Chapter 20
"HELLO?"
"Hello, Lindsey?" sagot niya sa tawag ko. Halata sa boses niya na nagulat sya sa pagtawag ko. Usually kasi tine-text ko lang sya dahil sayang iyong load ko.
"Kamusta iyong pakiramdam mo?
"I'm all better now. Thanks to you," he chuckled.
I sighed. "You're welcome... Uhm, Micko? May gagawin ka ba mamaya?" diretsong tanong ko sakaniya. Nakatingin si Jella sakin habang nakaupo sya sa sofa.
"Uhh... Wala naman. Bakit?"
I sighed deeply. "Iimbitahan sana kita sa bahay para mag dinner mamaya. Kung okay lang sayo?" sabi ko.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay hindi agad siya nakapagsalita. "Micko andyan ka pa?" kinakabahan na tanong ko dahil baka hindi siya pumayag at hindi ko alam kung paano ko sasabihin na ayaw ni Micko na pumunta.
Pero agad rin akong nakahinga ng maluwag ng sumagot na si Micko sa kabilang linya.
"O-Of course! I would love to, Lindsey..." sagot niya at napangiti ako agad. Si Jella naman nakatingin pa rin sakin habang nakatingin sakin ng nakakaloko.
I motioned her to leave, but she just hugged her pillow while continuing to watch me talk to Micko on the phone.
"Text ko nalang sayo iyong exact address ng bahay namin, ha." sabi ko bago ako nagpaalam at pinatay iyong tawag.
Hinampas ko ng mahina si Jella sa balikat dahil kanina pa siya nakatingin sakin ng nakakaloko!
"Magkaibigan lang kami!"
"Ang defensive mo, Ate. Wala naman akong sinasabi, a."
"Iyang mukha mo kasi kanina pa nang-aasar," sabi ko sakaniya.
"Pano kanina ka pa nakangiti diyan habang kausap si Kuya Micko. Pasimpleng maharot ka rin, e!" Jella said before running away from me because she knew that I was going to tickle her until she was out of breath!
Inayos namin iyong mga pinamili namin at for the first time in 4 years, ngayon lang napuno ng ganito iyong mga cupboards at ref namin! May ibang delata pa na hindi na nagkasya kaya itinabi muna namin sa isang box.
"Grabe Ate sana palagi ka nalang may bonus sa trabaho mo," Jella said while looking at our kitchen in awe.
Bahagya akong napangiti habang pinagmamasdan ang kusina namin na puno ng pagkain. "Sa susunod, mas marami pa diyan ang bibilhin ko kapag nakapag-tapos na ako sa pag-aaral. Tapos magpapatayo ako ng malaking hotel para kay Papa, tapos magpapagawa rin ako ng restaurant para samin ni Mama, tapos ikaw naman mabibili mo na lahat ng gusto mong bilhin at titira tayo sa napaka-laking bahay."
I promised myself that I would achieve all my dreams for myself and my family.
Wala namang masama kung mangangarap ka ng malaki.
Dream big because anything is possible if you put your mind to it. It doesn't matter what state you're in. It doesn't matter if you're rich or poor. Regardless of where you are in life. Dreaming is completely free, and anyone can do it for themselves.
Nobody can stop you from having big dreams.
***
Buong maghapon aligaga lang ako dahil hindi ako mapakali at kanina pa ako kinakabahan. Kanina kasing naglunch kami ay tahimik lang si Papa tapos parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi ko alam kung naghahanda ba sya ng mga itatanong kay Micko.
Nakakahiya rin kay Micko kasi baka kung ano ang itanong bigla ni Papa e magkaibigan lang naman talaga kami.
Yes, we kissed... And I know that's a big mistake because I like him despite knowing he has a girlfriend. Pero sigurado akong wala namang malisya kay Micko iyon pero hindi ko pa rin maiwasang hindi makonsensya gayong alam kong may Scarlet siya.
Mama started preparing food for dinner, kaya tinulungan ko nalang siya kaysa hindi ako mapakali sa kwarto.
Mukhang maraming lulutuin si Mama dahil ang dami niyang hinahandang mga karne at gulay.
I helped with cutting the vegetables. Tahimik lang rin si Mama at hindi ako sanay na ganito sila katahimik. Mas kinakabahan tuloy ako.
I texted Micko a while ago about my real job. I told him that my family doesn't know about me being a stripper. He didn't reply to anything, but I took that as a yes that he was going to keep my secret.
By 7 PM, naka-abang na ako sa pintuan dahil sigurado akong paparating na si Micko any minute. At tama nga ako, dahil maya-maya lang ay nakita kong nag-park na si Micko sa tapat ng bahay namin.
Agad akong lumabas para salubungin siya.
"Hi," I said, smiling at him.
"Hi." he greeted back. "I don't know what to bring, so I just brought some fruits," sabi niya na parang nahihiya pa sya sa dala-dala niyang malaking basket ng prutas.
"Hindi ka na dapat nag-abala pa, Micko." sabi ko sakaniya at nginitian lang niya ako. "Tara, pasok ka sa loob. Pasensya na at maliit lang ang bahay namin." pag-aya ko sakaniya sa loob.
Pag pasok namin sa loob ay saktong kalalabas lang rin ni Papa sa kwarto nila at si Mama naman ay kagagaling lang rin sa kusina.
"Ma, Pa, si Micko po." sabi ko. "Micko, Pamilya ko nga pala."
"Good evening po Ma'am, Sir... Para po sainyo," bati ni Micko sa pamilya ko bago inabot iyong dala niyang basket ng prutas.
"Salamat, nag-abala ka pa Micko... At saka Tita Ely nalang itawag mo sakin." Mama smiled at Micko. Si Papa naman tipid na ngumiti at tinanguan si Micko.
Nag-yaya na si Mama para kumain dahil baka raw lumamig iyong mga pagkain. Parang fiesta sa dami ng nakahandang pagkain sa lamesa. Ngayon lang napuno ng ulam iyong buong lamesa namin. Si Jella halatang excited dahil hindi na kami magtitipid ng ulam at kanin.
Nasa kanan ko si Micko tapos nasa kanan naman niya naka-upo si Papa at kaharap naman niya si Mama. Si Jella naman naka-upo sa harapan ko.
Nagsimula na kaming kumain at maya't maya ako napapalingon kay Papa dahil sobrang tahimik niya. Mabuti nalang si Jella at Mama dinadaldal si Micko at mukhang okay naman sila kay Micko.
"You're such a great cook, Tita." Micko complimented Mama. Mama smiled widely.
"Thank you, Micko. Pero mas magaling mag luto si Lindsey." Mama replied before glancing at me.
"Mas magaling ka kaya, Ma! Syempre sayo po ako nagmana," sagot ko at tumawa lang si Mama.
Tahimik pa rin si Papa kaya inalok ko siya ng paborito niyang adobo ni Mama.
"Pa, gusto mo pa po ng adobo?" Napalingon silang lahat kay Papa at hinahantay siyang magsalita.
He sighed before giving me a small smile and nodding his head. Inabot ko iyong plato ng adobo kay Papa para makakuha siya.
Hanggang matapos kaming makakain, wala namang tinanong si Papa kay Micko.
Lumipat kami sa sala at naghapag ng ibang prutas si Mama na dinala ni Micko.
"Anak pwede mo ba akong tulungan sa kusina sandali?" Mama said. Ayaw ko sanang iwanan si Micko na mag-isa sa sala kasama si Papa pero no choice ako dahil nagpapatulong si Mama sa pagliligpit.
"Sige po," sagot ko bago ko iniwanan si Micko at Papa sa sala.
Nag-usap kami ni Mama at mukhang okay naman siya kay Micko. Sabi niya mukha naman raw mabait si Micko. Kaya sinabi ko na kay Mama na si Micko ang dahilan kung bakit ako nakakuha ng internship sa Marble Creek Hotel kaya nagulat si Mama.
Pagbalik namin sa sala ni Mama, naabutan ko sila Micko at Papa na seryosong nag-uusap. Agad silang tumahimik ng dumating kami. Naupo ako sa tabi ni Micko.
"Okay ka lang?" Bulong ko sakaniya.
Nginitian niya lang ako. "Oo naman. You have a very nice family, Lindsey." sabi niya.
Sobrang nacu-curious ako kung anong pinag-usapan nila ni Papa pero hindi ko naman magawang itanong kay Micko.
Nagtanong-tanong lang sila Mama at Papa kay Micko ng kung ano-ano. Nagtanong si Papa kung paano kami nagkakilalang dalawa. Mabuti nalang at sinabi ni Micko na same school kami at doon kami nagkakilalang dalawa.
Muntik na akong masuka sa kaba. Mabuti nalang hindi na nagtanong pa sila Papa. Nagpaalam na rin si Micko kila Mama at Papa na mauuna na siya.
"Salamat po sa pag-imbita sakin, Tito, Tita..." Micko smiled at my parents. And they smiled back.
"Hatid ko lang po sa labas si Micko." sabi ko bago kami lumabas ni Micko.
Para akong nakahinga ng maluwag dahil mukhang okay naman si Micko sa pamilya ko at ganon rin si Micko sakanila.
"Are you okay, Lindsey? You look constipated," he said before laughing at me. I frowned at him.
"Kinabahan lang ako... Baka kasi biglang magtanong sila Papa tungkol sa trabaho ko," Pag-amin ko sakaniya. Bahagya akong ngumiti.
Lumapit siya sakin at saka ako niyakap. "I'm sure your family will love you no matter what you do. You have a nice family, Lindsey... And I think they deserve to know what their daughter does for a living."
My eyes start to water. I rested my head on his chest and let him hug me.
"Hindi ganon kadali iyon, Micko... May sakit si Papa at natatakot ako na may mangyari sakaniya kapag nalaman niya na isang stripper ang anak niya," Tears escaped from my eyes.
Micko gently patted my back. "Just always remember that I'm going to be by your side no matter what happens,"
Naiintindihan ko iyong sinasabi ni Micko pero mas iniisip ko iyong kalagayan ni Papa. Mas importante sakin na maayos ang kalagayan ni Papa. Konting panahon nalang naman at aalis na ako sa pagiging stripper. Hinahantay ko nalang na maka-graduate ako at makahanap ng trabaho.
"Uhm, Micko, pwede ba akong magtanong?" sabi ko ng maghiwalay kami ng yakap.
"Of course," he smiled at me.
I bit my lower lip. I sighed deeply before staring straight into his beautiful eyes. He was staring back at me, waiting for my question.
"A-Alam kong may girlfriend ka, Micko..." I stuttered.
Kumunot iyong noo niya. "At mali na ganito tayong dalawa habang may girlfriend ka pa. Sa tingin ko dapat itigil na natin 'to. Hindi tama na magustuhan kita habang alam kong may girlfriend ka," dagdag ko pa. Mas lalong kumunot iyong noo ni Micko.
Hindi niya siguro inakala na alam ko na may girlfriend siya.
"Ingat ka sa pag-uwi. Salamat ulit sa pagpunta mo," paalam ko bago siya talikuran, pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ng hawakan niya ako sa kamay.
"What are you talking about, Lindsey?" He looks so confused. His eyebrows were furrowed together, but he had a small smile on his lips.
Hinarap niya ako sakaniya at hinawakan sa magkabilang balikat. "Lindsey, listen to me very carefully..." sabi niya at agad akong tumango.
"Wala akong girlfriend... Hindi ko alam kung saan mo narinig iyan but I promise, I don't have a girlfriend." the side of his lips rose.
"Hindi mo girlfriend si Scarlet? Bakit sinabi niya sakin na girlfriend mo raw sya..." gulat na tanong ko sakaniya. Sandaling napapikit si Micko bago tumitig ulit sakin ng diretso.
"She is my ex... We stopped dating six months ago,"
Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Hindi niya girlfriend si Scarlet? Pero bakit sinabi niya sakin iyon? Niloko lang niya ako?
My lips parted at the sudden realization. Oh, gosh... Ang tanga ko dahil mas naniwala ako sa sinabi ng babaeng iyon!
Napansin ni Micko iyong pagbago ng mukha ko at parang na-realize niya rin iyong nangyari sakin noon. Biglang nagbago iyong itsura niya at kita ko iyong galit sa mga mata niya.
"Was she the one who hurt you?" He clenched his teeth. I slowly nodded my head. He immediately pulled me for a hug.
"I'm really sorry she did that to you..." he uttered before placing a kiss on the side of my head.
"Okay lang... Kalimutan nalang natin iyon. At least ngayon, alam ko na ang totoo," kusang lumabas iyong ngiti sa mga labi ko, bago ko siya niyakap ng mas mahigpit. I let myself melt in his arms.
I like the feeling of being wrapped around his arms. I feel warm and comfortable and safe...
"Okay," he replied, and we stayed like that for a few more minutes.
Mabuti nalang at nakatakip iyong sasakyan niya sa tapat ng bahay kaya hindi kami masyadong kita dahil madilim na rin sa labas.
Micko broke our hug. He sank to his knees so that he could look me in the eyes. His lips twitch up in a grin. My heart begins to beat rapidly.
"So... Can we talk about now what you said about liking me?"
WHATYASEY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top