Chapter 38

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Mama, at kung paano ako magpapaliwanag sa kaniya sa mga nangyari sa akin sa Cagwait. For sure, she'll pass out once she hears about my civil wedding. Hindi ko rin naman ito ini-expect! Hindi rin ako umangal dahil gusto ko rin ang maikasal sa kaniya.

Bakit ko pa patatagalin? We're not getting any younger. We're not getting any younger. He's already in his thirties, and so am I.

"Baby, what's bothering you?" Nabalik lang ako sa realidad nang biglang magsalita si Fil sa aking tabi.

He's holding my left hand tightly, while his other hand is holding the steering wheel. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.

We are now heading back to our place. Mas lalo akong kinabahan nang sabihin niya sa akin na gusto niyang makausap ang kaniyang ina na kasama ako. He wants to introduce me to his family, to his mother. Kaya, labis ang pangamba at takot ko, nang dahil sa nakaraan. Paano kung itatakwil ako ng kaniyang ina? Paano kung... ayaw niya ako para sa anak niya? It could be possible, since I am still the daughter of the man who killed her husband. Not totally physically, but to the point that he used someone to kill Mr. Khomael Martensen, suspek pa rin siya sa mga nangyari.

We stayed another days in Cagwait and enjoyed our little quick honeymoon, together with his cousins and of course, my friend, Chloris.

Yes, we did make love... he was my first, and probably my last. Naging mapusok siya sa umpisa, nang medyo tumagal, nasanay na.

"Baby?"

Mas lalo niyang ipinagsalikop ang aming mga kamay at pabaling-baling ang pagtingin niya sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kaniya pabalik.

"Nag-aalala ako, Fil. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag kay Mama. Paniguradong magugulat 'yon kapag nalaman niyang ikinasal na ako. Sa' yo pa talaga!" Lumalim ang aking paghinga habang ipinapaliwanag ko ang mga bagay na iyon sa kaniya.

"You don't have to worry about that, Paige. I want to personally talk to your mom about this. Pakakasalan kita ulit."

Kumunot ang aking noo sa kaniyang mga sinabi. I looked at him, and he just gave me a genuine smile.

"What do you mean?"

"I want to marry you in the church this time. I want to announce it to the public. I want to put it on the news, clear and bold that I am marrying you. Gusto kong alam iyon ng lahat."

Napakurap-kurap ako sa mga sinabi niya at nagtagal ang paningin ko sa kaniya, habang nagmamaneho.

This man is literally in love with me! Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at pinipigilan ang sarili na mas lalong ngumiti.

"You don't have to do it, Fil."

His forehead furrowed and ignore my message. Umiling siya.

"No, I want to celebrate our wedding together with your family and my family."

What did I do to deserve this man?

"Do you know someone, perhaps a designer or an organizer? To prepare all the things?" Pagtatanong niya sa akin.

Talagang seryoso siya sa mga sinabi niya na gusto niya akong pakasalan ulit.

"Oo, may kakilala ako. Sad to say, he's in Thailand. He is super busy with his work there." Napatango naman siya sa aking mga sinabi.

"Don't worry about that. I know someone but of course, I'll let you decide on that part. Hindi naman puwede na ako nalang palagi ang mag-de-desisyon. You are my wife and your plans and opinions will be my first priority." He said and give me a kiss on my palm.

Kung ganito magmahal ang isang Martensen, hindi ko kakayanin kung mawawala pa ito sa akin. Ikamamatay ko 'yon.

Nang makarating na kami sa bahay ay bumuntong hininga muna ako. Nakatitig lamang ako sa malaking gate ng aming bahay. We are here already for almost ten minutes! Hindi man lang nag-re-reklamo si Fil. Maybe because he understands me. He understands my feelings!

Nilingon ko siya at nakita kong nakaabang lamang siya sa aking gilid. He was still holding my hand.

"Kinakabahan ako, Fil." Pagsusumbong ko sa kaniya.

He put his left hand on my cheek and caressed it gently.

"Don't be afraid of telling the truth, Paige. Ako mismo ang kakausap sa Mama mo. Ginusto ko ito, kaya ako dapat ang mas magpaliwanag."

Napapikit ako at mas lalo kong dinama ang mainit niyang palad na humahaplos sa aking pisngi.

Chloris advice me about this. Ang sabi niya sa akin ay huwag akong matakot, dahil maiintindihan naman daw ako ni Mama.

Fil opened the door for me. Nakita ko rin ang pag-aalala sa mga mata ni Fil, pero mas nararamdaman ko ang tapang niya. He was so sure about telling this to my mother.

"Good morning po, Ma'am!" Bati sa akin ng aming bagong katulong.

Yes, kumuha ako ng katulong para may magbabantay kay Mama habang wala ako.

Nagulat naman ito nang makita akong may kasamang isang matangkad na lalaki.

"Good morning rin po, Ser!" Nakita ko ang pagtango ni Fil sa kaniya at ang pagtingin nito sa kabuuan ng aming bahay.

"Nasaan si Mama, Anita?"

"Ma'am, nasa hapag po, kumakain."

Nang sabihin iyon ni Anita ay kaagad kong hinawakan ang braso ni Fil, at pumunta kami sa direksyon kung saan kumakain si Mama. Pinatigil ko muna si Fil sa gilid ng aming pader, sa likuran ng pintuan at kumunot naman ang kaniyang noo sa aking ginawa.

Nangungusap at naghahanap ng tanong ang kaniyang mga mata habang hinuhuli ang aking tingin.

"Stay here," I asked him to make him still.

Umawang ang kaniyang bibig at halatang may gustong sabihin pero hindi nalang niya ito itinuloy. Tumango lamang siya sa akin.

Iniwan ko muna siya roon at tuluyan akong pumasok sa loob ng dining area namin.

I saw my mom, peacefully having her breakfast alone.

"Anak, Audrey, you're here!" Her eyes widened when she saw me coming to her.

Kaagad siyang tumayo at sinalubong ako ng isang yakap. Yumakap rin ako sa kaniya pabalik. I just missed my Mom, so much!

"How's Cagwait? My god! You have a lot of things to tell!" Panimula niya sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan! Kinakabahan ako at nag-uunahan ang mga salita sa aking utak at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko!

Bumalik siya sa kaniyang kinauupuan at nagsimulang maglagay ng butter sa kaniyang tinapay.

"Buti na lamang at umuwi ka kaagad rito! I can't contact you yesterday! Alam mo naman hindi ba? Wala masyadong signal roon sa dagat, kaya nag-iwan ka nalang sana ng mensahe noong pauwi ka na rito." Sabi ni Mama sa akin.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Napahawak ako sa ibabaw ng upuan at doon kumukuha ng lakas.

"Oh my God! Did he propose to you already?!"

Napasinghap ako sa mga sinabi ni Mama nang makita niya ang aking kamay. Itatago ko na sana ito nang bigla niya itong hinablot at pinagmasdan.

I saw tears in her eyes, while looking at the ring in my finger. Pa-paano niya nalaman?! Did Fil, tell him about this?

"Sabi ko na nga ba eh!"

Nalilito ako sa mga sinasabi ni Mama sa akin ngayon, kaya hindi ko mapigilan ang hindi magtanong sa kaniya.

"Ang alin, Ma?"

"Si Doc Ethan! I forgot to tell you this, anak. That's why I told you earlier that it would be better if you'd contact me first before going back here! Pumunta siya rito kahapon, hinahanap ka! He wants to propose to you! Hindi mo man lang sinabi sa akin na tapos na pala siya na gawin ang sopresa niya!"

Nalaglag ang aking panga sa aking mga nalaman ngayon. Napakurap-kurap ako at matagal na na-proseso sa utak ko ang lahat! He went here?! In Agusan? For what? For a suprise? Ano? Magpapakasal?

Lumingon ako sa aking likuran nang makita ko na nandoon pa rin si Fil at hindi pa lumalabas. I told him to stay put! Paniguradong narinig niya ang lahat nang mga pinag-uusapan namin ngayon ni Mama.

Napahilot ako sa aking sentido.

"Kaya ba, umabot ka ng isang linggo doon? Naku! Ito talagang si Ethan, ang bilis kumilos!" Masaya pa niyang sabi sa akin.

"Ma, that's not what happened..." mahinahon kong sabi sa kaniya.

Pinanliitan ako nang mga mata ni Mama at kaagad na umiling na para bang hindi naniniwala sa akin.

"Naku, anak! You don't have to be shy! Alam na alam ko na! Nagpaalam na nga siya sa akin, eh."

What the hell?!

"Actually, I will gonna tell him that you're here..."

Natigilan si Mama sa kaniyang ginagawa nang marinig namin si Fil sa aking likuran. Tumikhim siya para maagaw ang atensyon naming dalawa.

Nilingon ko si Fil at nakita ko ang pagtingin niya kay Mama. I lifted my head to see what my mother's reaction would be.

Umawang ang bibig nito at kaagad na nabitawan ang cellphone na hawak-hawak nito. Nanlaki ang mga mata niya at naguguluhan itong tumitig kay Fil at pabalik naman sa akin.

"Audrey... a-anong ginagawa ng lalaking ito rito?" Pagtatanong ni Mama sa akin.

Lumapit ako sa direksyon ni Fil at kaagad akong humawak sa kamay niya. Nalipat ang paningin ni Mama sa aming mga kamay at kinakabahan akong tumingin kay Mama.

"Magandang umaga po, Ma'am. I am here to personally talk to you about this." Magalang na sabi ni Fil sa kaniya.

"Ma, hi-hindi po si Ethan ang kasama ko sa Cagwait."

"Teka, akala ko ba anak... ayaw mo nang makipagbalikan rito?"

Mama's question was like a dagger to Fil, but he didn't react to that part.

"Ma... I'll explain it to you."

"Marami ka talagang ipapaliwanag sa akin. Atsaka, bakit may singsing ka na? Are you already..."

Mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang panlalaki ng mga mata ni Mama.

"Yes, Ma'am. She's already married to me. I married her in Cagwait. Alam kong mabilisan at hindi ako nakapagpaalam sa inyo. I am really sorry for that, Ma'am. I am personally here to ask you to marry your daughter again. To marry her in church, together with you. Her only family." Pagpapaliwanag ni Fil sa kaniya.

Hindi nakapagsalita si Mama at kaagad na umiling.

"Audrey! You woman?! Why you didn't tell me about this?!" Galit niyang pagtatanong sa akin.

"I'm sorry, Ma..." iyon na lamang ang aking nasabi kay Mama.

I saw her get mad. Tumayo ito at unti-unting lumapit sa amin.

"Alam mo ba na hindi ko nagustuhan ang ginawa mo? You were engaged already! At ngayon, malalaman ko nalang na kasal na kayo ng anak ko?!"

Pinanlakihan niya ng mga mata si Fil at nakita ko ang walang pag-alinlangan na gustong magpaliwanag ni Fil sa aking ina.

"Ma, a lot of things happened..."

"I'm really sorry, Mrs. San Diego. I didn't agree on getting engaged to a woman I didn't love. Mahal ko po ang anak ninyo. Alam ko po na hindi n'yo ako mapapatawad nang basta-basta. I want to court her again, to court her family."

Nakita ko ang pag-irap ni Mama kay Fil. Maarte itong nagkibit ng balikat at taas-noo itong tumingin sa aming dalawa ni Fil.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Fil sa aking kamay.

"Gaano mo kamahal ang anak ko?" Malamig nitong pagtatanong sa kaniya.

"Mahal na mahal po..." walang pag-alinlangan na sagot ni Fil sa kaniya.

"I want her to get married to an extravagant, very expensive place! You love my daughter, am I right? Then you have to earn her."

"Mama naman..." pag-aawat ko sa kaniya.

Nakakahiya kay Fil!

Nilingon ko siya at nakita kong nakangiti na pala ito kay Mama. He is ready and willing to accept my Mother's command!

"Yes, Ma'am. Whatever you want."

Gusto kong pigilan si Fil pero hindi siya nagpapaawat sa akin.

Tinaasan niya ng kilay si Fil at mas lalong hinamon. Kinakabahan ako sa gustong mangyari ni Mama!

"I want her to get married on Balesin Island! Gusto kong imbitado lahat, ang mga friends ko, mga relatives namin! I want everything to look expensive! Gusto ko ang kunin mo na magiging organizer ng kasal ninyo, iyong nanggagaling pa sa ibang bansa! You have to get ready and contact some professional chefs for the food! Kailangang-kailangan iyon!"

Ako ang na-mo-mroblema sa gustong mangyari ni Mama, eh. She wants us to get married on Balesin Island?! Hindi niya ba alam kung gaano kamahal doon?!

I saw Fil, nodded at her. Isa pa 'to!

"Yes, Ma'am. No problem. I'll handle everything."

Kahit na mayaman ka, hindi ako papayag na mag-aksaya ka nang milyong-milyong pera para lamang sa isang kasal!

I pinched his thumb and he looked at me. He gave me an assurance that everything will be okay.

"Good! Mas mabuti nang nagkakamabutihan tayong dalawa." Striktang sabi ni Mama sa kaniya.

Hindi ba ako puwedeng magsalita rito?

Fil caress my hands and put his right arm to my waist.

"Let me handle this one, baby."

Nag-aalala ako sa magiging gastos niya at sa sasabihin ng kaniyang ina tungkol rito, eh.

"How about you? Kaya mo ba? Masyadong mahal doon, Fil."

He smiled at me and kissed me on my forehead.

"Walang mahal pagdating sa'yo, Paige. I can spend all my money just for this. Atsaka, ang Mama mo ang pinag-uusapan natin rito. She's right. I need to earn you."

Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad ko siyang hinatid sa kaniyang sasakyan. He wants me to have dinner together with his Mom, tomorrow evening. Kaya ang kaba na nararamdaman ko kanina ay napalitan iyon nang mas sobra. This is my first time, meeting his mother, after eight years. Kaya, normal lang naman siguro ang kabahan.

"Ma, bakit mo naman ginawa 'yun?" Hindi ko mapigilan ang hindi mainis sa mga inasal ni Mama sa kaniya, kanina.

Nagkibit lamang siya ng kaniyang balikat at bumuntong hininga.

"At bakit naman hindi? I was just testing him. Hindi naman puwede anak na basta ka lang niyang mahal. He should make some efforts! Hindi rin naman siya umangal," pagdadahilan ni Mama sa akin habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Baka isipin ng Mama niya na..."

"Na ano? Na ginagamit lang natin ang pera ng anak niya?" Pagdugtong ni Mama sa sinabi ko.

"No, that's not what I mean, Ma. Alam mo naman ang nangyari sa nakaraan natin, hindi ba? I just don't want to make a bad impression to his mother."

Napatigil si Mama sa kaniyang ginagawa at lumapit sa akin.

"Anak, Audrey. Gagawin iyon ni Fil, dahil gusto niyang ipakita sa akin kung gaano ka niya ka-mahal. Money is not the issue here. Panigurado naman akong sinabihan na niya ang kaniyang ina tungkol sa pagpapakasal sa'yo. Kung tutol ito, edi sana hindi ka kasal ngayon sa kaniya."

Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga sinabi ni Mama. Kahit anong eksplenasyon pa ang ibigay niya sa akin ay kinakabahan pa rin ako.

Natatakot pa rin ako.

Kinaumagahan ay hindi pa rin nawala sa isipan ko ang mga nangyari. From me, getting married to Fil, to becoming a Martensen. Lahat iyon ay paulit-ulit na bumalik sa isipan ko na para bang isa itong paboritong pelikula ng aking utak na gustong panoorin nang paulit-ulit.

Fil talk to me on the phone last night. He said he will visit me here in my shop. May gusto raw siyang ipakita sa akin.

Mahilig si Fil sa mga surprises, even when we were still in college. He never fail me to surprise any kinds of things. Kahit na walang okasyon, kapag gusto niya na magbigay, magbibigay siya.

Habang abala ako sa paglalagay ng mga jams ay biglang pumasok si Haze.

"Ma'am! May nanggugulo po sa labas!" Kinakabahang sabi sa akin ni Haze.

Kumunot ang aking noo at kaagad akong humarap sa kaniya. Nakita ko ang mga takot sa kaniyang mga mata at nilapitan ko siya.

"Ano? Sino?"

"Hi-hindi ko po siya kilala, Ma'am. Mukhang bago lamang po siya rito. Hinahanap ka niya," pagsusumbong sa akin ni Haze.

Lumabas ako ng shop at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang isang Cassandra Vaughn.

She is stressed from outside and the inside! Sabog ang buhok nito at mukhang kagagaling lamang sa airport. Nagpupuyos ito sa galit at magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin.

Mabuti na lamang at umalis na ang ibang customer namin rito, bago siya sumugod sa shop ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Galit itong tumingin sa akin. "You bitch! Mang-aagaw ka!" Sigaw niya sa akin.

Dinuro niya ako at unti-unting lumalakas ang kaniyang paghinga. Alam ko ang tinutukoy niya, but their engagement didn't happen because Fil stopped it.

"Wala akong inaagaw sa'yo, Cassandra." Kalmado kong sagot sa kaniya.

She smirked at me and rolled her eyes.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa! Ang sabihin mo, inahas mo si Kerby! Nilandi mo siya! He's my fiance! Paniguradong magagalit si Tita kapag nalaman niyang inagaw mo siya mula sa akin!" Galit na galit niyang sabi sa akin.

Tinignan ko siya nang mula ulo hanggang paa. Ang taas ng confident ng babaeng ito ngayon. Siya pa ang may ganang mag-eskandalo sa mismong lugar ko?

"Bakit? Naging sa'yo ba siya?"

Mas lalo ko lang ata siyang ginalit nang makita ko ang mga ugat sa kaniyang leeg. Pinigilan ko si Haze na lumabas at sinenyasan na tumawag ng pulis.

"Shut the fuck up! Ang kapal nang pagmumukha mong gulohin ang buhay niya! He should've been married to me! Bakit ikaw pa ang pinili niya?! Bakit ikaw pa na may kasalanan nang lahat?!"

She cried in vain, but in the midst of her anger.

"Hindi ko siya pinilit na piliin ako. Hindi ko siya pinagsabihan na umuwi rito. He loved me, Cassandra."

"Shut up! Nakalimutan ka na niya, eh! Nagpakita ka pa kasi! Hayop ka! Mang-aagaw!"

Hindi ko inasahan ang biglaan niyang pag-atake sa akin! Sinabunotan niya ako at kinalmot sa mukha!

Lumapit si Hazel sa amin at kaagad siyang inilayo sa akin.

"Tama na, Ma'am!" Haze said.

Nagpupumiglas itong makawala kay Haze, buti na lamang at malakas ito kaysa sa kaniya.

"Hindi ko siya inagaw! Kusa siyang lumapit sa akin!" Sabi ko sa kaniya.

"Kahit na! Ikaw nalang sana ang lumayo! Malandi ka lang talaga! Ikakasal na dapat kaming dalawa, tapos pumasok ka sa eksena!"

Lumapit ako sa kaniya at ipinakita ang aking kamay kung saan nandoon nakalagay ang aking singsing. Namutla siya nang makita ito.

"If he wanted to marry you, he should've have done that a long time ago. Bakit ako noong nagkita kaming dalawang muli, wala pang isang taon, gusto na niya akong pakasalan. He did! He married me! Ngayon mo sabihin sa akin na dapat ikaw ang ipapakasal sa kaniya! You're with him for almost eight years! Hindi man lang tumalab ang mga kilos mo sa kaniya?"

Nagpupuyos na siya sa galit nang dahil sa mga sinabi ko sa kaniya.

"Shut up! You bitch! Maaagaw ko rin siya sa'yo! Maghihiwalay rin kayong dalawa!" Sigaw niya sa akin.

"Do it. Tignan lang natin kung magpapaagaw sa'yo si Fil."

Nagdadabog itong umalis sa aming harapan, habang tumutulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.

I don't want to fight with her, but her actions were beyond my limits, and that's not right. Hindi ko hahayaan na saktan ako ng babaeng iyon!





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top