Chapter 31

I endured the pain. I take it all and keep it like broken glass. Dahan-dahan kong pinunasan ang aking noo at pinahiran ng gamot. Kasabay nang pagdampi ng aking balat sa malamig kong sugat ay ang pagbagsak ulit ng aking mga luha.

I help myself and treat it alone. Nang matapos ko na itong punasan at lagyan ng gamot ay kumuha ako sa aking pocket ng band aid. Dahan-dahan ko itong nilagay at hanggang sa tuluyan nang huminto ang pagdugo nito. I am all alone here in a cubicle. It is still work hours; that's why I'm alone here in the comfort room.

Nagtataka si Doc Ethan kung bakit umalis ako bigla. I don't want him to see me crying, at ayoko rin na magkaroon ng issue si Fil tungkol sa akin. He will be engaged, soon.

Pagkatapos kong gamotin ang aking sarili ay nag-retouch muna ako para hindi sila magtaka sa akin. Nang matapos na ako ay dumiretso kaagad ako sa emergency room. I took all the remaining hours just to keep myself busy and distracted by something. Lahat nang pasyente rito sa silid ay inasikaso ko at hindi ko hinayaan ang sariling may isipin pa na iba.

"Sinungaling ka! Manloloko!"

Nabaling ang aming buong atensyon nang makita ko ang isang babaeng sumugod sa kaniyang asawa, pinagsusuntok niya ang dibdib nito, habang pinipigilan ng ibang mga nurses.

"Ano ba?! Sabi ng wala akong babae!" Galit rin na sigaw pabalik nang lalaki, habang iniinda ang sakit nito sa katawan.

Lumapit ako sa direksyon nila at nakita ko ang isang lalaking nakahiga, sugatan ito at may benda sa ulo.

"Tigilan mo 'ko! Manloloko ka! Babaero! Gago! Nararapat lang ang lahat nang iyan sa'yo!"

Sinubukan itong suntokin muli, ngunit inawat na nang mga gwardyang kakapasok lamang.

"Anyare dun?" Pagtatanong ko kay Nurse Prescy habang nag-che-check nang vital sign ng isa naming pasyente.

"Ang sabi ng asawa, sinubukang umalis ni mister at makipagkita sa kabit, kaya ayon, binangga ng asawa."

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang mga sinabi. Kung ganoon, ang lupit naman talaga.

Hindi na lamang ako naki-usyoso pang muli dahil ayokong madamay pa sa mga ganoong kwento. Bumabalik kasi sa aking memorya ang lahat nang mga nangyari noon. On how my father was obsessed with and head over heels for the mother of Chloris. Kahit hindi naman nila ako totoong anak, nasaktan pa rin ako sa mga nangyayari.

I never tried to search for my real parents. Para saan naman? They didn't care about me. Kung may pakialam sila sa akin, hindi sana nila dinala sa isang orphanage. Hindi sana nila ako pinamigay.

Nang matapos na akong mag-ayos ng gamit ay napalingon ako sa aking gilid nang tumitili si Prescy sa aking tabi.

"Audrey! Dr. Laxamana is here! He wants to see you!" Kinikilig nitong sabi sa akin.

Napabuntong hininga ako nang malalim. Hindi pala ako nakahingi ng kapatawaran sa kaniya kanina. Iniwan ko nalang siya bigla nang hindi nagpapaliwanag.

"Bakit ka naman kinikilig?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

Kaagad siyang namula. She pouted her lips.

"Sino naman ang hindi kikiligin sa isang OB-Gyne doctor? Mr. Ethan Laxamana is still single and hot! Kaya, marami talaga ang nagkakagusto sa kaniya." Pagpapaliwanag nito sa akin.

Napapailing na lamang ako at nagpaalam sa kaniya, bago ako pumunta sa direksyon ni Doc Ethan at nakita ko naman siyang nakangiti habang kinakausap ang bata naming pasyente.

He was still wearing his white lab coat while holding our patient's toy. Nang mapansin ako nito ay kaagad itong nagpaalam sa bata at lumapit sa akin.

"How's your wound?" Iyon ang una niyang bungad sa akin.

"Maayos na. Ginamot ko na Doc Ethan," I smiled to him to make sure that I am really okay.

He tilted his head and observing me silently. Nahiya tuloy ako sa biglaang paninitig niya sa akin.

"Are you sure? Why you left earlier? Gagamotin ko na sana 'yan," sabi pa niya sa akin.

"Okay lang, nurse rin naman ako. I can handle this."

"Are you still free? I really want to have dinner with you," Ethan said.

Natigilan ako sa mga sinabi niya at hinarap ko siya. He licked his lower lip and it became red. "Yeah, I'm free. We can have our dinner tonight."

Lumundag ang kaniyang mga mata at niyakap ako nang wala sa oras. He crouched in order for him to hug me. Ang matipuno niyang katawan ay yumakap sa akin nang buong-buo.

"Thank you, Audrey! You made my night!"

"Dr. Laxamana," a baritone voice interrupted us.

Natigilan siya sa pagyakap sa akin at kaagad na napaayos ng tayo. Nang lingonin ko ito ay nagtama ang mga mata naming dalawa. Umawang ang aking pang-ibabang labi nang makita ko si Fil.

Kunot ang noo nito at malamig itong tumingin sa akin. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang unti-unti siyang lumapit sa aming direksyon.

Kaagad kong iniwas ang aking paningin nang maramdaman kong wala siyang balak na ilayo ang kaniyang mga tingin.

"Mr. Martensen! Are you free tonight?" Pagtatanong ni Doc Ethan sa kaniya.

His expression is dark and mysterious. It looks like a storm, waiting for it to cause a chaos.

"Yes. I am also with the department of heads. We are heading now to the restaurant," he said in a cold stone voice.

Parang hindi ko na siya kilala. Nagbago na siya. Hindi na siya 'yung Fil na kilala at minahal ko. He changed. A lot.

"Papunta na rin kami doon ni Ms. San Diego. Oh, I forgot to introduce you to one of our great nurses here at Lanx Hospital. This is Audrey San Diego!" Nagulat ako sa biglaang pagpapakilala ni Doc Ethan sa akin kay Fil.

Ngumiti si Doc Ethan sa akin at inilahad niya ang kaniyang kamay bilang pagpapakilala sa akin ni Fil. Nang inilipat ko ang aking paningin sa kaniya ay nakita kong sarkastiko itong ngumiti sa akin.

He smiled to me devilishly...

"Nice to meet you, Ms. Audrey Paige San Diego." He greeted at me and shows his right hand to make a shake.

Parang bumagal ang pag-ikot ng oras at hindi kaagad na-proseso sa utak ko ang mga nangyayari ngayon. Tinanggap ko nalang ang kaniyang kamay. His hands were a bit soft and rough. I almost rolled my eyes at him when I felt like he was pinching my hands with his.

"N-nice to meet you too." Tipid kong bati sa kaniya at hindi man lang nagbago ang kaniyang ekspresyon na ipinapakita sa akin.

"Magkakilala ba kayong dalawa?" Sabay kaming napalingon kay Doc Ethan nang magtanong ito sa amin.

Sasagot na sana ako nang biglang nagsalita si Fil sa aking tabi.

"He was my schoolmate in college. We're very close to each other before," nananadya ba ang gagong ito?!

Doc Ethan was shocked when he heard those informations from him. "Really? That's good to hear that! May pagtatanongan na pala ako nang tungkol sa'yo," birong sabi ni Doc Ethan, sabay kindat sa akin.

"I gotta go now," matigas ang pagkakasabi ni Fil nito sa amin, na para bang naiinis siya nang kausap ako, o si Doc Ethan.

Alam ko naman na galit siya sa akin eh, kaya inaasahan ko na na para 'yun sa akin.

Nagpaalam muna ito sa amin ni Doc Ethan at kaagad na lumabas nang sasakyan. Kung alam ko lang sana na sasabay siya sa amin at ang ibang mga department heads and shareholders of the hospital, hindi na sana ako pumayag na sasama na rin. Nakakahiya! Ako lang ang naiiba sa kanila. They were both doctors and businessmen! Don't get me wrong, I love my profession, this is my life, pero, nang malaman kong makakasabay namin si Fil sa pagkain, iyon ang hindi ko matatanggap. I was just wondering if Fil really did it. To become a doctor.

Iginiya na ako ni Doc Ethan sa parking lot. Naabutan ko pa na pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan at tuluyan itong umalis sa aming harapan. Sige lang, magalit ka lang nang magalit. Naiintindihan ko naman.

I was silent the whole time. I didn't even bother Doc Ethan to have a conversation when we were in his car. Mukhang naiintindihan rin naman niya ang nararamdaman ko kaya, nagpapasalamat na rin ako dahil tahimik lang siya sa aking tabi. Kahit na nararamdaman ko ang kaniyang mga titig sa akin paminsan-minsan.

When we arrived at the famous steak house here in Manila, I saw some of the staff who were already outside, just to accompany us. They are wearing white uniforms on their uppers that were folded on their forearms. Sa gilid naman ng mga uniporme nila ay nakalagay roon ang imahe ng kanilang pangalan.

Doc Ethan held my waist while walking. Nginitian ko lamang siya at nakita ko ang magalang niyang pagbati sa mga staffs at manager ng steak house.

"Good evening, sir, ma'am!" Bati ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang manager nila.

They accompanied us to our table. Napalunok ako nang makita ko si Fil, kausap ang ibang mga kasamahan nila. Almost all of the department heads and some big people who had a crucial part of the business world are here. Nang makita nila kaming paparating ay natigil si Fil sa kaniyang pakikipag-usap sa katabi niyang isang sexy at magandang babae. He shifted to his seat and look at me intently.

Hindi ko nalang pinansin ang mga titig na ibinibigay niya sa akin at nagkunwari na lamang ako na wala akong pakialam sa presensya niya.

"Oh, Doctor Laxamana is here!" Sabi ng isang matandang lalaki, sabay lahad ng kamay nito sa kaniya.

"Who is this beautiful girl, Doc? Is this your girlfriend?" Pabirong pahabol na tanong nito.

Doc Ethan chuckled and answered him. "Not yet, Sir Paulo."

Umawang ang aking bibig sa isinagot ni Doc Ethan. Hindi ko na lamang ito pinansin at kaagad na umupo sa upuang inilahad niya sa akin.

"Nice to meet you, hija." Ngumiti ako sa matanda at malugod ko naman itong tinanggap ang kaniyang nakalahad na kamay.

"Nice to meet you too, sir."

Magkatabi kaming dalawa ni Doc Ethan habang nagsisimula nang mag-serve si Chef sa mga desserts.

"I am so happy to be gathered here, celebrating the success of the plan we had," Doc Ethan said while smiling at everyone.

"Syempre naman, ikaw na ang susunod sa yapak ng mga magulang mo, hijo. You deserve to be the next medical director of the hospital." Sabi ng isang matandang lalaki na department of head sa operation.

"Hindi na kami magtataka kung mas lalong aangat ang Lanx," a woman who's a bit older of us, interrupted.

"Well, I couldn't do this without the help of the department of heads and the shareholders of Lanx. Mr. Martensen, thank you for the advice that you gave to me."

Napalingon ako kay Fil na ngayon ay seryosong hinahalo ang isang dessert. He look at Doc Ethan and smirked.

"No problem, Mr. Laxamana," he said in a cold voice while sipping his wine.

The veins on his arms were more evident when he lifted his hands to drink the wine. Ang mga matang naglilikot at sumusulyap sa akin paminsan-minsan ay nagpapagabag sa akin.

"How about you, hijo? Kailan nga ulit ang engagement mo?"

Kaagad na naninikip ang dibdib ko nang biglang magtanong ang matandang lalaki sa kaniya. His jaw clenched while holding the wine of glass.

"Next week, sir."

Ngayon, ako naman ang nagbaba ng tingin. Ayoko siyang tignan habang pinag-uusapan nila ang mga bagay na 'yan.

"Are we invited?" Natatawang sabi pa nito.

Fil didn't laughed when the old man asked him. "Everyone is invited. I will send you the invitation letter, sir."

"Naku, ang swerte naman ng asawa mo kung ganoon! A successful man like you are going to be bound! How old are you, hijo?"

"I'm already thirty-one years old, sir."

Napainom ako ng wine nang wala sa oras.

"Who is it? Kerby? Is it Ms. Cassandra Vaughn?" Doc Ethan asked.

Lumingon ako kay Fil at nakita kong dahan-dahan itong tumango sa kaniya.

"We will be celebrating another success again! Congratulations in advance, Mr. Martensen."

Everyone was congratulating him, except me. Nakatuon lamang ang buong atensyon ko sa pagkain na nasa aking harapan at halos hindi ko ito magalaw.

"Tama lang na mag-asawa na sa ganyang edad, ako nga noon, twenty-years old ako noong ikasal ako sa asawa ko."

"You're right, sir. Aside from that, halata naman na mahal na mahal ni Kerby ang kaniyang fiancee. You wouldn't marry someone if you didn't really love that person, am I right?"

Oo, tama ka Doc Ethan. Kaya, itong nararamdaman ko ngayon ay hindi katanggap-tanggap. Matagal na kaming hiwalay at hindi katanggap-tanggap ang ganitong emosyon. Hindi ko na dapat ito nararamdaman.

"Totoo 'yan, hijo!"

They laughed again, like I wasn't even here. I sipped my wine and drank it all. Pagkatapos ng isa ay humingi na naman ako ng isa. They didn't notice me; that's why the waiter keeps pouring wine into my glass.

"Another one, please."

Kaagad na nilagyan ng waiter ang aking baso at nilagok ko ito kaagad. Hindi ko mapigilan ang hindi mapalingon sa kaniyang direksyon nang makita kong nakatitig na pala ito sa akin.

I smirked at him and rolled my eyes. Is this really the faith that's destined for me? Wala na ba akong ibang pagpipilian? 'Yung hindi ko na sana maramdaman ang sakit, iyong pagmamahal sana na deserve ko. Hindi iyong ganito.

Nang matapos na kaming kumain ay kaagad kaming nagpaalam sa isa't-isa at dumiretso kaagad ako sa parking lot. Doc Ethan offered me to ride with him. Sumang-ayon na rin ako dahil nararamdaman kong nahihilo na ako.

"Damn..."

Kumunot ang aking noo nang marinig ko si Doc Ethan habang nakapamewang itong nakatingin sa kaniyang sasakyan.

"What happened?" Nag-aalala kong pagtatanong sa kaniya.

"Flat ang gulong ng kabilang sasakyan ko, Audrey. I don't have extras here. Naiwan ko sa bahay." He brushes his hair like it was a big problem that he couldn't solve right away.

"It's okay, I-I can grab a car." Pagsusuhestiyon ko sa kaniya.

Nag-aalala itong lumingon sa akin.

"It's already one pm in the morning, Audrey. I don't trust the drivers." Sabi nito sa akin at sinubukang ayusin ang kaniyang gulong. I know it will take time to fix that.

"Is there anything problem here?"

Napalingon ako sa aming likuran at nakita namin si Fil na nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa aming direksyon.

"Nasira ang gulong ng sasakyan ko," sagot ni Doc Ethan sa kaniya.

"Do you have tools?" Pagtatanong ni Fil sa kaniya.

"I don't have," problemadong sabi ni Doc Ethan sabay iling.

"I can take her home," nanlamig ang buong katawan ko nang sabihin niya iyon kay Doc Ethan.

Sasagot na sana ako na hindi na nang biglang magsalita si Doc Ethan.

"That's a good idea! Thank you, Kerby!"

No! Hindi ako sasama sa lalaking 'to!

Iritado akong tumingin kay Fil at nakita kong binuksan niya kaagad ang pintuan ng kaniyang range rover.

"I can make some calls, Ethan. I will take her to her home right away."

"Puwede naman na mag-taxi nalang ako." Hindi ko na napigilan ang aking sarili at sumabat na ako sa usapan nila.

"I won't let you," malamig na sabi ni Fil at kaagad itong nagpaalam kay Doc Ethan at naghihintay itong papasok ako sa loob ng kaniyang passenger's seat. Tumaas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin.

I said my goodbyes to Doc Ethan and went inside immediately.

Wala akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang malakas na pagtibok ng aking puso. Kahit na malakas naman ang air-conditioned ay nakakaramdam pa rin ako ng init sa katawan. I am so fucking nervous when I'm around him! Ito ba ang epekto ko sa kaniya? Dahil hindi ko siya nakita nang mahigit walong taon?

Tahimik lamang kami habang nasa kalagitnaan ng byahe. Umawang ang aking bibig at napalingon ako sa kaniya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel ng sasakyan.

Kailangan kong patatagin ang aking loob. Kasi, malay natin, ito na pala ang magiging huling pag-uusap namin. He will be engaged soon.

Lulubusin ko nalang ang pagkakataon na makausap siya ngayon.

"How are you?" Sa dami nang mga tanong na gusto kong itanong sa kaniya, iyon pa talaga ang unang lumabas.

"Good," tipid niyang sagot sa akin.

"Congrats nga pala, i-ikakasal ka na pala." Biglang sumakit ang lalamunan ko dahil pinipigilan ko na naman ang aking sarili na maiyak.

This is not the right time to cry, Paige!

He didn't answer me back. Nagtanong nalang muli ako ng iba.

"Where were you for the past eight years, Fil? Why didn't you contact me back?" My voice broke when I said that to him.

Lumingon siya sa akin at tinignan niya ako nang malamig.

"Why do I have to?"

Nalaglag ang aking panga at hindi ko inasahan ang kaniyang pagsagot sa akin. Parang hinati sa dalawa ang aking puso nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

"Alam ko naman na galit na galit ka sa akin. I heard about the news about your family. I heard about the news about your father. I-I'm sorry, Fil."

Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Marahas niyang itinabi ang sasakyan at huminto nang wala sa oras. Kinabahan ako bigla sa kaniyang ginawa niya at parang aatakihin ako sa puso!

I looked at him, and I saw his dagger eyes swallowing every part of my being. His forehead furrowed. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng kaniyang paghinga.

"Would your apology change what happened, huh?" Sarkastiko niyang sabi sa akin.

"Hi-hindi. Kaya nga, humihingi ako ng kapatawaran. Naghihintay nga ako kung kailan kayo gaganti sa amin-"

"Bullshit!" Napatalon ako nang bigla siyang sumigaw at hinampas ang manibela.

He frustratedly brushed his hair and looks at me with sorrowful emotions.

"Do you want me to let my family take revenge on you? Sa tingin mo ba ay hahayaan ko nalang 'yun? And this is all I got in return? You are waiting for revenge!" Galit na galit niyang sabi sa akin.

Nanlalabo na ang aking paningin nang dahil sa mga luhang lumandas sa akin.

"Bakit? Sana ay hinayaan mo nalang ang pamilya mo na saktan kami. Saktan ako."

"Hindi ako baliw, Paige. Even when you rejected me that night, I didn't wish for that to happen. Kahit nawala si Papa nang dahil sa ama mo, hindi ko kailanman hiniling 'yun."

Nanginig ang aking mga labi at hindi hinayaan ang sarili na mapahikbi.

"Anong nangyare sa'yo sa nagdaang walong taon? Why you didn't call me back? Why you blocked my number? Ganoon na ba talaga kalaki ang pagkamuhi mo sa akin?"

Umigting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin.

"I have my reasons." Malamig nitong sagot sa akin.

"Hi-hindi ka man lang ba magpapaliwanag sa akin?"

"Bakit naman ako magpapaliwanag sa'yo? Hindi na kita girlfriend."

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang mga sinabi.

"I fucking waited for you!" Hindi ko na rin mapigilan ang hindi magalit sa kaniya.

Mas lalo akong nasasaktan nang dahil nanggaling pa talaga sa kaniya ang mga salitang iyon. I just couldn't accept it!

He looked at me with mix emotions. Ang mga emosyong nanghihina at pinipigilan ang sarili na bumigay nang tuluyan.

"I didn't ask you to wait for me."

"Ganoon nalang 'yun?! Wala lang ba sa'yo ang lahat nang pinagsamahan natin, Fil? Wala ba akong kwenta sa buhay mo?"

"I'm getting married. There's no use to talk about that right now." Malamig niyang sagot sa akin habang hindi makatingin sa akin nang diretso.

"Mahal mo 'ko eh. Hi-hindi ko lang maintindihan kung bakit bigla kang nagbago." I wiped my own tears and hold my heart.

He didn't talk back. He remained silent to me.

"Hindi mo ako minahal. Iyon ang totoo! Kung minahal mo ako hinding-hindi ka magpapakasal sa ibang babae." Matapang kong sabi sa kaniya.

Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga at tinignan ako nang masama.

"Isipin mo na ang gusto mong isipin. Wala akong pakialam."

Umawang ang aking bibig. Hindi ko na napigilan at nasampal ko siya.

Napapitlag siya nang dahil sa ginawa ko at mas lalong umigting ang kaniyang panga. Hindi makapaniwala sa aking ginawa.

"I waited for you for almost eight years! Hinanap kita at nag-tiyaga akong hanapin ka! I am so happy to see you again but you surprised me with your hurtful words! Sana ay pinatay mo nalang ako nang tuluyan, Fil..." Mahina kong sabi sa kaniya.

Nakita ko ang mga luhang lumandas mula sa kaniyang mga mata.

"Don't fucking say that. You didn't know what sacrifices I did just to protect you!" His baritone voice, thundered.

Kumunot ang aking noo at tinawanan ko siya nang sarkastiko.

"Protect me? Really?! Bakit hindi ko maramdaman, Fil?"

Hindi siya nakasagot at nanatili lamang itong nakatitig sa akin.

"Do you still love me?" Pagtatanong ko sa kaniya.

Napasinghap siya at hindi mapakali. Iniwas kaagad ang tingin sa akin.

"Just fucking answer me! Do you still love me?!"

Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot ito. Hindi ko na maramdaman ang lakas ng kaniyang pagpapatakbo ng sasakhan. Maybe because of my emotions.

"Tumigil ka na."

"Sagotin mo nalang ako! Mahal mo pa ba ako?! Kasi kung hindi na titigilan na kita! Mag-re-resign ako sa trabaho ko at aalis ako rito at hindi na magpapakita sa'yo!"

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay ko. Kaagad siyang lumabas ng sasakyan at marahas niyang binuksan ang passenger's seat at hinablot ako.

Napilitan akong lumabas nang sasakyan pinipilit niya akong ipasok sa loob ng gate ng aking bahay.

"Tigilan mo 'ko! Sagutin mo ako, Fil!"

"Just fucking shut up!" Hindi na ako natinag nang sigawan niya ako.

Hindi na ako nakapanlaban dahil sa wine na ininom ko kanina. Mahina ang alcohol tolerance ko. That's why I feel this.

"Bakit hindi mo ako masagot? Kasi, totoo! Mahal mo ako! Mahal na mahal mo ako!"

"Kung magpapadala ako sa mga sinasabi mo ngayon, masisira ang lahat! Kung sasabihin ko sa'yong ikaw ang gusto kong makasama at pakasalan at hindi si Cassandra, mawawasak ang iniingatan kong desisyon!"

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at sinubukan ko siyang hawakan. Galit pa rin ito habang nakatingin sa akin.

Hinablot niya ang kaniyang braso at umiwas sa akin.

"Fil, ma-mahal na mahal pa rin kita."

Sa wakas ay nasabi ko na rin. Mahigit walong taon ko rin iyan kinimkim.

"Tumigil ka na sa kahibangan mo. Pakakasalan ko siya at wala nang makakapigil pa doon."






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top