Chapter 3

Hindi na ako tinantanan ni Chloris at palagi na lamang siyang nakabuntot sa akin. Mas mabuti na nga 'yung ganito kaysa wala talaga akong maging kaibigan rito. She is from BS Psychology department at kagaya ko rin ay wala siyang masyadong naging kaibigan.

Pagkatapos naming maglaro ng volleyball ay nagpahinga muna kami saglit sa may gilid ng court. Ibang team naman ngayon ang naglalaro, they are actually my classmates pero hindi ko naman sila masyadong ka-close.

"Buti nalang at pinadalhan ako ni Mommy ng sandwich! Here oh, sa'yo natong isa." Wika ni Chloris at umawang naman ang aking bibig.

She is actually... really kind.

"Thank you," tipid kong sagot sa kaniya pabalik at kinuha ko na lamang ito at ibinalik ang aking mga mata sa naglalaro.

"Kilala mo pala si Mr. Martensen?" hindi ko alam pero biglang kumulo ang aking dugo nang banggitin niya ang apelyido ng lalaking iyon.

I just don't like him at all!

"I actually don't want to know him. He is so full of himself at talagang gwapong-gwapo pa sa sarili niya," sabi ko kay Chloris.

Kumagat muna siya sa kaniyang sandwich bago niya ako sinagot.

"Eh, gwapo naman talaga siya, Audrey. He came from a wealthy family, he is smart, he was a valedictorian way back in his high school days, tapos talented, marunong pa sa sports, at higit sa lahat, gwapo!" plastik na lamang akong napatawa sa mga sinabi ni Chloris.

"If he was smart enough dapat hindi siya hambog. Tinapunan ba naman ako ng tubig noong isang araw!" nanlaki ang kaniyang mga mata at para bang hindi pa makapaniwala sa aking mga sinabi.

"What?! Mr. Kerby Fil Martensen did that to you? Bakit naman?" at doon ko na nga pinaliwanag sa kaniya ang lahat ng mga nangyari.

"Hindi naman pala sinadya pero bakit parang galit na galit ka sa kaniya?" ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa mga naglalaro. Huling laro na raw ito para ngayong araw.

"Hindi ko rin alam, eh. I just don't like him. The way he talks, the way he exists, the way he moves, wala, wala akong maramdaman kung hindi ang pagka-irita kapag nakikita ko siya." Inis kong sabi sa kaniya.

Napapailing na lamang si Chloris sa akin at tumabi naman ito sa akin at may itinuro.

"Do you see that guy?" kumunot ang aking noo at napatingin sa direksyon na tinutukoy niya.

I saw a guy holding a book, actually he's reading it. May earphones pa ito sa magkabilang tenga. I couldn't forget that guy, ito 'yung nakausap ko noong kumuha ako ng upuan sa kabilang room. Hindi ko rin gusto ang pag-uugali niyan kasi mukhang suplado at parang may sariling mundo, kabaliktaran naman noong Kerby Martensen na iyon.

"He is Kerby's cousin. That is Leister Dew Martensen, ang mga magulang niya ang nagmamay-ari ng Sweet Jam Strawberry sa Iligan, iyong sikat na bintahan ng mga strawberry jam na minsan lang umabot rito sa atin dahil medyo mahal raw," ani Chloris.

I watched him closely; he is seriously reading the book without minding his surroundings. Chloris is right, he was more intimidating and mature and he has this dark expression na kahit ako'y hindi maintindihan. Mukhang may pinagdadaanan ang isang ito, compared to that Kerby Fil na halos kaibigan ang lahat ng studyante ng MCC.

"Kung may negosyo pala sila doon, eh bakit sila nandito?" naguguluhan kong pagtatanong sa kaniya.

"Divorce ang parents niya, and it was issued that his father was cheating on another woman. Pero kahit ganoon ay hindi naman na-apektuhan ang mga negosyo nila. Her mother was the CEO of Mount Hills Company, 'yung mga bagong sasakyan? I heard that he is staying now with his grandmother, dahil pagod nang makipagsamahan sa mga magulang niya," pagpapaliwanag ni Chloris sa akin.

Pinagmasdan ko ang tinutukoy niyang lalaki. Kung ganoon ang mga nangyari sa buhay niya, that must've been so hard for him. At least hindi siya kagaya noong isang Martensen!

Hindi namin namalayan ang oras at pasado alas-dose na pala ng tanghali kaya naisipan na naming kumain sa may canteen ng school. I am so glad that Chloris is here, buong akala ko na kasi ay hindi na ako magkakaroon ng kaibigan dito.

"Mamaya ulit, ha!" sigaw niya sa akin bago umakyat sa kanilang building. Kumaway lamang ako sa kaniya at ngumiti.

Mamayang alas tres pa ang klase ko kaya naghanap muna ako ng matatambayan. Since I am so bored and I have so much time pa, kaya naglibot-libot muna ako. Napatingin naman ako sa mga high school students na nakaupo sa may ilalim ng mga puno habang ang iba ay nagpapahinga, ang iba naman ay kumakanta at nag-gi-gitara naman 'yung isang lalake, ang iba naman ay nagbabasa ng libro.

The wind was refreshing and the trees were swaying and dancing to the rhythm of the wind. Ang umaalon kong buhok ay inayos ko muna ito habang patuloy ako sa aking paglalakad. Napahinto lamang ako nang makarating ako sa may music room. Dito madalas nag-pa-practice ang banda ng school tuwing may activities na magaganap rito.

I walked slowly towards to the music room and heard the voice of a guy...

~ When she looks at me~

~I know the girl sees things nobody else can see~

Parang lumambot ang aking puso nang marinig ko ang boses ng kumakanta. Mas lumapit pa ako ng kaonti para masilip kung sino ang kumakanta. Umawang ang aking bibig nang makita ko si Leister Dew Martensen na kumakanta.

He was holding the guitar and strum the string so slowly, na para bang iniingatan niya ang mga ito. He has also a soft melody of voice, nakapikit pa siya habang dinadama ang kaniyang kinakanta. Napakibit-balikat na lamang ako.

~And all of the secret fears inside and all the craziness I've hide~

I couldn't believe... one of the psychology students have talents when it comes to singing. Napangiti ako ng palihim. Kung ganoon, p'wede pala siyang sumali sa mga activities rito sa school namin.

Nabalik lang ako sa realidad nang biglang umulan at napatalon naman ako ng wala sa oras nang biglang kumulog ng malakas! Lumakas rin ang hangin at mas lumakas ang ulan.

What the hell?!

Kumulog pa itong muli at napasandal na lamang ako sa may gilid. Ayoko namang pumasok roon at storbohin ang kumakanta. Nararamdaman ko nang unti-unti ng nababasa ang aking puting slocks. Siguro nang dahil sa tumalsik ang tubig sa ulan.

"You can come inside," napalingon ako sa gilid nang bigla siyang magsalita.

He looks at me straight into my eyes at ako ang unang nagbaba ng tingin. Wala rin naman akong choice dahil ayoko namang manatili rito sa labas at baka tuluyan talaga akong mabasa ng ulan.

Pumasok ako sa loob at napamangha nang makita ko ang iba't-ibang instrumento na naka-display sa loob. May mga disenyo rin na related sa musika, sa gitna naman ay may isang maliit na stage at tatlong stand microphone.

"You heard me?" pagtatanong niya sa akin.

Inilahad niya ang isang upuan sa akin at kaagad ko itong tinanggap mula sa kaniya. Napakagat na lamang ako sa pang-ibabang labi ko.

Sana huminto na ang ulan...

"Hi-hindi naman," pagsisinungaling ko sa kaniya.

He is white and fair, ngayon ko lang rin napansin na makinis ang kaniyang balat at matangkad rin siya. He has dark eyebrows, perfect cheekbone and jawline, he could be a model in Calvin Klein!

"You know my cousin?" pagtatanong niya sa akin.

His veins were very evident, matipuno rin ang kaniyang katawan at halatang inalagaan talaga.

"Yung isang Martensen? Oo, 'yung hambog mong pinsan," sabi ko sa kaniya.

He licked his lower lip at tinignan akong muli.

"I'm sorry for his actions towards you, ganyan lang talaga siya." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Buti nalang iba ka sa kaniya," ngiting sabi ko sa kaniya.

"Yes, I am." Matipid niyang sagot sa akin.

Ang awkward naman nito!

"Audrey Paige, am I right?" balik pa niyang tanong sa akin. Tumango na lamang ako sa kaniya at naglahad naman siya ng kamay sa akin.

"Lesiter Dew Martensen, but you can call me Lee," inabot ko ito at tinanggap.

It fits perfectly together with his hand.

"Don't worry about my cousin, ako nang bahala sa kaniya." Napatango na lamang ako sa kaniyang mga sinabi.

Lumipas ang ilang minuto at napansin kong medyo tumigil na ang ulan, kaya napag-desisyunan kong lumabas na nang music room dahil nilalamig na ako at sobrang awkward makipag-usap sa kaniya kahit gwapo siya!

Hindi ko rin alam kung bakit...

Bago ako umalis ay naglahad pa siya sa akin ng isang pulang flyer.

"If you are interested to be with the team, you can join. You can also invite your friend if you want," sabi niya sa akin.

Tinanggap ko na lamang ito at nginitian siya bago ako umalis ng music room. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan na akong nakalabas doon. Napahawak pa ako sa aking dibdib at huminga ng malalim.

Tinignan ko ang flyer na ibinigay niya sa akin. May magaganap na audition para sa Dakila Team. Kasali pala siya rito?

Maganda rin naman ang boses ko pero... nahihiya lang talaga akong kumanta!

What if... yayain ko kaya si Chloris?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top