Chapter 8
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng aking apartment habang nanghihina ang aking sarili. I couldn't bear the pain anymore. Bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin?! Matagal ko na dapat itong kinalimutan!
Nanginginig ang aking mga kamay habang sinusubukan kong buksan ang pintuan ng aking apartment. Nang maayos ko naman itong mabuksan ay padabog ko itong isinarado, kasabay nang pagkulog ng malakas.
Tears kept falling down my cheeks like river. Napahikbi ako sa aking pag-iyak at napaupo ako sa sahig ng wala sa oras. Nabitiwan ko ang purse ng aking sasakyan at hinayaan ko na lamang ang aking sarili na malunod sa kalungkutan.
I admit... I missed him. I missed him so much to the point that it haunts me every time I think about him! Umawang ang aking bibig at pinakalma ko muna ang aking sarili, dahil baka hindi ako makahinga ng malalim kung ipagpapatuloy ko ang pag-iyak.
Minutes had passed, and I decided to go to my room. Darkness filled the whole place. Para namang hindi ka nasanay, Audrey. Dahan-dahan akong lumapit sa aking kama at umupo doon. I was living alone for almost three years now. Hindi ko akalain na kaya ko palang mag-isa. Sa walong taon rin na lumipas ay hindi ako umuwi ng Agusan. Even though there are hospitals that have offered me big time to be part of their journey as a team, I refused. I chose to work here in Manila.
I can't go home. pakiramdam ko kapag uuwi ako doon ay maalala ko lang siya. I... slowly forgot the sculptures of his face. The traces, the lines, his lips, his arch eyebrows and pointed nose... all of it. Unti-unti ko na iyong nalilimutan.
"Sapat na siguro 'yung walong taon na hindi kita nakita," bulong ko sa aking sarili kahit na ramdam ko ang pagkirot ng aking damdamin.
I bit my lower lip as I watched the rain act like a storm that's in a rage of anger. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan ang screen.
Kinakabahan ako. I want to search him. I want to know where he is. Sa walong taon na pangungulila ko sa kaniya ay tiniis ko rin ang mga taong iyon na hindi ko siya hinanap. I only think about myself. The old Audrey only think about herself. Walang pakialam kahit na may masaktan pa itong iba.
Maybe that's the reason why I lost him... I lost him when I needed him the most. I just couldn't see that because I am blinded by my own thoughts and emotions.
Ni kahit isang beses... ay hindi ko naramdaman ang galit niya, ni kahit isang beses ay hindi ko naramdaman na nagkulang siya sa akin.
Naging papansin man siya, buong buhay ko, pero hinanap-hanap ko ang mga iyon, ngayon.
I tried to search for him through social media, but there was no one named after him. Naghanap rin ako ng mga magazine at nagbabakasali na baka ay na-featured siya doon, pero wala. I also tried to open our conversation but his account was unavailable.
Oh, God... where are you...
Paniguradong nasaktan siya nang sobra nang dahil sa mga sinabi ko noong gabing iyon. I didn't mean to say those words in that way, in a cruel way but I guess I was wrong. Ang mga salitang iyon ay nag-iwan ng marka sa puso niya at hanggang ngayon ay nandoon pa rin.
Bumuntong hininga na lamang ako nang maalala ko ang box sa ilalim ng aking kama. Kaagad ko itong kinuha at dahan-dahan na binuksan. Nang lumipat ako rito sa Manila ay hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na buksan pa ang mga gamit ko. Nakalagay lang ito noon sa bodega namin. The last time I remember, doon ko iyon nilagay at hindi na binuksan pa.
I was planning to burn this box, buti na lamang at nakalimutan kong sunugin noon. Pain suddenly erupted in my whole existence when I saw our first picture together. May nakalagay pa ito na date kung kailan ito kinuha. It was a picture from a polaroid. Masungit akong tumingin sa kaniya habang siya ay nakangiti. How creepy and sad at the same time when I thought that a picture can give you thousands of flashback from your memories.
Kanina pa ako paikot-ikot rito sa aking kama habang hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga pinag-usapan namin kanina ni Reian. Imposible naman talaga na magugustuhan kaagad ako ng kuya niya, hindi ba?
Imagine! How could you love someone when you don't know each other's story, am I right? Paniguradong pinaglalaruan lang ako ng mga Martensen. Over my dead gorgeous body! Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang tulad niya!
Kinaumagahan ay abala ang lahat sa pagliligpit ng mga gamit namin. Tapos na rin akong naligo at kaagad na lumabas ng aking kwarto. I witnessed the king of the light shining and spreading gold sparkles into nature. A cold breeze and a cold wind hugged me so tight. Nagkibit-balikat lamang ako habang pinagmamasdan ko ang pag-usbong ng araw.
The sun is marking the darkness's shadow. Na para bang nakikipag-digmaan ito para lang mas yumanig ang liwanag kaysa sa kadiliman. Pinagmasdan ko rin ang mga nagtatayugang mga puno na ngayon ay sumasayaw nang dahil sa pang-umagahang hangin.
Kumunot lamang ang aking noo nang makita kong may tumunog sa aking likuran. I saw Fil, wearing a denim jacket and a black cap. His morning face attracted me! Bakit parang kakaiba ang pagmumukha niya tuwing umaga? Bakit parang... pumupogi siya?
I almost knock myself when I said that to my inner part. Nahihibang ka na ba, Audrey?!
"Done, checking?" nag-ngiting aso naman ito sa akin.
I smiled at him in a sarcastic way, before I rolled my eyes on him. Ibinalik ko nalang ang aking atensyon sa mga puno na aking natatanaw nang dahil nasa pinakamataas ako.
"Ang ganda talaga ng araw..." inis ko siyang nilingon at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong kumuha siya ng litrato sa aming dalawa.
"Delete those pictures, Mr. Martensen!" inis kong sabi sa kaniya kahit na ay kaagad niyang inilayo ang kaniyang camera sa aking mga kamay.
"Bakit ko naman gagawin, iyon? Unless, you will ask a favor to delete this precious moments for me." nang-aasar ba ang isang ito?!
His wavy brown hair dancing in a rhythm because of the wind. Kaagad niyang itinaas ang kanang kamay para hindi ko tuluyang maabot ang kaniyang cellphone.
He chuckled like he's enjoying my irritation! Damn him!
"Sabi nang burahin, eh!" galit kong sabi sa kaniya pero mas lalo lamang niya akong pinagtawanan.
I heard some laughs from a distance at napalingon naman ako doon. I saw his cousins laughing at us.
At talagang mas nang-asar pa?!
"Kerby! Tama na ang pakipag-landian!" sigaw ni Aleb habang nagpipigil ng tawa.
What the hell?!
Napatuwid ako sa aking pagkakatayo at nakita kong tumigil rin si Kerby sa kanyang pagtawa at kaagad na sumeryoso ang titig lalo na nang lumabas ang kaniyang mga magulang mula sa loob ng kanilang suite. Nailipat lamang ang aking paningin nang makita ko si Leister na nakapamulsa habang nakatingin sa amin ng seryoso.
Ako ang unang umalis dahil nakakahiya at pinagtitinginan kami ng mga pinsan niya! Baka isipin nila na may gusto rin ako sa pinsan nila, but the truth is not! Paano ako magkakagusto sa isang taong gwapo nga, papansin naman at makulit!
I hate boys who's papansin and very full of themselves!
Sa huli ay kay Leister lamang ako nagpaalam bago sila umalis. They leave first because Mr. Martensen has an appointment and a board meeting in Iloilo, that's why, they leave first.
It was an afternoon when I had my lunch with my mother and father. Sa labas kami kumain malapit sa may swimming pool. Ayoko sanang sumabay sa kanila sa pagkain pero pinakiusapan ako ni Mama na sumabay ako sa kanila.
When I was a child, it was rare for me, for us to have this kind of bonding. Minsan lang kasi silang makasabay sa akin sa pagkain nang dahil sa marami silang inaasikaso sa negosyo. Sometimes, my father went to other country for business. I used to it. Sinanay ko nalang ang sarili ko.
I drank my juice when I heard my father break the silence.
"This is good news that you and Pearl are now closely friends. That's good." nakangiting sabi nito sabay tango na para bang may ibig sabihin iyon.
Nilingon ko si Mama at nakita kong nag-iba ang kaniyang ekspresyon. Something like she doesn't want, what my father's thoughts.
Hindi ko sila maintindihan...
"What do you mean, Nicholas?" pagtatanong ni Mama.
Pinagmasdan ko lamang silang dalawa na mag-usap. Pinunasan niya muna ang kaniyang bibig gamit ang napkin, bago ito lumingon kay Mama.
"Kinausap ko si Khomael tungkol sa negosyo," tipid nitong sagot kay Mama.
Kumunot ang kaniyang noo at bumuntong hininga. "What are your plans, Nicholas?"
"I don't have much plans, yet. Nag-iisip pa lamang ako. Since, he agreed to me to be one of the stockholders, hindi ko na iyon palalampasin pa." pagpapaliwanag ni Papa kay Mama.
Hindi ko na nagalaw ang aking pagkain habang pinagmamasdan ko siya. My father wants to try everything. Noong nakaraang taon ay sumubok rin siya sa isang kompanya na huli na naming nalaman ni Mama. He invested almost fifty million! Nagtiwala ito kaagad, ang ending... itinakbo ang pera sa isa sa mga stockholders ng kompanyang iyon.
I was wondering why my father didn't do any actions for that. Halos mahimatay si Mama nang malaman iyon. There was something on my father that I want to know. Alam kong may mali. Alam kong may tinatago siya.
"Are you sure about this?" pagdadalawang-isip ni Mama tungkol sa plano ni Papa.
Nakitaan ko kaagad ng iritasyon ang reaksyon niya nang sabihin iyon ni Mama.
"Bakit? Hindi mo ba ako pagkakatiwalaan?" malamig niyang sabi.
"Nicholas, ayoko lang maulit 'yung nangyari noon. You know that already."
"I didn't ask for your money, Fhelia. I have my own. I can provide for this. Ang dumi lang talaga ng iniisip mo."
Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ni Mama bago niya ito sinagot.
"That's not what I meant-" Papa stopped her.
"Stop it! End of discussion!" he said in a baritone voice before he leaves the table.
Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga Martensen. I am on their side rather than my father's decision about this. Ang ikinakatakutan ko ay... paano kung hindi ito maging successful? Paano kung... mabigo namin ang mga Martensen? They are one of those prestigious people who almost empowered and empire the world of business.
Kung pag-uusapan lang natin ang realidad, hindi nangangalahati ang negosyo namin sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top