Chapter 33


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at pinagmasdan ang paligid. It was all white. The ceiling was white, too. Ngayon ko lang napagtanto na nakahiga ako sa isang kama ng isang room ng hospital.

Medyo masakit pa ang ulo ko pero natitiis ko naman ito. I remember everything so clearly about what happened last night. Umandar na naman ang sakit ko.

Dahan-dahan akong bumangon nang biglang bumukas ang pintuan ng silid. Iniluwa roon ang isang Leister Dew Martensen na nakaawang ang bibig. He's wearing a black leather jacket, and his hair is a bit messy. Unti-unti itong lumapit sa akin at ikinabit ang susi ng kaniyang sasakyan sa gilid ng kaniyang belt.

Nag-aalala itong tumingin sa akin.

"How are you?" he asked with full of concern.

Sumunod rin pumasok ang isang lalaking doktor na may dala-dalang lab book.

"Ma-maayos na ako," tipid kong sagot sa kaniya.

I actually don't want him to worry about this. I am not his problem to deal with. May sarili rin siyang buhay, at kung hahayaan ko nalang siya na makialam sa problema ko, sa problema namin ni Leister, masyadong nakakahiya na 'yon.

"Good day, Miss San Diego. How are you feeling?" Pagtatanong ng doktor sa akin.

"Maayos na po," sagot ko pabalik.

Leister lifted his head and turned his attention to the doctor. "Doc, can I see the results for her?"

"It's fine. Wala naman siyang mild na sakit. She is just stress and emotional. May nararamdaman ka ba na kakaiba, hija? Your results were mostly due to stress, kaya ka nahihimatay sa tuwing umiiyak ka."

Ayoko naman sabihin sa kaniya na nahimatay ako dahil sa emosyon ko nang dahil kay Fil.

"She just needs some rest, Mr. Martensen." The Doctor said to Leister.

Kumunot ang noo ni Leister at dahan-dahan na lamang itong napatango sa doktor.

"Magpagaling ka, hija. Mamaya ay puwede ka nang umuwi." Sabi sa akin ng doktor, bago ito nagpaalam na lalabas na ng silid.

I heard him sighed. Nagkibit-balikat lamang ito habang pinagmamasdan ako.

"Leister, huwag ka nang mag-alala sa'kin. Sinabi na nga ng doktor na sa stress lang." I smiled at him and assured him that I was perfectly fine.

He didn't even move. His jaw clenched, stopping himself from getting mad at me.

"Stress lang? Really, Audrey? It's a serious thing!" Tumaas ng kaonti ang boses ni Leister.

Naiintindihan ko naman siya, eh. Alam kong nag-aalala lang siya para sa akin. I am his friend, after all.

"Muntik ko nang masuntok ang pinsan ko nang dahil lang sa nahimatay ka kagabi. I admit, it was my fault. Sana hindi nalang kita hinayaan na makausap ang gagong 'yun. No one can stop him from making his plans." Malamig na sabi sa akin ni Leister. Inis itong sumabunot sa kaniyang buhok.

I didn't feel anything at all. My heart was stumbled upon and cut into pieces. Unti-unti na rin akong namamanhid, na kahit anong malaman ko tungkol sa kaniya ay parang balewala nalang ito sa akin. Ang mahirap lang tanggapin ay ang pagpapakasal niya kay Cassandra. Paano niya nasabi sa akin ang mga pangako niya? Paano niya nagawa sa akin ang saktan ako ngayon?

He didn't even bother to visit me here. He wasn't even sorry about everything. Galit ako sa kaniya. Galit na galit. My heart was in a rage of anger, and I want to get revenge on him! I want to make him suffer! Puso ko lang naman talaga ang pumipigil na gawin ko ang mga bagay na iyon, na kahit wala siyang balak na bumalik sa akin ay nakahanda ang puso ko na patawarin siya.

"It's okay, Leister. I have already accept it." Nanghihina kong sabi sa kaniya.

Iritado itong tumingin sa akin pero nararamdaman ko ang pag-aalala niya.

"Natuloy ba?"

"Aleb and Rios were already in Manila. Doon magaganap ang engagement party."

Umawang ang aking bibig at kaagad akong nag-iwas ng paningin sa kaniya. Gaya nga ng sinabi niya, walang makakapigil kay Fil. He is in love not with me, but to Cassandra Vaughn. Kasi, kung mahal pa niya ako, ipaglalaban niya ako, kilala ko 'yun eh. I know him very well.

"Audrey, I know that you're hurt. I am really sorry." He said to me genuinely.

Pinaglaruan ko nalang ang aking mga darili dahil hindi ako makatingin sa kaniya. Ayokong kinakaawaan ako. Ayokong nakikita nila akong nasasaktan nang dahil lamang sa hindi ako ang pinili. It is understandable, right? I am just his past. What's important more in him is his present. Hindi na ako 'yun, kaya dapat hindi ako naaapektuhan nang ganito.

"Nasaan ang kaibigan ko?!"

Napatalon ako nang dahil sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng aking silid at iniluwa roon ang isang Chloris Lavenia Rayon. Hinihingal ito habang naglilikot ang paningin at hinahanap ako.

Her floral dress is swaying just because of her sudden move!

Kaagad itong lumapit sa akin at yumakap. Hindi man lang bumati kay Leister. Leister didn't mind the presence of Chloris. Umatras lamang ito nang kaonti para bigyan kaming dalawa ng espasyo.

"I am so worried about you, Audrey! Ano ba kasi ang nangyari?!"

"Pagod lang ako, Chloris. I will be fine. Sabi ng doktor, pwede na akong makalabas mamaya." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Marahas itong lumingon kay Leister at masama itong tumingin sa kaniya.

"Pagsabihan mo nga 'yan pinsan mo! Wala siyang paninindigan sa buhay! Hindi niya ba nakikita ang ginagawa niya?! He's hurting my best friend! Kayong mga Martensen talaga, sakit kayo sa lipunan, eh!"

Napasinghap ako sa mga sinabi ni Chloris at kaagad ko siyang inawat.

"Bakit? Totoo naman, ah!" Habol pa nitong sabi sa akin.

Napapikit na lamang ako at napahilot sa aking sentido. Matagal na siyang may tanim na galit sa mga Martensen, simula noong nag-away silang dalawa ni Leister na nasaksikhan ko pa mismo. Pagkatapos ng mga pangyayari ay unti-unti nang nag-iba ang pananaw niya sa mga Martensen.

Pinanliitan siya ng mga mata ni Leister. He smirked at Chloris and was amazed just because of how the way she acted.

"So, you're married already?" Leister changed the topic.

"Ano sa tingin mo?" Tinaasan niya ito ng kilay at inikotan ng mga mata.

Leister was watching her reactions towards Chloris and his lips twisted.

"Hindi naman lahat ng Martensen ay ganyan. Ibahin mo ako."

"Bakit naman kita iibahin?! Eh, ikaw ang President sa mga Martensen na mga paasa at manhid!"

"Chloris..." Pagpipigil ko sa kaniya.

Mukhang mag-aaway pa ang dalawang ito sa harapan ko.

"Why? Did I make you wait, Ms. Rayon?"

"Huwag mo nang ipaalala sa akin ang masalamuot kong nakaraan, Leister. Ikaw ang pinakapanget na nangyari sa buhay ko. Baka hindi mo alam." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay padabog itong umupo sa aking gilid.

Nilingon ko si Leister at nakita kong nagulat ito sa mga sinabi ng aking kaibigan. His forehead furrowed. Napapailing ito na parang hindi makapaniwala sa lahat nang mga sinabi ni Chloris.

"Audrey, mauna na ako. I don't want to argue with your precious friend. Get well soon, okay?" Pagpapaalam nito sa akin at tango na lamang ang aking nasagot at nagmamadali itong lumabas ng silid.

"Chloris naman, nakakahiya..." Halos pabulong kong sabi sa kaniya.

She flipped her hair like she's even proud of it.

"Pakialam ko naman. He deserves it." Maarte niyang sabi sa akin.

"Ikaw naman? Kamusta na ang pakiramdam mo?" Pag-iiba niya ng topic habang nakakunot ang noo.

"I'm fine," pagod kong sagot sa kaniya.

"Totoo na ba talaga 'yung balita na matutuloy na ang engagement nila Kerby?" Napalingon ako sa kaniya at unti-unting tumango.

Kaagad na nag-iba ang kaniyang ekspresyon at dahan-dahan niyang inabot ang aking mga kamay.

"You'll get over with this, Audrey. Marami pa namang ibang lalaki diyan, eh. Nandiyan pa si Doc Ethan."

Napapailing na lamang ako sa mga sinasabi niya, at talagang dinamay pa si Doc Ethan.

"Si Doc Ethan? Si Doc Ethan pa talaga, Chloris? He's a good friend to me."

Napatuwid siya sa kaniyang pagkakaupo at kinikilig itong nagsasalita.

"Oo naman! Kung ako sa'yo, pipiliin ko si Doc Ethan. He's a walking green flag! Hindi katulad ng ex-boyfriend mong duwag!"

"I don't like him, okay? I only like him as my colleague." I cleared those statements very clearly.

Busangot ang pagmumukha niya nang marinig niya galing sa akin ang mga salitang iyon. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok ang isang nurse.

"Nurse Anne!" Nagulat ako nang makita ko si Anne at ngumiti ito sa akin.

"You've been experiencing a lot of stress, lately. Kaya ka nagkakaganyan. Here, take this medicine. Atsaka, may nagpapabigay rin nito," tumigil siya sa kaniyang ginagawa at kaagad na tumalikod at kinuha ang isang malaking bouquet.

It was red and pink roses big bouquet, covered with black and pink ribbon!

Nagtataka akong inabot ang bulaklak at may nakasulat pa itong letter.

"Kanino galing ito?"

"It was from Doc Ethan. Papasok sana siya dito kanina, kaya lang tinawag siya ng isang doktor eh. Mukhang may urgent meeting na magaganap, kaya inutosan niya ako na ako nalang daw ang maghatid." Pagpapaliwanag sa akin ni Anne.

Napatigil ako at napalingon kay Chloris. She gave me that 'I knew it would happen' look. Nanunukso itong tumitig sa akin.

Kaagad kong binuksan ang letter na nakaipit sa gitna ng mga bulaklak at binasa ko ang sulat.

Dear Nurse Audrey,

         I have heard about what happened to you last night. I was so worried that I couldn't even sleep. I asked Mr. Martensen about you because he was the one who took you to the hospital and immediately left. He said I must take care of you.I was so confused about what happened; that's why I forced him to ask about it. Napilitan siyang sabihin sa akin ang tungkol sa inyong dalawa. At first, I couldn't believe it. Pero, sino ba naman ako para hindi maniwala, hindi ba? Can I meet you later tonight? I'll pick you up at six pm. Marami akong gustong sabihin sa'yo.

                                                  -Ethan

Natulala ako ng ilang minuto nang matapos kong basahin ang kaniyang sulat. The hell with Fil?! Hindi niya na dapat sinabi ang tungkol sa aming dalawa! Labas na si Doc Ethan sa kung ano man ang mayroon kami! Kaya, hindi ko siya maintindihan kung bakit sinabi pa niya na alagaan dapat ako ni Ethan at sabihin ang tungkol sa nakaraan namin.

Napahilamos ako sa aking buhok at bumuntonghininga.

"Why? Is there something wrong with his letter, Audrey?" Nurse Anne asked.

Umiling ako sa kaniya at ngumiti ng tipid. Kaagad kong inipit ang sulat at inilagay na lamang sa gilid ang bulaklak.

"Magpagaling ka ha." Sabi sa akin ni Anne at kaagad itong nagpaalam para umalis.

"Hoy! Anong nakalagay sa sulat?" Pagtatanong na naman sa akin ni Chloris.

Hindi ko na iyon binigay sa kaniya at sinabi ko nalang ang ibang detalye. Ayokong mag-isip siya ng iba nang dahil lamang sa binigyan ako ng bulaklak ni Doc Ethan.

Nang makauwi ako sa bahay ko ay okupado ang aking puso't-isipan. Marami akong naiisip at hindi ako mapakali. Hindi na ako nakibalita kay Leister tungkol sa engagement. Para saan pa? He said to Ethan that he must take care of me. Bakit? Dahil matatali na siya sa iba. Magpapatali na siya sa iba. Just what the fuck...

Dumating ang alas-sais ng gabi kaya naghanda na kaagad ako. Buo na rin naman ang desisyon ko eh. Uuwi ako ng Agusan. Hinding-hindi na ako babalik dito. I will avoid every place where I can see his shadows. Lahat iyon ay iiwasan ko na. I don't want to beg for someone just because I am lonely and sad. I don't want that. I don't chase. Sinubukan ko, oo, pero, ayokong umabot sa punto na kaawaan ko na rin ang sarili ko nang dahil sa mga pinaggagagawa ko.

Nang marinig ko ang door bell ay biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Napatayo ako at kaagad na pumunta sa gate. Nang binuksan ko ito ay nakita kong ngumiti kaagad siya sa akin. There is also another bouquet in his hands.

He is so genuine to me; he is kind. He cares about me too much. I hate myself for looking at him only as a brother, as a companion, as a colleague, as a friend...

"Let's go?" Tumango ako at pinagbuksan naman niya ako ng pintuan sa passenger's seat.

Tahimik kami buong byahe. Hindi rin naman siya nagsalita kaya hindi na rin ako sumubok na kausapin siya.

We went to a fancy restaurant here in BGC and the waitresses are accompanying us to our table.

He looked at me one more time and smiled. Ewan ko ba, naiilang tuloy ako sa kaniya.

"How are you feeling?" he asked me first, trying to break the silence.

"Maayos na," sabi ko sa kaniya sa isang masiglang boses.

Chloris is right, even Prescy. How could someone resist a man like him? Doctor Ethan Laxamana is incredibly hot and gorgeous. He is attractive without even trying. Napalunok ako nang maalala ko ang mga sinabi ni Nurse Prescy sa akin. Gusto nalang daw niya magpahinga sa biceps ni Doc Ethan kapag pagod siya. Napapailing na lamang ako sa aking isipan.

"About the letter... is it really true?" Nanliit ang kaniyang mga mata habang naghahanap ito ng sagot.

Napatigil ako sa aking pagkain at itinuon ko ang buong atensyon sa kaniya.

"Yes, Ethan. Kerby Fil Martensen is my ex-boyfriend."

His jaw dropped and was too stunned to speak. Napatigil ito sa ginagawa at napakurap-kurap ng ilang beses.

"Gaano kayo katagal?"

Sasabihin ko pa ba sa kaniya?

"We've been in a relationship for almost five and a half years. We didn't end up well." Napainom ako ng tubig nang wala sa oras.

Unti-unti siyang tumango at napakagat sa kaniyang pang-ibabang labi.

"I'm sorry to hear that..." He said in a baritone voice.

"It's okay, Ethan. It's all in the past now. I just tried to talk to him, but it's no use now. He is already engaged to Cassandra."

"Hindi na kita tatanungin kung mahal mo pa siya. It's so obvious, but it's normal. I understand you, Audrey."

Paano ko ba sasabihin sa kanya na mag-re-resign na ako?

"Ethan, I have something to tell you."

He looked at me seriously and his lips twitched like he is going to say something else.

"I have something to tell you, too. Audrey, matagal ko nang nararamdaman ito. I can't keep this forever."

"What do you mean?"

Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga.

"I like you. I like you so much, Ms. San Diego. That's one of the reasons why I declined and rejected the offer from Australia. Hindi ko na mapigilan ang hindi ka mahalin."

Matagal akong hindi nakapagsalita at parang umurong ang dila ko sa mga nalaman ko ngayon. Totoo ba ito? He-he liked me?! He tried to touched my hand above the table and hold it gently. Bumaba ang tingin ko doon at kumabog nang napakalakas ang aking puso.

"I can treat you better, Audrey. Just give me a chance to prove you that."

"I-I can't... mag-re-resign na ako. I am going back home."

Umawang ang kaniyang bibig at natigilan siya. Ayoko siyang paasahin sa isang bagay na hindi ko naman maibibigay sa kaniya. Ayoko siyang saktan.

"Why? Why are you resigning?" Nag-aalala niyang pagtatanong sa akin.

"I need to, Ethan. Kapag nanatili ako rito, mas masasaktan lamang ako. I need peace of mind."

I saw pain in his eyes and slowly nodded about it.

"I understand, Audrey. You won't close your doors for me, right?" He is really hoping me to say yes to him.

"Ethan..."

"I can visit you there. I will show you how sincere I am. Just give me the chance to show you that. I won't force you to say yes to me, Audrey, but I will try. I will try to win your heart," he sincerely said to me.

Is it the right time for me to move on? Is it the right time for me to let go of everything? Walong taon rin ang paghihintay ko, kahit wala naman akong napala, at mas lalo lamang akong nasaktan sa mga nangyayari ngayon. Lalong-lalo na ang nakaraan namin ni Fil. Is it okay if I will not close my doors for Ethan? Nalilito na ako!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top