Chapter 21

I AVERTED my gaze away from him. I took a step back.

"I like you too, Lindsey." Napa-angat ako ng tingin sakaniya. "And please allow me to show you that I am sincere with you..."

My breath hitched. My heart is beating wildly inside my chest. Para akong masusuka sa nararamdaman ko.

Gusto rin niya ako?

Parang gusto kong magtatalon sa saya, pero mas nanatili akong nakatayo kahit na sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.

I slowly nodded, "Pinapayagan kita, Micko." sagot ko sakaniya at agad na lumawak iyong ngiti sa labi niya.

Narinig kong tinawag na ako ni Jella dahil siguro kanina pa kami dito sa labas ni Micko.

"Ingat ka sa pag-drive ha," paalam ko.

"I'll text you when I get home," sabi niya.

Mabilis muna niya akong niyakap bago siya sumakay sa sasakyan niya. Kumaway ako hanggang sa makapag-drive sya paalis bago ako pumasok sa loob.

"Laki ng ngiti natin, a." pang-aasar ni Jella pag pasok ko sa loob. Nakatingin si Mama at Papa sakin, pero wala naman silang sinabi, kaya dumiretso na ako sa kwarto namin.

I immediately grabbed a pillow on my bed and buried my face to scream all the happiness that I'm feeling right now.

Hindi ko na mapigilan pa iyong kilig ko. Ayaw mawala ng ngiti sa labi ko at paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko iyong sinabi ni Micko na gusto niya rin ako.

Para akong nananaginip at ayaw ko ng magising pa sa panaginip na 'to...

I am really, really happy right now.

Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan kila Mama kaya lang sigurado akong magtatanong sila kaya pagkatapos kong maligo ay nahiga nalang ako sa kama.

Nakatitig lang ako sa sira-sirang kisame ng kwarto namin habang nakangiti ng marinig kong tumunog iyong cellphone ko. Mabilis kong kinuha iyong cellphone ko para i-check kung sino at napakagat labia ko ng makitang galing kay Micko iyon.

From: Micko

Just got home. Thanks again for tonight.

Goodnight, Lindsey :)

Ganito pala ang pakiramdam ng kinikilig ka sa simpleng text lang niya, no? Para akong kiti-kiti sa kama ko dahil hindi ako mapakali sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

Nagulat ako ng biglang mag-ring iyong cellphone ko at tumatawag si Micko.

I cleared my throat and took a deep breath. I calm myself first before answering his call.

"Hello? Napatawag ka?" sabi ko ng sagutin ko iyong tawag niya.

"You didn't reply to my text. I thought you were out of load, so I just called instead."

"H-Ha? Hindi... Ano kasi, may ginawa lang ako. Sorry."

"By the way, I forgot to tell you. Good luck with your internship tomorrow. You'll do great!"

"Salamat, Micko. Ikaw rin. Goodluck sa internship bukas,"

Nag-usap pa kami sandali ni Micko bago ako nagpaalam dahil pumasok na si Jella sa kwarto namin at nakatingin na naman sakin ng nakakaloko.

Sabi ni Micko pupuntahan raw niya ako bukas sa Marble Creek Hotel para i-cheer kahit sinabi kong hindi na kailangan dahil sigurado akong busy rin siya bukas.

My heart is overflowing, and I've never been happier. Everything seems to be falling into place.

Malapit na akong gumraduate. Sa isang sikat na hotel ako magi-internship. Masaya ang pamilya ko. Pumayag na si Mama na tumigil sa paglalabada ng kausapin ko siya kanina at higit sa lahat. Masaya ako na nakilala ko si Micko.

I feel like he has the greatest impact on my life. After I met him, sobrang daming nagbago sa buhay ko. May mga masasamang nangyari, pero mas marami pa ring magagandang nangyari.

***

Maaga akong gumising kinabukasan para maghanda. Pinahiram ako ni Jella ng mga damit niya dahil mas marami siyang maaayos na damit kumpara sakin.

"Good luck, anak. Alam kong kaya mo 'yan," Papa said before I bade them goodbye.

Mabuti nalang at madadaanan muna iyong Marble Creek Hotel bago makarating sa resort kung saan ang internship naman ni Lara kaya sabay pa rin kaming makakapasok.

Mas maaga nga lang kaming umaalis para hindi siya ma-late ng pasok.

Napansin kong tahimik si Lara habang nagmamaneho siya. Kagaya ko naka-ayos rin siya dahil first day namin sa internship.

"Okay ka lang?" tanong ko ng masaktuhan kami ng red stop light.

Bumuntong-hininga si Lara. "Hindi na naman siya nagpaparamdam. Mahigit isang linggo na siyang hindi nagpapakita o sumasagot sa mga tawag at text ko. Nag-aalala ako, pero ni hindi ko alam kung saan ba siya nagtatrabaho o nakatira," sabi niya.

"Alam mo iyong pakiramdam na parang hindi ko pa rin siya kilala? Parang ang dami ko pa ring hindi alam sakaniya..." malungkot na sabi niya. Niyakap ko si Lara hanggang mag-green traffic light.

"Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. Huwag mo munang isipin masyado si Aero. Kausapin mo nalang sya kapag nagpakita na siya ulit sayo," sabi ko sakaniya ng ihatid niya ako sa tapat ng hotel.

She simply nodded. "Good luck, Lindsey. Kaya natin 'to!" I smiled at her before she started driving away.

I stopped and prayed for a second before entering the building. Kinakabahan ako, pero mas nangingibabaw iyong excitement na nararamdaman ko ngayon.

Dumiretso ako sa opisina ni Mr. Garcia. Medyo maaga ako, pero mas okay na ito para maganda ang unang impression nila sakin.

"Good morning, Sir," bati ko.

Agad naman niya akong nginitian. "Are you excited for your first day?" tanong niya at agad akong tumango.

"Sobra po." Natatawang sagot ko.

Pinaupo muna niya ako dahil na-traffic raw iyong mag-su-supervise sakin sa internship ko. Kailangan kong maka-140 hours para matapos ang internship ko. Isa buwan iyon at halos pitong oras kada-araw ang kailangan kong magawa.

Mabuti nalang at bayad ang internships dito kaya hindi na rin masama.

Halos 8:30 na, pero wala pa rin iyong mag-susupervise sakin.

"Sorry I got stuck in the traffic," I heard a familiar voice that came inside the office.

Oh, gosh...

No... Please, not him.

Sinalubong siya ni Mr. Garcia ng naka-ngiti.

"No, that's fine." Mr. Garcia said to him as he led him to where I was sitting. "Meet Lindsey, Jayden. She'll be the intern student you'll be supervising."

A familiar grin appears on his face while staring back at me. My mouth was partially open. I couldn't say anything because I felt like there was a huge lump in my throat.

He approaches me and extends his arm in greeting.

He greeted me with a smile and said, "Nice meeting you, Lindsey." I was about to roll my eyes when I realized Mr. Garcia was staring at me, so I fake smiled and shook Jayden's hand instead.

"Nice meeting you as well," I sneer.

"Excellent! I'm sure you'll get along fine as well." Mr. Garcia said, his gaze falling on both me and Jayden.

Iniwan na kami ni Mr. Garcia at si Jayden na raw ang bahala sakin. Parang gusto kong back-out na lang, pero hindi ko magawa kasi kailangan ko 'to.

Lumabas na kami ni Jayden sa office. Tahimik lang akong nakasunod sakaniya. Akala ko hindi ko na siya makikita ulit, pero mali pala ako. Eto ba ang sinabi niya sakin noon na I'll get to see him more?

I gritted my teeth while glaring at him. Ayaw mawala ng ngisi sa mukha at halatang tuwang tuwa siya sa nangyayari.

"Pinlano mo ba 'to?" inis na sabi ko sakaniya. Tumawa lang siya ng mahina.

"What if I did? What are you going to do?" he said, taunting me. I gritted my teeth in anger. Nakakainis talaga!

I rolled my eyes at him.

"You're feisty and I like that..." he licks his bottom lip.

"Simulan na natin 'to para matapos na ako agad."

"What's with the rush? Are you going to see my little stepbrother after this?" He chuckled and casually draped his arms around me. Agad ko siyang tinulak at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin.

"Intern ako dito Jayden at ikaw ang supervisor ko. Kaya please lang umakto ka namang ng tama. I'm not here to play games with you." Galit na sabi ko sakaniya.

He didn't say anything after I said that. He stared at me for a second and then started walking.

"Follow me, intern." he commanded, and I followed him.

Mabuti nalang at wala ng kalokohan pang ginawa sakin si Jayden bukod sa parang nilalandi niya lahat ng babaeng staff na makakasalubong namin. Dinala niya ako sa front desk at ipinakilala sa ibang mga receptionist doon – of course, nakipag landian si Jayden sa dalawang babae sa harapan. Parang hobby na yata niya iyon.

He told me everything I needed to know about the tasks I'd be doing. He instructed me to keep the common areas clean. He also showed me how to check the rooms and ensure that they are all clean and equipped with the necessary amenities. I'll also assist with planning the cleaning schedule based on the occupancy rate. I'll also have to respond to all the requests politely, including other things...

"Do you have any further questions?" Jayden had inquired. His expression is both passive and serious.

I shook my head.

"Good," he said as he walked away from me at the front desk.

Sina Sunshine at Joy ang makakasama ko ngayon sa reception area. Tinuruan nila ako ng tamang pag-sagot ng tawag at kung pano makipag-usap sa mga guest. Marami pa silang tinuro sakin at mababait naman sila. Iyon nga lang hindi nila maiwasang hindi kiligin kapag nakikita nila si Jayden.

Pasimple nalang akong napapa-irap dahil hindi ko alam kung anong nakikita nila kay Jayden. Oo, gwapo siya. Given na iyon, pero iyong ugali niya? Sobrang lala.

I don't think I will ever get along with him kahit pa stepbrother pa sila ni Micko. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung pati sila hindi magkasundo. Mas matanda si Jayden kay Micko, pero kung umakto si Jayden parang bata.

Lahat nalang kasi ginagawa niyang laro.

When lunch came, I received a text message from Micko. Nasa staff kitchen room ako kumakain mag-isa. Sa sobrang busy ko hindi ko namalayang lunch time na. Sobrang nag-eenjoy rin ako sa mga natututuhan ko.

From: Micko

Don't forget to eat your lunch. Also, I'm going to pick you up later. :)

I bit my lower lip dahil kinikilig ako agad. Nireplyan ko siya na kumakain na ako. Nag-text lang kami habang kinakain ko iyong sandwich ko ng bigla maupo sa harapan ko si Jayden.

Parang nawalan ako agad ng gana.

"Ang daming vacant tables bakit nandito ka?"

"Ang sungit mo talaga." sabi niya ng natatawa.

I have a scowl on my face. I ignored him.

"How come you're nice with my little stepbrother but you're hostile with me?"

I took a deep breath. "Bago mo ako tanungin niya, bakit hindi mo muna tignan iyang ugali mo."

He chuckled. "What's wrong with me? Every woman's desperate for my attention,"

"Hindi lahat. 'Wag mo akong isama sa bilang ng babae mo," Inayos ko na iyong mga gamit ko. Hindi na rin nag reply si Micko kaya naisip kong tapos na siya maglunch.

Naglakad na ako paalis, pero si Jayden sinundan pa rin niya ako. Maraming bumabati kay Jayden na staff na nakakasalubong namin.

Hindi ko alam kung ano bang trabaho ni Jayden dito at bakit sya pa nag supervisor ko dahil noong dinala naman ako dito ni Micko wala naman si Jayden sa mga staff na pinakilala sakin.

Mas binilisan ko pang maglakad para hindi kami magkasabay ni Jayden, pero dahil bini-bwisit niya talaga ako ay hinawakan niya ako sa braso para pigilan sa pag-alis.

"Jayden bitiwan mo nga ako!" sabi ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sakin. Mabuti nalang at walang tao kung nasaan kami dahil nakakahiya at baka kung ano pa ang isipin. Intern palang ako rito at ayaw kong masira ako agad dito.

"How much, Lindsey?" he said while clenching his jaw. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "How much did Micko pay you to be nice to him, huh?" Agad na dumapo iyong palad ko sa pisngi niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Hindi lahat nadadaan sa pera, Jayden. Kung gusto mong maging mabait ako sayo, you have to earn that. Dahil walang katumbas na pera para maging mabait ka sa isang tao, tandan mo iyan." galit na sabi ko sakaniya bago siya iniwang mag-isa.

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top