Chapter 29
Nagising ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin na bumabalot sa aking pagkatao. Kinusot ko ang aking mga mata at dahan-dahan akong bumangon.
When I look at the surroundings, it's already dark, and only the lights from the park are giving off sparks from within. Bumuntong hininga ako at nang sinubukan kong tumayo ay napangiwi ako nang maramdaman ko ang lagkit ng aking damit. Umulan nga pala kanina, kaya nabasa ako. When I am feeling of too much emotions and it's actually draining me real hard, I will collapse anytime.
Hindi ko nalang dinama ang basa ng aking damit at nagmamadali akong lumabas doon. Haban naglalakad ako palabas ng park ay nagulat ako nang makita ko si Leister sa may gilid ng bench, nakaupo habang may hinihintay.
Kumunot ang aking noo at kaagad na nilapitan siya.
"Leister?" He shifted his head and look at me.
He's wearing a leather black jacket and a black cap. Kaagad siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at tumingin sa akin.
"What are you doing here?" Nagtataka kong pagtatanong sa kaniya.
I told him that I would be fine here, but I don't have an idea why he's here. Wala rin naman ibang tao rito, kaya, hindi ko masasabi na may hinihintay siyang iba.
"I am waiting for you..." He said while his eyes were full of concerns.
I also noticed the small drops of rain on his coat. He brushes his hair and licks his lower lip.
"Ba-bakit mo naman ako hinihintay? Sinabi ko na sa'yo kanina na okay lang ako." I smiled at him and hid what I had truly felt.
"I know you're not okay. Paano nalang kung may pumasok rito na masamang tao? Paano ka lalaban?" He said while starting to walk, just enough to walk with me.
"Kung may masamang tao man na papasok rito at gagawa nang masama sa akin, hindi na ako manlalaban sa kaniya." Mapait kong sabi sa kaniya.
Nilingon ko siya at nakita kong kumunot ang kaniyang noo na para bang hindi siya sang-ayon sa mga sinabi ko.
"Don't say that. There are still people who wish for the best of you." Malamig niyang sabi sa akin.
"Sino naman? Si Papa? Eh, sinabi niya nga sa akin na mas gugustohin niyang maging anak si Chloris kaysa sa akin. Si Mama naman, parang... nabuhay lamang siya para maging sunod-sunoran ni Papa. I am an orphan, Leister. I am not a real San Diego. Who will be the person who wishes for the best for me? Iniwan ako ng boyfriend ko. I-I don't think there were still-" he stop me and mediate with my statement in the midst.
He looked at me with seriousness in his eyes. It feels like he is trying to scorch my emotions. "I am still here, Audrey. When no one will try to believe in you, I am. I can be your comfort in the midst of your pain. I can be your friend when you feel like the world is turning you upside down."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay inilagay niya ang kaniyang cap sa aking ulo at ngumiti.
"Thank you, Leister, truly." Kaagad ko siyang niyakap at ganoon rin ang ginawa niya sa akin.
Lumipas ang tatlong taon, na ganoon pa rin ang ginagawa ko. Trying to search him everywhere, trying to contact the possible person who's with him. Sinubukan ko rin naman na tawagan si Megan tungkol sa kapatid niya, pero, ang palaging sinasabi nito sa akin ay ayaw raw na makipag-usap sa akin ni Fil. Masakit, oo, sobrang sakit. Inisip ko nalang na baka nagsisinungaling lang sa akin si Megan, na hindi naman talaga totoo na hindi ako gustong makausap ni Fil.
In the past four years, in the middle of my searching for him, I got an email from Lanx Hospital in Manila. Natanggap ako sa trabaho at sa ER ako naka-assign. I intended to work from there, because if I will stay here forever, mababaliw ako sa kakaisip, panigurado.
Mas mabuti na iyong malayo ako rito sa Agusan, dahil sa tuwing lumalabas ako ng bahay, bumabalik rin ang sakit na nararamdaman ko. When I am really trying my best to talk to Fil, I always fail. Kinamumuhian niya talaga ako ng sobra. Ipinagkait niya sa akin ang pagkakataong makabawi sa kaniya. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko ang mga alaala naming dalawa.
Siya kaya? Even for once... is he really trying to think about me? O, ibinaon na rin niya sa limot ang tungkol sa akin. Kahit anong limot ko, siya pa rin. Kahit nilibang ko na ang sarili sa ibang bagay, siya pa rin. Kahit na kinalimutan na niya ako, siya pa rin.
It will always be him... and it's hurting me.
"Anak, sigurado ka na ba talaga rito?" Mama asked me when she saw me packing my things.
Nilingon ko siya at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Tungkol nga pala sa mga nangyari, humingi ng kapatawaran si Mama sa akin. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Despite what happened, my mother was a victim too. A victim of love, is it?
Napapailing na lamang ako sa aking isipan. Dahil ganoon rin naman ako sa sitwasyon ko ngayon. I am also a victim of love. Putang-inang pag-ibig 'yan.
"Oo naman po. Hindi naman po ako mag-i-impake rito kung hindi po ako sigurado." Sagot ko kay Mama.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at napabuntong-hininga.
"I am just worried about you, Audrey. Despite what happened, here you are, still trying to contact him."
Alam ni Mama ang tungkol sa paghahanap ko ng impormasyon tungkol kay Fil. Hindi ko sinabi sa kaniya dahil may parte pa rin sa puso ko ang pagtatampo at munting galit. Hindi sana magkakaganito ang sitwasyon namin ni Fil kung pinigilan niya si Papa sa mga plano niya. Pero, kahit anong balik ko sa nakaraan, hindi ko na iyon mababago. Nangyari na ang nangyari.
I lost him...
"Hayaan ninyo na po ako, Ma. I will be fine. Kapag nanatili ako rito, maaalala ko lamang siya. It's not good for me either."
"Anak," tinawag ako ni Mama kaya napatigil ako sa aking pag-aayos ng mga damit.
I saw tears in her eyes. Maiiwan ko rito si Mama na mag-isa, pero nakakasigurado naman ako na magiging ligtas siya dahil kinausap ko ang dating nag-ta-trabaho sa amin na gwardiya. I hired him again. Of all the workers that we had before, si Manong Cador lamang ang natatanging tapat sa amin. Lalong-lalo na ang kaniyang pagserbisyo sa pamilya namin.
"Ka-kapag nakausap mo na ang mga Martensen, puwede ba akong sumama? Gusto ko rin humingi ng kapatawaran sa lahat nang mga ginawa ng ama mo."
Nagtataka ako kung bakit hindi man lang gumanti sa amin ang mga Martensen. Hindi man lang gumanti sa amin ang ina ni Fil. They didn't respond to my messages either. Parang bigla na lamang silang nawala at hindi ko na alam kung saan sila nagpunta. Naghintay ako nang magiging kaparusahan ng aking ama, pero, walang nangyari. Nanatili lamang si Papa na nakakulong hanggang ngayon, abugado lamang nila ang humarap noong araw na nakulong si Papa.
To be honest, I am waiting for their revenge. To make us live in hell, to make us like a rat, asking for help, but they didn't do it. Nagtataka ako kung bakit, pero, hindi ko na rin tinanong iyan kay Leister dahil nakakahiya. Nang dahil kay Papa, namatay ang ama ni Fil. Nang dahil sa pamilya ko, nang dahil sa mga magulang ko, they lost the most prestigious, honorable man from their family. Kaya, naiintindihan ko kung parurusahan nila kami.
"Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nababalitaan tungkol sa kanila. I'll inform you immediately about that, Mama." Sagot ko kay Mama at kaagad naman niyang pinunasan ang kaniyang mga luha.
Nasasaktan rin ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Pagkatapos ng mga nangyari, hindi ko siya tinanong tungkol sa mga nalaman ko, kasi alam kong nasasaktan rin siya at hindi iyon ang tamang panahon para magtanong sa mga bagay na iyon.
Maybe, this is the right time to finally ask her about my life.
"Ma, is it true that I am an orphan?" Sumagi sa boses ko ang sakit na nararamdaman na nanggagaling sa puso ko.
"Patawarin mo ako, anak. Yes, you came from orphanage. Yes, you came from an orphanage. We really tried our best to have a child, but I am not lucky enough to have my own. Kaya, naisipan kong mag-ampon na lamang."
Kumunot ang aking noo at nagtataka akong lumingon sa kaniya.
"Ikaw lang? How about Papa?"
Iniwas niya ang kaniyang paningin sa akin.
"I didn't tell him the truth. 'Tsaka niya lang nalaman noong inuwi na kita sa bahay. He's mad at me for bringing you, but he can't do something about it. Dahil magagalit ako sa kaniya kung ibabalik ka niya sa orphanage." Pagpapaliwanag sa akin ni Mama.
I have already understood why my father treated me that way. Palagi siyang malamig sa akin, kahit noong bata pa lamang ako. He has never been proud of me, not even once. Naalala ko noong ten years old pa lamang ako, nang nanalo ako sa quiz bee namin at kaagad akong lumapit sa kaniya para ipagmayabang iyon sa kaniya.
"Papa! I win from the quiz bee!" Ang aking batang puso ay lumulundag nang dahil sa tuwa. Siya kaagad ang inisip ko nang isinabit sa akin ang silver na medal sa akin. I have won and got the silver medal as a second winner.
Nakita ko ang pagsulubong ng kaniyang mga kilay at kaagad na hinablot ang aking medalya. Nang mabasa niya ang nakalagay sa gitna ay kaagad itong tumawa na para bang nakakatawa ang ipinakita ko sa kaniya.
He laughed while looking at my medal. Lalong-lalo nang makita ko ang kaniyang pag-iling at pagkadismaya.
"Ba-bakit po, Papa?" Pagtataka kong tanong sa kaniya.
Kaagad niyang ibinalik sa akin ang medalya at bumalik sa kaniyang ginagawa.
"Nagtatanong ka pa talaga. Bakit? Ipinagmamalaki mo na 'yang napanalunan mong medalya? Ano nga iyan? Sa quiz bee? Eh, second winner ka lang naman." Sabi niya sa akin at insulto itong tumawa.
Parang hinati sa dalawa ang aking puso nang marinig ko ang mga salitang iyon. Mga salitang hindi ko inaasahan na manggagaling pa talaga sa kaniya.
Napaatras ako at napayuko, kasabay nang pagtulo ng aking mga luha.
Mahigpit kong hinawakan ang medalyang aking hawak-hawak.
"A-akala ko po kasi ay matutuwa kayo." Nanginig ang aking boses at sumakit ang aking lalamunan dahil pinipigilan ko ang mapahikbi sa kaniyang harapan.
"Bakit naman ako matutuwa? I will be happier if you will give to me your grades. Bakit, hija? Ikinatutuwa ba ang mga ganyang bagay? Kahit nga sa quiz bee na marami kayong nagtutulungan, second ka pa rin?" Sabi niya sabay iling sa akin.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. You're wrong about this, Paige. Sana ay hindi ka nalang tumuloy. Sana ay itinago mo nalang sa bedside table mo ang medalyang iyan.
Hindi na lamang ako umiimik at kaagad na lumabas mula sa kaniyang opisina. From that day on, I didn't inform him again of my achievements at school. Marami akong mga napalanunan noong high school ako, naging top one rin ako sa buong klase namin, pero, hindi ko iyon sinabi sa kaniya. Hindi ko na rin sinubukan pang muli ang ipakita sa kaniya ang aking mga certificates at medalya. Dahil natatakot na ang batang puso ko sa mga nalaman noon. I keep those evidences from my fruit of labour to myself. Dahil kahit si Mama ay walang pakialam sa akin.
Sa tuwing tinatawagan siya ng teacher namin para ipaalam ang mga napalanunan ko at ang pagiging achiever ko sa klase, nagugulat na lamang ako dahil may makikita akong mga mamahaling gamit sa aking kama.
I didn't ask for those things...
I only want to hear the word 'Congratulations, anak' from them, but I didn't hear it, even once.
Nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa tumuntong ako ng kolehiyo. Nasanay na rin naman ako. Sinanay ko nalang ang sarili.
Hindi ako nakapagsalita pang muli dahil parang may bumara sa lalamunan ko nang malaman ko ang mga iyon, galing kay Mama. Kay hirap paniwalaan.
"Anak, patawarin mo ako. Alam kong may galit ka pa rin na nararamdaman. Naiintindihan kita. Sadyang naduwag lang ako dahil sa pagmamahal ko sa ama mo. I didn't even think of you," kasabay ng pagbagsak ng kaniyang mga luha.
I bit my lower lip and tried not to cry.
"Okay lang Ma, nangyari na iyon. Wala na tayong magagawa." Malamig kong sabi sa kaniya.
We can't turn back the time. We can't turn back what happened yesterday. Ang kaya lang nating gawin ngayon ay subukang kalimutan ang nakaraan. If you will stay from the past, you will be forever chained from it. Ayokong mangyari iyon sa buhay ko. Hindi ko na hahayaan na may magdidikta pa sa dapat kong gagawin. Not my parents, not anyone.
Bago ako lumipad papuntang Manila, I took some courage to visit my father in jail. Mahigit apat na taon ko rin siyang hindi nabisita. Hindi dahil sa galit ko, kung hindi dahil sa inisip kong hindi niya ako kailanman tatanggapin bilang isang tunay na anak. Hindi niya ako kailanman kinailangan. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng lakas nang loob para kausapin siya.
I don't want to leave my hometown with a hole in my heart.
The authorities went to me and guided me out of his cellar. They told me to wait in their waiting area. Iba't-ibang mga tao ang naroon, ngunit iisa lamang ang kanilang mga suot. Pinagmamasdan ko ang ibang nakatingin sa akin, ang iba naman ay nakikipag-usap sa mga mahal nila sa buhay. It is their visiting hour. Isang oras lamang ang ibinibigay nila.
Nang makita ko si Papa ay umawang ang aking bibig. Nangilid ang aking mga luha nang makita ko siya. His hair is messy and a bit long, and his moustache hasn't been taken care of. Mas lalong tumanda si Papa at nakita ko ang pangungunot ng kaniyang balat. The wrinkles beside his both eyes. Ang mga mata ay lumalim at mas lalong pumayat.
Napahikbi ako nang makita ko ang estado niya ngayon. Even when he's not good at me, even when he didn't father me enough, I still have a space in my heart for him. Hindi ako ganoon kasamang anak para hindi makaramdam ng awa sa kaniya.
Siya lang ang kinilala kong ama. Siya lang.
"A-anak..." he whispered to me.
For the first time in my life, it is new to me to hear those words from him.
"Pa-papa." Nanginig ang aking boses at hindi ko napigilan ang hindi siya yakapin.
Hindi niya ako mayakap pabalik dahil nakasuot siya ng posas. The police won't allow to take off those things from him.
"Alam kong galit ka sa akin, pero, sa maniwala ka't sa hindi... pinagsisisihan ko ang lahat nang mga nagawa ko."
"Ba-bakit mo 'yun nagawa, Pa?" Naghahanap pa rin naman ako ng rason kung bakit niya nagawa ang lahat nang iyon.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Papa. Pinipigilan ang umiyak.
"I haven't told you the truth. I did that because of my greed. I did that because I am insecure. Maayos naman ang pakikitungo sa akin ni Khomael, he treated me like a companion." Napahinto siya sa kaniyang pagsasalita at napapailing.
"Nainggit ako dahil mas magaling siya sa negosyo. Naiinggit ako sa tuwing pinupuri siya ng ibang tao, mismo sa harap ko. He is a successful and honourable man. It is something from him that I don't have. Kaya, naisipan ko ang mga planong iyon. Nag-isip ako kung paano ko sila pababagsakin. I negotiate with their biggest competitor. I know I was wrong, but I keep doing it."
"Pa-paano ang perang ninakaw mo?" Nanlaki ang kaniyang mga mata nang itinanong ko iyon sa kaniya.
"Wa-wala na anak. Kinuha rin sa akin ng mga myembro ng grupong sinalihan ko. Sinadya ko talaga na magnakaw sa kompanya nila. Trying to poisoned their business just to make them down."
Napalunok ako nang wala sa oras. Ni kahit isang beses ay hindi kami ginulo ng mga Martensen. Ni kahit isang beses ay hindi nila hiningi sa amin ang ninakaw na pera ni Papa. They're becoming silent as the years go by.
"Is it true that you asked the leader to... to kill Tito Khomael?" Sumakit ang aking dibdib nang banggitin ko ang pangalan ni Tito.
Nasasaktan rin ako para kay Fil, at para sa kaniyang ina.
"Patawarin mo ako, anak."
Na-kompirma ko ang lahat nang sinabi iyon ni Papa sa akin. Unti-unting binalot ng galit ang aking sarili, ngunit pinigilan ko iyon.
Wala na akong magagawa. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
I hope that the time will come and give me a chance to talk to Fil, not just for him but for his family...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top