Chapter 9
Tulala ako habang pinagmamasdan ko ang mga taong labas-masok sa loob ng cafe. Kumunot ang aking noo at naalala ko bigla ang mga sinabi Papa noong isang araw.
There is really something wrong about it. Oh, baka naman ay praning lang ako at wala naman talagang balak si Papa ng masama. How rude I am to think that way to my father?!
Jesus!
Napahilamos ako sa aking mukha at nakita ko ang pagpasok ni Chloris sa loob ng cafe. She's wearing a denim skirt and a black turtle neck. Umuulan rin kasi ngayon kaya medyo maginaw ang panahon. Umalon ang kaniyang mahabang buhok at kaagad na lumapit sa akin.
"Hoy! Hindi mo sinabi sa akin na kasama mo pala ang mga Martensen, noong nakaraang araw." She pouted at me.
Bumuntong hininga ako at inikotan ko siya ng aking mga mata at itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa menu na nasa harapan namin ngayon.
It's actually our break time. Three hours vacant, buti nalang talaga at may schedule kami sa isang araw na parehas ang bakante namin. Nakaka-drain ang kursong kinuha ko, siguro nga tama si Papa. Dapat ay business nalang 'yung kinuha ko para naman may silbi ako sa kanila.
Kumirot ang aking puso at hindi ko nalang iyon pinansin. "Ano naman ngayon kung kasama ko sila? Hindi naman iyon big deal para sa akin." sabi ko sa kaniya.
Umawang ang kaniyang bibig at napapailing. Lumilinga pa siya sa aming paligid at baka may makarinig sa sasabihin niya.
Ano naman ang problema ng isang ito?
"What?! Big deal kaya iyon, Audrey. There are a lot of girls out there who dream to be with the Martensen! Tapos ikaw, hindi pa-proud?" kumunot ang aking noo at pinagtaasan ko siya ng aking kilay.
Busangot ang pagmumukha niya nang makita niya ang aking eskpresyon.
"Bakit naman ako magiging proud? Eh, hindi ko nga gusto ang pag-uugali noong Kerby Fil, eh!"
"Alam mo ba na nabalitaan ko na may nakalaan na raw na babae para kay Kerby," natigilan ako sa kaniyang mga sinabi at napatingin sa kaniya ng wala sa oras.
What?
Alam kong nasabi na ito ni Reian, noong nag-usap kami pero hindi ko akalain na totoo pala talaga ang mga ganyan. Kung may babaeng nakatadhana na pala sa kaniya, edi sana tigilan na niya ako! Bakit pa siya nakikipaglandi sa akin?!
"Hindi ako interesado," halos pabulong ko nang sagot sa kaniya.
Pinanliitan lamang niya ako ng kaniyang mga mata. She smirked at me like I was a joke or something.
"Talaga ba? Hindi ka interesado kay Mr. Martensen? Teka nga, nakakahalata na ako sa'yo." nalaglag ang aking panga.
Ano naman ang ibig sabihin ng isang ito?
"What do you mean, Chloris? I already told you the truth. Wala akong gusto sa lalaking iyon," iritado kong sabi sa kaniya.
"Ang defensive mo naman masyado! Atsaka, malabo rin naman na magugustuhan ka ni Kerby Fil, dahil balita ko... ngayon raw ang balik ng fiancee nun."
Umawang ang aking bibig at hindi na naisip ang mga unang sinabi ni Chloris sa akin. Fiancee? He had a fiancee, all the time?!
"Wala akong pakialam, Chloris." malamig kong sabi sa kaniya at kaagad kong tinawag iyong waitress na kukuha ng orders namin.
"Ikaw bahala, basta... kapag nahulog ka, you will not be able to let go again from his arms."
Napasigaw ako nang dahil sa inis na aking nararamdaman! Ibinato ko ang unan nang dahil sa inis! I gritted my teeth and remembered everything that Chloris have said to me before we went home to our house. Bakit parang naiinis ako pagkatapos kong nalaman ang mga lahat ng impormasyon?! Bakit ako nakakaramdam ng ganito?!
This is bullshit!
Si Leister ang gusto ko! Siya ang hinahanap ko palage, siya ang iniisip ko! Pero, bakit nainis kaagad ako nang malaman ko ang mga iyon? Na may fiancee na pala siya!
Padarag akong napahiga sa aking kama. Kinuha ko ang aking cellphone at napatingin sa huling mensahe na ipinadala niya sa akin. After that, wala na. Hindi na siya ulit nag-message sa akin.
Pagdating ng alas-syete ng gabi ay bumaba na ako para makakain na nang dinner. Sinalubong ako ng aming katulong at pinagsabihan ako na sasabay raw ako kila Mama at Papa na kumain sa dining area.
Napalingon silang dalawa sa akin nang makita ako. Mama smiled at me and winked.
"How was the business, Nicholas?" pagputol ni Mama sa isang mahabang katahimikan.
Kinagat ko nalang ang aking bacon at nakinig sa kanila. I don't have the strength to interrupt them. Sabi ng mga matatanda ay hindi raw maganda kung sasali sa usapan ng mga may edad na.
"It's good,actually. This coming friday, Khomael and I needs to go to Iloilo." napaangat ako ng tingin kay Papa habang may multo ng ngiti akong nasilayan mula sa kaniya.
"Iloilo? Ano naman ang gagawin ni'yo doon?" alam ko na para sa negosyo ang pupuntahan nila, but this is rare that my father has a good connection with the Martensen.
"S'yempre, para sa negosyo! Sinabi ko kasi sa kaniya na gusto kong malaman kung paano ginagawa at ang proseso ng paggawa ng tuna," pagpapaliwanag nito kay Papa.
Ngayon ko lang nakitaan ng interes si Papa tungkol sa negosyo ng mga Martensen.
"That's good to hear that," ani Mama bago nagpatuloy sa kaniyang kinakain.
Nakita ko ang pag-ismid ni Papa at kaagad akong tinignan.
"Anak, Audrey. How about you? How's school?"
Nagulat ako sa biglaang pagtanong ni Papa sa akin. That's actually rare. Hindi naman siya masyadong nagtatanong tungkol sa status ng pag-aaral ko. Well, he has a right to know because he is my father at sila ang nagpapa-aral sa akin.
"It's fine, Papa." maikli kong sagot sa kaniya.
"Fhelia, honey, pwede naman kayong bumisita doon sa bahay nila Pearl. Lalo na ngayon dahil aalis kami ni Khomael papuntang Iloilo, his wife needs a company." sabi ni Papa sabay hiwa sa steak niya.
"Tinawagan nga niya ako kagabi, eh. Kung pwede ba raw pumunta ako doon sa knaila. You know, to accompany her." masayang sabi ni Mama.
"Bumisita kayo. Ikaw, Audrey. Wala naman kayong pasok bukas, hindi ba? Samahan mo ang Mama mo."
Napalunok ako nang wala sa oras nang dahil sa mga sinabi ni Papa sa akin. Bakit kailangan ko pang sumama? Eh, si Mama lang naman ang kailangan ni Mrs. Martensen. Hindi ako nakapagsalita at tumango na lamang ako.
Ayokong pagsalitaan na naman ako ni Papa nang masasakit na salita, kagaya noong nag-outing kami sa Eco Farm.
Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga napag-usapan nila kagabi. Papa will go to Iloilo, together with Mr. Martensen, while me and Mama are going to Mrs. Martensen's house. Napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi habang nag-aayos ng gamit.
Nag-bake si Mama ng mga cupcakes para kay Mrs. Martensen at nagluto rin siya ng mga pagkain para rito. Talagang nagkakamabutihan na silang dalawa. They seemed to be so close.
Kaagad kaming hinatid ng aming driver patungo doon sa Alegria. Bago kami makapasok sa mismong entrance ng bahay ay dumaan muna kami sa gitna. Malaki ang lupain nila.
Nalaglag ang aking panga nang makita ko ang kabuuan ng kanilang bahay. A mansion was built in the middle of the forest! Sa gitna nito ay may malaking fountain at ang magkabilang gilid rin ay mayroon. The Bermuda grass welcomed us when we arrived at the place. Pinapasok naman kaagad kami sa loob ng bahay.
Pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Parang nalulula ang aking mga mata nang dahil sa ganda. Maganda rin naman ang bahay namin but it is more modern; this one was actually built in a Spanish-style mansion. The ceiling looks inviting, and the design on it is from ancient Greece. Samahan mo pa nang mga malalaking chandelier na nasa gitna. The carpet was made on a gold fabric. Ang mga katulong rin nila ay nakasuot ng uniporme.
"Welcome home, Fhelia!" Nabalik lang ako sa realidad nang biglang sumulpot si Mrs. Martensen at niyakap si Mama.
Lumapit rin siya sa akin at niyakap ako. Ngayon ko lang napansin na sa kaniya nagmana si Reian, habang si Fil naman ay kuhang-kuha niya ang halos lahat ng features ng kanilang ama.
"I have heard that Khomael and my husband are going to Iloilo, kaya naisipan ko na dalawin ka. I'm so bored rin kasi sa bahay, eh." Pagpapaliwanag ni Mama sa kaniya.
Her simple red lipstick shines from here. Kahit na simple lamang ang kaniyang suot at light make-up lamang ang gamit niya ay pumapaibabaw pa rin ang kagandahan nito.
"Kaya nga naisipan kong tawagan ka kagabi. I'm glad that you're here."
Mali nga talagang ideya ito na sumama ako. Si Mama lang naman ang kailangan nito, eh. Ano naman ang gagawin ko rito?
"Anak, Audrey. If you want to talk to my son, he's in kuwadra." Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Martensen sa akin.
"Uh-Huh..."
Blangko ang aking isipan at nginitian lamang niya ako bago sila dumiretso sa may side ng kanilang malaking swimming pool.
Marahas akong bumuntong hininga. Magkasalubong ang aking magkabilang kilay. Mukhang wala si Reian dito sa bahay nila. At kung mananatili lamang ako rito, mababagot naman ako. Kung pupunta ako doon kila Mama, paniguradong maiinip lang rin ako doon.
I have decided to check on Fil's. Dumiretso ako sa kuwadra na sinasabi ni Mrs. Martensen. Malaki ang mansion nila at hindi ko ini-expect na may kuwadra rin sila rito sa likod ng kanilang bahay. Dahan-dahan akong lumapit doon at nakita ko ang apat na mga kabayo na nakalagay ngayon sa lalagyan.
Nabaling lang ang aking atensyon kay Fil na ngayon ay nagpapaligo sa isang kabayo. Napakibit-balikat na lamang ako habang pinagmamasdan ko siya. The bubbles on his hands and arms were the reason why his biceps moved a bit. Nabasa ang kaniyang maong na pantalon nang dahil sa gumalaw ang kabayo.
He chuckled...
His wavy hair looks attractive on him. Kahit basa ang mga ito ay gwapo pa rin siyang tignan.
"Paige, baka naman matunaw ako riyan."
Napatuwid ako sa aking pagkakatayo nang bigla siyang tumawa ng mahina at nilingon ako.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. He smiled at me, and those brown eyes sparked when the light of the sun reflected on them.
"Kararating ko lang!" I defended myself.
Bigla siyang tumayo at pinunasan ang kaniyang pawis.
"You were here behind me, three minutes ago." natatawa pa rin niyang sabi sa akin.
"Whatever! Hindi naman talaga ako sasama pero pinilit ako ni Mama, kaya wala akong magawa."
Nilingon niya muna ako saglit, bago niya binuhusan ng tubig ang kayumangging kabayo. I was wondering... what it feels like to ride a horse. Never in my entire life. I never experienced that.
"You know how to ride a horse?" Pagtatanong ko sa kaniya.
He nodded at me. "Hmmm."
Dahan-dahan akong lumapit sa direksyon niya at sinubukang hawakan ang kabayo.
"What's his name?" nilingon ko siya at nakita kong nakatitig na pala siya sa akin.
A small smile was escaped on his lips. Hindi ko nalang iyon pinansin dahil parang may kakaiba akong naramdaman sa puso ko. Hindi ko iyon gusto. Kinamumuhian ko iyon.
"He doesn't have a name. Minsan ko lang kasi itong ginagamit. Pinapaliguan ko lang," nagtaka naman ako sa kaniyang sinabi.
Kung ganoon? Ang lungkot pala ng buhay ng kabayo niya.
"Bakit naman? You should give him a name! Ikaw? Kung hindi ka binigyan ng mga magulang mo nang pangalan, anong mararamdaman mo?" He chuckled, and he tilted his head in my direction.
"Ikaw... anong gusto mong ipangalan sa kaniya?" Napalunok ako ng wala sa oras.
"Ron! We should name him that!" Kumunot naman ang kaniyang noo at nagtataka siya kung bakit iyon ang gusto ko.
Hinaplos ko ang leeg ng kabayo.
"Bakit naman, Ron?" Pagtatanong niya sa akin.
"He is brown. So, kinuha ko lang 'yun sa gitna ng Brown."
Napalingon ako sa kaniya nang tumawa siya nang dahil sa aking mga sinabi. I couldn't agree more to myself that his laughters seems like a melody to me. Hindi ko alam kung bakit... maganda ito sa pandinig ko.
"Okay, baby... Let's call him by that name." He said in a soft voice.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top