Chapter 6
Pagkatapos kaming kuhanan ng mga litrato ay napabaling ako sa may entrance nang makakita ako ng tatlong sasakyan. Kumunot ang aking noo at napagtantong sila na nga iyon.
Nagkibit-balikat na lamang ako habang pinagmamasdan ko ang isang itim na SUV, expedition at isang BMW. Tinangay ng hangin ang aking buhok habang pinagmamasdan ko ang mga sasakyan.
"They're here," sabi ni Mama sabay lapit sa isang sasakyan. Bumaba naman doon ang isang driver.
I think he is just in his mid-forties; he is wearing a three-fourth polo shirt, katulad sa Papa ko. He is tall, just like my father. His perfect teeth were very evident when he smiled at my mother and father. Kahit na may edad na ay halata pa rin na inaalagaan pa rin ang katawan nito.
Nang lumapit ito sa akin ay mas nakita ko nang malinaw na may wrinkles na ito sa noo at sa gilid ng kaniyang mga mata. He has a clean haircut. Matangos ang ilong, may kayumangging mga mata. I bet there were a lot of women his age who were head over heels for him.
"Nice to meet you, hija." pagbati nito sa akin. Nginitian ko nalang rin siya pabalik at kaagad na tinanggap ang kaniyang nakalahad na kamay.
I never knew that this family would be too formal. Akala ko ay sa labas lamang sila ganoon, pati rin pala sa mga nakakasama nila pagdating sa ganito.
Nailipat ko ang aking atensyon nang makita ko si Kerby Fil na bumaba mula sa driver's seat. Oh, he knows how to drive a car? He looks so neat and clean in his white sleeveless shirt and black shorts. He brushed his wavy hair using his right hand while walking in my direction. Sa kabilang kamay naman nito ay hawak niya ang kaniyang purse ng sasakyan. His biceps were showing, like they were proud of their master!
I can't look away! Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay kumunot ang kaniyang noo. His arching eyebrows were... yeah, they were attractive to some eyes...
Ngayon ko lang rin napansin ang mga ito. He can be a model for some famous brand. He is damn... moreno. I hate the fact that he is attractive and handsome! Naiinis ako sa mga salitang iyon!
His piercing was dazzling when it hit the light from the sun. Teka, kailan pa siya nagkaroon ng hikaw?
"I'm melting, baby..." a soft smile was came from him.
I was caught off guard when he said that to me. I rolled my eyes on him.
"Kahit kailan talaga ay papansin ka. Kung alam ko lang na kasama ka ay sana hindi nalang ako sumama sa outing na ito." iritado kong sabi sa kaniya at kaagad na tumalikod.
Sumunod naman siya sa akin. Narinig ko pa ang kaniyang pagtawa.
What the hell?!
"I was just wondering why you hate me so much? Hindi mo ba alam na kabaliktaran iyon, Miss?" umawang ang aking bibig nang maramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking.
His breath smells like a menthol! Tinampal ko siya at nanliit lamang ang kaniyang mga mata. He licked his lower lip and raised his right eyebrow.
"What do you mean? Na magugustuhan kita? In your dreams!" pinandilatan ko siya ng mga mata at bumalik sa aking direksyon kanina.
"Sungit talaga..." bulong pa nito na akala mo'y hindi ko maririnig.
Dahan-dahan akong naglakad nang makita ko si Leister na kausap ang tatlong lalaki.
He is wearing a black hoodie jacket and white earpods. Nakapamulsa ito habang nakatuon lamang ang atensyon sa kausap.
Ngumuso iyong kasama niya kaya napabaling siya sa akin. Bumilis ang pagtibok ng aking puso nang bigla siyang ngumiti sa akin.
Mapupungay ang kaniyang mga mata at ang kaniyang mapupulang labi ay mas lalong nagpapa-attract sa kaniya. Lumapit ako sa kanila at hindi inalis ni Lee ang kaniyang tingin sa akin.
"Who is this beautiful lady, Leister?" pagtatanong noong isang lalaki.
"She's Audrey Paige, only daughter of the San Diego's."
He knows my real name?
Naglahad naman ng kamay 'yung isa. His eyes shot up, but he was lighter than the other guys who were with them. May hikaw rin ito sa kabilang tenga at nakita kong may tattoo ito sa gilid ng leeg.
Hindi ko iyon maintindihan dahil ibang lengguwahe ang nakasulat.
"I'm Lukarius Enzo Martensen, I'm Leister's cousin." pagpapakilala niya sa akin sa isang matigas na ingles.
Nagkibit-balikat lamang ang isa niyang kasamang lalaki.
"Nice to meet you," kumindat lamang ito sa akin at kaagad naman itong hinampas ng mahina ni Leister sa gilid.
"These are Rios and Aleb. Mga pinsan ko rin." Leister's said and shake their hands on me.
Nagtanggal muna ng shades ang isang lalake. He looks strict with his intimidating looks but I couldn't help myself but to admire. He is handsome... like the other Martensen boys. Mukhang strikto lamang ang isang ito at parang may sariling mundo.
"Alejandro Gabriel, but you can call me Aleb. I don't like being called by my first name." pagpapaliwanag pa nito sa akin. Tumango na lamang ako sa kaniya.
"One more thing, Miss. Don't fall for Leister or even Fil's charm. They are dangerous." pagbibiro pa ni Kael sa akin.
Napatawa na lamang ako sa sinabi ni Kael.
Pagkatapos nilang ipakilala sa akin ni Leister ay naisipan nila na kumain muna kami ng breakfast.
Hindi ko alam kung paano nagkakilala sila Mama at Mrs. Martensen, gayong magkaiba naman sila ng mga negosyo.
Ngayon ko lang rin napansin na may isang dalagang babaeng kasama sila. Umawang ang aking bibig at hindi ko ma-i-alis ang paningin sa kaniya. I think she's my age. She's wearing a brown summer hat and a see-through cardigan. She's already wearing a purple two-piece! Umaalon ang buhok nito sa kaniyang likuran habang kumakain ito ng mahinhin. She looks like young Megan fox.
Nang bigla itong tumingin sa akin. Oh, don't give me with those hooded eyes. She's hot... really... hindi ko alam, siguro, girlfriend noong isa sa mag-pinsan, or... Fil's girlfriend?
Napapailing na lamang ako nang magsalita si Mrs. Martensen.
"I am so glad! Thank you for coming here, Fhelia. Pinaunlakan mo talaga ang pagkakataong ito." The white pearl necklace she's wearing screams elegance and respect.
"You know that I can't say no to my dear friend, Pearl." nakangiting sabi ni Mama.
The staff of the resorts gave us lobsters, shrimp, salad, and broccoli. at iba pang mga putahe.
"Is this your daughter?" napatigil lamang ako sa aking pagkain nang biglang tumingin sa akin si Mrs. Martensen. Ang katabi ko kasi ngayon ay si Mama at sa gitna naman ng aming table ay si Papa at katapat naman nito ay ang matandang Martensen.
"Yes, Pearl. This is Audrey Paige, my only daughter." ngumiti lamang ako ng tipid sa kaniya.
"Nagmana talaga sa'yo, Fhelia. She looks like the young Audrey Hepburn! No wonder you named after her." tumawa naman si Mama.
Napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi. Nakakahiya naman na pag-usapan ako sa harapan.
"Yes, Marga. But her father wants her to be Audrey Paige, instead." nagtawanan lamang sila na para bang normal lang ang lahat ng ito.
Napainom ako ng wala sa oras.
"Kung ganoon, magkasing-edad lang pala kayo nitong anak ko," itinuro nito iyong dalagang babae kanina.
"This is Reian Megan, my second child. Kerby's my first born."
Umawang ang aking bibig. Kapatid ito ni Fil?! No wonder she's also good-looking just like the other Martensen.
"How's your business, Man?" pagtatanong ni Papa kay Mr. Martensen.
"Ganoon pa rin. Pabalik-balik nga ako sa Iloilo dahil sabi ng mga tauhan namin doon ay mas lumalaki raw ngayon ang bintahan ng mga isda." nakinig lamang ako sa kanilang pinag-uusapan. Hindi ko rin alam kung bakit naitanong iyon ni Papa.
Napatingin naman ako kay Fil at nakita kong nakatitig rin pala siya sa akin. A small smile crept on his face at nagpatuloy sa kaniyang pagkain.
I did some research about the Martensen. They have this big business about fishes. They also have this fish port sa Iloilo. May pagawaan rin sila doon sa Iloilo, there are machines that will do the work, like Tuna, Salmon and turns it into cans. No wonder the Martensen Fishing Corporation is always on top.
"That's good to hear that! That's why I want my daughter to take business than nursing. Pero hindi naman ako sinunod," parang hinati sa dalawa ang puso ko nang sabihin iyon ni Papa sa akin sabay tingin.
Napayuko na lamang ako at kaagad na nawalan ng gana. Tumahimik rin ang paligid. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ang nararamdaman ni Papa, na hindi pala niya gusto na ganito ang kukunin kong kurso. Tahimik lang kasi siya at hinahayaan lang ako sa gusto ko.
"It's okay, Nick. She's a woman, maybe she doesn't like business. Just like my daughter, hinahayaan ko nalang kung saan niya gusto." Mr. Martensen said that to lighten the air.
Napalunok na lamang ako. Parang umismid ang dila ko at hindi alam ang sasabihin.
"She's good, Sir. Schoolmate kami ni Paige, she's really do good in her studies." napalingon ako nang sabihin iyon ni Fil sa harapan namin.
He looks my father with full of his attention. Nakangiti pa ito at parang proud sa mga sinabi.
Why are you doing this, Kerby Fil?
Pagkatapos naming kumain ay napag-desisyonan ko nalang na umupo doon sa labas ng kwarto namin. I don't have the strength to swim, together with the Martensen. Lalo na dahil sa mga sinabi Papa kanina. Para bang ikinahiya pa niya na nursing ang kinuha ko.
Narinig ko ang mga hiyawan nila at asaran nila sa malayo at hindi ko na lamang ito pinansin. Nagulat lamang ako nang biglang tumabi sa akin si Leister.
Buong akala ko ay pumunta rin siya doon sa forest pool at naligo.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila? Nag-e-enjoy na 'yung mga pinsan mo," nakangiti kong sabi sa kaniya.
I looked at him, but his eyes were focused on nature. He tilted his head and looked at me.
"You don't have to fake it on me. Alam kong nasaktan ka sa mga sinabi ng Papa mo kanina." umawang ang aking bibig at ngayon ay ako naman ang hindi makapagsalita.
"Totoo rin naman kasi 'yung mga sinabi niya. Hindi rin naman niya ako mapapakinabangan pagdating sa negosyo." tumawa ako ng mapait at nilibang ko nalang ang aking mga paa sa bermuda grass.
"You have your own skills, Audrey. If he doesn't believe in you, iba ako sa kaniya. I know that you can." natahimik ako sa mga sinabi niya at nilingon ko siya.
Nagtama ang mga mata namin at hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa kaniya. Those words... Those words that I heard from him was melting me...
Normal pa ba ito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top