Chapter 4

Pagkatapos ng aming Philippine History class ay dumiretso kaagad ako sa labas ng building at doon ko nalang sa pathway hinintay si Chloris. These coming days ay may magaganap na intramurals sa school kaya magiging abala kami tomorrow for these coming activities. Ako pa nga ang nautusan na bumili nang mga drinks for our booth.

Nang makita ko si Chloris ay kaagad akong kumaway sa kaniya. Ngumiti naman siya at kaagad na dumiretso sa aking direksyon. Kinuwento ko sa kaniya ang lahat nang mga nangyari sa amin kanina ni Leister. Umawang pa ang kaniyang bibig habang nakikinig sa akin.

"Really? He invited you to join the Dakila Team?" tanong niyang sabi sa akin habang kumikinang ang kaniyang mga mata.

She is really a fan of singing, siguro ay nahihiya lamang siyang sumali nang dahil katulad ko, walang masyadong kilala rito sa school.

"Hindi naman ako interesado na sumali, eh. I don't think I can fit to their team, mukhang mataas pa naman ang standards nila." Bumuntonghininga ako habang naglalakad na kami palabas ng school.

Pumagitna siya sa akin at kaagad na hinawakan ang aking magkabilang-balikat. Ngayon ko lang napansin ang mga freckles sa kaniyang pisngi. Her brown eyes shines when the light of the sun rested on face.

"Kung sasali ka, sasali rin ako." Nakangiting sabi niya sa akin.

Nanghina ako at umupo saglit sa may bench.

"Paano kung hindi tayo matanggap?" she rolled her eyes to me at para bang naiirita na sa akin.

"At least we tried," ani Chloris.

Hindi ako makatulog ng maayos nang dahil sa iniisip ko ang audition na sinasabi ni Leister kanina or let's just say "Lee". Umikot ako sa aking kama at kaagad na kinuha ang aking cellphone. I searched him on social media, unang tinignan ko ay ang kaniyang facebook account.

That's weird... no post available ang nakalagay sa wall niya. I click the little profile picture at pati iyon ay naka-private. He is wearing a blue hooded jacket and black cap na nakaupo sa may isang bench at nakahawak ng cup of coffee habang itinapat niya ito sa kaniyang mukha. He is hiding his face using that cup.

Leister Dew Martensen...

After several times of stalking him ay tumigil na ako. Nahihiya rin naman ako na mag-friend request sa kaniya, baka isipin niya ay nagpapapansin ako sa kaniya. Ibinato ko na lamang ito sa gilid ng aking kama at kaagad na natulog.

Nagising ako kinaumagahan nang dahil sa ingay ng alarm clock ko. Inis ko itong kinuha at kaagad na pinatay. Matutulog pa sana akong muli nang bigla na namang tumunog ito. Napamura ako nang wala sa oras at pagkatapos kong patayin ang aking alarm clock ay tumunog muli ito at umawang ang aking bibig nang makita ko ang notification na nag-pop up sa cellphone ko.

Leister Dew Martensen accepted your friend request.

What the fuck!

Napabangon ako nang wala sa oras at kinusot ang aking mga mata. Is this really true?! Wala naman akong matandaan na pinindot ko 'yung friend request kagabi. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at padabog akong napaupo sa aking kama.

I stayed in my room for almost five minutes before I decide to go out in my room. Nang naabutan ko sila Mama at Papa na kumakain sa dining area. Kaagad akong lumapit doon at sumabay sa kanila sa pagkain. Sausage and bacon seem inviting to the mouth at hindi na ako nagdalawang-isip na kumuha ng pagkain.

"How's your school, Audrey?" Dad asked out of nowhere.

How are you and Karina? I want to ask him about that but it will be rude and out of respect if I will do that. Kaya inilihim ko na lamang iyon.

"Fine, Papa." Tipid kong sagot sa kaniya.

Katahimikan ang nagwagi sa gitna namin, kaya biglang nagsalita si Mama at nakita kong nakangiti ito.

"I have invited by the Martensen family, since Pearl and I are friends, pumayag ako na sumama tayo." Nanlaki ang aking mga mata at napatingin ako kay Mama nang wala sa oras.

Martensen? How did she meet those family?

Papa sipped on his coffee and look at my Mama.

"Kailan naman 'yan?" ipinagsalikop ni Mama ang kanyang mga kamay bago niya sinagot si Papa.

"This coming Saturday, don't tell me... you're not free on Saturday morning?" bumuntonghininga si Papa bago niya ibinaba ang kaniyang kape.

"That's fine. I'll go with it if that's what you want..." nakita ko ang lihim na ngiti ni Mama nang marinig iyon galing kay Papa.

They looked into each other's eyes at nakita ko rin na ngumiti si Papa sa kaniya. Lumambot ang aking puso nang makita ko iyon ng mismo kong mga mata. I hope it will stay like this forever.

Gulo ang aking isipan nang maalala ko ang mga sinabi ni Mama kanina, of all the people na pwede naming makasama ngayong sabado, bakit pa ang mga Martensen? Ngayon ko lang nalaman na magkaibigan pala ang mga magulang namin! Sumasakit ang ulo ko, makikita ko na naman 'yung Fil na 'yun! Paano kung sabihin niya lahat nang mga nangyari tungkol sa aming dalawa?

Nakakahiya!

Pagkapasok ko sa loob ng school ay naabutan ko ang iba't-ibang department na abala na sa kanilang pag-aayos para sa mga booths. Ang ibang studyante naman ay nag-pa-praktis para sa magiging presentation mamaya. Dumiretso ako sa booth namin at nakita kong abala na ang aking mga classmates na abala na sa pag-de-decorate.

Sinalubong naman ako ni Kira, vice governor namin.

"Audrey! Thank God, you're here. Pwede ba kitang utusan na ilagay ang mga balloons doon sa stage ng court? Kita kasi tayo ang inutusan ni Mr. Jeward na mag-decorate para sa magiging presentation mamayang alas-cinco ng hapun, after the game." Pagpapaliwanag niya sa akin.

Tumango na lamang ako sa kaniya at kaagad na sinunod ang kaniyang utos.

"Yes, Kira, no problem." Para siyang nabunutan ng tinik nang sabihin ko iyon sa kaniya.

Kinuha ko 'yung mga balloons na handa na 'tsaka ako dumiretso sa court para mag-disenyo. Magsisimula na rin ang laro mamaya, kaya kailangan naming bilisan. The Education department has a presentation later at five o'clock in the evening, magkaibigan rin kasi ang Governor namin at governor ng education department, kaya napagkasunduan na magtulungan nalang kami.

Habang naglalakad ako ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang magaganap na audition mamayang alas-syete ng gabi para sa Dakila. Hindi ako sa gitna dumaan dahil masyadong agaw atensyon. Lumiko ako at sa may library ako dumaan. Hindi ko pa nakikita si Chloris, baka abala rin 'yun sa department nila.

Pagkarating ko ng court ay kaagad kong nakita ang team ng volleyball para sa laro ng mga lalaki mamaya. They are doing the warm-up before entering the game. Nahuli ng mga mata ko si Kerby Fil Martensen na nag-wa-warm up. Umawang ang aking bibig at napahinto nang wala sa oras.

Is he a volleyball player?! I even couldn't believe that!

Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at kaagad na umakyat ng stage. Magtatawag nalang kaya ako ng makakasama ko rito? Ako lang kasi ang nandito, eh. Napapailing na lamang ako at kaagad na inilapag ang mga balloons sa sahig. Kumuha ako ng isang chair para doon ako tatayo.

Nakailang lagay pa lamang ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran.

"Ang bait mo ngayon, ah?" I lifted my head and I saw him smiling, as if were close.

Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lamang ako sa aking ginagawa.

"Come on, why don't you talk to me?" sabi pa niya sa akin.

I rolled my eyes on him. Ngayon ko lang napansin na hawak-hawak niya ang likod ng aking chair. I think he's doing it, preventing me to fall.

Tinapik ko ang mga iyon at sinagot ko siya.

"Pwede ba? Hindi ko kailangan ng kausap, kailangan ko nang katulong. You're not helping me anyway," strikta kong sabi sa kaniya.

He laughed at me at nang nilingon ko ay nakita kong unti-unti niyang kinuha ang mga balloons at inabot sa akin.

"I'm already helping you, Miss..." marahas akong napabuntong hininga at kinuha ang mga iyon.

"Bakit ka nandito? You should be doing your things, you're an athlete." Bumalik ulit siya sa paghawak ng aking chair.

"I'm done the warm-up thing. Teka nga, kanina pa kita kinakausap pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo," sabi pa niya sa akin.

"I don't care," sagot ko sa kaniya pabalik.

Habang nag-aayos ako ng mga balloons ay napansin kong hindi siya kumibo sa aking likuran. Nilingon ko siya at nakita kong nakahawak ang isang kamay niya sa kaniyang cellphone.

Kumunot ang aking noo at bababa na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Audrey Paige San Diego," he said while he's reading something on his phone.

Tuluyan akong bumaba at kinuha ang mga natirang balloons galing sa sahig, hindi ko nalang siya pinansin at baka kulang lang talaga siya ng aruga nang kaniyang mga magulang.

"Ang haba naman ng pangalan mo," pag-re-reklamo pa niyang sabi sa akin.

Inis ko siyang hinarap at sinagot pabalik.

"Pwede ba? Kung wala kang magawa sa buhay, puwede bang huwag nalang ako ang kausapin mo?" unti-unti siyang lumapit sa akin, his lips were on a thin line at para bang tinamaan siya sa aking mga sinabi.

"Why do you hate me so much, Miss San Diego? Nang dahil sa natapunan kita nang tubig noong isang araw? Look, I didn't mean to do that, 'kay?" pagpapaliwanag pa niya sa akin.

Sarkastiko ko naman siyang tinignan.

"I just don't like you, Mr. Martensen..." natahimik naman siya sa aking mga sinabi bago ako tumalikod sa kaniya.

"Paige..." I stopped for a while when he called me by my second name.

"Tumigil ka na nga!" iritado ko nang sabi sa kaniya.

Nang nilingon ko siyang muli ay nakita kong ngumiti siya sa akin. A small smile was very evident on his face even though, he tried to hide it.

"Accept my friend request, okay?" sabi niya sa akin bago tumalikod sa akin at umalis ng stage.

Ang kapal talaga ng pagmumukha!

Natapos na ang lahat-lahat pero hindi pa rin ako mapakali. Totoo na ba talaga itong desisyon ko? Na sasali kami ni Chloris sa Dakila Team? Nang makita ko siya ay senyales na wala na talagang atrasan ito.

She's wearing her uniform at nakalugay ang maalon nitong buhok sa kaniyang likuran. She's also wearing a pink lipstick na bumagay naman sa kutis ng kaniyang labi. She's white and fair, kaya nababagay iyon sa kaniya, lalo na dahil maninipis ang kaniyang labi.

Dumiretso kami sa Titus Brandsma Hall dahil doon daw magaganap ang audition. Kinakabahan talaga ako! Nasa labas pa lamang kami pero kitang-kita ko na ang ibang mga studyanteng nakapila para sumali sa audition. Nakipila kami roon sa gilid habang nakikinig sa aming katabi.

"Sa tingin mo ba matatanggap tayo ngayon?" excited na pagtatanong noong isang babae na may mahabang buhok na kulot.

"Oo naman! The reason why I joined the audition it is because I want to be with Leister! Balita ko... wala pa daw 'yung girlfriend." Humagikhik naman ito bago bumaling sa kaniyang katabi.

"Sana nga mapili tayo!" kinikilig na sabi naman noong isa.

Nilingon ko si Chloris at nakita kong abala siya sa kaniyang pag-me-memorize nang lyrics na kaniyang kakantahin.

Nang makapasok na kami sa loob ay unti-unti kong nakikita si Lee, he's wearing a dark navy blue hooded jacket and a black cap while he strums the guitar. Everything went so slow that I couldn't even think properly because of his postures. He lifted his head and look at me...

Nagtama ang aming mga mata at unti-unti naman siyang ngumiti sa akin. I waved my right hand to him at ganoon rin naman siya sa akin.

Nabalik lamang ako sa realidad nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at tinignan.

Nanlaki ang aking mga mata sa mga nabasa ko. There is someone who sent me a message request!

Kerby Fil Martensen: Goodluck to your audition! Break a leg, babe!

Umawang ang aking bibig at hindi makapaniwala sa kaniyang mensahe na pinadala sa akin.

Ang kapal talaga ng pagmumukha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top