Chapter 24

I feel like I am floating in the air, sumasabay nalang sa pag-ihip ng hangin. I feel like a nobody, surrounded by prestigious people like the parents of Fil. This is the feeling of being surrounded by Martensen's.

Nabalik lang ako sa realidad nang hinawakan ni Fil ang aking kaliwang kamay. Nilingon ko siya at kaagad na nagtama ang aming mga mata. His eyes were full of gentleness and worry, na para bang hindi siya sanay na nakikita akong ganito. Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa akin ni Fil, every minute, he'll look at me and hold my hand tightly. Ang init na nagmumula sa kaniyang mga kamay ay nagpapahinahon sa kinakabahan kong damdamin.

We are now having dinner together with his family and some guests.

"Hija, I am glad that you made it here. I sent your parents an invitation, but they didn't respond to it. I am sad." Panimula ni Ma'am Pearl sa akin habang nakatingin sa akin nang may pag-aalala.

Umawang ang aking bibig at natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya pabalik. My parents seem weird these days. Lalong-lalo na si Papa, noon, sa tuwing umaalis siya ay nagpapaalam siya sa amin, pero ngayon ay hindi na. Ni kahit tawag man lang mula sa amin ay hindi na kami nakakatanggap. He didn't even ask me how my day was or what I was doing in school. Sa tuwing umuuwi naman siya ay abala siya sa kaniyang laptop, at palaging may katawag ito sa telepono.

I actually don't want to gossip, but I am involved with this family. Natatakot lang talaga ako na mangyari ulit iyong mga kutob at hinihinala ni Mama tungkol kay Papa. Besides that, I don't want to ruin my friendship with Chloris, despite everything, kahit ina pa niya ang ex-girlfriend ng ama ko. Labas na kami sa nakaraan nila.

"Mom's not feeling well, po. Atsaka, si Papa naman po ay... busy." Tipid kong sagot sa kaniya nang may isang tipid na ngiti.

I don't want to lie, but my parents give me reasons to lie. Ayoko rin naman na mag-iba ang pagtingin nila sa mga magulang ko nang dahil sa hindi sila pumunta sa kaarawan ni Fil.

Mrs. Martensen looked at me with wry expressions. She's slowly nodding at me. "I understand, hija. Paki-sabi nalang sa Mama mo na magtatampo talaga ako kapag hindi niya ako bibisitahin rito sa bahay." Malumanay na pagkakasabi niya sa akin.

I gave her my warmest smile, and I assured her that I would tell her everything that she had said to me.

Tumango ako sa kaniya at nagpatuloy kami sa aming pagkain.

"You want more?" Napabaling ako kay Fil nang sinubukan niyang lagyan ng pagkain ang aking pinggan.

"Fil, anak, how's your internship?" Pagtatanong ng kaniyang ama habang pinupunasan ng handkerchief ang kaniyang bibig.

The girl in front of me was just silent the whole time. Hindi nawala ang paningin niya sa aming dalawa ni Fil. Tumititig siya sa akin at lilipas ang ilang segundo ay ililipat na naman niya ang kaniyang paningin kay Fil. Nang tinignan ko siya pabalik ay malamig lamang itong nakatitig sa amin na parang ang laki-laki ng problemang ginawa ko sa kaniya.

I am trying my best to ignore her existence. Bahala siya sa buhay niya kung pinapatay na niya ako sa isipan niya. I am holding Fil's hand, so tightly. Doon palang ay panalo na ako kaysa sa kaniya.

"It was smooth sailing, Papa. Everything turns out good." Nakangiting sabi ni Fil sa kaniyang ama.

"Anak, by the way, what's your plan after you graduate? Your father and I have plans to make you the next director of the company. Mas mabuting mag-trabaho ka kaagad pagkatapos mo sa kolehiyo."

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng kaniyang ina at hindi ko mapigilan ang hindi siya lingunin. Nagpapaliwanag ito sa kaniyang anak na para bang sanay na sanay na sila sa mga sitwasyong ito.

I lifted my head to Fil, and I saw him sighed like he knew this would happen very soon. Blangko lamang ang kaniyang ekspresyon at hindi ko man lang ito nakitaan ng kaligayahan. For almost three years of being in a relationship with Fil, he never mentioned me about their company, about this, or about his interests in their business.

"I'll take the exam, and after that, I will have plans on taking another degree soon." Seryosong sabi ni Fil sa kaniyang ina at tumango lamang ito sa naging sagot ng kaniyang anak.

Nakaramdam kaagad ako ng lamig nang dahil sa air-conditioned na nakapalibot sa silid. Everyone is enjoying the party. Hindi pa naman tinatawag si Fil sa stage para sa kaniyang speech, kaya nagkaroon pa ng oras para mag-usap-usap, kasama ang kaniyang mga magulang.

Reian is not around because she's studying law abroad. Iyon ang huling beses na sinabi niya sa amin, bago nag-desisyon na lilipad papuntang States.

"Why? Don't you have plans to take care of our business, anak?" Nahimigan ko ang pagka-dismaya sa boses ng kaniyang ina.

"Nandyan pa naman si Papa, Ma. He can take care of it." Kunot-noo akong napabaling kay Fil.

Ngayon ay nasa pagkain na niya ang buong atensyon niya. He never looked at anyone. Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga ng kaniyang ama.

"Mas mabuti na iyong may alam ka kung paano patakbuhin ang negosyo, Kerb. After all, we didn't start this business for our own fantasies. We are raising this for you and your sister. Ikaw lang naman ang mag-aalaga nito balang-araw."

Napainom ako sa aking wine nang dahil sa tensyon na aking nararamdaman ngayon. Hindi naman siguro sila mag-a-away nang harapan, 'di ba?

"Your father is right, anak. Besides, Cassandra is back and she is willing to help you on how to take care of it."

Hindi ko alam pero parang may gumuhit na patalim sa aking puso nang banggitin iyon ng ina ni Fil. If Fil will take care of their company, Cassandra will help him in any way that she can. That means... palagi silang magsasamang dalawa, palagi silang mag-uusap. What if... it will worse that what I am thinking?

No, just no... don't you ever think that way, Paige! God! Ang sama-sama ng iniisip mo!

"I can take care of it by my own, Mama. I don't need the help of others." Malamig na sagot ni Fil sa kaniyang ina.

"Kaya nga, why are you pursuing another degree when you can get the license of being an accountant."

"I want to love the world of medicine, Mama. I am planning to take a medicine programme once I am done with my reviews for this degree."

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso, lalong-lalo na nang makita ko siyang nakatitig na pala sa akin. Napalunok ako nang wala sa oras. He will take another program? And he will take the medicine degree? Kinabahan ako bigla at pinagpapawisan kahit malakas ang air-conditioned sa loob!

Narinig ko ang sarkastikong pagtawa ng kaniyang ama, bago ito sinagot ang anak. "What for, Kerb? You will be a certified public accountant, soon. Hindi na ba magbabago ang isipan mo, anak? You will waste another years of studying in medicine? Mas sasaya pa ako kung ilalaan mo iyon sa business."

"Tito is right, by..." a soft voice came from a girl who's in front of me.

Hindi ito sinagot ni Fil, at naramdaman ko ang pagkapahiya ni Cassandra sa aming harapan. Para siyang hangin sa aming paligid, nararamdaman, nagsasalita, pero hindi nakikita at pinapansin ng lahat. Especially, Fil.

"I can manage the business while studying Medicine, Papa. Atsaka, nandito rin naman si Reian. I have a trust on her."

"Oh, c'me on, hijo. Alam mo naman na walang interes ang kapatid mo pagdating sa pag-ne-negosyo."

"She doesn't have a choice. She's born to be with this family. So, she will take care of it too." Umawang ang aking bibig nang maramdaman ko ang pagkakahigpit ng pagkakahawak ni Fil sa aking kamay.

Umiling ang kaniyang ama at parang nadismaya ito sa isinagot ng kaniyang anak. Hindi ko alam kung ano ang pina-plano ni Fil, hindi niya kailanman sinabi ang tungkol sa ganito. Hindi niya sinabi sa akin na may balak siyang kukuha ulit ng kurso at sa Medicine pa talaga!

Hinawakan ng kaniyang asawa ang kaniyang kamay at nakita kong huminahon ito.

"Khen, just let him be. Matagal pa naman iyon, pwede pa na magbago ang isipan niya." Mahinahon na pagkakasabi ni Mrs. Pearl Martensen sa kaniyang asawa.

"Hindi na po magbabago ang isipan ko," sabi ni Fil nang punong-puno ng awtoridad sa kaniyang boses.

"Tita, it's okay. It's always been a dream for Kerby's childhood self. I witnessed all the things that he likes, and what courses he will take when he gets into college." Pagpapaliwanag ni Cassandra sa harapan ng mga magulang ni Fil.

Bakit nagsasalita ang isang ito? Eh, hindi naman ito tinatanong!

"Hijo, you are so lucky to have a girl like Cassandra." Mrs. Pearl Martensen said while laughing.

Parang gumuho ang mundo ko nang sabihin niya iyon. Right, she didn't know about us. She didn't even know that the girlfriend of her son was in front of her! Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha. It feels like there's a storm in my heart that I couldn't stop so easily! So aggressive, so cruel! Parang hinati sa dalawa ang aking puso at hindi ako mapakali sa aking kinauupuan ngayon. Unti-unting sumasakit ang lalamunan ko nang dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Mas lalong kumulo ang aking dugo nang marinig ko ang mahinang hagikhik ni Cassandra.

"Ma, I think you're mistaken-" hindi natuloy ni Fil ang kaniyang dapat na sasabihin nang bigla siyang tinawag ng host nang nasa harapan namin.

"Good evening, everyone! I hope you enjoyed the desserts while drinking your wines! I am now inviting the one and only Mr. Kerby Fil Martensen to give us some speeches tonight!"

Kakasimula pa lamang ng party ay para na akong nalulunod. Nalulunod nang dahil sa lungkot. I don't think I belong here. I don't belong here at all.

Tunaw na ang ice cream na nasa aking harapan ngayon, ang salad naman ay hindi ko magalaw.

I smiled at him even though I am breaking inside. Hindi ko pa rin iyon ipinakita kay Fil. I don't want to ruin his night.

Nag-aalala siyang tumingin sa akin at hindi man lang nagdalawang-isip kung tatayo ba siya at pupunta sa stage o hindi na.

"Go on, Fil. I will be fine here, I promise." My voice was cracking but I managed to deliver it to him straightly. Ayokong mag-alala siya.

"You sure? I will be back again right away." He whispered to my ears and kissed the back of my hair before he stood up and went to the stage.

Nagsilakpakan ang mga tao habang nakatuon lamang ang buong atensyon kay Fil. His parents didn't even see the kiss that Fil gave me because they were busy with their other guests when some of them got into our table to gossip about something.

Maliban kay Cassandra, oo, kay Cassandra. Napasinghap siya nang makita iyon nang mismong mga mata niya.

Ayoko sanang mag-isip ng masama, pero, I am glad that she saw it with her own eyes...

Nabaling lang ang aking atensyon nang biglang magsalita si Fil sa aming harapan.

I watched him stand proudly in front of us, both his hands in his pockets. I didn't see him stumble or feel nervous while standing on the stage. Parang sanay na sanay na siya sa mga ganitong bagay at hindi na ito bago para sa kaniya.

"Good evening, everyone! Thank you for coming to this important event in my life. I told my parents that I was fine with just a simple dinner, but they have asked me to make a party instead." Nagsitawanan ang ibang mga tao nang dahil sa kaniyang mga sinabi.

He smirked like he's proud of it.

"My father wants me to take care of the business. Since Reian is not really into these things, I have realised that I really need to take these steps seriously. However, as much as I want to take over his position someday, I am also planning to make my own way." Natahimik ang paligid at ang buong atensyon ng lahat ay nasa kaniya.

Umawang ang aking bibig at kinakabahan ako sa puwede niyang sasabihin ngayon. Why are you doing this, Fil? Gusto mo ba na magalit ang mga magulang mo sa'yo?

"My parents and I talked about it earlier. I am going to pursue another degree after this. If I can't make it, I will not shoulder that position and leave everything behind." Napasinghap ang mga tao sa aming paligid at hindi man lang siya natinag sa mga ito.

"Kerby!" Napalingon ako sa kaniyang ama na ngayon ay galit na galit.

Pati sila Rios at Aleb ay nagulat sa sinabi ni Fil sa aming harapan. Tahimik lamang si Leister na nakikinig sa kanilang table.

Parang bumagal ang pag-ikot ng oras at unti-unting nanlalabo ang aking mga mata. Lalong-lalo na nang makita ko ang kaniyang ama na nagpupuyos sa galit.

"That's final. That is my plan and decision. I am not doing this for myself; I am doing this for my future. My girlfriend inspires me to take this degree. I have watched her struggle a lot just because of this, but she loves it, and I am also learning to love it."

He will take the Medicine course just because of me. Because he is learning to love my degree? Dahil nakikita niya akong nahihirapan? Hindi ko siya maintindihan! Why he wants to take Medicine, after his degree right now? At kung itutuloy niya iyon, at kung hindi siya papayagan ay hindi niya pahihintulutan ang sarili na mamamahala sa sarili nilang negosyo.

Then, what would be the future of Martensen's Fishing Corporation? Is he going to give it to his cousin? His father is the chief executive officer of their company, matanda na ang kanilang ama at nangangailangan na ito nang mag-aalaga.

Hindi mapakali sa kinauupuan ang ama ni Fil at napahilot ito sa kaniyang sentido. Ibinaling kong muli ang aking paningin kay Fil at nakita kong nakatitig na rin siya sa akin ngayon.

No, Fil! You shouldn't do this! You should have take care of your business, after you graduated!

Nang hindi ko na makayanan ang bigat na aking nararamdaman ay tumayo ako at umalis. I went to the comfort room. Doon ko ibinuhos ang isang malakas na buntong hininga. I watched myself in the mirror, and I traced the lines of my eyes that showed fears. Napatigil ako sa aking ginagawa nang biglang may pumasok.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si Cassandra. She looks at me with anger in her eyes.

"What? Did you poison Kerby's mind?" Nagulat ako sa biglaang pag-atake niya sa akin.

Napatuwid ako sa aking pagkakatayo at kahit nanghihina ay hinarap ko siya nang may tapang.

"It's his plans, not mine."

"Shut up! Alam mo naman na siya ang mamamahala nang kompanya nila! Kaya, bakit mo lang hinahayaan na mangyari ito?" Kumulo ang dugo ko sa kaniyang mga sinabi.

Ano ba ang karapatan nang babaeng ito at hinahayaan ko lang ang sarili na sigaw-sigawan?

"Hindi ko siya hinahayaan. If that's what he wants, I can't change his mind."

Pagod ako para makipag-away pa sa kaniya nang dahil sa ganitong bagay. I cannot even process what's happening right now. Gulong-gulo ang isipan ko.

Marahas niyang hinila ang aking braso at napatigil ako sa aking paglalakad.

"Ano ba, Cassandra?!"

I saw tears in his eyes when I looked at her.

"You don't know anything about his family. You don't know anything about his grandfather. Don't let this happen! He is bound to take care of their business."

"Bakit? Mas ipinipahiwatig mo ba sa akin na mas kilala mo siya, kaysa sa akin?"

"Yes! I grew up together with him! I know his plans, I know his family's tragedy! Kaya, hindi ko hahayaan na mangyari ang gusto niya! I am not selfish just like you, Miss."

Kumunot ang aking noo sa kaniyang mga sinabi. What the hell is she talking about?!

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Marahas siyang bumuntong hininga at iniwas kaagad ang paningin sa akin.

"Why would you care? Ask your boyfriend. Kung ako ang nasa posisyon mo, hinding-hindi ko siya hahayaan na mangyari ito. It scares me every time I heard about Kerby's not going to take care of this business. Pinaghirapan ito nang kaniyang mga magulang."

My mind was in chaos. Kahit anong pag-po-proseso ko sa ibig niyang iparating sa akin ay hindi ko pa rin makuha. Bakit? Bakit ayaw nilang kumuha si Fil nang ibang kurso? Is it really a big deal to them?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top