Chapter 5

"Welcome to the team," iyon ang bungad ni Lee sa amin habang nakangiting naglahad ng kamay sa akin.

"I really couldn't imagine this, Lee! Akala talaga namin hindi kami matatanggap, sa dinami-dami ba naman na nag-audition kanina." pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Habang si Chloris naman ay nasa gilid ko lamang at tahimik lang habang nakikinig sa aming dalawa.

He went into his electric guitar and put it on to his bag.

"Yeah, you deserved it anyway..." sabi niya sa akin sabay tingin kay Chloris.

Hinawakan ko ang balikat ni Chloris at kaagad kong ipinakilala ito sa kaniya. Tumuwid naman ng tayo si Chloris at hindi inasahan ang aking ginawa.

"Before I forget Lee, this is Chloris, kaibigan ko." inilagay muna ni Leister ang kaniyang guitar sa upuan at kaagad na tinanggap ang nakalahad na kamay ni Chloris sa kaniya.

A genuine smile crept into his face while looking Chloris, "Nice to meet you, Chloris. I'm Leister."

Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapangiti. Kahit sa kaibigan ko ay hindi pa rin nag-iba ang pagtingin niya. He is friendly, genuine person and humble. Isama mo pa ang ka-gwapohan niya. He's white and those little freckles on his cheeks were very evident, screaming that he is not just full blooded filipino.

"I'm Chloris."

Pagkatapos nilang mag-usap ay kaagad kaming hinarap nung magiging coach namin. Si Chloris ay napunta sa dancing team, since she is actually really good in dancing naman pala. Habang ako ay sa singing lamang.

"Congratulations, guys! Welcome to the team!" palakpak noong isang baklang medyo mahaba ang bangs at niyakap pa kaming dalawa ni Chloris.

"We are so happy that there will be two members na makakasama namin rito sa Dakila Team. Buti nalang at talented kayo! Wise talaga itong si Martensen mag-suggest." napahagikhik naman ito sabay lingon kay Leister.

I saw him smile again and shook his head.

"You're welcome, anyway, Gio." tinapik naman nito ang braso.

"Gia kasi, hindi Gio!" napatawa na lamang kami sa kaniyang mga sinabi at sumunod sa kaniya.

Ipinakilala pa niya kami sa ibang members ng Dakila. There are 15 members and it will be 17 members already, to be exact.

"Since, malapit na rin ang activities na magaganap rito sa school ay mag-pa-plano na tayo ngayon sa mga gagawin." ani Gio.

Tumayo ito at dumiretso sa may board para doon magsulat. Lumingon ako kay Leister at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa harapan.

"Mayroon tayong introduction number na magaganap. Ang isasayaw natin ay folk dance at sports dance. There are ten members who will be participating to this folk dance at dalawa naman para sa sports dance." nakinig lamang kaming dalawa ni Chloris dahil baguhan palang kami rito.

"Coach, I suggest Leister to be the leading dancer of the sport dance." naghiyawan naman sila at tinukso pa si Leister na siya nalang ang gagawa nun.

I didn't know he knows how to dance. Akala ko ay pagkanta at pag-gi-guitara lamang ang alam niya. Hindi rin naman iyon nakakabawas kasi sa nalaman ko tungkol sa kaniya, he is also a dean's lister. Despite of everything that happened to him, he still manage to control his academics and his life.

"Yes! Very agree ako diyan, Maree. But, are you willing to do this, Lee? I know, matagal mo nang iniwanan ang dancing and you're focusing now in singing," napatahimik naman ang lahat at hinintay siyang sumagot.

"I'll try my best, Gio." tipid na sagot ni Leister sa kanila.

Isinulat niya iyon sa board at ang magiging ka-partner naman niya ngayon ang hinahanap.

"Coach, what if si Chloris ang magiging ka-partner niya?" sabi ni Amanda.

Nilingon ko si Chloris at nakita kong nahihiya pa siya habang iwinawagayway ang mga kamay na hindi talaga niya gusto iyon.

"No, no, no, I'm not really good when it comes to dancing in sports. Marunong akong sumayaw pero hi-hindi ko talaga hilig ang ganoong tema ng sayaw," pagpapaliwanag ni Chloris sa kanila.

"Lee will teach you, Chloris no worries!" sabi naman ni Gio at alinlangan namang ngumiti itong kaibigan ko.

Marami pa kaming pinag-usapan kaya medyo natagalan rin kami at umabot kami ng alas-siyete ng gabi. May mga studyante pa naman dahil ang iba ay may pasok pa hanggang alas-nuebe ng gabi. Si Chloris ay may pasok pa raw siya hanggang eight pm kaya sinabi ko sa kaniya na mauuna na lamang ako.

I already gave my goodbyes to my new friends and coah Gio said that we will have our meeting next week. Nasa pathway na ako naglalakad nang biglang sumunod sa akin si Leister. He is holding his guitar on the other side of his shoulder. May nakalagay pa doon na "Lee's Property."

He really loves singing...

"Susunduin ka?" he broke the silence by asking me a question.

Nilingon ko siya at umiling ako. Hindi na ako nagpapasundo dahil nasanay na ako na mag-commute. Even though my parents insisted that it should be good if susunduin ako ng driver namin pero hindi ako pumayag. Hindi sa lahat ng bagay ay masasanay ako na ganoon ang estado ng buhay ko. I need to be independent in all ways that I can.

He licked his lower lip and look at me. His sharp and chinito eyes almost give me butterflies on my stomach.

"Ihahatid kita," sabi niya sa akin.

That wasn't even a question. That is a statement. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso.

The fuck is happening to me?! Nginitian ko na lamang siya at tumango. Parang umismid ang dila ko at tila'y hindi kayang magsalita.

Kinuha niya ang kaniyang purse at kaagad namang umilaw ang isang BMW sa aming harapan. Inilagay niya muna ang kaniyang guitar sa likuran ng sasakyan at kaagad na binuksan ang passenger's seat.

Hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa loob.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lamang kaming dalawa. Bakit parang bumagal ang pag-usad ng oras ngayon? Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito ngayon, the feeling that I was trying to avoid for so many times.

"Magaling ka palang sumayaw, Lee?" wala na akong ibang na-isip na itatanong sa kaniya.

I am just trying to break the silence! Ayoko namang isipin niya na hindi ako komportableng kasama siya. He lifted his head at nakita ko ang mapupungay niyang mga mata. Oh, namamalikmata lang siguro ako?

"I am into singing and playing guitar. Matagal ko nang iniwan ang pagsasayaw," sabi niya sa akin.

The veins on his hands were very evident while he grip the steering wheel.

"Kung ganoon, mapipilitan kang sumayaw ngayon?" totoo naman. May choice naman siya kung sakaling ayaw niya talagang sumayaw, hindi ba?

He chuckled and shook his head.

"Bakit? Gusto mo ba makita akong sumayaw?" umawang ang aking bibig nang marinig ko iyon galing sa kaniya.

Tumawa ako at kaagad na umiling, "No, I mean yes! But... if you really don't like it, pwede ka namang umatras."

"I'm sorry," nilingon ko siya at nakita kong seryoso na ang ekspresyon niya ngayon.

"Why are you saying that?"

"I don't have the courage to dance again. Kakausapin ko si Gio, mamaya. Hindi ko na itutuloy 'yun."

Iyon ang huling salitang binitawan niya bago kami nakarating ng bahay. Bumuntonghininga ako at matutulog na sana nang maalala ko na bukas na pala iyong magaganap na family bonding namin kasama ang mga Martensen!

Napabangon ako nang wala sa oras at napahilamos ng aking mukha. Hindi nalang kaya ako sasama? I couldn't stand between Fil's presence! Sobrang naiinis at naiirita talaga ako sa kaniya! I don't even like his first name!

Bigla kong naalala ang message na pinadala niya sa akin. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan itong muli. Kumunot ang aking noo at dinelete iyon.

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang tumunog itong muli. A message from Kerby Fil Martensen.

Kerby:

How's the audition? I heard from Leister, pumasa ka raw. We should celebrate that!

Umawang ang aking bibig at hindi ako makapaniwalang walang hiya talaga itong lalaking 'to. Papansin talaga! Halos masira ang mga daliri ko dahil sa inis at ni-replayan ko siya.

Me:

Kailan mo ba ako tatantanan, ha?! I should block your number! Huwag ka ng mag-text sa akin dahil hindi ako mag-re-reply sa'yo!

Ilang segundo lamang ang lumipas at tumunog na naman itong muli.

Kerby:

You already did, Paige. :)

What the hell?! Binato ko ang aking cellphone at kaagad na kumuha ng pillow at humiga. Ano naman ngayon kung nandoon siya bukas?! Wala akong pakialam! Siguro naman titigil siya sa pagiging papansin niya sa akin dahil nandoon rin ang mga magulang ko at magulang niya. It will be rude and out of respect kung magpapansin siya sa akin bukas, when in fact, he came from a respectable and wealthy family.

It's already five am in the morning at hindi ako nakatulog ng maayos. Knowing that I will see the two Martensen! Kaagad akong nag-ayos ng sarili at hinanda ang aking dadalhin. We will be staying there for two days!

Nakita ko na abala na rin ang ibang mga katulong sa paghahanda ng mga gamit, from foods and things and all.

Nilapitan ko si Mama at kinausap.

"Ma, akala ko po ba ngayong araw lang po tayo doon?" nilingon ako ni Mama at pinatay niya muna ang kaniyang katawag sa telepono.

"They changed the plan, anak. We will staying there for two days. Pinagbigyan ko nalang si Pearl, since she's a good friend of mine." pagpapaliwanag ni Mama sa akin.

Ngumuso na lamang ako at hinintay nalang sila na matapos sa kanilang ginagawa. Dalawang sasakyan ang dadalhin namin ngayon, dahil may mga tents pa na kailangang isakay sa likod ng Ford at mga pagkain pa, isama mo pa ang dalawang katulong namin na nag-aayos.

I'm wearing a floral dress and a strap sandals. Matagal ko nang nakita ang resort na pupuntahan namin ngayon, pero ngayon pa lamang ako makakapunta.

Sinabi ng kaibigan ni Mama na sa mismong resort nalang kami magkikita. Mahigit trenta minuto rin ang naging byahe namin at mukhang kami pa lamang ang narito dahil wala pa doon ang mga sasakyan ng mga Martensen.

I was amazed by the view of the resort. Bago ka makarating sa mismong entrance ng resort ay kailangan mo pang dumaan sa rough road at sa mataas na daan para lamang makapunta rito. Ang daan ay napapalibutan ng mga puno at mga dahon.

Napalingon ako sa aking gilid at nakita ang nakaukit na pangalan ng resort.

"Mt. Magdiwata Eco Farm and Resort."

We finally reached the destination at kaagad akong bumaba ng sasakyan. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng resort. I was even more amazed when I see the entrance of the resort. Sa gilid nito ay may narra na kahoy at doon nakaukit ang pangalan ng resort. The vermuda grass make it more beautiful when the sun rays hit by it. May mga maliliit rin na mga rooms na nakahugis pa-triangulo and they were made by nipa woods. Nakahilera rin sa gilid ang mga puno ng niyog at bago ka makarating sa may reception area ay dadaan ka muna sa gitna. The entrance were picturesque and they really took care of the resort by taking care also the nature. May mga signs pa na nakalagay sa gilid. There are kubos, pool bar, bonfire, canyon trail at iba pa. The resort offers a lot of activities for you to enjoy your short vacation.

Umawang ang aking bibig at dumiretso doon sa unahan. Nakita kong may daanan doon sa dulo para mas makita mo nang buo ang paligid. Dahan-dahan akong pumunta roon at humawak pa sa gilid ng kahoy para hindi ako madulas. I am scared of heights but this one is exceptional!

Nang makarating na ako ay sinalubong kaagad ako ng pang-umagahang hangin at hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. I witnessed the full view of nature where the winds are humming and the trees were swaying and the birds were chirping. This is what I really need. Unwind. Kinuha ko ang aking cellphone at kaagad kinuhanan ng litrato.

"Audrey!" napalingon lamang ako nang tinawag na ako ni Mama for a family picture.

I've never been so happy before, ngayon pa lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top