Chapter 32
"Really? Did he say those hurtful words to you?" Hindi makapaniwalang pagtatanong sa akin ni Chloris.
Natigilan ito sa paglalagay ng cake sa mini table ng kaniyang veranda. I am visiting her in her new home, together with his husband. Palaging wala ang kaniyang asawa dahil seaman ito, kaya, minsan lamang itong makakauwi.
Nagdadalawang-isip pa rin ako kung totoo ba talaga 'yung mga sinabi ni Fil sa akin. I just couldn't believe that he could actually say those words to me. Kasi sa pagkakaalam ko, hindi niya ako kayang saktan, not physically, and mostly not emotionally. Kaya, hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Ilang araw akong walang tulog at iyak nang iyak ng dahil sa mga masasakit na salitang sinabi niya sa akin.
How could he hurt me like this? How could he have the strength to throw those words to me?
"Hindi rin ako makapaniwalang... kaya niyang sabihin sa akin ang mga salitang iyon, Chloris. He loves me... I can feel it." The pain in my heart starting to ache again. Para itong bago, palaging bago.
Lumapit sa akin si Chloris at hinagod niya ang aking likuran.
"Walanghiyang mga Martensen na 'yan! Ang kapal naman pala nang mga pagmumukha nila para saktan ka niya ng ganyan!" Galit na sabi ni Chloris sa akin.
Kaagad akong umiling sa kaniya. Alam kong may itinatago sa akin si Fil. Kinikimkim lang niya ang lahat nang iyon. Nararamdaman ko. Nararamdaman kong mahal na mahal pa rin niya ako, wala lang siyang lakas nang loob para sabihin 'yun sa akin muli.
"He loves me, Chloris. We will fix this. Hi-hindi ko kaya kung wala siya... he is my home." Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang pagbuhos ng mga ito.
"Paano ka naman? Pipilitin mo ba siya na piliin ka? Audrey, you know what happened." Nag-aalalang sabi niya sa akin.
Paano ako?
Do I really have to beg him to choose me, instead? Ganoon ba dapat? Hindi ba, hindi naman dapat pinipilit ang pag-ibig?
"Chloris, mahal na mahal ko siya. Gusto ko siyang kausapin ulit. Magkaliwanagan kaming dalawa," she hugged me tightly and I embraced it.
"Alam ko, naiintindihan ko, Audrey. Pero, sa walong taon na hindi kayo nagkita at nagkausap, hindi natin alam kung ano ang mga nangyari sa buhay niya. Pwedeng-pwede magbago ang isang tao, kahit ang nararamdaman nito."
Mas lalo akong nasaktan sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko tanggap! Hinding-hindi ko matatanggap iyon! The betrayal that my parents did just to make me believe that he was not meant for me! Ang pag-ba-blackmail sa akin ni Papa noon ang sumira ng relasyon namin.
"Kakausapin ko siyang muli." Buong desisyon kong sabi sa kaniya.
Chloris' expression was doubting my sentence, but I am firm with it. Kahit na alam kong wala ng pag-asa, na hindi na pwede, susubukan ko pa rin.
"Sigurado ka na ba sa binabalak mo?"
"It's either I can fix it or I will regret it forever."
"Alam ko naman na hindi ka gagaya sa akin, eh. Don't be too obsessed, and be a martyr." Chloris' said.
"You're feelings was valid, Chloris. Nagmahal ka lang naman."
Umiling siya sa aking sinabi at gumuhit sa kaniyang mga mata ang sakit na nananalaytay mula sa kaniyang puso.
"How is he, by the way?" Napalingon ako sa kaniya at sinuri ang kaniyang ekspresyon.
Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
"He is doing fine. I have heard that he will be staying Manila for his doctorate class."
Ngumiti siya nang tipid sa akin at bumuntong hininga.
"That's good to hear that," ani Chloris.
"Ayos ka lang?" Pagtatanong ko sa kaniya.
She is worried because of my feelings towards Fil. Despite our bad connections with our parents, she didn't cut the tie between us. Our friendship remains strong.
"Sinanay ko na ang sarili ko na maging ganyan, Audrey. I don't want to see myself, loving, begging Leister to love me back. Dahil alam kong hindi niya ako kayang mahalin pabalik. I can feel it, Audrey. I accept it." Pagpapaliwanag niya sa akin.
Siguro ay ganoon nalang rin ang aking gagawin. Ang tanggapin ang lahat. Tanggapin ang naging desisyon ni Fil. Pero, bakit ang hirap-hirap gawin? Bakit sa tuwing sinusubukan ko ay mas lalo lamang akong nasasaktan?
Nakapagdesisyon na ako na kakausapin ko siyang muli. I called Leister to asked his informations about him. I am glad that Leister is open to me about him. Hindi na siya kagaya noon na alam kong pinipigilan niya ang kaniyang sarili na magbigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa pinsan niya. I filled a leave for awhile. Ilang araw ko rin itong inisip, at kung hindi ko naman gagawin ito, ayoko rin naman na pagsisihan ang lahat.
Tomorrow is his engagement party. Tomorrow will be the day to announce the big event that will happen. Sa tuwing nakikita ko ang balitang iyan, kahit na sa mga magazines and newspapers, parang hinahati ang puso ko sa dalawa.
Leister picked me up one night to bring me to Fil's place. Kinakabahan ako.
Niyakap niya ako nang napakahigpit at hinalikan ang aking noo.
"Are you sure about this?" Leister asked me with concerns in his eyes.
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya.
"Walong taon kong pinaghandaan ito, Leister. Ngayon pa ba ako aatras? I just want to talk to him. I want to make things clear."
Umawang ang kaniyang bibig at pinipigilan nalang ang sarili na magsalita pang muli.
Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at kaagad kaming umalis. Habang nasa byahe kami ay unti-unti rin na lumalakas ang pagkabog ng aking puso. It feels like it will explode anytime in my ribcage!
Baka nabigla lamang siya sa mga nasabi niya sa akin. Baka nasabi niya lang iyon dahil sa galit na nararamdaman niya.
"Fil didn't know about this. Hindi niya alam na pupunta ka. Ang alam lang niya ay ako ang pupunta sa kaniya." Sabi sa akin ni Leister.
Nilingon ko siya at nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.
"Ba-baka mas lalo siyang magalit kapag nakita niya ako doon?"
"Don't be. I know him too well. Ikaw ang kahinaan niya, Audrey."
Ako nga ba talaga? Bakit kaya niyang pagsalitaan ako nang masasakit na salita kung ako nga?
"Bakit kaya niya akong saktan sa pamamagitan ng mga salita niya? A-ano ba talaga ang nangyari sa walong taon na hindi ko siya nakita?"
Leister shifted on his seat and it took him a minute to answer me.
"Huwag mo nalang akong sagutin," sabi ko sa kaniya.
Mag-uusap rin naman kami ni Fil ngayon. Lulubos-lubosin ko nalang ang pagkakataon na tanongin sa kaniya ang lahat.
"We're here," he stopped the car immediately.
Hindi pa rin ako bumababa ng sasakyan dahil mas lalo akong kinakabahan. Seeing this big mansion of theirs in Manila, sent shivers down my spine. Paano kung nandiyan ang kaniyang ina? At pagtutulungan nila akong dalawa.
No, don't think like that, Audrey. Hindi ganoon si Fil.
Leister opened the door for me. Kaagad naman kaming pinapasok ng mga gwardiya. Leister said that Fil was waiting on their sofa. Kaya, dumiretso kami sa second floor dahil nandoon raw siya.
Nakapamulsa si Leister nang marating namin ang isang malaking pintuan. It was designed in Greek ancient style but in a modern way. Ang bawat gilid ng malaking pintuan na ito ay may kumurbang mga kulay ginto. It was carve, perfectly.
Dahan-dahan na binuksan ni Leister ang pintuan at inilahad niya ang kaniyang kamay para pumasok ako.
"Thank you, Leister." Bulong kong sabi sa kaniya.
Pagkapasok ko sa loob ay hindi ko mapigilan ang hindi mapangmangha. This mansion is much bigger than their houses in Agusan. Ito na ata ang pinakamalaki sa kanilang mga ari-arian.
"What took so you long-" Fil didn't continue his statement when he saw me.
His jaw clenched, and it took him seconds to recognise me. He is wearing a business suit that's perfectly suited for him. Mukhang galing lamang siya sa isang meeting.
His expression changed when he saw me. Magkasalubong ang magkabilang kilay nito habang nakatitig sa akin.
"What the fuck are you doing here?" He asked me in a cold manner way.
Wala akong ibang nakikitang emosyon sa kaniya ngayon kung hindi galit at pagkamuhi.
"I am here to talk to you," I didn't let myself broke what I have just said.
Ayokong makita niya na nanghihina ako. Dahil iyon naman talaga ang totoo.
"Wala na tayong dapat na pag-usapan pa," malamig niyang sabi sa akin.
"Ganoon nalang ba 'yun? Hi-hindi mo na ba talaga ako mahal?"
Iniwas niya ang kaniyang paningin sa akin. His expression is hard and strong. It was like an iron trying to stand by his decision.
"Umalis ka na, dahil wala na rin naman tayong pag-uusapan."
"Marami! Marami akong gustong itanong sa'yo. Anong nangyari sa'yo sa nagdaang walong taon? Bakit hindi ka nagpakita?"
I am dying to know his answers. Pero, mas lalo ko lamang ata siyang ginalit nang makita kong naglakad siya papalit sa aking direksyon.
"Ano ba ang pakialam mo?! Bakit mo pa ako ginugulo?!" Galit niyang sigaw sa akin.
"Ginugulo kita dahil nag-aalala ako sa'yo! Tell me, Fil! Tell me what happened!"
Nilingon niya ako at marahas niyang hinablot ang aking siko para lamang ilabas ng silid.
Malakas kong hinablot pabalik ang aking braso at nagulat siya sa aking ginawa.
"Bakit mo tinatakasan ang mga tanong ko? Bakit hindi mo ako masagot?!"
"Tumigil ka na," pagbabanta niya sa akin.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang lahat."
He smirked at me sarcastically and shook his head.
"Ako ang aalis kung ganoon," kampante niyang sabi sa akin.
Nang sinubukan niyang buksan ang pintuan ay kumunot ang kaniyang noo nang hindi niya ito mabuksan. Nakita kong napakuyom siya at napapikit nang dahil sa galit.
"Fuck you, Leister!" Napatalon ako sa biglaan niyang pagsigaw at pagsuntok sa pintuan.
He didn't even flinch and worried when his right hand got hurt and bleed.
"Ito ba ang gusto mo, huh? Why are you so desperate to know my reasons? Eh, hindi ba ay ipinagtulakan mo na ako? Why do you want to come back into my life? Matagal na kitang kinalimutan. Alin pa ba sa mga salita ko ang hindi mo maintindihan at ipapapaliwanag ko sa'yo nang maayos."
Umurong ang aking dila at umawang ang aking bibig, kasabay nang pagbagsak ng aking mga luha.
"Really? Y-you can say that to me? Fil?" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya.
Hindi siya sumagot sa akin at tinignan lamang ako habang umiiyak sa kaniyang harapan.
"You hated me so much that you almost wanted to forget my existence? I want you to know that I regret everything that happened, Fil. My father blackmailed me. Noong gabing iyon, umuwi sila ng bahay kasama si Mama at marahas nila akong pinilit na sumama sa kanila. Kaya ako nakipaghiwalay sa'yo noong gabing iyon dahil nakatutok si Papa sa bintana ng aking kwarto. He is ready to shoot you. I-I can't be selfish, Fil. Kahit masakit, ginawa ko nalang. Dahil, ayokong mawala ka sa buhay ko."
Nanginig ang boses ko at napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang sinusubukan kong sabihin sa kaniya ang lahat nang iyon. Unti-unti nang nanlalabo ang aking mga mata nang dahil sa mga luhang lumandas.
He was too stunned to speak. His jaw dropped because of what I have said. Biglang nagbago ang kaniyang reaksyon at para itong nanghina sa mga nalaman.
"I want you to know that I am not a real San Diego. I came from an orphanage. Kaya, kung galit ka kay Papa, sana naman kahit kaonti, maibsan rin ang galit na nararamdaman mo para sa akin. Dahil nasasaktan din ako, Fil. Hindi ko rin naman ginusto ang mga nangyari. I was a victim, too."
Napayuko siya at hindi makapagsalita. I saw drops from the floor. It was definitely from him. It's his tears.
"Kung 'yan ang gusto mong mangyari, hi-hindi na kita pipigilan. You're right. Walong taon na ang lumipas, bakit pa nga ba ako aasa na mahal mo pa rin ako?" I slowly removed my ring.
"You can marry Cassandra if that's what you want. Pagod na pagod na ako Fil. I don't want to be a burden in your life anymore. I am just here to know your reasons, to hear your explanations, and to listen to your side. I understand if you can't give me those. I am no longer a part of your life. Naiintindihan ko." Dahan-dahan kong inilagay ang singsing sa lamesa kahit na nahihirapan na akong makahinga.
Naninikip ang aking dibdib.
Please, huwag ngayon. Maawa ka...
He looked at me again with sorrowful emotions. Tears were very evident on his cheeks. His eyes were hiding thousands of feelings. There is really something in his eyes that I couldn't explain. It was dangerous and dark. Na kahit galit ito ay mas lalo lamang akong nahuhulog sa kaniya. I am always falling for his trap. I am always longing for his embrace. Nanatili lamang siyang nakatayo sa aking harapan.
I smiled at him weakly...
"Don't worry, you won't see me again. I will resign and go back to my home. Lagi mong tatandaan na... ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."
After I said those words, I walk slowly towards the door. Nang bubuksan ko na sana ang pintuan ay nahilo ako at natumba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top