Chapter 35
Natigilan ako nang bigla siyang lumabas ng kaniyang sasakyan. I was bothered when I saw him wearing a polo shirt that was folded in his forearms, the first and second buttons of his shirt was open. His hair was swaying in the air when the wind passing us by.
Kunot ang kaniyang noo habang nakatuon lang ang buong atensyon niya sa akin. Hindi ako makapaniwala! Anong ginagawa ng isang katulad niya rito?!
Siya ang dahilan kung bakit ako umalis ng Manila at umuwi rito, tapos ngayon makikita ko siya sa harapan ko?! What the fuck is wrong with this man?!
Tinalikuran ko siya nang bigla niyang hinawakan ang aking siko. I forced and put all of my strength to get back my elbow. He was stunned because of my sudden actions towards him.
"Let's talk," he said, like it was so easy for him to get everything back to normal.
Umawang ang aking bibig at sarkastiko ko siyang nginitian. A devilish smile was very evident on my face while I am trying my best not to fall for his trap anymore.
"Ano naman ang pag-uusapan natin, huh? Nananahimik na ako rito tapos makikita kita? Wala na tayong dapat na pag-usapan pa." Malamig kong sabi sa kaniya.
His eyes were full of a mix of emotions that I couldn't even describe because of his feelings. It feels like I am watching chaos between his eyes.
He tried to hold my arms but I distance myself to him.
"Kailangan nating mag-usap, Paige. Bakit ka umalis? Bakit ka nag-resign? Is it because of me?"
"Kung sasabihin ko sa'yong oo, maniniwala ka ba at titigilan mo na ako?"
Hindi ko mapigilan ang hindi magalit sa kaniya. All these past few months, I have been trying my best to get myself back, piece by piece! Tapos ano? Sisirain na naman niya ulit? Sasaktan na naman niya ako sa pamamagitan ng mga masasakit niyang salita?
Umigting ang kaniyang panga habang napapaso ako sa mga tinging ibinibigay niya sa akin.
"No." He calmly said.
Nagpantigan ang magkabilang tenga ko at parang sasabog na nang dahil sa galit.
"Tang-ina naman, Fil! Ano na naman ang kailangan mo?! After you hurt me with your words and pushed me away, you can say that! Ang kapal rin pala nang pagmumukha mo! You were engaged to someone! Kasal ka na nga siguro ngayon, eh. Kaya, ano pa ba ang kailangan mo?! I am trying my best to move on!"
Bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kahit anong pag-iwas ko sa kaniya, sa tuwing nakikita ko siya at naaalala ang mga iyon, ay nasasaktan pa rin ako. Palagi itong bago sa emosyon ko. Palaging presko.
"I'm sorry, I hurt you that way." He said in a baritone voice, na para bang sising-sisi siya sa mga sinabi niya sa akin.
Nanginig ang aking mga labi at napakagat ako nito. Tumingin ako sa kaniya at umiling.
"Wala ka nang babalikan pa rito. Huwag mo na akong guluhin. I don't need your explanations anymore. Kaya, pakiusap, umalis ka na." Buong lakas kong sabi sa kaniya.
Pain was plastered on his face. Ang mga mata ay namumula, hudyat na iiyak na ito nang dahil sa mga sinabi ko.
I heard the thunderous sounds made from the heavens. Pero, kahit na gaano ako katakot sa kulog, sa gabing ito ay hindi ko iyon naramdaman. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi ang sakit sa puso.
I tried to turn my back on him when I feel his body behind my back! He's fucking hugging me from the back!
Nagulat ako sa ginawa niya, lalong-lalo na nang makita ko ang mga braso niyang mahigpit akong ikinulong sa kaniyang dibdib. Parang lalabas ang puso ko nang dahil sa mga nangyayari!
"What the hell, Fil?! Get off me!" Sigaw ko sa kaniya.
"Pa-patawarin mo 'ko, Paige. I'm sorry, I treated you that way. I'm sorry I pushed you away from me. Hindi lang ikaw ang nasaktan sa sitwasyon nating dalawa, lalo na ako. I pushed you away to keep you safe. I was just trying to protect you, but I always failed because I loved you so much."
He started crying and his voice broke when he is trying to defend himself and heard his side.
"Safe?! Bakit? May nagtangka ba na pumatay sa akin? I don't get you, Fil! Mas mabuti pa na bumalik ka nalang sa Manila. Maayos na ang buhay mo doon at maayos na rin ang buhay ko rito!"
Nagpupumiglas akong makawala sa kaniyang bisig, ngunit mas lalo lamang humigpit ang kaniyang mga yakap sa akin.
"Kahit kailan... hinding-hindi maaayos ang buhay ko kung wala ka... my life was completely dark and lonely without your presence, Paige."
"Nahihibang ka na ba, huh?! You're engaged for fuck sake, Kerby Fil!" Galit kong sigaw sa kaniya.
Nang magkaroon na ako nang pagkakataon na makawala sa kaniya ay hinarap ko siya. Kaagad akong nanghina nang makita ko ang sakit na nananalaytay mula sa kaniyang mga mata. It is my first time seeing him this way. This is my first time seeing him this way. I comforted him in any way that I could when I was his girlfriend. Pero, iba ang emosyon na ipinapakita niya sa akin ngayon.
"The engagement didn't happen, Paige. I back off."
Napakurap-kurap ako sa mga sinabi niya sa akin.
"Hindi. Hindi totoo 'yan. You should marry her! Siya naman talaga ang pinili mo, hindi ba?!" I forced him to say hurtful words towards me.
Sa ganoong paraan ay mapipilitan ko ang aking sarili na makalimot.
His piercing eyes were looking at me sharply, with anger and gentleness. Pinipigilan niya ang kaniyang sarili na magalit sa akin. Ganito siya palagi. Even if it was my fault, he didn't say anything about it. He will just talk to me after a couple of minutes, just to fix things between us. Kaya nga siguro tumagal ang relasyon naming dalawa noon nang dahil lamang sa magaling siyang dumala ng relasyon.
He licked his lower lip and closed the distance between us.
Kung ganito ka-kalapit sa akin Fil, masisira na naman ang prinsipyong itinayo ko para sa sarili ko.
"Nandito ang babaeng mahal ko. Nandito ang babaeng gusto kong pakasalan."
I slapped him hard. Unti-unting namula ang kaniyang kaliwang pisngi nang dahil sa biglaan kong pagsampal sa kaniya. Natigilan siya at napahawak sa kaniyang pisngi.
"Pagkatapos mo akong saktan, sa tingin mo ay puwede ka nang bumalik sa akin na parang walang nangyari? You don't know how much it would cost me to forget those things you have said to me! Alam ko rin naman, inaamin ko naman na may kasalanan rin akog nagawa. But the truth that you hurt me," natigilan ako at tuluyan nang napahikbi. Kaagad kong iniwas ang paningin sa kaniya.
I didn't even mind the rain that was started to fall down.
"You hurt me and you make me hate you even more. Wala ka nang babalikan pa rito. Kahit na walang engagement na nangyari, hindi na puwede!"
Pagkatapos kong sabihin iyon sa kaniya ay hinayaan ko na lamang siyang nakatayo roon habang dinama ang basa na nagmumula sa kalangitan.
I hurriedly went inside my car and drove as fast as I could. Hindi ko siya nilingon habang papaalis ako sa direksyon niya. Nang makalayo na ako ay doon lamang ako napahinto at napasigaw nang dahil sa poot, galit at sakit na aking naramdaman ngayon.
Wala akong karapatan na magalit, pero, hindi ko mapigilan ang aking sarili. I lowered my pride just because I loved him too much.
Kinalma ko muna ang aking sarili. Ayokong umuwi nang bahay na maabutan ako ni Mama na ganito ang hitsura ko. Bago ako umuwi ay bumalik ako doon sa direksyon na kinatatayuan niya kanina.
Marahas akong napabuntong-hininga nang makita kong wala na pala siya doon.
Hinayaan ko na lamang ito at tuluyan nang nilisan ang store. Hinding-hindi na ako papayag na hayaan siyang magkaroon muli ng koneskyon sa akin. What we have we'll always graved in the past. Hindi na iyon kailanman mababalik.
"Anak, ayos ka lang ba?" Pagtatanong sa akin ni Mama nang magsimula na kaming kumain.
Napayuko ako at kaagad na nag-isip ng idadahilan ko.
"O-opo, Ma. Pagod lang po ako." Mahinahin kong sagot sa kaniya.
Nakita ko si Mama na sinusuri pa rin ang aking atensyon. Inalis ko ang aking tingin at itinuon nalang ang buong atensyon sa aking pagkain.
"Sigurado ka?"
Tumango lamang ako sa kaniya. Nang matapos na kaming kumain ay inabala ko ang aking sarili, para makalimutan siya.
"Anak, alam kong hindi ka o-" I stopped her and gave her my warmest smile.
"Ma, l'm perfectly fine. Bukas nalang po tayo mag-usap." Iyon na lamang ang aking sinabi sa kaniya, bago ko tinapos ang aking pagkain at dumiretso kaagad sa aking kwarto.
Gusto kong kausapin si Leister tungkol sa pag-uwi ni Fil rito. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga ang nangyari sa engagement nilang dalawa ni Cassandra at Fil. At bakit biglang nagbago ang desisyon niya.
Hindi ako nakatulog ng maayos nang dahil sa marami akong iniisip. I went to the store and as usual, I arranged things and orders.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" Napalingon ako kay Hazel nang makita ko siyang nakatingin na rin pala sa akin.
Napalunok ako ng wala sa oras, bago ako sumagot sa kaniya.
"Pagod lang siguro ako nang dahil sa trabaho. Pero, oo, okay lang ako." Sagot ko sa kaniya pabalik.
Ngumiti ito sa akin, bago bumalik sa kaniyang ginagawa.
"Naku, Ma'am. Mawawala lang po iyan kapag nagka-boyfriend po kayo!"
Natawa ako sa kaniyang mga sinabi at napapailing. "Hindi naman boyfriend ang solusyon sa pagod, Haze..."
"Pero, pwede rin naman po silang gawin bilang inspirasyon, hindi po ba?"
"Oo naman." I answered her back.
"Ma'am, nagmahal na po ba kayo?"
I stopped and hold the jams. I smiled, even though it doesn't make sense.
"Yes, Hazel."
"Kung ganoon, nasaan po siya?" Inosenteng pagtatanong nito sa akin.
"Wala na siya. He likes someone else already," totoo naman, hindi ba?
Sa lahat nang mga sinabi ni Fil sa akin, parang ang hirap na nitong paniwalaan. Nahihirapan na akong maniwala sa kaniya.
"Naku Ma'am, sorry po. Huwag po kayong mag-alala. Darating din po ang lalaking para sa inyo."
I smiled at her and she gave me her loyalty looks.
"Thank you, Haze..."
Natigilan lamang ako nang biglang tumunog ang aking telepono. Tumayo muna ako para sagotin ito.
"Hello, this is San Diego's jam, what can I do for you?"
"Hi, good morning! I saw your page on social media. My boss is interested to negotiate with you. My boss wants to order one hundred thousands of strawberry jams and chocolate jams."
Nalaglag ang aking panga sa kaniyang mga sinabi. Lumundag ang aking puso at hindi makapaniwala sa impormasyon at good news na nabalitaan ko ngayon.
"Ma'am, to-totoo po ba?" Pagtatanong kong muli sa kaniya.
I just want to make it sure!
"Yes, ma'am. My boss also wants to have a meeting with you. If you are fine with a business partnership, my boss will be open to negotiations."
I couldn't belive it! Oo, totoong naghahanap ako ng ibang negosyante na may interes sa produkto namin, para mas lalong lumago ito at mas makilala hindi lang rito sa Agusan, kung hindi sa buong bansa! I am planning to make a big factory and buy the latest machines for making jams, pero, wala pa akong sapat na pera para doon, kaya naghahanap ako ng mga taong puwedeng makinabang sa negosyo ko at mapakinabangan ko rin.
Hindi lang talaga ako makapaniwala na mayroong isang tao na magkakaroon ng interes!
"Yes! I am glad to meet your boss, very soon!" Masaya kong sabi sa kabilang linya.
"Thank you so much, Ms. San Diego. I will inform you right away. I will set an appointment to have a meeting with you."
I am more than excited about seeing her boss! I have a lot of things to negotiate to about.
Hindi ako mapakali habang hinihintay ko ang balita ng sekretarya mula sa kaniyang boss.
Nang tumunog muli ay kaagad kong hinablot ang aking cellphone at binasa ang email na nagmumula sa kaniya.
"Have a pleasant day, Ms. Audrey Paige San Diego! Mr. Owen Suarez, CEO of the Rez Company, wanted to have a meeting with you tomorrow at exactly seven p.m. at one of the resorts in Cagwait, Surigao del Sur."
Napangiti ako nang mabasa ko ang laman ng email. This is too much! I couldn't ask for more!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top