Chapter 39
Mabilis pa rin ang pagtibok ng aking puso habang bumibigat ang aking paghinga. I couldn't just move on from what happened earlier!
Lalong-lalo na nang makita ko kung gaano ka-galit si Cassandra sa akin. Hindi naman ako natatakot sa kaniya, pero ang pagpunta niya rito at ang pagsigaw-sigaw sa akin ay gawain ng isang taong may binabalak na masama.
"Ma'am, uminom po muna kayo ng tubig." Nilingon ko si Hazel at kaagad na inabot ang tubig na ibinigay niya sa akin.
Nakatayo lamang siya sa aking gilid nang may pag-aalala sa kaniyang mga mata. She saw what happened, and she's afraid that Cassandra will come again here and make a scandalous move.
"Huwag kang mag-alala, Haze. Hindi na 'yon babalik rito. I'll make sure of that," I assure her about that.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at hinagod niya ang aking likuran.
"Natatakot lang po ako at baka bumalik ang babaeng iyon rito at saktan po kayo," nag-aalalang niyang sabi sa akin.
Uminom muna ako sa tubig na ibinigay niya sa akin, bago ako sumagot.
"Hindi mo ba siya napansin noon? Bago siya sumugod rito sa store natin?"
Kaagad na umiling si Hazel sa akin. "Hindi Ma'am, eh. Iyon po ang unang kita ko sa kaniya. Sino po ang babaeng iyon, Ma'am?"
Naguguluhang pagtatanong ni Hazel sa akin. Tumayo ako at nagkibit-balikat, habang nakatuon lamang ang buong paningin sa labas.
She went here from Manila to Agusan just to say those words to me. Nahihibang na ba siya? Bakit hindi nalang niya matanggap na ako ang pinili ni Fil at hindi talaga siya ang totoong mahal? And why Fil didn't do something about this? Siguro, hindi niya alam na nandito si Cassandra. I shouldn't blame him. Lalong-lalo na ngayon na sinusubukan niyang kunin ang loob ng ina ko.
"He was the ex-fiancee of my husband, Haze."
Nalaglag ang panga ni Hazel nang sabihin ko iyon sa kaniya. She gulp and blink a couple of times. She was so shock about my news. Ngayon niya lang kasi malalaman na ikinasal na ako sa lalaking palagi kong iniiwasan sa tuwing pumupunta rito.
"Iyong guwapong lalaking pumupunta rito, Ma'am?! Ka-kasal na po kayo?" hindi makapaniwalang pagtatanong niya sa akin.
""Yes. It's a long story, Haze. He was my boyfriend; we ended our relationship eight years ago. He realised that he loves me. Hindi iyon matanggap ng kababata niyang kaibigan." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Haze was too stunned to speak, but later on, she understood everything that I had shared with her.
"Please, Haze. Don't tell this to Fil. Ayokong mag-alala siya nang dahil lamang sumugod rito ang ex-fiancee niya."
Tumingin siya sa akin at magsasalita na sana pero walang lumabas sa kaniyang bibig.
"Naiintindihan ko po kayo, Ma'am. I respect that," magalang niyang sabi sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako. This is too much for this day. Mabigat pa rin ang damdamin ko nang dahil sa mga nangyari kanina.
Lumipas ang ilang oras at itinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa pag-ta-trabaho. I tried to keep myself busy with the things that gave my mind some chaos. Habang nagtitipa ako sa aking computer ay biglang tumunog ang aking cellphone.
Tumigil muna ako sa aking ginagawa at kaagad itong kinuha. I stopped when I saw the name of Fil. Sana ay hindi siya kinausap ni Cassandra, sana ay hindi ito nagpakita sa kaniya. Fil cared too much about me. Wala siyang pakialam kahit na may masaktan man siyang ibang tao.
Fil is calling to me...
Hinayaan ko nalang muna ito at nang tumigil ay kampante akong magpatuloy sa aking ginagawa. Nang tumunog na naman itong muli.
Kinuha ko nalang ito at sinagot.
"Baby, are you busy?" He asked from the other line.
Napatingin ako sa wall clock at nakitang pasado alas-singko na nang hapon.
"Yes, may inasikaso lang." Tipid kong sagot sa kaniya.
Pagkatapos niya kasi akong ihatid rito ay kaagad siyang dumiretso sa bahay nila. Palagi niyang sinasabi sa akin na gusto na niya akong iharap sa pamilya niya, pero, ako itong gumagawa ng rason para hindi matuloy.
I am just scared to meet his family. Takot ako at baka insultuhin nila ako nang dahil sa mga nangyari sa nakaraan.
"Can I pick you up right now? I need to show you something," he said with a little bit of excitement.
Kumunot ang aking noo at sino ba naman ako para hindi pagbigyan ang aking asawa?
"Yes, you can. Sunduin mo na ako ngayon din," pabalik kong sabi sa kaniya.
I heard him chuckled and heard the kiss from his device.
Despite what happened, he was still my happiness. He was and always will be my solace. Kahit hindi maganda ang mga nangyari ngayong araw, pagdating sa kaniya, pag nandiyan na siya, unti-unti itong nagbabago. He turned the darkness into light. He slowly vanished the pain that I had felt. He makes me strong in any way that I can. I loved that about him.
Tinapos ko muna ang aking mga ginagawa at nang marinig na ang tunog ng kaniyang sasakyan ay napangiti ako nang palihim.
Maagang nagpaalam sa akin si Hazel dahil kaarawan raw ngayon ng kaniyang ina. I let her go early because it was a good reason to let her out early. Nagbigay na rin ako ng kaonting panghanda sa kaarawan ng kaniyang ina.
I fixed myself first and went out to my office.
"Maaga ka ngayon ah-" natigilan ako nang ibang lalaki ang sumalubong sa akin.
I swallowed hard, and my heart started to beat hard again when I saw Ethan in front of me. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko siya. He looks so messy. Magulo ang buhok, namumugto ang mga mata.
Mukhang lasing...
"Ethan..."
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. His expression was dark, and I could sense his anger towards me.
Bigla akong kinabahan nang dahil sa mga ibinibigay niyang ekspresyon sa akin ngayon. Oo, inaamin ko na nagkamali ako. Hindi ko kaagad sinabi sa kaniya ang lahat nang ito. He was my suitor! He has a right to know, right? Hindi ko na dapat pa ito pinahaba pa.
Oo, nag-pa-plano akong kausapin siya at magpaliwanag sa kaniya at humingi ng kapatawaran, pero hindi sa ganitong sitwasyon.
"Ethan, are you drunk?"
He smirked at me and sighed.
"Grabe, Audrey. I didn't know that you're already married." He said in a sarcastic way.
Nag-iba ang pakikitungo sa akin ni Ethan ngayon. He is far away from Ethan that I know. Hindi na siya isang doktor kung tignan, he looks like a totally different person.
"Ethan, le-let me explain. It's a long story."
Umigting ang kaniyang panga at mukhang nagalit siya sa aking mga sinabi.
"Long story? You should've called me, Audrey. Bakit ka nagpakasal sa lalaking iyon? Mahal mo pa?" Nababahidan ko ang tigas ng kaniyang boses.
Napaatras ako nang unti-unti na naman siyang lumapit sa akin.
"Please, Ethan... this is not you," nagmamakaawa kong sabi sa kaniya.
"Damn you!"
Napasigaw ako nang wala sa oras nang bigla siyang magwala sa aking harapan at ibinasag ang flower vase na naka-display sa isang table.
Nanlaki ang aking mga mata nang tumilapon ang vase at nabasag ito at tumama sa glass window ng aking store!
I didn't mind about the things, I mind about the man who's in front of me! Hi-hindi ako kayang saktan ni Ethan, mabait siyang tao.
"Ethan, nagmamakaawa ako sa'yo..."
Tears fell down my cheeks when I saw him gave me an evil smile.
"Putangina! Nililigawan kita nang ilang buwan?! Tapos malalaman ko nalang na kasal ka na pala?! Sinong putanginang niloloko mo?! Divorce him!" His voice thundered the whole place of my store.
Lalong-lalo na nang makita ko ang nanlilisik niyang mga mata nang dahil sa galit.
"I am sorry that I kept you waiting. Mabilis ang mga nangyari, hindi ako nagkaroon nang pagkakataong makausap ka. I am really, truly sorry about everything, Ethan." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Please, Fil... save me...
"I cannot fucking accept this, Audrey... hindi. Hindi ako papayag na siya ang makakaangkin sa'yo. You are mine! Ipinaubaya ka na niya sa akin!" Galit niyang sabi sa akin.
I almost jumped just because of his voice. He is shouting in front of me.
"I am not yours, Ethan! Oo, alam kong nagkamali ako at pinaasa kita. I am sorry about that. Mahal ko si Fil. Mahal na mahal ko siya," I almost begged him to leave.
Napatigil ako nang marinig kong tumawa siya. Tears fell down in his cheeks but he was laughing like a psycho man.
"Then I'll let you love me," he said and I didn't expect his sudden move!
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako nang napakahigpit!
"Ethan, no!" I shouted as much as I can when I felt his lips touching my neck!
"Tulong!" I cried in vain just to seek help!
Pakiusap, nagmamakaawa ako! Tulungan n'yo ako.
Unti-unting nanlalabo ang aking mga mata at nagpupumiglas akong makawala sa kaniya, pero mas malakas talaga siya sa akin.
"Ethan, please! Stop!"
He kept kissing me and I move my face from another direction to avoid his kisses! Galit ito at nandidiri ako sa kaniya! Amoy alak pa siya!
Sinubukan kong muli ang makawala sa kaniya nang maramdaman ko ang marahas na pagkawala ni Ethan sa pagkakadagan sa akin.
Umawang ang aking bibig nang makita ko si Fil, galit na galit habang nakikipagsuntokan kay Ethan.
"Papatayin kitang hayop ka!" Fil shouted while throwing punches to Ethan.
Kaagad akong tumayo at sinubukan siyang awatin nang makita kong hindi na nanlalaban si Ethan nang dahil sa panghihina nang dahil sa alak.
"Fil, tama na!" I tried to reach his arms but he was so mad, I couldn't stop him!
"I'm gonna fucking kill you!" He shouted again.
Gusot na gusot na ang damit na suot ni Ethan nang dahil sa galit ni Fil. It was almost ripped!
Magbibigay na naman ulit siya nang suntok nang pinigilan ko siya. Hinila ko siya at umiyak ako sa gilid niya.
He stopped and looked at me. Nanlalabo ang aking mga mata habang pinagmamasdan siyang parang papatay ng tao.
"Please, tumigil ka na. I don't want to see you in jail, Fil."
Nagdilim ang kaniyang paningin at umigting ang panga nang marahas niyang binitawan ang kwelyo ni Ethan at pabagsak itong nakahiga sa sahig.
I looked into his hands. Nadurog ang puso ko nang makita ko ang dugong bumalot nito.
Dahan-dahan ko siyang pinatayo at hinawakan ang braso. He looked at me and suddenly his expression changed. Ang kaninang galit na galit ay napalitan ito nang pag-aalala.
He hugged me and closed his eyes.
"Sinaktan ka ba niya? What did he do?" He asked.
Kaagad akong umiling sa kaniya. Hinuli niya ang aking mga tingin at pinirmi ito.
"Paige, look at me. What did he do?" May pagbabanta sa pagtatanong niya.
Natatakot ako at baka mapatay niya nang tuluyan si Ethan nang dahil sa galit niya.
"Please, baby, answer me," he said in a very low voice that only I could hear.
"He-he tried to kiss me."
He gritted his teeth and close his eyes like he is controlling his anger.
"She taste so good, Kerby."
Umawang ang aking bibig nang biglang magsalita si Ethan, kahit na nakahiga na ito sa sahig at duguan ang bibig.
Fil attempt to punch him again but I stopped him.
"Lasing siya, Fil. Alam kong hindi niya iyon sinasadya."
"Hindi sinasadya?! He almost rape you, Paige! Paano kung hindi ako kaagad dumating? Paano kung nangyari 'yon? Makakapatay ako ng tao, Paige. Hindi mo ako mapipigilan dun." Galit niyang sabi sa akin.
Unti-unti akong tumango sa kaniya. I am just too tired about everything. Unti-unti akong nauubos.
Naramdaman niyang natatakot ako sa mga nangyayari. Niyakap niya ako nang napakahigpit at hinalikan sa noo.
"I'll let him pay for what he did to you. I'll get the best lawyer in this world and I will make sure that his life will get miserable. Pagbabayaran niya ang lahat nang ito, Paige."
He hugged me even more and was scared to lose me again.
"Sisiguraduhin ko 'yon," ulit niyang sabi sa akin habang ikinukulong niya ako sa kaniyang mga yakap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top