Epilogue

"CHALE, CAN you please go check on your sisters in the playroom? Parating na ang mga Lolo't Lola niyo," utos ko sa panganay ko.

"Okay, Ma," he replied before going to the playroom where his little sisters were playing.

I am busy preparing the meat and veggies because we are going to have a pool and barbecue party at our house tonight. I invited my parents and my friends tonight. Na-miss ko kasi sila bigla at dahil may sari-sarili na kaming pamilya kaya madalang nalang kami kung magkita-kita.

"Ma! Cleo and Cece are fighting again!" narinig kong sigaw ni Chale. Mabuti nalang at eksaktong kararating lang rin ni Micko galing trabaho.

He immediately wrapped his arms around me and kissed me on the lips. Limang taon na simula ng ikasal kami ni Micko pero ni minsan hindi siya nagbago. If not, he becomes sweeter each day. He makes me feel more loved each and every day. Lalo na sa mga anak namin. He is the best father they could have, and I have the best husband.

Pagkatapos niya akong halikan ay yumuko naman siya at marahang hinalikan ang tiyan ko. 6 months pregnant na ako sa pang-apat na anak namin. Ngayon rin namin malalaman ang gender ng baby. At usapan namin pang-huli na naming baby 'to dahil ang ingay na sa loob ng bahay namin. Walang oras na hindi natatahimik lalo na sa pag-aaway ni Cleo at Cece. Halos dalawang taon lang kasi ang pagitan nila kaya parating nagkaka-away pero kapag nakita na nila ang Papa nila ay agad silang nagkakabati.

"Hi, baby. I love you," Micko said after kissing my baby bump.

"Pwede mo bang tignan sandali ang mga bata. Narinig ko kanina si Chale na nagsusumbong at nag-aaway na naman raw iyong dalawa,"

Micko smiled at me. "I'll take care of the kids. Don't worry."

"Thank you," I smiled at him before he made his way to the playroom. Narinig ko agad ang sigawan ng mga bata ng makita ang Papa nila.

I carried each of them for 9 months, pero lahat sila maka-Papa! Ang daya. Tapos minsan nahuhuli ko silang nagbubulungan lahat, tapos ako lang ang may hindi alam. Kaya pag naipanganak ko 'tong bunso namin, hindi ko talaga palalapitin kay Micko masyado para naman may kakampi ako.

"Mama! Mama! Can we swim na at the pool?" Cleo asked while running towards me. She's already wearing her cute bathing suit.

"Alright but call your Kuya first." I said, at mabilis siyang tumakbo pabalik ng playroom at pagbalik niya ay hila-hila na niya sa kamay ang Kuya niya.

"Mama, here's kuya," sabi ni Cleo na todo ngiti habang si Chale naman ay parang naiinis na dahil sa kulit ng mga kapatid niya. Nag-iisang lalaki kasi siya.

"What is it, Ma?"

"Samahan mo ang mga kapatid mo at gusto na raw mag-swimming,"

"But I don't want to swim, Ma. Kaliligo ko lang."

"Kuya, please! I want to swim with you!" Cleo pleaded while holding his Kuya's hand.

Napangiti ako ng bumuntong-hininga si Chale at dahan-dahang tumango.

"Yay! Go change, kuya!" masayang sabi ni Cleo bago hinila papunta sa kwarto ng kuya niya. Napailing nalang ako. Kahit naiinis siya minsan sa mga kapatid niya ay hindi pa rin naman niya matiis ang mga ito.

Malaki kasi ang age gap ni Chale sa mga kapatid niya, pero sinigurado ko na habang lumalaki sila ay hindi malayo ang loob nila sa isa't isa. Natapos na ako sa paghanda sa kusina kaya pumanhik ako sa kwarto namin at nakita ko si Micko na katabi sa kama si Cece na pareho silang tulog.

A smile appears on my lips. They both look so adorable. Nakasiksik ang mukha ni Cece sa dibdib ng Papa niya habang nakahawak pa ito sa kamay na parang aalis ang Papa niya. Napagod rin siguro si Micko sa trabaho. Mabuti nalang at mamaya pa naman ang party. Wala pa rin sila Mama at Papa kaya tama lang na magpahinga muna sila.

Nagpalit lang ako ng damit at saka ako bumaba kung saan busy naman sa pag langoy si Chale at Cleo. Maya-maya lang at dumating na sila Mama at Papa at kasama rin nila si Jella at boyfriend niya.

Agad namang umahon sa tubig si Cleo at tumakbo papunta sa mga Lolo at Lola niya.

"Cleo, stop running, baka madulas ka," saway ko.

"Ma, I'll just take a shower." paalam ni Chale.

"Can you go wake up your papa? Sabihin mo nandito na ang Lolo at Lola." utos ko at tumango siya bago pumasok sa loob.

Dumating na rin sila Lara at Aero kasama si Gisel. Tapos kasunod rin nila si Jayden at Ava kasama ang dalawa nilang chikiting at si Tita Jade na kababalik lang galing US.

"Hi, Java and Aria." I greeted Jayden and Ava's kids.

"Hi, Tita Lindsey!" Aria kissed me on the cheeks.

"Tita, where's Cece?" agad na tanong ni Java. Natawa kami nila Jayden. Magka-edad kasi si Cece at Java kaya mas magkasundo silang dalawa.

"She's sleeping pa, e." sabi ko at agad naman siyang sumimangot.

"Cece would wake up later, then you can swim with her," Ava said to his child, and Java just nodded while hugging his Mom. Nagpaalam muna si Ava na bibihisan ang mga bata para makapag-swimming kaya pumasok muna sila sa loob.

"Mars ang laki na natin pareho!" natatawang sabi ni Lara at nag beso kami. Nagkasabay kasi ang pagbubuntis namin sa dalawang bunso namin. Weeks lang ang pagitan naming dalawa.

"But you're still beautiful," Aero said to his wife habang naka-akbay dito.

"May nagawa ka na naman bang kasalanan?" masungit na sabi ni Lara sa asawa. Napailing nalang si Aero bago ito hinalikan sa gilid ng ulo.

"I love you kahit mas lumakas ang topak mo," natatawang sabi ni Aero kaya hinampas siya ni Lara sa balikat.

"Huwag kang tatabi sakin! Malilintikan ka," sabi ni Lara, bago inis na umalis. Napailing nalang si Aero, bago sinundan si Lara.

Mabuti nalang hindi ako kagaya ni Lara kapag buntis. Mas lumalakas kasi talaga ang pagiging topakin niya pag buntis, si Aero na rin ang may sabi.

Micko came down with Cece and Chale. Nakapang-bathing suit na rin si Cece at agad na tumakbo papunta sa pinsan niyang si Java para mag-swimming. Dalawa kasi ang pool namin sa bahay. Isang pang adult at isang kid's pool, at pinasadya talaga ni Micko iyan para raw safe sa mga bata.

"How was your flight, Tita Jade?"

"It was fine and tiring as usual," she replied.

We sat on the chair while looking at the kids having fun at the swimming pool. Nakabantay si Aero sa mga bata sa tabi ng swimming pool habang si Jayden at Micko ay nag-gi-grill na ng barbecues. Si Ava at Lara kausap sila Mama at Papa.

"Pasensya na po, hindi kami nakapunta sa US para sa death anniversary ni Dad, " sabi ko. Tita Jade gave me a small smile.

"It's fine. You're pregnant and I'm sure Micko doesn't want to tire you out from the flight," she replied.

Tita Jade and Dad were not legally married, but Tita Jade took care of Dad until his last breath. He died 3 years ago because of cancer. Binisita lang namin siya noon ng tumawag si Tita Jade at sinabing mas lumalala iyong sakit niya kaya pinilit ko si Micko na puntahan ang ama niya bago ito mamatay. Alam kong galit pa rin siya sa tatay niya pero sinabi ko sakaniya na tatay niya pa rin iyon.

I moved on and forgave him already before we went and see him. I don't want to feel any more hatred towards other people. I am happy with my life, and I don't want to keep hating someone else. Ako lang rin ang mahihirapan dahil sa sama ng loob. At saka sigurado akong pinagbabayaran naman niya lahat ng nagawa niyang masama sa pamilya ko.

His last words to me were, "I'm really sorry for everything that I did to you and your family, Lindsey. I really regret everything. Please tell your father that I'm really sorry. He was my best friend, and I chose to betray him for money... Money is not everything. Family is... And no amount of money can buy happiness and love."

At that moment, I could feel that he truly regretted everything that he had done.

Some people were blinded by their greed. They thought that money could give you a lifetime of happiness, but it's not.

Micko's Dad died alone in his hospital bed. Mas pinili niya ang pera kesa sa sarili niyang pamilya at kaibigan kaya mag-isa siyang namatay. Ni hindi niya man nadala sa hukay ang perang pinaghirapan niya.

Kaya totoo ang sinasabi ng iba na kahit gaano ka pa kayaman ng buhay, kapag namatay ka, baliwala lang rin lahat ng perang pinaghirapan mo.

"Are you okay, hon? Why are you sitting here alone?" Micko asked, he wrapped his arms around my shoulder. I rested my head on his chest. We were sitting in a corner while watching the kids at the pool. Nasa kabilang side naman ang iba habang kumakain at nagtatawanan.

I smiled a little. "Wala lang. Masaya lang ako na magkakasama tayong lahat." I replied. "Pero mas masaya siguro kung kasama natin si Dad." nilingon ko si Micko at nakita ko ang pagbabago sa itsura niya.

He may hide it from everyone, but I can always see through him. I can see how badly he misses his dad.

Kahit noon pa bago mamatay si Dad. Alam kong hinihiling ni Micko na sana kasama niya ang tatay niya sa kasal namin. Na sana nakasama man lang ng tatay niya ang mga apo niya. Na sana nandito rin siya ngayon kasama namin.

Micko remained silent. I simply wrapped my arms around him as he buried his face in my chest and his shoulders began to tremble. He's sobbing...

I stroked his back and allowed him to cry on my shoulder.

Micko calmed down after a minute, tapos nagulat ako nang nakatayo na sa tabi namin ang mga anak namin. Nakatingin silang lahat sa Papa nila na parang iiyak na rin sila.

"Papa, are you crying? Please don't cry," Cleo said, her eyes looking like she was about to cry.

"Are you okay, Pa?" Chale asked.

Hinarap sila ni Micko nang nakangiti. When he opened his arms, the three of them dashed towards him and hugged him.

"I love you three so much," Micko said to his kids while kissing them all at the top of their heads.

"Paano naman kami ni baby?" Sabi ko na kunwaring nagtatampo. Agad naman silang lumapit sakin at ako naman ang dinumog nila ng yakap at halik.

***

"Ready na kayo?" Jella asked. Lara, Aero, Micko and I nodded our heads all at the same time while holding a cake cutter.

May dalawang cake na hinanda si Jella para samin ni Lara para sa gender reveal. Bukod tanging siya lang ang may alam ng gender ng baby namin ni Lara.

They all counted 1 to 3 and we cut the cake at the same time.

"Parehas tayong magkaka-baby girl!" Lara exclaimed at nagyakapan kaming dalawa sa tuwa.

My heart is beating in excitement. We will have another girl! Nakita ko si Cleo at Cece na tuwang-tuwa habang si Chale naman ay parang natulala dahil siya lang talaga ang nag-iisang lalaki sakanila.

"Amara," I told Micko after we hugged. "That's our baby bunso's name,"

He smiled at me. "Thank you for giving me a beautiful family, Lindsey. Thank you for all the chances that you gave me. You are the best thing that happened to me. I love you so much, Mrs. Sanchez,"

"Ikaw rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Micko. Ikaw lang ang mamahalin ko araw-araw hanggang sa huling hininga ko." I replied before he lowered his face and claimed my lips.

This is how eternal love tastes...

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top