Chapter 23
"Nagkasagutan raw kayo kagabi ng ama mo. Am I right, Audrey?"
Iyon ang unang pambungad ni Mama sa akin pagkaupo ko sa lamesa ng dining area. Kaming dalawa lang ang kumakain ngayon ng pang-umagahan dahil maagang umalis si Papa. Hindi na ako nagtanong kung saan siya pupunta. I am still disappointed about what he just said. Hindi ko ata iyon matatanggap nang basta-basta lang.
Ang mga tingin ni Mama ay nanatili pa rin sa akin, naghihintay ng aking magiging sagot.
"He said something that upset me, Ma." Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya dahil alam kong hinuhusgahan niya ako gamit ang mga matang iyan.
She loves my father so much that even if it were my father's fault, she would still protect him rather than me.
"Like what?"
"Gusto niyang hiwalayan ko si Fil." Napasinghap siya sa aking mga sinabi at napatigil sa kaniyang ginagawa.
Right, she didn't know about our relationship. She didn't know about the things I did. Ano ba ang pakialam nila sa akin?
"You have a relationship with Pearl's eldest children? Kailan pa 'yan? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang lahat ng ito?" Nahimigan ko ang galit sa boses ni Mama.
Tinignan ko siyang muli at kumunot ang kaniyang noo nang dahil sa galit na nararamdaman niya ngayon. She's holding the spoon angrily.
"I don't want you all to think that I am in a relationship with him just because I need him. Kasi, hindi ko kayang mabuhay ng mag-isa, kasi wala akong alam pagdating sa negosyo. Ayokong isipin ninyo na nakikipag-relasyon ako sa kaniya nang dahil sa takot akong maging mahi-" she stop me mid-step with my sentence.
"That's ridiculous excuse, Audrey! You should have said that to us! Kaya ka pinapagalitan nang dahil sa paglilihim mo, eh."
Ridiculous?
I laugh without humor. Hindi ba katanggap-tanggap ang rason ko kung ganoon?
"Kailan pa 'yan?" pahabol niyang pagtatanong sa akin.
Bumuntong hininga ako habang nakatingin lamang sa pagkain na nasa aking harapan ngayon. I lost my appetite.
"Matagal na." Iyon lamang ang nasabi ko sa kaniya.
I want to keep some things that only Fil and I knows. Sapat na iyong malaman nila na may relasyon kaming dalawa ni Fil. Pagod na rin akong ilihim ang lahat nang tungkol sa aming dalawa, when I should have said it to them, a long time ago. Bakit ko pa kasi pinatagal, malalaman din naman pala nila ang lahat sa ganitong sitwasyon pa.
"Gaano ka-tagal?" mabilis pa sa alas-cuatro kung magtanong ulit si Mama.
"Three years na," ulit kong sagot.
Mama cursed silently and looked at me like I'm such a big problem.
"Alam na ba ito ng mga magulang ni Kerby?"
Umiling ako sa kaniya at pinagmasdan lamang niya ako.
"You should still trust your father, Audrey. He knows what's best for you."
Kumunot ang aking noo at kumulo ang aking dugo sa mga sinabi ni Mama sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Na hahayaan ko lamang na pagsalitaan ako nang ganoon ni Papa? Na susundin ko siya at hihiwalayan ko si Fil?
"What do you mean, Ma? Na hihiwalayan ko si Fil?"
"We can't tell his plans, anak. You know, you can't just trust the Martensen so easily."
"No, Ma! This is bullshit!"
"Hey, watch your words, Audrey!" Mama pointed her hands to me.
Tumulo ang aking mga luha at hindi makapaniwalang pati siya ay papanig sa gusto ni Papa.
"Ano ang gusto mong sabihin ko? Na ayos lang na makipag-relasyon ka kahit labag sa kalooban ng ama mo?"
"Ma, I overthink too much! Wala akong nakikitang mali sa pakikipag-relasyon sa kaniya. Mahal ko si Fil. Hi-hindi ko siya kayang hiwalayan."
Tears fell down my cheeks like river. Naninikip ang aking dibdib at unti-unting sumasakit. I just can't handle the pain. It is too much!
"It is for the best of you, hija."
Kaagad akong umiling sa kaniya at tumayo.
"Kailan pa naging mabuti sa akin ang gusto ninyong mangyari? Yes, maybe it is the best for you, but not for me."
Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay kaagad akong umalis ng dining area. Nagkulong ulit ako sa aking kwarto buong araw. Nagsinungaling lang ako kay Fil na marami akong ginagawa at masyado akong busy para kausapin siya. He still understands my shallow reasons. He would still understand me, despite the unexplainable reasons.
Lumipas ang ilang linggo at ganoo pa rin ang nangyayari sa loob ng bahay. Pinipilit ko nalang ang sarili ko na maging matatag. Iniiwasan ko sila sa bahay at sumasagot lamang ako sa tuwing tinatanong nila ako, pagkatapos ay tatalikod at papasok sa kwarto.
Umihip ang panghapun na hangin at umalon ang aking mahabang buhok sa likuran. Kaarawan ngayon ni Fil. He's turning twenty-two today. Napangiti ako habang malapit ko nang matapos ang ginagawa kong cardigan for him.
I sew it for almost two weeks at matatapos na ito ngayon. Wala akong ibang maisip na ma-ibigay sa kaniya. He had almost everything. He can even own the world, kaya kung bibili ako sa labas ng gamit, that wouldn't be an effort for me. Gusto ko, ako 'yung gagawa, gusto kong pinaghihirapan ko ang lahat.
He invited me to his birthday party. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. It is my first time attending a huge party, party pa talaga ng boyfriend ko. Hindi na dapat ako pupunta pero magtatampo sa akin si Fil kung hindi ako tutuloy. He said he will pick me up by 6:30 in the evening.
Nalagay ko na sa isang itim na box ang aking ginawang cardigan at sinamahan ko na rin ng mga stickers na ang laman ay ang mga litrato namin. I even made a sticker of a picture of pasta, dahil iyon ang paborito niya.
Napangiti na lamang ako sa aking isipan at kaagad na naghanda ng susuotin. Hindi ko alam kung ano ang mas maganda sa akin. Sinabi niya lang na I should wear something formal. Halos nasubukan ko na lahat nang mga dresses ko at wala akong mapili ni kahit isa!
I've already did my make up and curled my hair, pero pagdating sa damit ay hindi pa ako nakakapaghanda.
I picked five dresses and decided what I should wear tonight. Sinubukan kong muli ang isang itim na dress. I looked in the mirror. I am wearing a cocktail black dress with silver glitter in the middle. Sleeveless ito at kitang-kita ang aking maliit na braso. I paired it with white pointed stilettos.
Dinala ko ang aking Chanel na wallet at dumiretso sa labas ng bahay. Napabuntong hininga ako ng maayos nang makita kong walang tao sa loob ng bahay. Maybe my parents are invited to the party, pero, hindi naman nila iyon nabanggit sa akin.
Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko si Fil na nakasandal sa kaniyang mamahaling sasakyan. A young, 6-foot-tall Kerby Fil Martensen was leaning beside his black Rolls-Royce boat tail car. He is wearing a grey polo shirt that is folded perfectly into his forearms. Kumikinang sa dilim ang kaniyang mamahaling relo. He brushes his clean haircut and looks at me with desire in his eyes. Mapupungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.
God! I feel so small beside him!
Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya ay sinalubong kaagad niya ako ng isang mahigpit na yakap at hinalikan ako ng matagal sa aking labi.
A torrid, passionate kiss. He caressed my back and held it gently. Tumigil lamang kami nang nahihirapan na kaming huminga.
He was still looking at me like I was the only person in his life. He licked his lower lip at mas lalong pumula ang kaniyang mga labi. Mas na-te-tempt ako na halikan siyang muli.
What the hell, Paige?!
"That was the longest kiss I've ever had," he said in a husky voice that almost made me faint.
"Tumigil ka nga," sabi ko sa kaniya sabay irap.
He chuckled and opened the passenger's door for me. Kaagad akong pumasok doon at naghuhumarentado pa rin ang aking damdamin nang dahil sa aming ginawa kanina.
Sana naman ay walang nakakita sa paghahalikan naming dalawa. Nadala rin ako sa aking emosyon.
Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng sasakyan ay nailipat niya ang kaniyang paningin sa aking dala-dalang box na may red na ribbon na nakapaligid.
"Is that for me, baby?" Pagtatanong niya.
"Yes, but you can open this later." Sabi ko sa kaniya at nakita ko ang ngiting multo sa kaniyang mga labi.
"I can open that, now." Kukunin na sana niya sa aking binti nang tinapik ko ang kaniyang mga kamay.
"Fil, no. Mamaya mo na ito bubuksan. You can open this after the party, promise me." Pagbabanta ko sa kaniya.
He smirked at me and groaned. "Fine, baby, if that's what you want." He kissed me again on my left cheeks and started the engine.
Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay hindi ko mapigilan ang hindi siya pagmasdan. His attention was all on the road. Kung hindi ko siya kilala nang lubusan, mag-iisip talaga ako na masungit siya at strikto. He looks dark and ruthless when it comes to others, but when it comes to me, ibang-iba siya.
He hold the steering wheel so tightly with his hands. The veins of his arms and hands were very evident. Nagulat ako nang kinuha niya ang aking kaliwang kamay at ipinagsalikop ito gamit ang kanang kamay niya.
He kissed it and looked at me. I saw desire burning inside of me. Ang lumiliyab na pagmamahal ay unti-unting pumapaso sa akin. Hindi ko kakayanin ang gustong mangyari ng mga magulang ko.
I can't unlove him, and I can't break up with him.
Nang tuluyan na kaming nakarating sa kanilang mansion ay unti-unting bumabalik ang kaba na aking nararamdaman kanina. Malakas akong bumuntong hininga at ipinalibot ang buong paningin sa labas. The water from the fountain was flowing peacefully. Ang mga iba't-ibang sasakyan ay nakaparada sa parking lot ng mansion. Ang ibang mga body guards ay nagmamasid habang may nakalagay na itim na monitor headset sa kanilang mga tenga. They are even wearing a business suit attire!
Mas lalo akong kinabahan nang makakita ako ng mga bisita nila Fil, they are also wearing an expensive outfit! Pinagbuksan pa ito ng kanilang mga drivers.
Nabalik lang ako sa realidad nang magsalita si Fil sa aking tabi. He lookef at me with a wry eyes.
"Hey, don't worry, okay? I'm always by your side. Trust me." Sabi niya sa akin bago ako hinalikan sa aking noo. Napapikit ako nang dahil sa ginawa niya.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at kaagad niyang hinapit ang aking bewang. He smiled at me sincerely. Naglakad kami papasok sa loob ng kanilang mansion nang bigla siyang bumulong sa akin.
"Ang ganda mo, sobra..."
Nagsitayuan ang aking balahibo sa katawan at hinampas ko siya ng mahina sa kaniyang matipunong braso.
Kinakabahan na nga ako, nagagawa pa niyang magbiro!
Nang makapasok na kami sa loob ay kaagad kaming sinalubong ng mga kakilala ni Fil, ang iba naman ay kakilala ng kaniyang mga magulang.
There is a big red carpet in the middle, and on both sides are the tables and chairs. Sa gitna rin ay may maliit na stage at sa gilid ay may malaking projector. The waitresses were serving wines to the people around here. Halos lahat nang mga nandito ay nakasuot nang mga mamahaling mga damit.
"Happy birthday, my man!" Lumapit sa amin ang pinsan ni Fil na si Lukarius Enzo Martensen.
Magkasing-tangkad lang silang dalawa at nagmumukha akong maliit sa tabi nila.
Tinapik ni Rios ang kaniyang kaliwang balikat at nginitian lamang ito ni Fil habang nakahawak pa rin ang kaliwang kamay sa aking bewang.
"Oh, you're here, Audrey! Nice to meet you." He said and immediately kissed me on my left cheek.
Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero kaagad rin naman akong nakabawi. Tinignan siya ng malamig ni Fil kaagad na umatras na parang natatakot.
"Oh, sorry. Ngayon ko lang nalaman na girlfriend mo na pala itong si Audrey. Congrats, my man!" Natatawang sabi pa nito sa amin.
Napapailing na lamang ako at hindi mapigilan ang hindi mapangiti. They are so very opposite! Palangiti itong si Rios at si Fil naman ay strikto kung tumingin.
"Shut up. Bumalik ka na nga sa table ninyo," iritadong sabi ni Fil sa kaniya.
Pinigilan ko si Fil na magsungit sa kaniyang pinsan at marahas na lamang siyang bumuntong hininga.
"Chill, dude." He laughed before saying goodbye to us and going back to his table.
Pinagtitinginan kami ng mga ibang bisita nila at gusto ko nalang na ipagdasal na sana ay lamunin na lamang ako ng lupa!
"Let's go, I'll introduce you to my parents as my girlfriend."
Nanlaki ang aking mga mata at mas lalong tumibok ng napakalakas ang aking puso nang dahil sa kaniyang sinabi.
Pipigilan ko na sana siya nang biglang dumating ang kaniyang mga magulang... at isang babae.
They are laughing together. Mrs. Pearl Martensen looks like a first lady in her all-white, expensive dress with her French twist hair. Ang mapupula nitong labi ay nagsisilbing atraksyon sa kaniyang sarili. Her high cheek bone, down to her pointed nose and arched lips. No wonder her husband was still head over heels for her. Maganda siya, kahit may edad na. While her husband, Mr. Khomael Martensen, was screaming power and authority. Kung tatanda si Fil, paniguradong magiging katulad siya ng kaniyang ama.
"My son!" Lumapit ang ina ni Fil sa kaniya at hinalikan ito sa pisngi.
"Happy birthday, anak." She said in a sweet tone and look at him. Nang mapansin nila ako ay ganoon rin ang kaniyang ginawa.
They greeted me and talk to me.
"Hijo, hindi ko pala nasabi sa'yo pero nandito si Cassandra. She's here to greet you on your birthday." Pagpapaliwanag ni Mrs. Martensen at kumunot ang aking noo at napabaling sa babaeng kasama nila.
Umawang ang aking bibig nang makita ko siya. Biglang nanikip ang aking dibdib nang maalala ko ang mga sinabi ni Reian sa akin.
A young, beautiful woman, wearing a silk-fitted maroon dress with jet-straight long black hair, was walking in our direction. Nang tuluyan itong makalapit sa amin ay mas lalo kong pinagmasdan ang kaniyang pagmumukha.
She has these almond eyes, high cheek bones, and captivating lips. Kung hindi ko lang siya kilala... paniguradong mamamangha ako sa kagandahan niya.
She looks like a goddess to me, in a modern way.
She kissed the cheeks of Fil and smiled sweetly to him.
"It's nice to see you again, by."
Kumulo ang aking dugo sa tinawag niya sa aking boyfriend. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Fil sa aking bewang at mas lalo akong pinalapit sa kaniyang tabi.
His reactions didn't changed at all. Malamig lamang itong tumingin kay Cassandra na para bang walang epekto sa kaniya ang halik na iginawad sa kaniyang pisngi.
"Let's go?" Natigilan lamang kami nang tinawag kami ng ina ni Fil para makaupo sa kanilang table.
Hindi pa ako nakakalahati sa gabing ito pero nasasaktan na ako. Tama ang desisyon ko kanina, sana ay hindi nalang ako tumuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top