Chapter 7
I spent my day with my family together with the Martensen. Hindi naman pala sila awkward kasama, sadyang hindi lang talaga kami nasanay na makisalamuha sa mga katulad nila. They came from a wealthy family, wala pa akong nakikita na may naghihirap na isang Martensen.
"Audrey, pakilagay ito doon." utos ni Mama sa akin at kaagad ko namang nilagay ang tatlong hiwang manok sa screen. We are makint barbecue.
It was fine afternoon and the light of the sun was cruel when it hit by your skin. Ang mga katulong rin namin ay abala sa kanilang ginagawa. We are making barbecue and the Martensen boys and Reian are playing volleyball. Sa tanghaling tapat pa talaga.
Nilapitan ako ni Mama at parang pinapaalis na ako.
"Anak, you should talk to them. Hindi iyong dito ka nalang sa tabi namin palagi. Hindi ba? Mag-kaibigan naman kayong dalawa ni Leister? Why don't you go there and be friend with his cousins?" ani Mama na ngayon ay naglalagay ng sauce sa barbecue.
Bumuntonghininga ako at napalingon sa direksyon nila. They are laughing and mocking each other. Lumingon naman sa akin si Fil at ngumiti. Pinagtaasan ko siya ng labi at inikotan ng aking mga mata.
"Hindi naman kami masyadong close ni Leister, Mama." pagdadahilan ko sa kaniya.
The truth is that... the Martensen are good even in sports and I feel ashamed because Leister was there, too. Nahihiya talaga akong sumali.
"Kaya nga, hindi naman masama ang makipag-kaibigan." ani Mama.
I didn't listen to her and just sit beside her. Sana pala sinama ko nalang si Chloris, paniguradong papayag naman ang isang iyon.
Lumapit sa akin si Mrs. Martensen together with his brown summer hat. Kahit na light makeup lamang ang nilagay nito sa kaniyang mukha ay pumapaibabaw pa rin ang kagandahan nito.
No wonder his husband were still head over heels with her.
"Hija, why are you still here? Hindi ka ba pinapansin ng mga anak ko? Boys!" nanlaki ang aking mga mata nang tawagin niya ang mga iyon.
Umawang ang aking bibig at aawatin ko na sana siya nang makita kong tumigil sila sa kanilang paglalaro at kaagad silang lumapit sa aming direksyon.
Okay lang naman ako dito... napakamot na lamang ako sa aking ulo at nahiya.
Unang lumapit sa amin si Fil nang hinihingal pa.
"Isali niyo naman ito si Audrey sa laro ninyo." sabi ni Mrs. Martensen sa kanila.
Lumipat ang paningin ni Fil sa akin at kumindat muna ito sa akin bago niya sinagot ang kaniyang ina.
"She doesn't like sports, Mama. But I can teach her," kumunot ang aking noo.
Paano niya nalaman iyon?
His sweat was dripping from his head down to his jaw. His jaw clenched when he feels the sweat from it. Napalunok ako. Bakit kahit pinagpapawisan na siya ay mabango pa rin? Ano ba ang ginamit niyang pabango at parang hindi naman nawawala?
"Alam ko!" I defended myself.
Ikinagulat niya iyon at natahimik naman silang lahat. Nakita kong tinapik ni Reian ng malakas ang kaniyang balikat at napamura naman ito ng wala sa oras.
"Fuck..." Fil's cursed was almost a whisper.
"I'll be the one to teach her. Huwag ka ngang papansin sa kaniya, kuya." pinandilatan naman niya ito ng mga mata.
Cold stare was very evident on Kerby Fil's eyes while he is still holding his left arm.
Kinuha ni Reian ang aking kamay at kaagad na dinala sa may field. Malaki ang espasyo ng lupa kaya nakakapaglaro kami ng volleyball. Pinagmasdan kong mabuti si Reian, the youngest of the Martensen. Her long wavy hair was dancing behind her back because of the wind, even though she tide it. Nakita ko kung paano niya saluin ang bola nang walang kahirap-hirap.
She bend a little while all her attention was on the other side of the team. Those hooded eyes remained intimidating. Kung naging lalaki lang ako, paniguradong magugustuhan ko ang isang tulad niya.
She look at me and her expression changed and smiled at me.
"You don't know how to play volleyball, don't you?" a playful smile was plastered on her face.
Umiling ako sa kaniya at napalingon ako sa kabilang team. They are serious about playing this game. Kung isasali pa nila ako, nag-aaksaya lang sila ng oras. Ang kasama namin dito ay si Reian, Ako at si Aleb. Sa kabilang side naman ay si Leister, Fil at si Rios.
"I'm not really fond when it comes to these," pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Tumango siya sa akin at kaagad na pumuwesto sa aking gilid.
"When you will catch the ball, you have to bend a little in order for you to get ready while receiving it. Pero, kapag ikaw naman ang mag-se-serve ng bola, you have to use your right hand to serve it right." she explained it to me and it shocked me almost when she perfectly did it!
Sinunod ko nalang rin ang gusto niya at sumali ako sa kanilang laro. Nang hindi ko na-i-serve ng maayos ang bola ay pinagtawanan ako ng nasa kabila at nakita kong hinampas ni Fil ang kabilang braso ni Rios nang makita itong tumawa ng mahina.
"It's okay, baby! You still perfectly did it!" sigaw pa nito sa akin.
Nakita kong inikotan ng mga mata ni Reian ang kaniyang kapatid.
"My brother seems like you, Audrey." kumunot ang aking noo at ipinakita sa kaniya na hindi naman talaga ako interesado sa kaniyang kapatid.
"Ganyan naman talaga si Fil, hindi ba?" sabi ko sa kaniya.
I saw amusement in her eyes and look at me. "You called my kuya by his second name?" parang hindi makapaniwalang sabi nito sa akin.
"Oo," tipid kong sagot sa kaniya.
"Kerby doesn't like to be called by his second name. No one dared to call him that. Kaya... nakakapagtaka lang at ikaw lang ang kaniyang pinayagan na tumawag sa kaniya gamit ang pangalang iyan." hindi makapaniwalang sabi nito sa akin.
I didn't know about that thing. At wala rin naman akong pakialam kung tawagin ko siya sa pangalang iyon. Paige rin naman ang tawag niya sa akin. Nginitian ko nalang siya at nagpatuloy kami sa aming paglalaro. Napansin kong hindi ganoon kalakas ang pag-serve ng bola nang nasa kabilang team. Lalong lalo na si Fil, mahina lamang itong nag-serve ng bola kapag nakikita niyang pumupunta sa direksyon ko ang bola.
Assuming lang talaga siguro ako. Napapailing na lamang ako sa aking isipan.
After the game, we have decided to take a break. Kaming dalawa ni Reian ay kaagad kaming umupo sa may duyan, habang ang mga Martensen naman ay dumiretso sa hall para uminom ng tubig.
Ang unang naging ekspresyon ko sa kaniya ay akala ko'y masungit, pero kalaunan ay hindi naman pala. Just like her brother, papansin nga lang sa akin si Fil.
"Where did you meet my brother?" out of nowhere she asked me a question.
"Sa school," iyon lamang ang aking isinagot.
Ayoko namang sabihin sa kaniya na nagkakilala kami ng kapatid niya nang dahil sa nabuhusan ako ng tubig. Uminom muna siya sa kaniyang tubig at nakatuon lamang ang buong atensyon nito sa kalawakan.
Naririnig ko na ang mga gangis sa aming gilid nang dulot sa sobrang init.
"You know what? Mas gusto kita kaysa kay Cassandra. You are kind and sweet. I can see it in your eyes." kumunot ang aking noo. Ano ba ang ibig niyang sabihin?
Hindi naman ako girlfriend ng kapatid niya.
Nakita niya siguro sa aking mga mata na naguguluhan ako kaya ipinaliwanag niya sa akin ang lahat.
"Cassandra, childhood friend ni kuya. He was bound to marry that girl when they turned twenty-five, iyon ang napagkasunduan, pero... umatras si Cassandra." umawang ang aking bibig.
What the hell?! Kung ganoon, bakit nakikipag-flirt pa itong si Fil sa akin, gayong may nakatadhana na pala itong babae?!
"Girlfriend ng kuya mo?" pagtatanong ko sa kaniya.
Umiling siya sa akin at napatawa ng mahina. "He didn't do girlfriends, Audrey. Kahit si Cassandra ay hindi niya niligawan. Sadyang gusto lang siya ni Mama na kahit ang pag-aasawa nito ay gusto si Cassandra para kay Kuya."
"I'm pretty sure your brother, likes her..."
"No, I never seen him looking at a girl the way he looks at you."
Ano ang gusto niyang palabasin? Na gusto ako ni Kerby Fil? Imposible naman iyong mangyari. At kahit na mangyari pa ang bagay na iyon ay hinding hindi ko matatanggap
I don't like him! I don't like to liked him!
Those words were engraved on my mind... sa lalim ng paglibing ko sa mga salitang iyon sa aking utak ay nakalimutan kong ilibing rin iyon sa aking puso. I couldn't help myself but to think about him, still! Even after all these years! Mahigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel at nakita kong umaambon sa labas. Small tears fell down my cheeks at unti-unting lumalabo ang aking paningin nang dahil sa mga luhang umagos mula sa aking mga mata.
Hanggang kailan ka maghihintay, Audrey? It was all your fault, anyway! So, why are you still waiting for him to come back! Chloris is getting married, ang ibang mga kasamahan mo ay may mga pamilya na rin!
Umaasa ka pa rin ba na babalikan ka pa niya? After all the things that you did to him?! Ang kapal rin pala ng pagmumukha ko kung ganoon...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top