Chapter 20
I immediately went outside the house and open the gates for him. Naghuhuramentado ang aking puso nang dahil sa nararamdaman. Lalong-lalo na nang biglang bumagal ang bawat pag-usad ng oras. Bawat hakbang ko ay nagsusumigaw ng pangungulila at pag-iingat. Nang makarating ako sa kaniyang direksyon ay tumuwid siya sa kaniyang pagkakatayo at sinalubong ako ng isang mainit na yakap.
I embraced myself and welcomed him wholeheartedly. My heart suddenly feels the connection between mine and his. Ang init niyang mga yakap ay nagbibigay komportable sa aking puso. I never knew that a hug could comfort a person. I never knew that a hug could fix a person in any way.
He held my waist with his right hand and captured it like I'm such a treasure to him that he's afraid to lose. He kissed my forehead and gave me the white tulips he's always giving me every time we meet.
Napapikit ako sa kaniyang ginawa at napahawak na lamang sa kaniyang magkabilang balikat. The cold was very evident in his leather jacket. Siguro ay nagmamadali itong pumunta sa akin nang dahil sa pag-aalala.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? I've been calling you many times, baby." He said with full of concern in his voice. His brows form a straight line, like he's observing my reactions.
Alam mo talaga kung paano ako hulihin, Fil.
"Sorry, iniwan ko kasi ang phone ko sa kwarto. Hindi ko pala na-charge." Pagsisinungaling ko sa kaniya.
Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang totoo. Nakakahiyang sabihin na nag-away kami ni Papa nang dahil lang sa mga ginagawa niyang mali. I am just trying to protect this family. I am just concern for him. I am concern also with the Martensen, lalong-lalo na dahil boyfriend ko si Fil. He is the eldest son of the Martensen, kaya, kung patuloy ko lamang itong ililihim sa kaniya ay paniguradong masisira ang pinaghirapan ng kaniyang mga magulang. Masisira ko ang mga Martensen.
Inilagay niya sa likod ng aking tenga ang mga takas kong buhok. "Are you sure? You don't look okay," ani Fil.
I shook my head as a response. I gave him my best smile, which can hide a thousand feelings. Mas mabuti na 'yung magsinungaling ako sa kaniya. Mas mabuti na iyong ganito.
"I'm okay. Nakalimutan ko lang talaga na i-charge iyong phone ko. Ikaw? Why are you here in a sudden? Hindi lang ako nakapag-reply sa'yo, natataranta ka na." Idinaan ko nalang sa tawa ang kaba na aking nararamdaman ngayon.
Mas lalo akong kinabahan nang hindi man lang nagbago ang naging ekspresyon niya nang sabihin ko iyon sa kaniya. People will always say that he is kind and almost perfect in any way—one thing they didn't know about him. I saw the other side of him, and only I could see and feel it. How his reactions changed when it came to this kind of situation. His light aura and expressions will eventually become dark and ruthless, but you can feel the genuine care in his eyes. Kahit ganoon, iyon ang nakikita ko sa kaniya. Sa kabila ng mga madidilim ay nararamdaman ko pa rin ang pag-aalala at ang pagmamahal, kailanman hindi niya ako hinusgahan.
"You can't blame me, Paige. Mahal kita at palagi akong mag-aalala sa'yo. Nandito na rin naman ako sa pamamahay ninyo, p'wede ko ba makausap ang ama mo? I want to court you again formally with the consent of your father and your family."
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang dahil sa kaniyang mga sinabi. Napalingon ako ng wala sa oras sa aking likuran at sinisiguro na walang tao roon at walang nakakarinig sa mga pinag-uusapan namin ngayon.
"Fil... this is not the right time."
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo at hindi ako maintindihan sa ibig kong iparating sa kaniya. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Lalong-lalo na sa aking mga nalaman ngayon. My father will surely take advantage of him. Ayokong mangyari iyon sa kaniya. Ayaw kong gamitin ako ni Papa na maging tulay para lamang makakuha ng malaking pera sa kompanya nila. Hindi ko kakayanin 'yun.
"What do you mean this is not the right time? Paige, we can't stay like this forever. Ayokong tinatago kita sa lahat at ayoko rin na tinatago mo 'ko. I want to make this official together with your family. Ikinakahiya mo ba ako, Paige?"
Nanlaki ang aking mga mata at napapikit ako. Paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya ang lahat?
"Fil, no of course not! Hindi kita kinakahiya. Can you give me the time, please?"
I saw fire in his eyes that's slowly burning me into pieces. Naiintindihan ko ang galit niya. Magalit ka lang sa akin, kaysa malaman ko na gagamitin ka ni Papa laban sa negosyo. Ayokong mangyari iyon.
Umigting ang kaniyang panga at napapikit habang pinipigilan ang sarili na mas lalong magalit sa akin.
Unti-unti siyang tumango sa akin at sumusuko.
"If that's what you want, then, I will still support you, Paige. Hihintayin ko kung kailan ka magiging handa na ipaalam sa lahat ang tungkol sa atin. But I can't promise you that I won't tell them this when they're asking me about you. I won't deny you, Paige. Sasabihin ko sa kanila na girlfriend kita."
Kailan ba naging mali ang pagmamahal? Kailan ba naging mali ang magmahal? Oh, sa akin lang talaga ang may problema? Takot ako sa lahat ng bagay. I am scared of my own fears. I am drowning in my own emotions. Kahit ako mismo ay nalulunod nang dahil lang doon.
Our relationship stayed like that for three years. Sa tatlong taon na iyon ay patuloy lamang siya sa paghihintay kung kailan namin sasabihin sa aking mga magulang ang tungkol sa pagmamahalan naming dalawa. My friends, his cousins, and even Chloris know about our relationships, except his family and mine.
Sa tatlong taon na iyon ay hindi ko rin nasabi sa kaniya ang mga ginagawa ni Papa, dahil umaasa pa rin ako na magbabago siya. Na hindi niya ipapahamak ang mga Martensen. Naunahan ako ng takot kaysa sa sabihin sa kaniya ang totoo.
Am I selfish?
Sa tatlong taon na nagdaan ay nalaman kong hindi itinuloy ni Papa ang mga binabalak niya tungkol sa kaniyang plano. Ang pagpapapasok ng ibang mga negosyante at ka-kompetensya sa negosyo ng mga Martensen. Nang dahil lang doon ay mas lalong lumaki ang shares ni Papa sa kompanya. Nalaman ko ang lahat ng iyon kay Mama noong sumasama siya kay Papa sa Iloilo.
I was confident enough not to say this to Fil because he changed. Nagbago si Papa at kilala ko siya, hindi na niya iyon gagawin.
This is the right time to officially meet Kerby Fil Martensen and my parents.
He waited years for this, at ganoon rin ako.
"Aba, ang saya naman ng magiging nurse namin!" Nabalik lang ako sa realidad nang lumapit sa akin si Chloris at binigyan ako ng isang matamis na yakap.
We are already in our fourth year of college at hindi naging madali ang proseso ng aming pag-aaral. Ang bilis ng panahon. I just couldn't imagine that I could reach this far. Nursing is one of the hardest courses for me. pero, na-iraos ko ang lahat nang mga pagsubok nang dahil sa kursong ito.
Fil is already in his internship in accounting, and we are both busy because I have duties too, in a hospital. Even when we have tight and hectic schedules, we always find ways to see each other. Hinahatid ay sundo pa rin niya ako sa tuwing may duty ako. Kapag busy naman siya ay nagpapahatid lamang ako sa driver namin. Pinipilit niyang siya nalang daw ang maghahatid sa akin palagi pero, hindi ako pumayag dahil abala rin siya sa ginagawa niya. Ayokong maging hindrance ako nang dahil lamang sa paghatid-sundo niya sa akin, kung tutuusin ay kaya ko naman na mag-commute.
"Of course! Malapit na tayong grumaduate, Chloris. This is our final stage in our student journey." Sabi ko sa kaniya habang nakatingin lamang sa libro na aking binabasa ngayon.
We have one hour break and I have a duty later at the hospital. Kaya, naisipan kong tumambay nalang muna sa isang coffee shop kasama si Chloris.
"Oo nga, eh. Hindi ako makapaniwala na aabot tayo sa stage na ito!" Masaya niyang sabi sa akin.
During those entire process, may mga naging kaibigan rin naman ako na ka-klase ko, pero iba talaga si Chloris. Hindi niya ako iniwan, nanatili siyang kaibigan sa akin.
Sasagot na sana ako nang bigla siyang tumigil habang nakatingin lamang ang buong atensyon sa kaniyang cell phone. Biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon, ang kaninang masayahin na Chloris ay naging tahimik at parang pinipigilan ang sarili na maiyak sa aking harapan.
Nag-panic ako nang dahil sa biglaang pagbabago ng kaniyang emosyon. I couldn't help but ask her what happened.
"Chloris, what happened?" Nag-aalala kong pagtatanong sa kaniya.
Napalunok siya at kaagad na umiling sa akin.
"Wala... Gusto lang na makipag-usap sa akin si Leister."
Umawang ang aking bibig habang pinagmamasdan ko siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkaka-gusto siya sa isang Leister Dew Martensen. Matagal na pala niya itong itinatago sa akin at hindi lamang siya nagkaroon ng lakas na loob na sabihin sa akin ang lahat. She liked Leister for almost three years now. Sa tatlong taon na iyon ay hindi ko rin nakita ang pagpupursige ni Leister. He didn't even pursue my friend. Si Chloris lamang ang palaging gumagawa ng paraan para lamang mag-usap silang dalawa.
Wala rin naman akong nabalitaan tungkol sa gusto ni Leister. Maybe, he likes someone else. Hindi ko lamang iyon pinansin dahil ayokong mas lalong masaktan si Chloris. Kahit na ramdam ko at alam ko rin na nararamdaman niyang hindi interesado sa kaniya si Leister. I hate the truth about this.
Yes, I liked Leister before, but that was shallow. A puppy love, indeed. Hindi ko rin inaasahan na ang kaibigan ko pala ang tatamaan ng husto kay Leister.
I've been trying to have a communication with Leister, pero, nararamdaman ko na iniiwasan niya rin ako. I don't know. Tinatanong ko rin si Fil tungkol kay Leister at baka makatulong ako sa kaibigan ko pero sinabihan lamang ako ni Fil na huwag nang makialam sa kanilang dalawa.
Even Fil couldn't ask Leister about his feelings for Chloris. Kahit na bugbugin niya pa ito ay hindi raw ito magsasabi sa nararamdaman niya.
"Are you still going to pursue him, Chloris?" narinig ko ang marahan niyang pagbuntong hininga at napatingin sa kawalan.
Ako ang nasasaktan para sa kaniya, eh.
"Hi-hindi ko na alam, Audrey. I've been doing that for almost three years now. Sa tatlong taon na iyon... hindi ko man lang nakita ang efforts niya para sa'kin. Maybe, he didn't like me that much. Maybe, he really likes someone else." Nangilid ang mga luha niya nang sabihin niya iyon sa akin.
Umalis ako sa aking kinauupuan at yinakap siya. Hinagod ko ang kaniyang likuran para gumaan ang kaniyang nararamdaman.
I don't want to see her this way.
"Audrey, ma-mahirap ba akong mahalin?" Napapikit ako ng dahil sa inis.
Hindi ko mapigilan ang hindi mainis kay Leister, but I can't even talk to him about this. Kahit kailan ay hindi natin mauutusan ang puso kung sino ang mamahalin. Pero, kahit awa man lang ay hindi niya maibigay sa aking kaibigan?
"Of course not, Chloris! You are worthy to be loved. Sadyang... hindi lang talaga si Leister ang para sa'yo."
"Mahal ko siya, eh..."
Too much love will ruin us. Too much love is painful. Too much love is drowning... kaya nakakatakot magmahal ng sobra. Nakakatakot magmahal ng ganito.
I comforted Chloris as much as I can, before I went to the hospital for duties. Nagpahatid lang ako sa driver ko dahil pinilit ko si Fil na huwag na akong ihatid. He is also busy with his things, kaya hindi ko na siya inabala pa.
I checked the time and it's already 2:30 in the morning. Tapos na ang duty namin at nagpaalam kaagad ako sa mga staffs at sa mga nurses for that day. Napahikab ako habang palabas na ng hospital, nang biglang nag-vibrate ang aking cell phone. Napahinto ako ng wala sa oras at napatingin sa aking screen.
From: Fil
Good morning baby, are you done now with your duties? It's already two in the morning. Nandito ako sa labas, naghihintay.
Nanlaki ang aking mga mata sa nabasa. Since the day I started with my duties, he has never failed to message me and visit me here. Kahit na madaling araw na ang uwian ko ay sinusundo niya pa rin ako.
Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko siya sa parking lot ng hospital. He is leaning the side of his car, habang nakahalukipkip itong naghihintay sa akin. Sa tatlong taon na nagdaan ay nagbago rin ang pisikal na anyo ni Fil.
His structures matured even more. The muscles were on their right places. Matipuno ang katawan at mas lalong tumangkad.
Nagtama ang mga mata namin habang nakakunot ang kaniyang noo. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa kabila ng pagod na nararamdaman ko ngayon.
Kaagad akong lumapit sa kaniya at sinalubong kaagad ako ng isang malalim at mainit na yakap. He hugged me even more. Closing the gap between us.
"Pagod na pagod nako, Fil..." Pagsusumbong ko sa kaniya sa isang mahinang boses.
I heard him chuckle a bit and get my things right away. He kissed me on my lips and answered me back.
"You can rest, Paige. You can rest on me, baby. I have your favorite coffee in the car."
Napangiti ako lalo sa kaniyang mga sinabi at niyakap siyang muli.
He is my home.
That's final...
Home is him. My home will always be him...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top