Chapter 27
Nagising ako nang maramdaman ko ang sakit sa aking ulo. Mahapdi ito at kaagad ko itong hinawakan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Nanlalabo pa rin ang mga ito. When I fully opened my eyes, I saw a huge bed with a round table near the door. Dahan-dahan akong bumangon at biglang naalala ang mga nangyari kagabi. Umahon ang kaba na aking nararamdaman nang gabing iyon. Unti-unti iyong bumabalik ngayon. Napahawak ako sa aking dibdib at bumibilis ang aking bawat paghinga.
Inilibot ko ang aking paningin at kaagad na napatayo nang makarinig ako ng paghampas ng alon. Binuksan ko ang sliding window ng kwarto at na-kompirma ko na nasa isang isla nga ako! Binuksan ko ang pintuan at bumaba sa isang hagdanan papuntang labas.
Paano ako nakarating rito? Pa-paano si Fil?! Kaagad sumagi sa puso't-isipan ko kung ano ginagawa ngayon ni Fil. Gustong-gusto ko siyang puntahan! Gustong-gusto ko siyang kausapin!
Nang makababa ako ng tuluyan ay nakita ko si Mama na nag-ka-kape sa isang mahabang lamesa. Wala si Papa. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar at napagtanto kong nasa isang isla pala kami na pagmamay-ari nila Mama. This island was a gift from her great-grandparents on her wedding day. Nasabi na ito ni ni Mama sa akin noon, pero walong taong gulang pa lamang ako noon.
"Ma-Mama, bakit tayo nandito? Paano tayo nakarating rito?" Nalilito kong pagtatanong sa kaniya.
As far as I can remember, I was lying beside our entrance's door while crying in pain. Doon ako nawalan nang malay. It is because of too much emotions that I have felt that night.
Sumimsim muna si Mama, bago niya inilagay ang maliit na tsaa sa lamesa. Tumingin ito sa akin nang may pag-aalala.
"I am so worried about you, anak. Ilang beses kong sinabihan ang ama mo na dalhin ka nalang namin sa ospital, pero hindi siya pumayag." Pagpapaliwanag ni Mama sa akin.
I laughed without humor. She didn't answer my question. Iniba niya ang usapan. Bakit ba palagi nalang iniiba ang usapan sa tuwing nangangailangan ako ng importanteng detalye! Bakit parang laro-laro lang ang lahat nang ito sa kanila?! Ako na nga itong na-agrabyado, ako pa itong nalilito sa mga nangyayari!
Mababaliw ata ako sa kakaisip kung hanggang ngayon ay hindi ko malalaman ang rason nila. They should give me a valid and blunt reason, because I have suffered so much! I risked everything! Even the man that I love, I risk it all just because of them! Hinding-hindi ko sila mapapatawad kapag nalaman kong dinamay nila si Fil.
"Just answer my questions, Mama." Malamig kong sabi sa kaniya.
I couldn't help but being mad even more. Hindi man lang nila ako tinanong kung ayos lang ba sa akin na sasama sa kanila. They ruin my life! They ruin my happiness! They ruined us!
Marahas ang pagbuntong hininga ni Mama at inikotan ako ng kaniyang mga mata.
"This is the best place to hide for your father."
"Bakit? Bakit kailangan nating magtago?! Ano ba ang ginawa ninyo? May kasalanan ba kayong ginawa? May kasalanan ba na ginawa si Papa?" Nanlaki ang mga mata ni Mama at napatayo ng wala sa oras.
"Mas mabuting hindi mo nalang malaman ang lahat, Audrey. It is for the better, not you, knowing about everything. May dahilan ang ama mo kung bakit tayo nagtatago ngayon. Puwede ba na manahimik ka nalang at sundin siya? Bakit napakahirap iyon para sa'yo?" Pinanliitan ko ng mga mata si Mama.
This is bullshit! May karapatan akong malaman ang lahat dahil parte ako ng pamilyang ito! May karapatan akong malaman ang lahat dahil anak nila ako.
"Hindi ako puwedeng manahimik na lamang, Ma! I want to know the truth! Hindi man lang kayo naawa sa akin?! I pushed Fil away from me! Sinabihan ko siya ng mga masasakit na salita nang dahil lang sa inyo, tapos gagawin n'yo ito sa akin ngayon?! Itago ang lahat?!" Kahit saang sulok ng pagpapaliwanag niya ay hinding-hindi ko siya maiintindihan.
"Dahil ayokong magsumbong ka sa mga pulis! Ayaw kong magsumbong ka sa anak ng mga Martensen!"
"Bakit ako magsusumbong sa kanila?! May karapat-dapat ba akong isumbong?" she hissed and gritted her teeth. Unti-unting umaahon ang galit ni Mama.
"Iyan ang ayaw ko sa'yo, eh. Ang hina-hina mo! Bakit sa lahat nang lalaking puwede mong mahalin, bakit siya pa?!"
"Wala akong nakikitang mali roon, Ma! Bakit? Ano ba talaga ang ginawa ni Papa?! Bakit galit na galit siya sa mga Martensen?" Nangilid ang aking mga luha nang sabihin ko iyon.
Hinding-hindi ako titigil sa pagtatanong hangga't sa hindi ko malaman ang totoong rason nila. Ang totoong rason ni Papa.
Magsasalita na sana si Mama nang marinig ko ang balita sa isang television. Lumapit ako roon at binasa ang nakalagay. Umawang ang aking bibig at nakaramdam kaagad ng takot nang banggitin nila ang pangalan ng aking ama.
News Report:
"Pinaghahanap ngayon ang nawawalang si Nicholas Keslier San Diego, sa isang pagkakasalang pagnanakaw. San Diego was one of the shareholders of the Martensen Fishing Corporation, in Iloilo. He took almost five hundred million and immediately escaped, together with his comrade. He is a member of an unknown syndicate. He was the one who put poison in the tuna during the process of making it. Nang dahil sa nangyari, itinigil muna ang operasyon sa paggawa at samantalang isinarado ito ng batas. Ang mga ebidensya ay kasalukuyang ini-imbestiga ng mga awtoridad."
Tuluyang nagsilandasan ang aking mga luha sa narinig mula sa isang balita. Unti-unti akong nanghina at hindi kaagad na-proseso ang kanilang mga sinabi. Parang pinunit ang aking puso nang paulit-ulit at nahihirapan akong buuin itong muli.
Why? Why did he do this?!
Nang lingonin ko si Mama ay nakita ko ang pamumutla nito. Kaagad niyang pinatay ang television at hindi makatingin sa akin ng diretso.
"Totoo ba ito, Mama?!" Galit kong pagtatanong sa kaniya.
Bakit hinayaan niya lamang ito na mangyari?! Bakit hindi man lang niya pinigilan si Papa?!
"Ma, sagotin niyo po ako! Totoo ba ang lahat nang ito?!"
"Oo! Totoo lahat nang mga nakita mo!" Dahan-dahan na humikbi si Mama at napaupo sa sahig nang dahil sa panghihina.
"Ba-bakit mo lang hinayaan na mangyari ang lahat nang ito?! Bakit mo hinayaan, Ma?!"
"Mahal na mahal ko ang ama mo, Audrey! Na kahit mali ay sinuportahan ko siya!"
"Kahit alam mong mali?! Kailan ka pa naging tanga sa pagmamahal, Ma?!" I couldn't help but to shout on her. This is too much!
Ang laki ng ginawa nilang kasalanan sa mga Martensen! They have even let the other competitors know some information about their businesses, at hindi lang iyon, sinubukan pa na lagyan ng lason ang mga tuna na ilalabas sana ngayon sa medya! Sobra na ito! Hindi ko na kakayanin pa ang lahat!
"Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ka naman nagmahal!" Kitang-kita ko ang pamumula sa pisngi ni Mama at ang pagsabog ng kaniyang buhok.
Nakapamewang ako habang nag-iisip kung paano ako makakaalis rito. Hindi ko hahayaan na makulong ako rito kasama sila! Kung ang ina ko mismo ay hindi magawa ang itama lahat nang mga pagkakamali ng kaniyang asawa, pwes! Ako ang gagawa ng paraan!
"At sa tingin mo ba ay pagmamahal pa rin 'yang mga ginagawa mo?!"
"Tumahimik ka!"
Para akong natauhan sa lahat nang mga sinabi ko nang maramdaman ko ang mainit na pagkakadampi ng palad ni Papa sa aking kaliwang pisngi.
Napaatras ako sa kaniyang ginawa at naramdaman ko ang dugo na nagmumula sa ibaba ng aking labi. Sumakit ang aking ulo dulot ng tensyon sa pagkakasampal sa akin. Napapikit ako at napahawak ako sa aking ulo.
"Anong ginawa mo, Nicholas?!" Tinulak ni Mama nang mahina si Papa at kaagad akong nilapitan.
Inalalayan niya ako ngunit marahas akong lumayo sa kaniya. Sa kanila. Tumingin ako kay Papa at ang tanging nakikita ko ngayon ay ang galit sa kaniyang mga mata. He had never been like this before. Ni kahit isang beses ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. He never been this violent. Ngayon lang. At naiintindihan ko na ang lahat kung bakit.
He had done something wrong. He had done a horrible thing to the Martensen. Ngayon, ay nagtatago at natatakot na mahuli at makulong.
"Huwag na huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang iyong ina! Sino ka ba sa inaakala mo?! Anak ka lang namin!" Papa's voice scare me to death.
He had never been gentle to me, even before, but he was not like this. Para siyang ibang tao kung umasta.
"Nicholas, please, tumigil ka... don't do this to your own child!" Pagpipigil ni Mama sa kaniya.
Wala na akong lakas para manlaban pa. Masyado akong nasaktan sa lahat nang mga sinabi niya sa akin.
Nakita ko ang sarkastikong pagtawa ni Papa at umiling ito na parang nadidismaya, habang nakikipag-usap ito kay Mama gamit ang kaniyang mga mata.
Umawang ang aking bibig at mas lalong nalito sa mga pangyayari.
"Oh, c'me on Fhelia! We all know! We all know about this!" Lumapit si Mama sa kaniya at nakiki-usap ito habang hawak-hawak niya ang mga paa ni Papa.
"Please, Nicholas! Don't do this! Please! Nagmamakaawa ako sa'yo!"
"A-anong nangyayari? May mga bagay pa ba ako na hindi ko nalalaman?" Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso habang pinagmamasdan ko ang reaksyon ng aking ama.
"Why? You wanna know the truth, Audrey?" Ngumiti ito sa akin ng demonyo.
"Please, Nicholas! Don't!"
Dahan-dahan akong napaatras. Sana ay panaginip nalang ang lahat nang ito. Sana ay nanaginip na lamang ako.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Hindi kita anak!"
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo nang marinig ko ang mga salitang iyon. Pinunit ang aking puso at hinati sa dalawa at hindi ako makahinga ng maayos!
"Stop it, Nicholas!" Mama cried.
"Narinig mo ako, hindi ba?! Hindi kita anak! Hindi ka isang tunay na San Diego! At mas lalong hindi ka nanggaling sa akin. You came into an orphanage. We adopted you because your mother cannot bear me a child!"
"Hi-hindi totoo 'yan," nanghina ako at hinihiling na sana matapos na ang lahat nang ito.
Na hindi totoo ang lahat ng ito! Na gawa-gawa lamang ni Papa ang lahat nang ito!
"You want proof? I will give you the proof!" Nagulat ako nang bigla siyang umalis sa harapan namin at kinuha ang isang kayumangging envelope at marahas itong pinunit sa aking harapan at itinapon ang laman nito sa akin.
"Those are the documents that proves that you are an orphan. May mga litrato na rin kung saan ka talaga nanggaling. You can't blame me if I will treated you harshly now. Mas gugustohin ko pa na maging anak si Chloris, kaysa sa'yo."
Tuluyang nagsilandasan ang aking mga luha. Nanginginig ang aking mga kamay nang pinulot ko ang mga dokumento sa sahig. So, it was true!
It was fucking true that I am an orphan!
Gusto kong manakit nang dahil sa galit! Gusto kong manakit nang dahil sa sakit na sobrang naramdaman ko ngayon!
"Hayop ka!" Lumapit ako sa kaniya at sinubukan ko siyang sugurin nang naunahan niya ako.
He forcefully held my hands and put me upstairs. Marahas niya akong itinapon sa kama.
"Hindi ka makakatakas kahit kailan!" Sigaw niya sa akin bago umalis sa aking harapan at isinarado ang pintuan.
"Buksan mo 'to!" I shouted as loud as I can but he locked the door.
All this time, my life was a lie... I couldn't believe it. I couldn't even reciprocate everything that happened. Kahit pati ang aking ina ay hindi ko magiging kakampi. I don't have someone here to be with me.
I found comfort only in Fil's arms. Only in his embrace. Ngayong wala na siya, parang unti-unti rin akong nawawasak. I tried to open the door as much as I can!
I tried opening it many times! But the door was still lock! Gusto kong puntahan si Fil, gusto kong humingi ng tawad sa kaniya.
I want to go back to him!
Nang maalala kong may inipit nga pala akong cellphone sa gilid ng kama ay kaagad ko itong nilapitan. Binigay ito ni Mama sa akin noong huling kaarawan ko. It is an emergency phone. Nanginginig pa rin ang aking mga kamay habang nagmamadali akong tinype ang numero ni Fil.
I tried calling him but he didn't answer my calls!
"Please, Fil... sagotin mo please..." I whispered it to the wind, hoping that it would bring my words to him.
Hindi niya pa rin sinasagot ang mga tawag ko. I tried calling Chloris and thank God she answered it!
"Chloris... please, help me..." pabulong kong sabi sa telepono habang humihikbi.
I couldn't help but cry!
"Audrey? What happened? Where are you?! Alam mo ba na may naghahanap sa bahay ninyo? The police are looking for your father!"
"Chloris, help me... my father wants to escape. He-he forced me to be with them. Please, please help me. Call Fil, or Leister, call the police, inform them." Hindi ako makapagsalita nang maayos nang dahil sa nanghihina ako.
"What?! Oh my god, Audrey!"
Magsasalita pa sana ako nang bigla itong namatay. The phone was dead because of the batteries.
Shit! Itinapon ko ito sa kama at humikbi. Fil didn't answer my calls, ibig ba na sabihin nito? Hi-hindi na niya ako mahal? Naiintindihan ko kung magagalit siya sa akin nang sobra-sobra. Matatanggap ko naman iyon. I pushed him away, and throw hurtful words towards him. That's an acceptable reason in order for him to hate me.
Lumipas ang dalawang oras nang makarinig ako ng pagputok ng baril sa labas. Umahon ang kaba na aking nararamdaman at kaagad na napatayo.
"Hindi ninyo ako mahuhuli!" Isang sigaw ang muling narinig ko at ang pagputok ng baril ulit.
Napayuko ako. I hugged myself to ease the fears that I have felt.
I am begging... please... please make it stop!
"Stop! Stop it, please! Don't hurt me, please!" Iyon lamang ang lumabas sa aking bibig nang paulit-ulit.
Napatalon ako nang wala sa oras nang marinig ko ang marahas na pagkakabukas ng pintuan ng kwarto.
"Stop it! Don't hurt me!" Fears was rushing through my veins and it makes myself want to disappear.
"Paige!" A gentle voice was came and tried to touch me.
"Don't touch me!" Kaagad akong humiwalay sa kaniya at dumiretso sa kama para hindi niya ako mahawakan.
"Paige, calm down..."
Nang naging pamilyar sa akin ang boses ay inangat ko ang aking paningin.
"Leister..."
I saw him crouching and levelled my state. Punong-puno ang kaniyang mga mata nang pag-aalala at kaagad akong niyakap.
I cried so much...
Ngayong gabi, umiyak ako at hiniling na sana ay mawala nalang...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top