Chapter 15

"BAKIT ANG laki ng halaga na nilagay mo rito?"

He gave me a shrug before walking away.

Nakatitig lang ako sa cheque na binigay niya at hindi makapaniwala kung gaano kalaki iyong pera na basta nalang niya ibinibigay sakin. Is he like this to everyone?

Kaya ba galit na galit si Scarlet dahil mabilis magtiwala at mamigay ng pera si Micko sa mga kaibigan niya? Ganito ba sya kagalante sa lahat?

"M-Micko..." I called him. Nakita ko siyang pumunta sa kusina kaya pinuntahan ko siya doon.

He was drinking water when I came in.

"Ang laki naman nitong ibabayad mo sakin... Parang hindi naman tama na tanggapin ko 'to," sabi ko at saka ko binabalik sakaniya iyong cheque na hawak ko.

Nginitian lang niya ako bago ako nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Lindsey... That's not even enough. You actually deserve to get paid even more than what you do. Your job is no joke and I know that you really needed that money for your family, so just please accept it."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakaniya. As much as I don't want to accept it, I also know that this would help me with paying Jayden, and I will save half of it for Papa's emergency fund.

"Babayaran kita... Hindi ko talaga kayang tanggapin 'to, Micko." sabi ko sakaniya.

Alam kong naaawa lang sakin si Micko kaya nya 'to ginagawa at dahil alam niyang ako ang nag-tatrabaho para sa pamilya ko. At kapag tinanggap ko iyon ng ganon-ganon lang e'di para ko na ring pinatunayan iyong binibintang ni Scarlet sakin na pera lang ni Micko ang habol ko. At hindi iyon totoo.

Even though Micko is unreachable, I genuinely wanted to be his friend...

Despite the fact that he is way out of my league...

Even befriending him, however, appears to be impossible.

I heard him sigh dejectedly. "All right," he said, "I'll let you pay me on one condition."

While staring at him, my brow furrowed.

He's got a sly grin on his face, as if he's planning something.

"You'll pay me by working for me, but not as my personal stripper any longer..." he said, causing my brow to furrow even further.

Is he going to end our contract?

"But instead... you'll start working as my personal assistant,"

"Ha?"

"Yes, Lindsey, you heard me correctly."

"Personal assistant?"

He smiled as he nodded at me. "I'll talk to your boss about our contract," he said, "so you don't have to worry."

Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi ni Micko.

Nababaliw na ba siya? O 'di kaya kulang sya sa tulog?

Iniwan niya akong nakatayo mag-isa sa kusina niya habang gulong-gulo pa rin ang isip niya.

Ibig sabihin ba nito kailangan palagi ko siyang sasamahan sa lahat ng lakad at gagawin niya? Pano na iyong internship ko? Dahil siguradong may internship din siya kaya niya ako kinuhang PA niya para tulungan siya.

Paano si Scarlet?

Siguradong magagalit iyon pag nalaman niyang PA ako ng boyfriend niya!

Pinuntahan ko si Micko sa sala pero wala siya doon. I was panicking so badly that I went straight to his bedroom and came in without knocking at the door.

"Sorry!" sigaw ko at agad na sinarado iyong pinto ng kwarto niya at naglakad pabalik sa sala.

Oh, God!

Ang tanga-tanga talaga Lindsey! Hindi man lang kumatok! Ayan nakita mo tuloy siyang nagbibihis!

Kumuha ako ng isang unan sa couch at doon ibinaon iyong mukha ko. Sobrang init ng pisngi at tenga ko!

Narinig kong nagbukas at sarado iyong pintuan. Ang lakas ng tibok ng puso ko! Para akong aatakahin sa kaba!

"S-Sorry... Hindi ko alam na nagbibihis ka pala," I apologized while my face was still buried in the pillow.

I heard him laugh. Parang gusto kong lamunin nalang ako ng lupa!

I felt him sitting beside me. "What are you so ashamed about? You've seen me naked before," he said, still laughing.

Hinampas ko siya sa braso ko at sinimangutan siya. "Bakit kasi hindi ka nagla-lock ng kwarto!" sigaw ko sakaniya na mas kinatawa niya.

"I didn't know that you will just barge in inside my room while I'm changing..." he said in defence. I frowned at him.

He slightly pinched my nose. "Mamboboso," pang-aasar niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at saka ako lumayo sa tabi niya. Ayaw mawala sa isipan ko iyong nakita ko kanina! May nangyari na samin dati pero madilim noon kumpara ngayon na ang liwa-liwanag kaya kitang-kita ko talaga iyong hubad na katawan niya!

Thank God Micko turned on the TV because I feel like I'm going to die from embarrassment.

"By the way, you can start being my personal assistant starting tomorrow." He glanced at me after he said that.

"A-Ano bang trabahong gagawin ko?" tanong ko sakaniya dahil sa totoo lang wala akong ideya kung ano bang gusto niyang gawin ko.

Ang alam ko kasi ang PA ay para sa mga boss na nagtatrabaho at sobrang busy, at parehas pa rin kaming nag-aaral kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit iyon pa ang inalok niya saking gawin ko.

"You don't have to do anything... Just stay right beside me, that's it." he casually said.

"Pati sa school?"

He nodded, "Yup. Especially at school," he replied.

Hindi na ako nagsalita pa. Gusto ko sanang itanong papaano si Scarlet pero baka magtanong pa siya kung paano ko nakilala si Scarlet.

"Why do you look like that? Ayaw mo ba akong kasama sa school?"

"H-Hindi ah... Paano kita sasamahan parati kung magkaiba naman tayo ng building?" tanong ko.

He didn't answer my question, but instead he gave me a meaningful smile.

***

Nagpaalam na ako kay Micko dahil kailangan ko pang maghanda para sa trabaho ko mamayang gabi. Kasama ko pa rin si Marv sa pagba-bartender pero dahil tineminate na ni Micko iyong kontrata naming dalawa kaya baka ibalik na ako ni Miss Sweety sa pagiging stripper.

Mabuti nalang at hindi na gaanong kita iyong mga pasa sa mukha ko dahil sa gamot na nilagay ni Micko kanina.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Mabuti nalang at wala si Jella sa loob kaya nakapag-lagay ako agad ng concealer sa ibang kalmot na kita sa mukha ko at nagpalit ako ng damit.

I just wore skinny ripped jeans and a blouse.

"Aalis ka ulit anak?" Papa said, paglabas ko ng kwarto.

Agad akong ngumiti at nilapitan siya. Niyakap ko si Papa, at tinabihan siya sa sofa.

"Opo, Pa. Kailangan ko pong magtrabaho," sabi ko.

"Magpahinga ka naman anak... Ang payat-payat mo na. Kumakain ka pa ba?" nag-aalalang tanong niya.

Tumawa nalang ako dahil sa sinabi ni Papa at mas hinigpitan pa iyong pagkakayakap sakaniya.

Sometimes I just wish I could go back to being a kid...

Where we can still live our old lives. Without any difficulties... When Papa is still very healthy and cheerful.

When the only issue I have is deciding which color to use to color my drawings. Mama will prepare a large amount of food for us because she does not want us to go hungry, so every day is a feast..

"Salamat sa lahat ng sakripisyo mo samin anak... Ako dapat ang nagtatrabaho para sainyo pero—"

"Papa naman... Syempre mahal ko kayo kaya ko po ito ginagawa. Basta ang gusto ko lang ay gumaling na kayo. Para pag naibalik ko na po iyong nawala satin, gusto ko malakas na kayo dahil pangarap kong makita kayo ulit na masayang nagtatrabaho..." I said, and my eyes started to water.

Papa wrapped his arms around my shoulder and hugged me even tighter. I heard his soft sniffles.

I love my family so much... and I will never be ashamed of telling that to anyone because they are my prize possession.

Nag-usap pa kami sandali ni Papa dahil parang ang tagal na simula ng huli kaming nakapag-usap. Madalas kasi busy ako sa pag-aaral o hindi kaya busy sa pagtatrabaho.

Bukas na bukas ay ipapasok ko iyong cheque na binigay ni Micko sakin at tatawagan ko agad si Jayden para mabayaran na siya.

Masyado na akong maraming iniisip at gusto kong mabawasan naman iyon...

Sinundo ako ni Lara sa bahay ng papasok na kami.

"Bakit bigla ka nalang umuwi kanina? May nangyari ba kay Tito? Okay lang ba sya?" sunod-sunod na tanong ni Lara habang nagmamaneho.

Napalunok ako at saka tumingin sa labas ng bintana. "Uh... Okay naman si Papa. Medyo sumakit kasi iyong ulo ko kanina kaya umuwi ako." pagdadahilan ko. Mabuti nalang at hindi naman nagduda si Lara pero sinabihan niya ako na magpahinga ako dahil wala pa akong tamang tulog.

Thankful rin ako sa concealer at makeup ni Jella dahil hindi talaga halata iyong mga pasa at kalmot sa mukha ko.

Pag dating namin sa Btch Valley, medyo marami-raming customer kahit na weekdays ngayon. Mamaya pa magsisimula iyong performance sa stage pero marami na agad nag-iinom sa loob.

Dumiretso ako sa counter para tulungan si Marv sa pages-serve ng alak dahil mag-isa lang sya doon at madaming nasa bar counter.

At dahil busy kami kaya hindi ko namalayan iyong oras at alas dose na kaya nag simula na iyong performance sa stage. Sinabi ni Lara kanina na may bago raw na-hire na stripper at sya yata ang unang sasalang ngayon. Magaling na dancer raw siya kaya mas pinili niyang mag-perform nalang sa stage. Malaki rin kasi ang kinikita nila sa pagpe-perform dahil ang laki ng tip na binibigay sakanila ng mga nanonood.

"Salamat sa pagtulong mo, Lindsey. Life saver ka talaga!" sabi ni Marv nang mapahinga kami.

Ngumiti ako sakaniya habang inaayos iyong ibang gamit namin.

"Wala iyon. Ikaw pa ba! At saka baka huling gabi ko na 'to sa pagtrabaho dito, dahil baka bumalik na ako sa pagiging stripper ulit," natatawang sabi ko sakaniya.

Sumimangot si Marv bago ako nilapitan at niyakap. Nagulat ako, pero niyakap ko nalang siya pabalik.

Matagal ko ng ka-close si Marv, dahil sobrang bait niya. Siya rin kasi ang nagturo sakin kung pano mag-mix ng mga drinks kaya natutulungan ko siya kapag sobrang busy niya. Sila ni Blake ang magkasama noon, kaya lang madalas busy si Blake, kaya mag-isa lang si Marv madalas.

"Hindi ba pwedeng bartender ka nalang palagi, Lindsey?" sabi ni Marv habang nakasimangot ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.

Tumawa ako sabay umiling sakaniya. Alam naman niyang 'di hamak na mas malaki pa rin ang kinikita ko sa pagiging stripper.

May mga dumating na customer kaya naputol iyong usapan namin ni Marv. Nagpaalam ako sandali kay Marv na mag-wa-washroom lang ako noong medyo nawalan ng customer sa bar counter.

Paglabas ko ng cubicle, nasa loob ng washroom iyong sinasabi ni Lara na bagong hire na stripper. Napalingon siya sakin at nginitian ako kaya ngumiti rin ako pabalik habang naghuhugas ng kamay.

"Ang galing ng performance mo kanina." sabi ko sakaniya.

"Thank you," she replied, smiling.

I dried my hands with the towel before I offered my hand. "I'm Lindsey, by the way."

"I'm Veena. Nice meeting you, Lindsey." sabi niya bago inabot iyong kamay ko para makipag-kamay.

Mukhang mabait naman si Veena. Medyo natulala ako sandali dahil ang ganda-ganda niya. Ang liit ng mukha niya tapos ang haba pa ng pilikmata niya. Parang dapat mas bagay siyang maging modelo kesa maging stripper.

"Matagal ka ng nagtatrabaho dito?" tanong niya habang sabay kaming naglalakad palabas ng washroom.

Tumango ako. "Oo halos apat na taon na rin." sagot ko.

"Ikaw? Bakit ka nag-apply dito bilang stripper?" curious na tanong ko. Alam ko naman iyong posibleng maging dahilan niya kaya siya pumasok dito, dahil sigurado akong kagaya namin, wala siyang choice kung hindi pasukin iyong ganitong trabaho para kumita ng pera.

She gave me a small smile. "We probably have the same reason for working here. Kailangan nating kumita ng pera para sa pamilya," sagot niya.

I saw the familiar look on her face because that was my look whenever someone is asking me why I do this kind of job.

Some people will judge me because they will never understand unless they're in my shoe... But some people, like Veena... We understand each other because we are facing the same problem.

I gave her a comforting smile before wrapping my arms around her.

"Malalagpasan rin natin 'to," I said while hugging her.

WHATYASEY

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top