lang si Racel, bakit siya nagsinungaling sa 'kin? Kung hindi niya minahal si Hiromi, bakit hindi na lang siya umamin sa 'kin? And there was that jacket . . . and the photo. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.
In the second week that I was sulking and wasting away, Kuya Andrei got fed up and forced me out of my room. Dinala niya ako sa Vigan ng ilang araw para makapag-unwind. It helped to a degree dahil at least ngayon, nakakakain na 'ko without feeling na isusuka ko ang lahat ng mga nakain ko.
Then, on Saturday, the girls came to the house. Inimbita sila ni Kuya Travis para daw pasayahin ako.
Doon ko sinabi sa kanila ang lahat.
Ahron was beyond furious but she kept her silence. 'Yon ang nakakatakot dahil hindi siya nagsasalita at hindi ko alam ang nasa isip niya. Tahimik lang siyang nakaupo sa kama ko habang nakakuyom ang mga kamay.
Anjo and Maxxie were more expressive and colorful with their strings of curses. Naiiyak sa inis si Anjo habang galit na galit si Maxxie sa ginawa ni Hiromi. If I didn't stop them, they would've confronted her right there and then.
"So tapos? Ano ginawa mo? Sinampal mo ba? Kung ako 'yon babasagin ko pisngi no'n," sabi ni Anjo habang nanggagalaiti.
"Damn, J. Nakakapanginig ng laman. Paano niya nasabi 'yon? Ang kapal ng mukha," sabi ni Maxxie. Umupo ito sa beanie bag at bumuntong hininga.
"Iniwan ko lang siya do'n. Wala akong ginawa."
"What? BAKIT?" bulalas ni Anjo.
"She's our friend. How can you expect me to hurt her?"
"Pero sinaktan ka niya! Obviously, hindi kaibigan ang turing niya sa 'tin. Tangina, Jan! Masyado kang mabait. Kung hindi mo kaya, ako na lang ang gagawa para sa 'yo!"
Umiling ako. "'Wag na. Pangit mag-away dahil lang sa lalaki."
"Well, that's true," Ahron finally spoke up. "But tell me this. Are you still hoping you can fix this with her?"
I stilled, taken aback. Sa totoo lang, hindi ko alam. May part sa 'kin na gusto pang maayos ang lahat.
I nodded slightly.
Ahron cursed. "Well, fuck. 'Wag kang martyr. 'Wag kang tanga. Nag-evolve na ang mga ahas ngayon. Kung dati mga kaaway lang sila, ngayon kaibigan na. 'Di porket nasa harap mo, kaibigan na. Minsan sila pa yung matinding manakmal."
"Tama. Wag kang mag-alaga ng ahas sa bakuran," Maxxie agreed.
Nanahimik ako. They were right, as always. Gano'n naman lagi. Your friends would always be right dahil ang kapakanan mo lang naman ang iniisip nila. Sasaluhin ka nila kahit anong mangyari.
Especially these girls. I'd known them since high school, Ahron and Lhyle for even longer. In moments that truly matter, I know they got my back. Hindi nila ako kailanman bibiguin.
"At least ngayon alam na natin kung sino ang totoo sa hindi. 'Wag na nga tayo tumanggap ng mga bago. Fuck shit. Tayo tayo na lang!" Anjo said.
"Yeah. Masaya naman tayo na tayo lang." Maxxie nodded.
"Wait 'til I get my hands on that girl. She'll regret ever betraying us," Ahron added.
Us, not you.
Despite the numbness inside me, napangiti ako. I'm so happy I found my friends. They're everything to me. These friends click so much with me in everything. My partners in crime. Kahit na baliw sila, makulit at mapanlait, I wouldn't trade them for anything. I like us just the way we are. Together we can conquer anything.
"Group hug!" biglang sumigaw si Anjo. Lumapit silang tatlo sa 'kin at niyakap ako.
"Kaya mo 'to, babe. Pakatatag ka," sabi ni Maxxie.
Tumango ako. Some of us get destroyed in the chaos. But some are born from it. Hindi man ngayon but I swear I'd bounce back stronger than ever.
Yung tipong hindi na ako maloloko pa ulit.
#
Kinagabihan, nagdatingan ang mga pinsan ko. Nagpahanda ng pagkain si Kuya Travis para sa aming lahat kaya may mini party dito sa bahay. Booze and everything.
Habang abala na sa pagkain ang iba, pumuslit ako ng text kay Harvey. He's Racel's friend kaya nagpapasalamat ako na nagawa niya pa rin akong kampihan kahit na gano'n.
Me:
Thank you. I owe you one.
Harvey:
Don't sweat it.
Me:
Why did you help me?
Harvey:
No reason. I just thought you don't deserve it. Nobody does.
Well? At least some people were decent enough to help a person in need. Balang araw, masusuklian ko rin 'tong favor na ginawa niya para sa 'kin.
#
Lumalalim na ang gabi. Umiinom na sa bandang pool ang mga pinsan ko. Panaka-naka, nagtatanong sila sa 'kin kung ano ba talaga ang nangyari pero lagi silang hinahatak ni Kuya Jacob.
The last one had been Gian. Hinatak siya ni Kuya bago pa ako makasagot. We exchanged meaningful looks and my brother simply winked at me.
Ever my superhero.
Nang naglie-low na ang kantahan at mga ingay at napunta na sa malalim na kwentuhan, bigla naman nadulas 'tong si Anjo. Lasing na rin kasi kaya wala nang hinto ang bibig.
"Para sa inyong manloloko, mamatay na kayo! Hiro at Racel, mauna kayo! Stupid cheaters!"
Sa biglang sigaw niya, natahimik ang lahat. Maxxie immediately hit her shoulder and Anjo, stunned at what she did, gasped in surprise. Todo ang pag-sorry niya sa 'kin.
"Ayos lang," I reassured her. The boys still had no idea but they'd find out anyway. Mabuti nang galing sa kanya kaysa sa 'kin dahil hindi ko kaya.
"WHAT?" Gian spouted, rounding on me. Binaba nito ang iniinom at lumapit sa 'kin. "Gutierez fucking cheated on you?"
Naglapitan na rin ang ibang mga pinsan ko. Bigla akong nahilo sa attention na binibigay nila sa 'kin.
Tumango ako.
"With Hiromi, you say?" Kuya Onyx asked, his eyes cutting between me and Anjo. "That's why she's not here?"
"Putragis. E gago naman pala talaga 'yon, e! Jacob, alam mo na 'to?" tanong pa ni Mathev sabay lingon sa kapatid kong nananahimik lang sa gilid. Tapos ginala niya ang tingin niya sa iba ko pang mga kapatid. "Alam n'yo ng lahat pero wala kayong ginawa?"
"Ayaw ko ng gulo, Mathe. Please."
"Anong ayaw mo ng gulo? Kung ayaw mo, ako gusto ko. Fuck. Anong klaseng panloloko ginawa no'n sa 'yo, ha?"
Parang umurong ang dila ko. Uminit ang mga pisngi ko at nagbuhul-buhol ang isip ko.
Si Ahron ang sumagot para sa 'kin.
Kanya-kanyang mura ang mga pinsan ko. Nabigla din ang mga kapatid ko nang malaman nila kung ano ang ginawa sa 'kin ni Hiromi. Suddenly, Kuya Jacob's mood turned sour. Kung natitiis niya pa ang galit niya noon, iba na ngayon. There was a dangerous shift in his expression.
"Aba ayos pala, e. Magkaibigan pa ang gusto. Putangina lang!" galit na galit na sinabi ni Gian. "Nasaan ba ang gagong 'yon at nang mabigyan ng leksyon!"
"'Wag na!" nagmamadali kong sabi. "Ayoko ng gulo, please lang. Ayokong malaman pa ng ibang tao kung paano ako pinaglaruan ng lalaking 'yon. Kaya, please, lumayo na lang tayo sa kanya!" I begged them.
Kuya Nick diffused the tension by approaching me and placing a hand on my head. "And you? How are you coping?"
"I'm doing well. Kaya please 'wag n'yo nang patulan pa 'yon."
Umiling siya at ginulo ang buhok ko. "Alright, bunso. Pero kapag lumapit pa sa 'yo 'yon, ako mismo ang sisira sa buhay no'n, you understand?"
Tumango ako.
"Kung lalapit pa sa 'yo 'yon, sabihan mo 'ko. Ako nang bahala doon," gatong pa ni Kuya Paul.
Out of my cousins, silang dalawa lang ang kalmado. Kuya Onyx, Mathev, and Gian were getting red in the face. Tinatanong ni Mathev si Kuya Jacob bakit wala pa siyang ginagawa. Nagngingitngit ito at hindi makapaniwala sa nangyari. Nanahimik lang ang kapatid ko at nagkibit-balikat.
Sa sobrang inis ni Gian, sinuntok na niya ang pader.
I winced when he cursed again.
Pare-parehas kaming lost sa kung paano namin pakakalmahin ang boys. Maging kasi ang inaasahan kong sina Kuya Travis at Kuya Andrei, nananahimik din sa inis.
Sorry nang sorry sa 'kin si Anjo. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
Okay lang talaga. They were bound to know. Okay na rin 'to.
#
The next day, I woke up to a giant panda on my bed. Nabigla pa ako nang makita ko 'yon. There was a note that said, Cheer up, Jamie V.
Agad akong napangiti at kinuha ko ang phone ko para i-text siya. There was already a message from him.
Angelo Castillo:
Morning, love. Did Picho make it home?
Me:
Picho?
Angelo Castillo:
He didnt make it? Should be a panda!! Dammit Andrei
Napatingin ako sa panda at niyakap ito. It was large and extremely fluffy. Sobrang cute.
Me:
It's here!! Why Picho?
Angelo Castillo:
Why not? Awesome name ryt?
Me:
What's this for?
Angelo Castillo:
So you won't be alone at night :p pretend it's me. Libre hug :))
Me:
Perv.
Angelo Castillo:
Haha your thoughts, not mine.
In a way, that little gesture brightened my mood for the whole day. Hindi na ganoon kumikirot ang dibdib ko at hindi na rin ako gaanong iyak nang iyak kapag naaalala ko si Hiro.
Pagbaba ko, wala na ang mga kapatid ko. Umalis si Kuya Andrei kaya 'di ko na siya naabutan. May laro naman sina Kuya Chris at Kuya Jacob sabi nila manang habang pumasok na ulit sa trabaho si Kuya Travis. They left me this huge platter of breakfast though. Nagluto pala si Kuya Travis para sa 'kin bago ito umalis.
Sweet.
Surprisingly, I felt light as I ate breakfast. Parang natanggal na yung huge load na nasa balikat ko. I guess ang isa pala sa nagpapahirap sa 'kin, yung pagtatago ko ng katotohanan sa mga pinsan ko. Ngayon, alam na nila. What they'd do with that knowledge was keeping me on the edge but they're my cousins. They won't do anything that would hurt me.
Bago nga umuwi, niyakap ako nang sobrang higpit nina Mathev at Gian. Parang sila ang mas nasaktan at hindi ako. I welcomed the affection and promised them I'd be okay.
The tender smile they gave me felt more than rewarding.
I decided to stay at home for the whole day. I tried to go back to my usual routine. Nag-bike ako around the premises, naglaro ng Dota, at nanood ng mga TV series ko. When night came, I was geared up to read my favorite novel in my reading nook nang tinawag ako ni manang. Nandito daw si Lhyle.
Upon hearing his name, my heart leapt. In a flash, I was downstairs and literally flying straight to his arms.
"Kailan ka pa nandito?" tanong ko as I nuzzled closer.
"Ngayon lang. Dumiretso ako kaagad dito."
"How long?"
"2 days."
"2 days lang?"
"Yeah. But I'll come back again soon." He pulled away and studied my face closely, the look on his face darkening. "So Maxxie told me what happened."
"Oh. Yeah," I said, casting my gaze low.
"You're doing okay? Kaya ka ba nawala nang ilang oras no'n?"
Tumango ako.
"Fuck. No wonder."
Huminga ako nang malalim at umiling. "Never mind that. Kwentuhan mo na lang ako about Singapore!"
We made small talks over dinner. He kept me up to speed with basically everything that happened to him there. Yung pag-aaral niya, yung business nila, yung new friends niya. When I asked kung may girlfriend na siya, ngumisi lang siya at kinurot ang pisngi ko.
After dinner, we made it out to my room and talked some more. The conversation was kept light and funny until nabalik na naman kay Racel ang topic namin. Hindi ko na matandaan kung sino ang nagsimula. Siya ba o ako, just that, suddenly, umiiyak na naman ako sa balikat niya.
"I don't think I'll ever find that perfect someone for me," I cried to him. "First, si Avi. Then there's Rohann. Ngayon naman si Racel. Kung hindi ako iniiwan, niloloko naman ako. May mali yata sa 'kin."
"Don't say that. There's nothing wrong with you."
"E bakit gano'n, bes? Kahit magmahal ako nang totoo at todo-todo, wala pa rin sumeseryoso sa 'kin? Don't I deserve to be loved?"
"Of course you do. Maraming nagmamahal sa 'yo. Hindi mo lang napapansin pero nando'n sila. Dammit, J. Wag kang mag-isip nang ganyan. You're offending me."
Humikbi ako. "Sorry. I just don't think someone can ever love me right anymore."
"There's me," he said in a conflicting low voice.
Napatitig ako sa kanya. Suddenly he was a bundle of nerves. The tips of his ears grew red, his cheeks flushed. But Lhyle didn't look away. He kept his gaze leveled with mine.
"Iba naman 'yon. You're my bestfriend. It's platonic."
"It's not for me. It hasn't been for a while now."
"Don't be silly!" I punched his shoulder and laughed nervously. "You don't love me that way!" My voice turned to a whisper. "Do you . . . ?"
Tumango siya. Seryosong-seryoso ang mukha niya kahit na namumula ang pisngi niya. "I did. Still do. Pero hindi ko pinaglaban ang nararamdaman ko para sa 'yo kasi alam kong mas magtatagal tayo sa ganito."
"But bes! Pa'no? Imposible? I've seen you jump from one girl to another. You dated every girl you know-except us, obviously."
He sighed. "You really don't know? I flirt around to relieve my feelings, J. Because I need to get them out of my system. Those girls are the product of what I feel for you. A useless effort, I know, but the only way I know. 'Cause I know you'll never look at me the same way. And I figured it's okay. As long as you're with me." He narrowed his eyes at me. "So don't you dare say nobody loves you right. I didn't sacrifice that chance just to hear this. Especially if it's because of some asshole who didn't know what he wasted."
My heart skidded. With his confession, all protests died in my throat.
He placed a hand on my head. "You're completely worth it so don't think that way, okay?"
"But you didn't take the risk."
He retracted his hand and shrugged his shoulders. "Because you need me. Kailangan mo pa si Lhyle na bestfriend mo. The guy you can depend on. And I chose to be that guy so I can better protect you. Kasi the moment na pinili kong maging tayo, I will lose the right to comfort you. One way or another, we will hurt each other and then you won't run to me for comfort anymore. Ayoko no'n. I won't take that from you."
"I . . . " I took a deep breath, still in shock. "I didn't know . . . I'm sorry, bes."
He shook his head. "Don't be. It was my choice. I chose to be your bestfriend because you don't need a guy to love. Hell, you don't even need a man to be happy. You're strong that way and it hurts me to see you second guessing yourself. What you need is a bestfriend to rely on. And that was the best path for me to take. Masaya ako sa pinili ko. This way, I can be your knight. Not your prince. Your knight."
Natuliro yata ako sa mga narinig ko. Damn. Huminto ang capability ko na makapag-isip. Just . . . damn. Hindi ko alam ang dapat sabihin.
"Kahit minsan, hindi mo naisip na umamin sa 'kin?"
"I did, countless of times. But this option was always weighing heavily on my mind so I realized this was what I should be for the both of us. And look. Masaya naman tayo, 'di ba?"
Tumango ako. "Sobra." Hinawakan ko ang braso niya. "Walang magbabago, ha? Please kahit sinabi mo 'to, ayokong may magbago."
"Oo naman, gago. Kung babanggitin mo 'to bukas, kahit nga mamaya lang, e, itatanggi ko 'to," biro niya sabay tawa. The solemn look on his face peeled away, replaced by the playful grin he always wore.
I smiled at that. I was absolutely shaken by the revelation but this was Lhyle. Confident akong kahit sinabi niya 'yon, wala pa ring magbabago sa amin. We'd known each other for almost our whole lives. No amount of confessions and distance can ever change our dynamics.
#
True to his words, Lhyle didn't mention his impromptu confession again. Naglalaro na kami ng Tekken sa PS4 nang sunud-sunod na pumasok ang text ni Anjo sa 'kin.
Anjo:
Jan!!!! Nakita ng blockmate ko sa Candid si Gian. Brawl!!! With Racel!!!
Halos mapabalikwas ako sa gulat.
Me:
What? Sumugod sila?
Anjo:
Hindi daw. Nagkita daw don at nagkainitan.
Or wait. Ewan ko. I think Gian started it. The other DV are there!!!
Namutla yata ako dahil napatanong na si Lhyle sa kung ano ang nabasa ko. Nagmamadali akong tumayo at hinatak siya papunta sa sasakyan. The only car we could easily use was Dad's sedan. Hindi na ako nakapagpaalam. Hiningi ko lang ang susi no'n at si Lhyle na ang nag-drive papunta sa Candid.
When we arrived, there was already a crowd a few blocks from Candid. Nandoon ang mga pinsan at kapatid ko.
I gasped when I saw Racel's already bruising face. Oh, my God! Walang duda, mababalita 'tong ginawa nila!
"Putangina mo, Gutierez. Tumigil-tigil ka sa paglapit sa pinsan ko. If you can't keep your damn thing in your pants, then go fuck someone else! Hindi yung kaibigan ng pinsan ko. Gago!" sigaw ni Gian habang pinigilan siya sa pagsugod nina Kuya Nick at Kuya Andrei.
Mathev was seething as well. May tama ito sa pisngi. Gano'n din ang ibang members ng Centrex team. Marco's face was already bruised up. Pinipigilan ito ni Justin na sumugod din.
"Gago! Kasalanan n'yo rin 'yan. Karma n'yo 'yan, hayop kayo!" sigaw ni Marco.
"What the fuck did you say? You fucking loser!" Nakawala si Mathev sa pagkakahawak nina Kuya Jacob at Kuya Chris. Naabutan niya si Marco pero hinarang kaagad siya ni Racel. Hindi nakapagpigil ang pinsan ko.
To my horror, he punched Racel straight in the face, sending him a few steps back. Agad akong tumakbo para pumagitna sa kanila pero nakasunod sa 'kin si Lhyle at hinatak ako palayo.
"Mathe, please! Stop! Please!" I cried.
Nagulat silang lahat sa sigaw ko. My cousins were shocked to find me there. Racel, most especially. The wild look in his eyes immediately faded and shifted into pain, guilt, and longing.
"Javee," tawag niya habang sinusubukang lumapit sa 'kin. "Baby."
Fuck. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko kayang makita siyang sugatan. Gusto kong dumalo sa kanya at alagaan siya pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Hiro, napapalitan ng pait ang nararamdaman ko. I missed him but his echoing lies in my head kept me in place.
I ignored him and turned to my boys. "Please. Let's go home. I told you not to do this! Please!"
Nanahimik ang boys pero walang kumilos para umalis.
"Baby, please. Let's talk." Racel approached me and grabbed my wrist.
Like a bullet, Gian rounded on him and decked him straight to the ground. Pinagsusuntok niya ito pero hindi lumalaban si Racel. "Tangina mo. Sabi nang lumayo ka na sa pinsan ko!"
Agad namin siyang hinatak ni Lhyle. Humahagulgol ako habang niyayakap siya mula sa likod. Tumakbo naman ang teammates ni Racel para tulungan ito.
"Gi, please. Tama na. Tama na. Ayokong saktan n'yo pa siya. Nasasaktan n'yo rin ako. Sige na. Tama na, please," pagmamakaawa ko.
"Tangina, Javee. 'Wag mong ipagtanggol ang gagong 'to. Dapat dito tinuturuan ng leksyon nang matutong mangilala!"
Lumapit sa amin si Kuya Chris. May sinabi siya kay Justin kaya nilayo na nito si Racel pero nagpupumiglas siya at patuloy akong tinatawag.
Pinagsabihan na rin ni Kuya Nick sina Gian at Mathev kaya inis na inis ang dalawa na umalis doon.
"Halika na, Javee," tawag ni Kuya Paul sa 'kin.
Hindi nakalagpas sa 'kin ang masamang tingin ni Kuya Jacob kay Racel. Surprisingly, wala siyang ginawang masama. He respected my decision.
"Don't come close to her, man. Ako na makakaharap mo sa susunod," sabi niya lang bago sumunod sa dalawang nauna na.
Hinatak na rin ako ni Lhyle para kumilos pero nakawala si Racel sa mga kaibigan at hinatak ang braso ko ulit.
"Baby, kausapin mo 'ko. Magpapaliwanag ako." He was crying at this point.
Pumiglas ako. Napikon na si Lhyle at pumagitna habang sinasabihan 'siyang lumayo na. Nang maitulak siya ni Racel para makalapit sa 'kin, lumapit na si Kuya Andrei at binigyan pa ng isang suntok si Racel.
"Final warning, dude. Next time I see you, hindi lang 'yan aabutin mo."
"Halika na. Let's get you home." My brother pulled me away from that scene. Naririnig ko ang mga tawag ni Racel at para akong pinapatay ng mga 'yon. Gustung-gusto kong bumalik at makipag-ayos. Gustung-gusto kong marinig ang side niya at tanggapin siya ulit pero nangingibabaw ang sakit na dinulot nila sa 'kin.
I steeled myself and carried on without looking back. Habang naglalakad papalayo sa kanya, naaalala ko ang mga panahon na iniwan ko rin siya noon, no'ng patuloy ko pa siyang nilalayuan. Kahit yung unang beses na nakita ko ang brawl nila, sumagi sa isip ko.
It seemed to me that we'd been doing this and only this for the most part of our relationship. Lagi na lang may lumalayo at lagi na lang ako 'yon.
Mahal na mahal ko pa rin siya pero hindi ko na kayang magpaloko pa. Wala na ang tiwala. Kahit pa totoo ang sinabi ni Hiromi na mahal niya ako, hindi na sapat 'yon. Paano ko kakalimutan na minsan niya akong niloko?
Lalong tumindi ang nararamdaman kong kirot sa dibdib. Sa pagkakataong 'to, pinigilan ko ang mga luha ko. Ayoko nang umiyak para sa kanya. Sawang-sawa na ako. Tapos na ako. He didn't deserve my tears and I didn't deserve to second guess myself. Tama si Lhyle. A man should never define my worth.
I define my worth.
Gano'n naman ako dati pa. Nakalimutan ko lang dahil sa ginawa nila sa 'kin.
Sa pagkakataong 'to, mas pinipili ko ang sarili ko. I was so done crying over spilled milk.
I knew this incident would make it to the news later on. Or not, depende kung magagawan ng paraan nina Tito Nicollo. Still, alam kong makikita ko 'to sa social media in the next days to come. Iniisip ko pa lang ang magiging pasok ng mga messages at tweets sa 'kin, napapailing na ako. Great! Malaking issue na naman 'to sa mga pinsan ko. And as for Racel, baka ikatanggal niya pa sa varsity nila 'to. Ewan ko. Hindi ako masaya sa nangyari sa amin pero hindi ko naman gugustuhin na masira ang buhay niya dahil sa 'kin.
That night, nang kalmado na ang lahat at nasa bahay na kami para gamutin ang mga sugat na natamo nila, narinig kong tinanong ni Kuya Andrei si Kuya Jacob kung paano niya nagawang pigilan ang sarili niya gayong siya naman ang pinakagalit sa kanilang lahat.
"She begged me not to. I listened to her."
Doon ko na-realize kung gaano kalaki ang pinagbago ng kapatid ko. He matured while I was so busy drifting away from them.
"Kasalanan ko ang nangyari sa kanya. 'Yan na ang karma ko sa ginawa ko sa pinsan niya. Wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. I can't hit him for a sin I committed. Now, I guess, we're even."
Naiyak ako sa sinabi niyang 'yon kaya lumapit ako para yumakap sa kanya. He didn't know I was listening kaya parehas pa silang nagulat.
"Sorry, Kuya. Sorry talaga."
"Hayaan mo na. Mahal naman kita. Nandito naman si Kuya. Dito ka na lang ulit sa 'kin," sabi lang niya sa 'kin.
He didn't have to say that. Alam ko sa sarili ko na hindi na ako aalis pa sa kanila.
🤍🤍🤍
AUTHOR'S NOTE
Hi everyone! If you're liking the story, please share with me your thoughts on Twitter through this hashtag #KulturangDeVilla and please follow me on my socmed accounts and let's talk there.
Public twitter: cappuchienoooWP
Instagram: milkchiee
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top