Chapter 34

I watched the clouds as the plane moved away from the surface. Ang mga taong nag-uusap tungkol sa mga kwento nila, ang mga taong nag-ta-trabaho sa eroplano ay pinagmamasdan ko rin. The way they smiled to treat the passengers' compassion and love. Iba't-ibang mga kwento, iba't-ibang mga pinagdadaanan sa buhay, ngunit, isa lamang ang patutunguhan.

I shifted and sat properly in my seat. Kaagad kong ibinaling ang aking atensyon sa bintana ng eroplano. I am going back home. I am going back home. I am going back home to the place that I almost hated and forgot about. Ilang taon rin naman akong naninirahan sa Manila, pero, sa huli ay uuwi at uuwi pa rin ako sa lugar kung saan ako lumaki.

I don't treat this as my safest home, because for me, home is a person. Pero, sa ngayon, sa estado na mayroon ako ngayon, hindi ko na alam kung sino ang tinatawag ko na uuwian ko. I have a house, I have a mother, and I have a friend, but I don't have a home. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Pain immediately rushed through my veins like wildfire. Ang sakit na kahit anong limot ko ay hindi ko kayang ibaon sa lupa.

Pinigilan ako ni Chloris na umuwi ng Agusan. She wants me to stay here in Manila and prove to Fil that I really don't care at all for his engagement. Nag-desisyon na siya. Sino ako para sumira ng buhay niya, hindi ba? I don't want to ruin someone's future just because I don't have mine. That's the most selfish thing you can do to someone. If the pain has infected you, do better to wash it away. Huwag mong ilipat sa iba.

Fil was part of my life. Most of it. He was the best and greatest thing that happened to me. I don't regret meeting him; I even don't regret loving him. I am already mature enough to understand our situations. Alam ko sa sarili ko na mahihirapan ako sa susunod na mga taon na wala siya, pero susubukan ko pa rin. Susubukan kong makalimot.

Nang dahil sa marami akong iniisip, hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami. Lutang ang aking isipan habang nakikipagsabayan sa daloy ng mga tao. Kaagad kong kinuha ang aking maleta at dumiretso sa labas ng airport.

The fresh air swallows my whole being. Umalon ang aking buhok sa likuran at napabuntong hininga. After several years... I saw you again, Agusan. Namangha ako sa mga gusali na aking nakikita ngayon. Wala pa ito noong nag-po-proseso pa lamang ako ng aking mga dokumento. Maraming nagbago sa lugar, ay mayroon din naman na nanatili pa ring ganoon ang ayos ng kanilang mga tindahan.

I took a cab and went home. Walang ideya si Mama na uuwi ako ngayon sa bahay namin. I want to surprise her with my presence.

"Eneng, anak ka ni San Diego?" Pagtatanong sa akin ng driver.

Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya.

"Kamusta naman ang ama mo? Nabalitaan ko na nakakulong pa rin siya hanggang ngayon. Naku! Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari!" Sabi niya sa isang tono na para bang nanghihinayang siya sa mga nangyari sa aking ama.

Yes, that's true. He was still in jail. Malakas ang mga Martensen at nakapaghukom na ang batas na makukulong siya panghabang buhay.  I remember everything. Mama was crying in vain when she knew about the decisions from the court. Wala rin naman kaming magawa ni Mama dahil kahit pagbalik-baliktarin natin ang sitwasyon, may mali si Papa. Nagkasala siya.

"Pati rin naman po kami, hindi rin po kami makapaniwala sa mga nangyari. Pero, nangyari na po ang nangyari, kaya, sinusubukan nalang po namin ang bumangon." Mahinahon kong pagpapaliwanag sa kaniya.

Napaismid siya sa aking mga sinabi ngunit dahan-dahan rin itong tumango.

"Totoo iyan, hija. Panigurado naman na nagsisisi na iyong ama mo."

He regrets it, and he will regret it even to his last breath. Marami pa sana siyang itatanong ngunit napatigil lamang ito nang tuluyan na kaming nakarating sa bahay.

I bit my lower lip as I watched our house. Ang aming gate ay kinakalawang na ito at ang mga dahon ay unti-unti na rin na tumataas. Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ko kung gaano kalungkot ang bahay. There was no water in the mini-fountain. Ang gilid nito ay napapalibotan na rin ng mga maliliit na dahon. Tumuyo na rin ang mga dahon ng mga water lily.

There were extravagant people who tried to buy our property. Marami ang nagka-interes sa bahay na ito, ngunit, hindi pumayag si Mama. Ito nalang raw kasi ang natitirang alaala ng mga pinaghirapan nilang dalawa ni Papa, tapos ibebenta pa namin?

The door creaked when I tried to open the main door. Umawang ang aking bibig nang makita ko ang estado ni Mama. She's wearing a white apron while sweating in bullet! Kahit nakatali ang buhok nito sa likuran ay sumasabog pa rin ang iba nito sa harapan. Gusto ang damit at nangingitim.

I pursed my lips, and tears were slowly falling down my cheeks. Pinagmasdan ko siyang dahan-dahan na inilagay ang isda sa isang maliit na kawali. Bakit hindi man lang sinabi ni Mama sa akin ang tungkol sa buhay niya rito? Why she needs to keep it everything from me! Ang sabi niya sa akin, ayos lang siya, na mayroon siyang maraming pera at kaya na niya ang kaniyang sarili. She will stop me every time that I try to send her some money.

Natigilan siya sa kaniyang ginagawa at napalingon sa aking direksyon. Umawang ang kaniyang bibig at biglang namutla nang makita ako. Nabitawan niya ang hawak niyang sandok at napakurap-kurap nang wala sa oras.

"Audrey, is that you?" Her voice shake when she started walking towards my direction.

Nanlalabo na ang aking mga mata nang dahil sa mga luhang kanina pa nagsilandasan.

"Anak!" She cried when she finally realised that it was me.

Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako nang napakahigpit. I hugged her tight, too!

"Anak, na miss kita!" Naiiyak niyang sabi sa akin.

"I miss you more, Mama..." it was almost a whisper when I said that to her.

Napahikbi siya at kaagad kong hinagod ang kaniyang likuran.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin na uuwi ka pala! Sana ay naipaghanda kita nang mas masarap na pagkain." Pagrereklamo niya sa akin.

I shook my head as a sign that it was okay.

"Because I want to surprise you, Mama. Kamusta ka na dito? Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na nagigipit ka na pala sa pera. Paano naman ang iniinom mong gamot?" Nag-aalala kong pagtatanong sa kaniya.

Noong nabubuhay pa ang aking ama, ay iyon ang mas namamahala kung paano patakbohin ang aming negosyo. Pagdating sa negsyo naman ay marami kami. I couldn't even remember what our business was when they tried to sell some things. Hindi iyon nagtagumpay kaya nag-invest si Papa sa isang kompanya at minalas ito at tinangay ang pera. Simula noon, palagi na siyang late kung umuuwi, palagi pa itong lasing. Thank God, he's not an abusive person. Kahit na galit na galit na ito ay hindi nito kayang pagbuhatan ng kamay si Mama.

He was even more disappointed when he heard the news about her wife getting a baby, an orphan, from an orphanage. Ang sabi pa raw niya, nag-ampon ka pa rin lang naman, bakit hindi mo pa pinili ang lalake?

It pressured me too much. Na kahit kaharap ko si Papa sa hapag-kainan ay hindi ako mapakali at hindi ako komportable. Pakiramdam ko ay hinuhusgahan niya ako nang palihim.

Iniwas ni Mama sa akin ang kaniyang mga paningin. Napayuko ito at napalunok.

"Ayos lang anak. Ma-may pera pa naman ako rito." Nahihiya niyang sabi sa akin.

Sinuri ko ang kaniyang eskpresyon at alam kong nagsisinungaling lamang siya sa akin. I have to find a way to give her some money. Sa tuwing sinusubukan ko siyang bigyan ay palagi niyang sinusuli sa akin. Nagagalit pa ito kung hindi ko tatanggapin pabalik.

"Halika, umupo ka muna anak." Sabi niya sa akin at iginiya ako sa dining table namin.

I just realised that the pictures on the wall were just for me and for my mama. Wala na doon ang picture ni Papa, pati na rin ang kanilang wedding picture ay nawala rin doon.

Nagtaka akong humarap kay Mama, habang abala siya sa paglalagay ng ulam sa aking pinggan.

"Ma, nasaan na po 'yong mga pictures ni Papa? Bakit nawala po?" Naguguluhan kong pagtatanong sa kaniya.

"Itinapon ko na anak," ani Mama.

Nagulat ako sa mga sinabi niya at hindi makapaniwala. Kumunot ang aking noo nang makita ko siyang hindi man lang nagbago ang kaniyang ekspresyon.

"Why?"

She looked at me and sighed. I see pain in her eyes, but she's holding it back.

"Kailangan kong palayain ang sarili, anak. Before you went to Manila, I talked to him."

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at napatuwid ako sa aking pagkaka-upo. Ipinagsalikop ko ang aking mga kamay habang nakikinig sa kaniya.

"Anong pinag-usapan ninyo, Mama?" Naguguluhan ko pa rin na pagtatanong sa kaniya.

"I asked for an annulment. Ka-kaya naubos ang natitirang pera natin sa bangko nang dahil inilaan ko ang lahat nang iyon sa pag-po-proseso ko ng annulment namin ng ama mo. Pa-pasensya na hija, babawi ako."

I couldn't believe it. My mother loves my father so much! Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit siya nakipaghiwalay, pero, alam kong nasaktan rin siya nang sobra-sobra.

"Bakit, Mama?"

Ang pagod niyang mga mata ay nakatuon lamang sa hapag-kainan.

"Napagod ako, eh. He was very controlling, I was controlled by him, anak. Lahat nang mga ginagawa ko ay alam niya, at lahat nang gusto ko ay pinipigilan niya. He didn't support me when I asked him to get a child. Mas lalo lamang akong nasaktan noong sinabi niya sa akin na pabigat lamang ako sa buhay niya at hindi ko pa siya kayang bigyan ng anak. I suffered and endured those hurtful words from him. I suffered for years because I loved him. Even when he tried to cheat on me, I still continued to love him. Kahit nararamdaman ko nang hindi ako, hindi naman talaga ako."

Tears were very evident when it started to fall on her cheeks. Kaagad niya itong pinunasan at nakuha pa rin na ngumiti.

"Kaya noong umalis ka at napag-isipan mo na mag-trabaho sa Manila, kaagad kong inasikaso ang annulment papers namin ng Papa mo. Kinausap ko siya at pumayag na makipag-hiwalay sa akin. He didn't say anything to me, hija. Tumango lamang siya sa akin at kaagad na kinuha ang mga papel at walang-alinlangan itong pumirma. Oo, inaamin ko, nasaktan ako sa mga nangyari, pero ayokong magpatuloy sa buhay na mananatili na lamang ako sa sakit."

Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ko inaasahan na pati sa pagsasama nila ay maaapektuhan ito nang malaki. Mama tried to reach for my hands and hold it.

"Maybe he tried to love me, anak. But the love that he felt for the mother of Chloris is just different. Nararamdaman ko, nagbulag-bulagan lamang ako dahil ayokong masira ang pamilya natin."

"I'm sorry, Ma..."

"No, don't say that. It's not your fault. Ikaw ang nagbigay ng lakas sa akin na mabuhay at makuntento. I am already content with what I have because I now have you. Kaya ikaw, huwag kang magdawalang-isip na piliin ang taong mahal mo. Have the best future that you will deserve."

"Hindi na po 'yan mangyayari, Ma."

Natigilan si Mama sa aking mga sinabi. Siya naman ngayon ang nagtaka.

"What do you mean?"

"He is already engaged to another woman. I tried to talk to him, but he refused to talk to me. He hates me so much. Siya rin ang dahilan kung bakit ako umuwi rito. I don't want to see him again. I don't want to have connections with him again. Pinutol ko na ang lahat nang iyon, ngayon..."

Napakagat ng labi si Mama at tuluyan itong humikbi at tumayo para yakapin ako.

"I am really sorry, anak. Kung hindi lang sana iyon nagawa ng ama mo, hi-hindi sana nangyari ang lahat nang ito. Hindi sana siya nakahanap ng ibang babae."

Parang tinusok ng ilang karayom ang aking puso nang sinabi iyon ni Mama sa akin. Walong taon rin naman ang lumipas, kaya hindi ko siya masisisi kung makahanap siya ng iba at magmahal siya ng iba. Hindi natin mapipigilan ang mga puso na magmahal at pumili ng iba.

Fil was the greatest part of my life. He became part of my past. He fixed me and loved me just the way he wanted to be loved. He showed me what love is. Both in good and bad days. He showered me with happiness, sadness and pain. I love all of it.

Hinding-hindi ako magsasawang balik-balikan ang aming nakaraan. Dahil alam kong hanggang dito nalang talaga.

I tried to fix myself as much as I could. I tried to forget him as much as I could. I distract myself from thinking of him. I didn't apply to any hospitals here in Agusan. Naisipan kong magpahinga nalang muna. Napagkasunduan namin ni Mama na mag-negosyo. We are now selling chocolate jam and strawberry jams. Iyon ang ginawa namin ni Mama sa nagdaang mga buwan.

We have hundreds of orders and we are so happy about it. Hanggang sa napag-isipan naming dalawa na kumuha ng pwesto sa palengke. I handled our business, and it grew, and it will grow even more.

Masaya na ako sa buhay na mayroon kami. Masaya na ako sa simpleng buhay kasama si Mama. These past few months, Ethan communicates me. Walang linggo na hindi siya tatawag o mag-te-text sa akin. He even updates me with his whereabouts. He is consistent about courting me.

Hinayaan ko nalang rin na ligawan niya ako. Ang sabi niya sa akin ay willing naman daw siyang maghintay hanggang sa maging handa ako na umibig muli.

Ang tanong, iibig pa ba kaya ako?

Napapailing na lamang ako habang inaayos ko ang mga jams na naka-display sa store namin. Pinagmamasdan ko ang mga ito at hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Sa susunod naman ay pagpa-planohan ko kung paano mag-bake ng cake na may strawberry at chocolate.

Maraming tao ngayon sa palengke dahil sa nalalapit na fiesta. Ang sabi nila ay may magaganap daw na malaking contest para sa isang beauty pageant na magaganap rito sa may pinakamalapit na gymnasium sa amin. Abala rin ako sa pagbabalot ng mga orders dahil ipapadala ko pa ito papuntang Manila. One of our distributors sells hundreds of strawberry and chocolate jams in just a week! Nagulat ako dahil sa maraming orders pero mas pumaibabaw ang saya na naramdaman ko nang marinig ang balitang iyon.

I didn't even mind the time. Nagulat na lamang ako nang makita kong mag-a-alas syete na pala ng gabi! Mama called me to go home early to eat dinner together with her. Tumigil na lamang ako sa aking ginagawa at kaagad na nag-ayos para makauwi na ng bahay.

Nang matapos na ako sa aking ginagawa ay isinarado ko na ang aming store at maglalakad na sana ako papunta sa direksyon ng aking sasakyan nang may biglang nag park na isang range rover sa aking harapan.

I was too stunned to speak and ready to shout at the driver when he opened the window of the passenger's seat.

Umawang ang aking bibig at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang mga kayumanggi niyang mga mata.

He looked at me straight in my eyes. His piercing eyes was dangerous and dark. His jaw clenched like he was thinking into something else.

What the fuck is he doing here?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top