Chapter 27
"MA..." I cried and walked towards her.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gulong-gulo iyong isip ko. Iyong pinaka-iniiwasan kong mangyari ay nangyari na.
Agad kong niyakap si Mama. "I'm sorry, Ma..." paulit-ulit kong sabi sakaniya.
"I'm sorry kung nilihim ko po sainyo iyong trabaho ko. Ayaw ko lang naman kayong mag-alala sakin. Alam ko ring magagalit kayo kapag nalaman ninyo na ganon ang trabaho ko... pero Ma, hindi ko po pinag-sisisihan na ganon ang trabaho ko dahil kung hindi ko tinanggap ang trabaho na iyon ay hindi ko alam kung saan tayo pupulutin." paliwanag ko habang patuloy lang ako sa pag-iyak.
Paulit-ulit akong humingi ng tawad kay Mama.
Paano niya nalaman? Bakit alam niya na isa akong stripper? Did he investigate me? Sobrang dami kong tanong.
Binigyan ko ng tubig si Mama para kumalma siya. Halata mo sa mukha ni Mama na maghapon siyang umiiyak, iyong pagod sa mukha niya at puyat. Sobrang nag-iba na ang itsura ni Mama. She's still the most beautiful Mama to me, but I can't deny that she has aged a lot in a span of 4 years.
May kinuhang isang brown envelope si Mama at inabot niya 'to sakin. Nagtataka akong kinuha iyong laman sa loob at parang nanghina ako ng makita ko iyong mga litrato ko bilang stripper. Hindi lang isang picture, kung hindi marami.
Paano niya ako nakuhanan ng picture? May binayaran ba siya para manmanan ako habang nagtatrabaho? Isang tao lang ang unang pumasok sa isip ko.
Si Veena.
She already betrayed me. She has already shown me her true colours!
"Anak patawarin mo kami ng Papa na kailangan mong gawin ang ganyang trabaho para samin," Mama said in between her tears. Inabot niya iyong kamay ko, at marahang pinisil iyon.
"Patawarin mo kami ng Papa na... kailangan mong magtrabaho para samin. Sobrang laki ng pasasalamat namin sayo, Anak. Alam mo namang mahal na mahal ka namin ng Papa mo." Nagsimulang humagulgol na naman si Mama. Walang tigil ang luha sa pagpatak sa mata ko.
Akala ko magagalit si Mama dahil nalaman niya... Akala ko madi-disappoint sya dahil ganitong klase ang trabaho ko, pero hindi...
"Patawarin mo kami Anak, kung ikaw ang nagpapaka-pagod magtrabaho para may makain lang tayo. Mahal na mahal ka namin at sobrang swerte namin na ikaw ang naging Anak namin. Sobrang proud ako sayo dahil unti-unti mo ng natutupad ang mga pangarap mo." sabi ni Mama bago niya ako yakapin.
"Sorry rin po Ma kung nagsinungaling ako sainyo. Mahal na mahal ko po kayo," I whimpered.
***
Bumalik na si Mama sa hospital pagkatapos naming mag-usap. May pasok ako kaya hindi na ako nakabalik sa hospital para puntahan si Papa. Kahit papano ay parang may nawalang bara sa dibdib ko. Malungkot ako na sa ganong paraan nalaman ni Papa iyong trabaho ko. At hindi ko maipaliwanag iyong galit na nararamdaman ko kay Kristoffer. He took everything from us and now... he wants to ruin our family, but guess what, he failed.
He will never break our family apart.
He can take everything from me, but he will never take my family away from me. They're my life and I will make sure he will pay for what he did to Papa!
Maaga akong nagpa-sundo kay Lara para pumasok dahil gusto kong uminom ng alak dahil sa mga nangyayari.
"Umalis na si Veena," Lara told me as soon as he picked me up.
I clenched my jaw. "Mabuti naman," galit na sabi ko.
Nagtaka si Lara dahil sa sinabi ko kaya ikinwento ko sakaniya lahat ng nangyari noong Linggo.
"That bitch!" Lara said in anger. "Ang kapal ng mukha niya! Bakit hindi mo agad sinabi sakin para sana nasampal at sabunutan ko pa siya kahapon bago siya umalis!"
I sighed. "Hayaan mo na siya. Mabuti nalang at siya na mismo ang kusang umalis."
Paulit-ulit na minumura ni Lara si Veena hanggang makarating kami sa Btch Valley. Pagpasok namin ay nagulat kami ng makasalubong namin si Veena habang dala-dala iyong ibang gamit niya. Nagulat rin siya ng makita niya kami ni Lara na kapapasok lang. Base sa itsura niya ay mukhang paalis na siya at hindi niya inaakala na darating kami ni Lara ng mas maaga.
"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Lara at akmang lalapitan niya si Veena ng pigilan ko siya. Tumingin siya sakin at umiling ako.
Walang namang mangyayari kahit na saktan ko siya dahil sa ginawa niya sakin. Hindi naman ako masisiyahan kung makaganti ako sa nangyari sakin. Hindi ko gagawin iyong ginawa nila sakin dahil hindi ako kagaya nila. Hindi ko kayang manakit ng ibang tao.
I will not stoop down on their level. I am better than that.
Pero hindi ko palalampasin si Veena hanggat hindi siya humihingi ng tawad dahil sa ginawa niya sakin.
"L-Lindsey..." Nanginginig na sabi niya. Kitang-kita ko iyong takot sa mata niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sakaniya.
"Bakit mo nagawa iyon, Veena? Para sa pera?" I scoffed. "Hindi ko alam na ganyang klase ng tao ka pala... Nagkamali ako sa pagtiwala sayo. Tinuring kitang kaibigan ko."
"Gusto ko lang naman abutin iyong pangarap ko, e! Ano bang mali doon!"
"Anong mali doon?!" I yelled back. "Mali na niloko mo ako! Alam mo kung anong plano nilang gawin sakin pero anong ginawa mo? Natakot ka at umalis! Iniwan mo ako doon kahit na alam mong gagahasain ako ni Jayden!" galit na sabi ko sakaniya. Mabuti nalang at wala pang customer sa loob. May pumatak na luha sa mata ko at marahas kong pinunasan iyon.
Veena doesn't deserve my tears. She was my friend, and she chose to betray me for money.
Nakayuko siya habang umiiyak. I swallowed the lump in my throat.
"Kung gusto mong abutin ang mga pangarap mo, gawin mo sa tamang paraan... Hindi iyong may matatapakan kang iba para lang sa pansariliing kagustuhan mo."
"I'm sorry..." she mumbled. Tears were streaming down my face. I kept wiping my tears away, but they just kept pouring down.
Maybe because I was really hurt that Veena betrayed me because I truly cared for her and it pains me a lot that she was able to do that to me... Because I will never do that to any of my friends, even if they give me a million pesos.
There's no amount of money or success that could take the place of my family and friends in my life. I treasure them more than anything in this world.
"I'm sorry, Lindsey..." paulit-ulit na sabi niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago ako naglakad paalis at iniwan siya doon.
Dumiretso ako sa washroom at doon umiyak. I really treated her as my friend. Sobrang sakit kasi hindi ko talaga matanggap na kaya niyang gawin sakin iyon. Kaya ko pang tanggapin na nagawa ni Jayden at Scarlet sakin iyon pero si Veena? Kaibigan ko siya, e. Sobrang sakit lang talaga.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak sa loob bago ako nagdesisyon na lumabas. Pumunta ako sa bar counter. Nakatingin si Marv at Lara sakin.
"Isang shot ng tequila, Marv." sabi ko at agad naman niya akong binigyan. Agad kong ininom iyon na parang tubig lang.
Nilapitan ako ni Lara at saka niyakap. "I will be your forever best friend, Lindsey. Hinding-hindi kita iiwan. Forever na talaga tayo!" sabi ni Lara. I gave her a small smile when she pulled away.
"Oo, forever best friends na tayo." I agreed and she smiled back.
"Paano naman ako?" biro ni Marv at saka kami tumawa ni Lara.
"Hanap ka nalang ng sarili mong best friends."Pang-aasar ni Lara kay Marv.
"Uhm, Lindsey..." Marv said, napatingin ako sakaniya. Biglang sumeryoso iyong mukha niya.
"Ano iyon?"
"Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin saiyo 'to pero... si Veena ang tumawag kay Micko kaya ka niya napuntahan." sabi ni Marv. Huminga siya ng malalim. "Dumating siya rito noong linggo ng gabi. Umiiyak siya at sinabi niya na tawagan ko agad si Micko para puntahan ka sa Hotel kung saan iyong bachelor's party na trabaho niyo."
"Mabuti nalang at nandito si Blake kahapon kaya natawagan namin si Micko.... Hindi ko alam na ganon pala ang nangyari." malungkot na sabi ni Marv.
Hindi ko alam kung gumaan ba iyong pakiramdam ko dahil sa nalaman ko. Pero tapos na, e. Nangyari na. Wala na akong magagawa... Umalis na rin si Veena.
***
Mabilis nagdaan ang ilang araw. Nakauwi na si Papa galing sa hospital, pero maya't maya pa rin siyang mino-monitor ni Mama. Halos ayaw mawalay ni Mama kay Papa dahil natatakot siya na biglang atakin bigla si Papa.
Hindi ko pa nakakausap si Papa tungkol sa trabaho ko. Hanggat maaari ay umiiwas muna ako sakaniya dahil hindi pa siya ganon kagaling. Ayaw ko muna siyang bigyan ng ikasasama ng kalagayan niya. Hindi rin naman ako kinakausap ni Papa. Hindi ko alam kung galit ba siya sakin o hindi.
"I'll come to visit you later tonight at work," Micko said on the phone.
I bit my lower lip. "Baka pagod ka pa dahil sa internship mo..." sabi ko sakaniya habang nakangiti.
"It's fine as long as I get to see you."
"Ang harot mo!" sabi ko at saka siya tumawa.
"I love you," he muttered, and a smile automatically appears on my lips.
"I love you too, Micko."
Pareho kasi kaming busy ni Micko kaya hindi kami nakakapag-kita. Hindi na rin ako nagpapasundo sakaniya galing sa Hotel dahil nalaman ko na tumatakas lang pala siya para sunduin ako dahil minsan ay kailangan pa niyang mag-stay. Para na ngang hindi siya intern doon, e. Dahil sa dami ng ginagawa niya. Para na talaga siyang nagtatrabaho.
Nag-usap pa kami sandali ni Micko bago ako nagpaalam para sabayan sila Papa sa pagkain ng dinner.
Pagkatapos namin kumain ay pinuntahan ko si Papa sa sala habang nanonood ng TV. Agad ko siyang tinabihan at niyakap.
"Pagaling ka po agad, Pa..." mahinang sabi ko kay Papa. Naramdaman ko iyong pag-yakap niya sakin.
"Patawarin mo ako Anak... Kung hindi dahil sakin hindi mo papasukin ang ganyang trabaho. Kung hindi dahil sakin, hindi mo kinakailangan magtrabaho..." sabi ni Papa at agad na may namuong luha sa mata ko.
"Mahal na mahal kita Lindsey. Ikaw ang unang prinsesa namin ng Mama mo... Patawarin mo si Papa kung hindi dahil sakin ay dapat na-enjoy mo ang kabataan mo at hindi ka nagpapakapagod sa pagtatrabaho para samin,"
Tuloy-tuloy ang pag tulo ng luha sa mata ko habang nakayakap ako kay Papa. Nakabaon iyong mukha ko sa dibdib niya habang mahigpit siya niyayakap.
"M-Mahal na mahal ko po kayo, Pa. Hindi ko po pinag-sisihan na ginawa ko 'tong trabahon 'to dahil alam kong malaki ang naitulong nito para sa gamot ninyo," I sobbed so hard.
I never had any regrets about being a stripper... Accepting this job was the best and hardest decision I ever made. If it means I'll be able to feed my family. If this means I'll be able to take care of all of Papa's medical needs, I'm all for it.
***
Pagkatapos kong makausap si Papa ay mas gumaan ang pakiramdam ko. Ang tagal kong nilihim sakanila 'to at ngayon alam na nila at tanggap pa rin nila ako.
"Nakabalik na raw si Miss Sweety," balita agad sakin ni Lara pagsundo ko sakaniya. Ako naman ang may dala ng sasakyan namin ngayon.
"Hindi ba gusto mo siyang makausap tungkol doon sa bachelor's party kung may kinalaman ba siya roon," dagdag pa ni Lara. Agad akong tumango sakaniya.
Pag dating namin sa Btch Valley ay hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ilang araw kong pinagdadasal na sana walang alam si Miss Sweety sa nangyari sakin. Pinagdadasal ko na hindi siya kasama sa planong 'yon dahil hindi ko alam kung kaya ko pa ba sya harapin kapag nalaman kong pati siya ay kasabwat ni Jayden.
Nakita ko agad iyong sasakyan ni Micko na naka-park sa parking lot kaya medyo gumaan iyong pakiramdam ko. Pero pag pasok namin sa loob, wala si Micko sa bar counter na madalas niyang puntahan.
"Gusto mo ba samahan kita?" alok ni Lara sakin.
Umiling ako sakaniya, "Hindi na. Kaya ko na 'to," sabi ko sakaniya at binigyan siya ng maliit na ngiti.
Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa opisina niya. Pero bago pa ako makapasok ay narinig ko na may kausap siya.
"You're dating Lindsey?" rinig kong sabi ni Miss Sweety. Hindi ko narinig kung ano ang sinabi ni Micko pero parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang sumunod na mga sinabi ni Miss Sweety.
"That's great! I knew you'd be able to do this job, Micko! You can now leave her and break her heart," Miss Sweety excitedly said, and I pushed the door open.
Miss Sweety and Micko both looked at me. They both have a horror look on their face. I hold back the tears in my eyes. I dug my fingernails into my palms.
Tinignan ko ng diretso si Miss Sweety. I treated her as my second mother because I thought she really cared for me. But I was wrong...
"Miss Sweety, I'm quitting starting tonight." I firmly say.
I swallowed the lump in my throat before turning my head to Micko. Lalapitan niya sana ako pero agad ko siyang pinigilan. "Huwag kang lalapit sakin, Micko..."
A tear escaped from my eye and I harshly wiped it away. Ilang beses kong binuka ang bibig ko para magsalita pero hindi ko magawa. Nakita ko iyong pagpatak ng luha sa mga mata niya.
"Goodbye, Micko..." I just said before I quickly walked away from him.
Away from his life...
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top