Prologue

Pinagmamasdan ko ang mga litratong nakalagay sa ibabaw ng aking desk. These are the pictures of the days, noong nag-aaral pa lamang ako. Napangiti ako ng wala sa oras. I couldn't believe that years will pass and I surpassed and survive those years. Inilipat ko ang aking mga mata sa bawat pasilyo ng litrato, huminto lamang ito nang makita ang isang litratong hindi ko pa pala na-itago. Bumuntonghininga ako at bumangon sa aking kama at kinuha iyon.

It was a picture of little Paige and that guy... who almost became part of her life. This little girl had no idea what she will become and what will become together with this guy... padabog ko itong itinago sa ilalim ng kama, matagal ko nang pinag-planohan na itatapon ko na ang litratong iyon, pero may parte pa rin sa akin na hindi ko pa kaya...

What the hell?! Paige? It's been eight years! Sobrang tagal na noon.

Tuluyan na lamang akong pumasok sa banyo para makapagligo na. Nang natapos na ay inayos ko na ang aking puting uniporme, 'tsaka ako tuluyang lumabas ng bahay. Kaagad kong pinaandar ang aking expedition at nakikipaglaban na naman sa walang katapusang traffic. My mom wants me to go home at doon na lamang ako sa Agusan mag-trabaho, pero wala pa naman kasi akong ganang umuwi doon eh. Siguro kung may mabigat lang na rason para bumalik ako doon, baka... may pag-asa pa na babalik ako.

Habang pinagmamasdan ko ang traffic lights at sa mga bawat sasakyan na may iba't-ibang mundo, sa mga taong tumatawid na may kanya-kanyang buhay. Napagtanto kong... mahirap pala talagang mag-isa sa buhay. Ibinaling ko ang aking paningin at nanlaki ang aking mga mata nang sa katabi kong sasakyan ay nakita ko siya... biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko siyang muli.

What is he doing here?! Akala ko ba... nasa Agusan siya ngayon, bakit siya nandito?

Hindi ako mapakali habang hinihintay ko ang bawat segundo na lumipas. Bakit ba kasi ang bagal! Hindi ko na magawang lumingon pa sa aking gilid at nang sumenyas na ang traffic lights ay kaagad kong pinaandar ang aking sasakyan.

Eight years... eight years ko siyang hindi nakita tapos ngayon makikita ko siya?! What for?

Hindi ko alam kung ano ba ang tawag sa nararamdaman ko ngayon ng pumasok ako sa trabaho. I couldn't even think properly!

"Good morning, Audrey!" bati ng kasama ko sa trabaho, si Annika.

"Good morning." Matamlay kong sagot sa kaniya.

"Umagang umaga, wala ka sa mood?" natatawa pa niyang sabi habang nag-aayos ng gamit para dalhin sa laboratory.

"I just saw something, Annika..." kuryoso siyang lumapit sa akin at natigilan naman ako sa aking ginagawa.

"Bakit? Nakita mo na ba si Mr. Martensen?"

"Hindi ko nga rin alam kung bakit nandito siya sa Manila, eh."

"Oh my god! Baka... nandito siya kasi hinahanap ka niya, Audrey!" napapailing na lamang ako sa kaniyang mga sinabi.

"Imposible 'yang mga sinasabi mo, Annika. Walong taon, walong taon ko siyang hindi nakita, kaya malabo na ako ang maging rason niya kaya siya nandito."

"Malay mo, hindi ba? Sa walong taon siyang hindi siya nagpakita sa'yo, imposibleng hindi ka nun' na-miss!" natawa na lamang ako sa kaniyang mga sinabi.

"Tumigil ka na nga, Annika." Hindi nagpa-awat ang kaibigan ko at natatawa itong lumabas ng aming opisina.

"Nurse Audrey, sabi ni Doc Ethan pumunta ka raw sa room 1." Kaagad akong tumango sa kaniyang sinabi at sumunod kaagad.

Pagkarating ko doon ay nakita ko kaagad ang isang babaeng buntis na ngayon ay nakahiga. Mr. Doc Ethan Williams ang nag-che-checkup sa kaniya.

"That's good! The baby is healthy, Mrs. Ramoz. Two more months and you will see her." Masayang sabi ni Doc Ethan

Ngumiti lamang ang babae sa kaniya at hinaplos ang kaniyang tiyan. She's still beautiful, even she's in her pregnancy stage. I just couldn't believe there are still women who can maintain their skin to be fair. Ang kinis pa rin ng balat niya at maganda pa rin talaga siya, kahit dalawang buwan nalang ay manganganak na siya.

"Thanks, Doc."

"Audrey, just interview her first, okay? Kailangan ko 'yun for her next checkup." Tumango na lamang ako sa kaniyang mga sinabi at lumapit ako sa babae.

"Good morning, Ma'am. How are you feeling?" ngumiti siya sa akin bago niya ako sinagot.

"I'm fine. I'm just... happy."

"Paniguradong matutuwa ang asawa mo, Misis." Natahimik siya ng sabihin ko iyon sa kaniya.

Napalunok ako ng wala sa oras. Did I just say something wrong?

"I don't think so, Miss. Hindi niya nga ako sinamahan dito sa pagpapa-check-up ko eh. For sure he's only here for that woman. Hindi para sa'kin." Natigilan ako sa kaniyang mga sinabi.

Did his husband cheat on her? Gago lang ang gagawa noon sa kaniya. Kung ako ang nasa posisyon niya hinding-hindi ko mapapatawad ang lalaking iyon.

"I'm sorry to hear that, Ma'am."

"You shouldn't be sorry about that, kung may mag-so-sorry man, iyon ay ang aking asawa. If you have plans to get married, piliin mo 'yung lalaking mamahalin ka higit pa sa pagmamahal niya sa sarili niya." Ngumiti na lamang ako sa kaniya at unti-unting tumango.

"Thanks for the advice, Ma'am. I will." Pagkatapos ko siyang asikasuhin ay kaagad akong lumabas ng kaniyang kwarto at bumalik sa aking pwesto.

Hindi ko na lamang inisip ang tungkol sa nakita ko kanina dahil paniguradong hindi ako makakapag-concentrate sa trabaho ko kung iyon ang iisipin ko.

"Thanks, Nurse Audrey!" sabi sa akin ng isang batang pasyente. Mahigit dalawang linggo na iyon dito dahil malubha ang kalagayan ng bata, pinapagaan ko nalang. I just want to make him feel that even though life seems irritating and challenging, there still hope for him.

"Magpagaling ka, ha? Kailangan pagbalik ko sa susunod na araw, wala ka na rito, magaling ka na." nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Yes, Ate Audrey!" I tapped his head and went back to office to get my things.

Hindi ko namalayan ang oras at alas-otso na pala ng gabi. Morning shift ang naka-assign sa akin, okay na rin 'yun kaysa sa magpuyat ako ng sobra nang dahil pinili ko ang night shift.

Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko at dumiretso sa parking lot. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng aking sasakyan ng makita ko ang sticker na nakalagay sa gilid ng sasakyan ng aking katabi. Umawang ang aking bibig at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso.

That sticker...

Imposible...

Imposibleng nandito siya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top