Chapter 21

I prepared some things for Fil. Today's their final game in basketball, and I want to cheer for him and support him. Masaya akong naglalagay ng mga bottled water sa isang bag at naglagay rin ako ng tatlo sa isang tote bag. Inilagay ko rin doon ang dalawang gatorade at nagdala rin ako ng mga towels for him.

This is actually my first time doing this, supporting and cheering someone while on game. This is actually my first time doing this—supporting and cheering someone on while on the field. Aside from his busy schedules, Fil was still making time for his sports. Hindi ko nga alam kung paano niya napagka-kasya ang lahat ng iyon sa mga oras niya. He is both active in sports, in his academics, and even in some of his activities.

Napag-isipan ko rin na ipagluto siya ng magiging lunch namin. I made some omelet, salad and his favorite, pasta. Maaga akong gumising dahil ayokong magtaka sila Mama at Papa tungkol rito. Napawi ang aking ngiti nang maalala ko ang mga sinabi ni Fil sa akin.

Matagal na niyang gustong ipaalam sa mga magulang namin ang tungkol sa aming relasyon, pero, ako itong tumututol. I don't know, I just... not yet ready. Sa tuwing naiiisip ko iyon ay unti-unting bumabalik ang mga sinabi ni Papa sa akin. His words were hurting me like daggers, trying to cut every part and every corner of my heart. Masyadong mahapdi sa damdamin at ayokong maulit iyon. Kaya, natatakot akong ipaalam sa kanila. Ayokong isipin nila na nakikipag-relasyon ako kay Fil, dahil sa pera. Dahil ayokong maghirap sa buhay.

I don't want them to think that way...

Bumuntong hininga na lamang ako at inayos ang mga gamit na dadalhin ko sa court. May dalawang oras pa naman akong bakante, bago magsimula ang unang subject namin para sa araw na ito.

Kaagad akong nagpahatid sa aming driver. I am wearing a long-sleeve business blazer with a plain skirt that has a slit on the right side. I paired it with a white croptop. Hinayaan kong umalon ang aking buhok sa aking likuran. I only have light make ups. I didn't put a heavy make up, dahil hindi naman contest ang pupuntahan ko.

Nang makarating na ako ng school ay dumiretso kaagad ako sa may court. Marami ng mga studyanteng naglalakad at pumapasok sa loob ng skwelahan, lalong-lalo na sa court ng aming school.

Kahapon ay naabutan ko pa ang mga ssg officers na nag-aayos ng mga chairs at ang iba naman ay gumagawa ng mga kani-kanilang mga banners para sa araw na ito. The game was BSA vs BSBA. Ang sabi ng mga ka-klase ko sa akin ay mahirap daw talunin ang mga players sa department ng mga BSBA dahil halos lahat ng mga nandoon ay tanyag na mga basketball players. Well, I don't have doubts to my Fil. Alam ko rin naman na kaya niya.

Naghanap kaagad ako ng magiging upuan na malapit lamang sa direksyon nila Fil. I even saw his members who were already do some exercise before proceeding to the game.

"Excuse me," sabi ko sa mga babaeng nagtitilian nang biglang magsalita ang kanilang coach at mukhang pinapahiwatig nito na kailangan na nilang maghanda.

Kung sino ang mananalo sa larong ito ay siyang ipanlalaban sa magiging kalaban ng school. I bet it was the Soccotech School. I didn't know much about that school, but I've heard that there are some students who graduated as criminology students who became topnotchers.

Tahanan ng mga magiging pulis ang skwelahan na iyan.

Nang makahanap na ako ng aking mauupuan ay tumuwid ako sa aking pagkaka-upo at pinagmasdan lamang sila na gumagawa na ng warm-up. Sa kabilang side naman ng court ay nandoon rin ang magiging kalaban nila na department.

I saw Fil, roaming his eyes to the benches of the court. Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Hinahanap niya ako. While stretching his firm arms, his eyes darted and fixated only by me. Kahit na medyo hindi ako makita dahil sa mga balloons at mga banners na nakapalibot sa akin ay nagtama pa rin ang aming mga mata. Nasa third row ako nakaupo ngayon, hindi nga lang medyo makita dahil sa mga naglalakihang mga banners.

He smiled at me with a smirked. Alam na alam talaga ng lalaking ito kung paano ako kunin, eh.

"Audrey!"

Nabalik lang ako realidad nang biglang may tumawag sa aking gilid. Paglingon ko ay nakita ko si Chloris with her... costume attire?!

Kumunot ang aking noo at hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon sa aking harapan. Bakit nakapang-costume siya?

Gulat akong humarap sa kaniya habang itinuon ang buong atensyon sa suot-suot niya ngayon. "Chloris, what are you wearing?" awang ang aking bibig.

She flipped her hair before answering me. Gustong-gusto kong matawa sa nakikita ko ngayon. She is wearing a panda mascot.

"I am just preparing myself, Audrey. Alam mo na, maglalaro rin ngayon ang Psychology department, kaya naghahanda ako para kay Leister Dew Martensen!" Nang dahil sa malakas ang boses ni Chloris ay inilibot ko ang aking paningin sa aking paligid.

Everyone is watching over us! Ang iba naman ay masama ang tingin na ibinibigay sa amin.

Kaagad ko siyang hinila para makaupo na rin. Tinignan ko rin ng masama pabalik ang mga babaeng tumingin sa aming direksyon. I threw dagger looks at them when I saw them insulting my best friend's outfit. Palibhasa, sa mga babaeng iyon ay may gusto kay Leister. Ang iba naman ay may gusto sa boyfriend ko!

May nakita nga ako kanina na grupo ng mga babae, tapos nakasuot pa sila ng kulay dilaw na damit na may nakalagay na mukha ng boyfriend ko! What the hell! Ang iba naman ay may mga headbands na may nakalagay na mukha ng boyfriend ko rin bilang disenyo.

They are craving my boyfriend's attention, but my boyfriend's craving is my existence. Walang pakialam si Fil sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.

If they want to have a boyfriend like Fil, they should get their own Kerby Fil Martensen, kasi hindi ko talaga siya ibibigay.

Nang magsimula na ang laro ay mas lalong uminit ang court. Iba't-ibang boses ang mga naririnig kong naghihiyawan. Isama mo pa itong si Chloris na nasa aking tabi na sumisigaw rin. May banner rin siyang dala at iwiginayway niya ito sa ere.

"Three points for Mr. Martensen!" sabi ng nagbabantay rin sa laro.

Umawang ang aking bibig nang walang kahirap-hirap na naglaro si Fil ng basketball. Malaki na ang naging puntos nila kumpara sa kanilang kalaban.

"Go, BSA!" sigaw ni Chloris at siniko naman niya ako.

"Audrey, you should cheer for your boyfriend! Huwag ka ngang magpapatalo sa mga babaeng 'yun! Tignan mo sila, kung makasigaw parang pagmamay-ari nila ang boyfriend mo." Natigilan ako sa mga sinabi ni Chloris at napailing na lamang ako.

"Hayaan mo na, Chloris. Hindi na ako maririnig ni Fil nang dahil sa mga boses na nakapalibot rito."

I cheered him silently. I am not one of those girls na halos mawalan na ng hininga nang dahil sa kakasigaw. He knows me. He just want my presence here and I will give it to him, wholeheartedly. Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang naglalaro. Sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon na lumingon ay lilingon siya sa aking direksyon.

Ang ibang mga babae naman ay kinikilig at tumitili, akala nila sila ang tinitignan ni Fil. Well, keep assuming girls, I won't stop you from fantasizing my boyfriend. Dahil alam kong hanggang doon lang ang kaya ninyong gawin.

Natigilan ako ng biglang tumili ang ibang mga babae. Ang mga tao rin sa first row ay nagulat at sumigaw sa nangyari. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si Fil na nakahandusay sa sahig ng court at namimilipit nang dahil sa sakit.

Umahon ang kaba na aking nararamdaman ngayon at kaagad akong umalis sa aking kinauupuan at tumakbo papuntang court. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras at nahirapan akong bumaba papunta sa direksyon ni Fil.

"Excuse me!" Iritado kong sabi sa isang babaeng nakiki-chismis kung ano ang nangyayari. Muntik ko pa siyang matulak dahil ayaw niyang makinig sa akin.

Nang tuluyan na akong makababa ay dumiretso kaagad ako sa direksyon ni Fil. Nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata habang namimilipit nang dahil sa sakit.

Niyakap ko siya kaagad at doon lamang siya napadilat habang nakakunot pa rin ang kaniyang noo.

"Paige..."

Lumingon ako sa aking paligid at humingi ng tulong.

"Medics! I need medics here!" sabi ng coach nila Fil at kaagad nila kaming nilapitan.

"Please po, tulungan ninyo po ang boyfriend ko!" Naiiyak kong sabi sa kanila at kaagad naman nilang inilalayan si Fil na makatayo.

Nilingon ako ni Fil kahit na nakapikit pa rin ang mga mata nang dahil sa sakit.

"I'm fine, Paige... don't worry about me-" pinigilan ko siyang magsalita ng tuluyan.

"No! You're not fine!"

Nakita ko ang lalaking tumulak kay Fil kanina. I was just observing the game earlier and I saw him hitting secretly my boyfriend! Hinayaan ko lamang iyon dahil akala ko ay aksidente lamang ang lahat ng iyon, pero nang makita ko kanina na sinadya niyang itulak ng napakalakas si Fil ay hindi na kinaya ng dugo ko!

Umusok ang galit ko nang makita ko ang lalaking iyon sa kabilang side ng court. Nakita ko pa siyang nakikipagtawanan sa mga kasamahan niya habang nakatingin sa boyfriend kong inilalayan.

Nagkagulo ang mga kasamahan niya nang bigla ko siyang sinuntok ng napakalakas!

That's what you get, you bastard!

Dumugo kaagad ang ilong niya at napatakip naman siya gamit ang kaliwang kamay.

Gulat na gulat siya sa aking ginawa at hindi makapaniwala. Hawak-hawak niya ang kaniyang pisngi at matalim akong tinignan pabalik.

"That's what you get, you bastard! Sa susunod na gawin mo 'yun sa boyfriend ko, hindi lang iyan ang aabotin mo sa'kin!"

I shouted with all my strength and courage. Natahimik ang paligid at susugurin na sana niya ako ngunit may humarang sa aking harapan.

I saw Leister defending me!

"Pre, tama na." sabi ng kaniyang kasamahan ngunit hindi ito nagpaawat.

"Sino ka ba sa inaakala mo?! Bakit? Magaling ba 'yang boyfriend mo?!" Sigaw niya sa akin gamit ang isang galit na boses.

Dinala na nila si Fil sa clinic at panay ang tawag niya sa akin ngunit hindi ako nakinig sa kaniya.

Lumapit rin si Chloris sa aming direksyon at napahawak sa aking kaliwang braso.

"Oh my god! What happened here?!"

"Stop it, Mr. Yuan." Pagbabanta ni Leister sa kaniya.

"Porke't mga dugong Martensen, ang yayabang na!"

Napaigtas ang isang Leister Dew Martensen sa huling sinabi ng lalaki, kaya sinugod ni Leister ito at tinulak nang napakalakas!

Nataranta ako sa ginawa niya. I never see him being mad like this! Nakakatakot!

"Tang-ina ka pala, eh! Bakit? Sa tingin mo ba hindi ko nakita ang mga ginawa mo sa pinsan ko?!"

"Tama na!" sabi ng isang player at inawat silang dalawa.

"Leister..." Pagtawag ni Chloris kay Leister gamit ang isang banayad na boses.

Nilingon niya ito at tinignan ng malamig at kaagad na ibinalik ang atensyon sa lalaking sinuntok ko kanina.

"Tama na pre, malalagot tayo..." Bulong ng kasamahan niya at hindi na lamang ito umimik.

"Bakit? Sino ka ba sa inaakala mo?! Don't fucking close your line to us." Malamig at may banta sa pananalita ni Leister sa kaniya.

"Martensen 'yan," binalaan ito ng isa pa niyang kasamahan.

"Leister, tama na." Pag-aawat ko sa kaniya dahil wala rin namang patutunguhan ang lahat ng ito eh. Mas lalo lamang lalala ang sitwasyon kung papatulan pa niya ito.

"Huwag kang gagawa ng ikasisira ng buhay mo. Gago." ani Leister, bago umalis sa aming harapan.

Hindi ko na ulit nilingon ang lalaki at kaagad kong hinablot ang kamay ni Chloris at dumiretso sa clinic na pinagdalhan kay Fil.

Nakakatakot makitang magalit ang isang katulad ni Leister. I never see him like that, ngayon pa lang. Nagpaalam sa akin si Chloris na susundan niya muna si Leister para kausapin ito. Tango lamang ang iginanti kong sagot at dumiretso sa clinic para matignan ko si Fil.

Those bastard Yuan, he deserves the punch of mine. Kulang pa iyon sa ginawa niya sa boyfriend ko! If I was that tall enough like the other girls, baka ay napatumba na iyon nang dahil sa ginawa ko.

No one can hurt my boyfriend...

No one...














Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top