Chapter 36

"ANG LAKI nang ngiti natin ngayon mars,"

"Lahat nalang napapansin mo talaga," sagot ko bago umirap sakaniya, pero agad ring bumalik iyong ngiti sa labi ko. Tinawanan lang ako ni Lara.

"Paanong hindi mapapansin e para kang tanga ryan kanina ka pa nakangisi mag-isa,"

"E, sa masaya ako, e."

"Bakit ka nga masaya? Nagkabalikan na kayo ni Baby Daddy?" pang-asar niya habang nakatingin sakin ng nakakaloko.

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga mag-isa," sabi ko bago tumayo at iniwan siya. Tinawanan lang niya ako ulit.

Pumunta ako sa storage room namin at doon nag-check nalang ng mga supplies. Baka kasi may makalimutan ako i-order. Hindi ko kasi natapos iyong pag-order kahapon simula ng dumating si Micko.

After naming mag-usap kahapon ay halos hindi ako makapag-concentrate dahil inaasar rin ako ng mga employees ko na nakangiti raw ako masyado – kagaya ng pang-aasar ni Lara sakin ngayon kaya umuwi nalang rin ako ng maaga kahapon.

And yes, I did give Micko a chance to explain everything to me. I gave him a chance to become a father to Chale too. Alam ko namang hindi ko pwedeng itago si Chale sakaniya dahil anak niya rin si Chale at karapatan niyang maging tatay sa anak namin.

Iyon lang naman ang gusto niya, e. Ang maging tatay ni Chale. Wala naman siyang sinabing babalikan niya ako kahit na makapag-explain na siya sakin. Pero masaya pa rin ako, kasi alam kong matutuwa si Chale kapag nakilala na niya ang ama niya.

Sinundan ako ni Lara sa storage room.

"Kidding aside, Lindsey, ready ka na ba talagang makinig kay Micko?"

I sighed deeply before facing her. I smiled at her before slowly nodding at her. "Tama lang rin siguro na marinig ko iyong rason niya. Para na rin sa ikapapanatag ng isip ko. Apat na taon akong nag-iisip ng dahilan niya, e. It's time for me to listen to him."

Nilapitan ako ni Lara bago yakapin. "Basta nandito lang ako palagi kahit na anong manyari. All I want for you is to be happy and have peace of mind, Lindsey. After everything na pinagdaanan mo, you truly deserve to be happy."

I hugged her back. "Thank you, Lara," I said,

***

Hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko na nakapag-usap na kami ni Micko kahapon. Balak kong sabihin sakanila bukas ng lunch bago ako pumasok sa trabaho.

Naging busy kami ngayong araw kaya tumulong ako sa kusina habang si Lara naman ay tumulong sa pag-serve ng food at sa counter. Buong mag-hapon walang tigil ang pagdating ng mga customer. Kahit na nakakapagod ay masaya pa rin ako dahil ito talaga ang gusto kong gawin. Eto iyong pangarap kong maging trabaho hanggang tumanda ako. Eto siguro iyong passion na sinasabi ng iba na gustong-gusto mong gawin. Iyong tipong kahit nakakapagod ay nagagawa mo pa ring ngumiti dahil na-eenjoy mo kung ano iyong ginagawa mo at hindi iyong napipilitan kalang gawin para sa ikabubuhay mo.

I've never felt this kind of happiness when I was a stripper because I know that I was only forcing myself to do that kind of job for money. That wasn't my passion. This is.

Halos 11 PM na ng matapos kami sa paglilinis at pag-aayos. Halatang pagod na rin iyong ibang cehf dahil maghapon kaming walang tigil sa pagluluto at iyong mga waiter at waitress ko naman ay ni hindi na nagawang umupo dahil sa dami ng customer.

Nauna nang umalis si Lara dahil may sinat pa rin si Gisel pero maayos na raw ang pakiramdam niya. Pinauna ko na ring umuwi iyong mga staff ko at sinabing ako nalang ang bahala magsara ng resto.

Nasa locker room ako at nagpapalit ng damit ng biglang mag-vibrate iyong cellphone ko.

From: Micko

Are you free this weekend?

I pursed my lips together to suppress the smile that was coming out of my lips while typing a reply to Micko.

To: Micko

I think so... Bakit?

I grabbed my car keys and my purse before heading out. I made sure that everything was turned off and all the doors were locked bago ako lumabas. I was walking my way to my car when I saw a man standing alone in the parking lot. Agad akong kinabahan dahil wala ng katao-tao sa labas! Baka mamaya holdaper 'to!

I slowly grabbed my phone from my purse and was ready to call Micko when the man talked, and I sighed in relief when I saw his face.

"Lindsey," Jayden said.

Akala ko hindi na siya babalik dahil kahapon pa ako naghahantay na bumalik siya!

Agad siyang naglakad palapit sakin. He became more... matured. He still has that signature grin on his face, but hindi na nakakainis iyong pag-ngisi niya hindi kagaya dati na alam kong may masama syang binabalak. And Elena was right; Jayden looks like a model that came out of a fashion magazine. It's been four years at mas lalo lang syang gumwapo. His jaw became more defined, and his body became more buff, just like Micko's. Seriously, sa gym ba tumambay 'tong dalawang 'to?

With a smile, I greeted him with "Hi."

"Long time, no see,"

"Kamusta ka na? Ang tagal mo ring nagtago, ah!" pagbibiro ko at natawa naman siya.

"I know. I fixed myself, " he chuckled.

Natahimik kami sandali habang nakangiti sa isa't isa. I know I truly forgave Jayden now that he's in front of me. I no longer harbor ill will toward him. I'm feeling... relieved. I'm relieved that he was able to mature and grow into a better person.

"Gusto mong magkape?" Alok ko sakaniya.

"Sure," he replied before we started walking back to my restaurant.

I made us some coffee and we occupied one of the tables.

"I know I'm late, but I just want to say congratulations on your restaurant," he said before sipping from his cup of coffee.

"Thank you, Jayden. Ang tagal rin bago ko na-achieved 'tong dream restaurant ko,"

"But you still did it anyway," sabi niya at agad akong napangiti. Sandali kaming natahimik.

Hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman ko habang kausap ko si Jayden. Sobrang nakakatuwa at nakaka-proud dahil nakikita ko lahat ng pinagbago niya. Mas nag matured na talaga siya kaysa dati. Wala na rin iyong takot na nararamdaman ko tuwing makikita ko siya noon. I feel comfortable talking with him now.

I know what he did to me was a huge mistake and probably unforgivable for the others, but I chose to forgive him and give him another chance because he has shown that he truly regretted what he did.

He truly transformed himself for the better...

Napatingin ako sa kamay niya na nakapatong sa lamesa at nagulat ako ng makitang may suot na siyang singsing. Napansin ata niya iyong reaction ko.

Tinaas niya iyong kamay niya at hinarap sakin. "Yup. I am married now," he proudly said. My eyes started to get cloudy. Sobrang lawak ng ngiti sa labi niya. He looks so happy!

"Congrats! Wow," I said in excitement. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na siya! Parang kailan lang.

"Thanks. I met her two years ago. I fell for her at first sight. We got married after a few months of dating, and now we're going to have a baby soon,"

Mas lalong nanlaki iyong mata ko dahil sa sinabi niya. His eyes were sparkling while telling me that. He looks so contented and peaceful. He found the love of his life and I am really happy for him.

He found the right woman for him...

Nag-usap pa kami ni Jayden. He showed me a bunch of their wedding pictures. He was so proud of his beautiful wife! He keeps on telling me stories about how he chased her, and she keeps on rejecting him. Hindi ko ma-imagine na nag-hahabol si Jayden kasi siya ang hinahabol ng mga babae, e!

Hindi ko namalayan iyong oras at alas dose na ng madaling araw. Sinabihan ko si Jayden na dalhin niya ang asawa niya sa restaurant at ipagluluto ko sila. Pumayag naman siya agad sa sinabi ko.

Nagpaalam na rin kami sa isa't isa pagkatapos naming mag-kwentuhan. Ang dami niyang kinwento sakin at nakakatuwa siyang panoorin habang nag-kwe-kwento dahil kitang-kita ko sa mata niya kung gaano niya kamahal ang asawa niya.

Pag dating ko sa bahay, lahat sila ay tulog na. Naghilamos lang ako sandali bago ko pinuntahan si Chale sa kwarto niya at hinalikan bago ako bumalik sa kwarto ko at nahiga. Papikit na ako ng marinig kong walang tigil sa pag-vibrate iyong cellphone ko at nagulat ako na ang daming text ni Micko sakin. Nakalimutan ko pala siyang replyan! But one text message from him caught my attention.

From: Micko

Can I take you and Chale to a beach? If you don't want to, it's totally fine. I just thought you might need some vacation too and time to relax. :)

Bago ako natulog nag-reply muna ako sa text ni Micko.

To: Micko

Okay, I'm sure Chale will be excited! Goodnight, Micko.

***

"Ate! Gising!"

"Inaantok pa ako, Jella!" I groaned, but she kept on shaking my shoulder.

"Nasa baba si Kuya Micko! Dalian mo at bumangon kana diyan!" agad akong napabangon dahil sa sinabi ni Jella.

"S-Si Micko?!" gulat na tanong ko at agad na tumango si Jella.

Bakit siya nagpunta dito bigla? Hindi ko pa nakakausap sila Mama at Papa! Nagpa-panic na ako at hindi pa nakakatulong dahil parang ayaw gumana ng utak ko dahil literal na kagigising ko lang.

"Mag-ayos ka na ate at bumaba kana! Dinala ko muna si Chale sa playroom," sabi ni Jella, bago siya lumabas ng kwarto ko para puntahan si Chale.

I quickly took a shower and fixed myself. My heart is pounding so hard inside my chest! Bakit hindi man lang ako sinabihan ni Micko na pupunta siya dito para sana nakapag-handa ako! Nagsuot lang ako ng skinny jeans and a plain t-shirt. I quickly blow-dried my hair too and put some gloss on my lips before I went downstairs.

Halos tumakbo na ako pababa ng hagdan. At totoo nga ang sinabi ni Jella dahil nasa sala si Micko kausap ang magulang ko! Seryoso lang ang mukha ni Papa habang si Mama e hawak-hawak ang kamay ni Papa. Si Micko naman mukha kinakabahan dahil ang putla ng mukha niya.

"G-Good morning," I said as I descended the stairs.

Hinalikan ko muna sa pisngi sila Mama at Papa. Hindi ko alam kung tatabihan ko ba si Micko sa upuan pero dahil sa kaba ay nanatili nalang akong nakatayo.

"Nagkaayos na ba ulit kayong dalawa?" diretsong tanong ni Papa sakin. I swallowed hard. Napatingin ako kay Micko at dahan-dahan akong tumango.

"Opo, Pa. Nagkausap na po kami noong isang araw at bibigyan ko po siya ng chance para mag-explain sakin,"

Papa sighed deeply. Nakita kong pinisil ni Mama iyong kamay ni Papa.

"Hindi ako mangengealam sa desisyon mo anak dahil malaki ka na pero ayaw na kitang masaktan ulit. Hayaan mo munang patunayan niya na deserve niya ang isa pang chance."

"Nandito lang po si Micko para kay Chale, Pa. Ang gusto lang po niya ay maging ama kay Chale. Iyon lang po," sagot ko at nagulat sila Mama at Papa dahil sa sinabi ko, pero iyon naman talaga ang totoo. Iyon lang naman ang gusto ni Micko kaya gusto niyang makipag ayos sakin.

"That's not true," Micko interrupts. Napatingin kami sakaniya. My forehead creased. He gave me a small smile before facing my parents.

"Ma'am, Sir, I actually came here to ask for your permission to court your daughter again and to prove that I deserve to become Chale's father. I want them both in my life and I am willing to do everything just to be with them."

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top