Chapter 2
Naging abala ako sa mga sumunod na araw at nakalagitnaan kong isuli ang polo shirt na pinahiram sa akin ng lalaking iyon. Atsaka, bakit ko pa ibabalik sa kaniya? He should be thankful because I am not that hard to him. Napapailing na lamang ako habang inaayos ko ang aking PE uniform.
Every Saturday ay dalawang subject lamang ang mayroon kami, kasali na doon ang physical education 1. Nang matapos na ako sa aking ginagawa ay kaagad akong bumaba para makakain na ng pang-umagahan. Naabutan ko sila Mama at Papa na nagtatalo sa may veranda ng aming bahay.
Kahit na nasa dining area ako ay rinig na rinig ko pa rin ang kanilang mga boses na nagsisigawan. Napabuntong hininga na lamang ako. I just can't stand here listening to their everyday sermons and rants to each other. Napapailing na lamang ako.
"What do you mean, you don't know that, Nicholas?! I know you! Hindi mo naman kailangang magsinungaling sa akin eh!" galit na sigaw ni Mama.
Pagod ang aking mga mata habang nakatingin sa lamesang punong-puno nang mga pagkain. How could I eat properly?
"The fuck, Fhelia?! Malaki na si Audrey, hindi ka pa rin tapos sa mga isyung 'yan? Kailan ka ba titigil,ha?" sigaw ni Papa sa kaniya pabalik.
"You couldn't blame me! Noong ipinagbubuntis ko 'yang anak mo, nasaan ka?! You're with that woman!"
"Tigilan mo, 'ko." Sabi ni Papa sa isang baritonong boses.
Pinagmamasdan ko silang dalawa habang nagtatalo sa labas. It's been years since my mother wants my father to accept that he's cheating. Noon pa man ay ganyan na ang mga litanyang binibitawan ni Mama. I couldn't blame my mother, minsan ko nang nakita si Papa na may kasama sa SUV, pero hindi ko iyon sinabi kay Mama dahil alam kong masasaktan na naman siya. Kumunot ang noo ni Papa at unti-unti nang nakikita ang mga linya sa gilid ng kaniyang mga mata. Even though his body were still masculine and strong, nagpapahiwatig pa rin iyon na tumatanda na siya.
While mother... her skin was still fair and she's proper and prim. Hindi halata na sobrang stress na ito nang dahil kay Papa. She just loves my father so much that she couldn't even think for one about divorce.
"What do I expect from you? Simula noon wala ka naman talagang inisip kung hindi si Karina! Hindi naman talaga siya nawala sa isipan mo, hindi ba?" sarkastikong sabi ni Mama kay Papa.
Nakapameywang si Papa habang malamig ang tingin na ibinibigay niya kay Mama.
"Matagal na kaming wala... ikaw ang pinakasalan ko, hindi pa ba sapat iyon?" napatigil ako sa aking pagkain nang sabihin niya iyon.
I heard the silent cries of my mother, habang unti-unti itong humihikbi. Napatayo na ako ng wala sa oras.
"It will never be enough, Nicholas Keslier! If our marriage didn't happen, you will marry her! Am I right?!" marahas na bumuntong hininga si Papa.
"Gusto mo talagang malaman ang totoo? Ha, Fhelia? Yes! I want to marry her! Yes, I want to be with her! Pero anong ginawa ko? I left her for you, dahil nagkasakit ka at pinakiusapan ako nang mga magulang mo-"
"Pa!" pumagitna na ako sa kanilang dalawa dahil alam kong hindi titigil si Papa sa kaniyang sinasabi. I hug my mother so tight, kahit na alam kong nanghihina na siya.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako.
"I'm sorry, anak..." iyon lamang ang nasabi niya bago umalis sa aming harapan.
Sumikip ang aking dibdib sa mga sinabi niya at kahit anong pilit ko kay Mama na bitawan nalang si Papa ay hindi niya magawa. Hindi ako sigurado kung si Karina ba iyong nakita ko, pero... isang babae lang naman ang dahilan ng gulo ng pamilya namin, eh. Walang iba kung hindi si Karina, ex-girlfriend ng Papa ko...
"Why you don't just divorce her, Ma?" nilingon ako ni Mama at tinapunan lamang niya ako ng malamig na tingin.
"Gusto mo ba na masira ang pamilya natin, Audrey? Is that what you want?" napapikit ako sabay iling. Hindi niya kasi ako naiintindihan, eh.
"Ma, hindi 'yan ang ibig kong sabihin. You're hurting... and yet, you're still holding him. Maawa ka naman sa sarili mo," hindi ko na mapigilan ang hindi magalit sa kaniya.
Kung ang inaalala niya ay masisira ang pamilya namin, nagkakamali siya dahil matagal nang sira ang pamilyang ito.
"You will do everything just for love, Audrey. Kapag nagmahal ka na ay maiintindihan mo rin ako."
Iyon ang huling sinabi sa akin ni Mama bago ako tuluyang umalis ng bahay. I won't. I won't do it. Hindi ko siya gagayahin na maging isang desperada para lamang manatili ang tao sa buhay ko. Kahit kailan ay hindi ko siya maiintindihan.
I will never do it for love. Gago lamang ang gagawa nun kung sakali.
Nabalik lamang ako sa aking huwesyo nang tinawag na kami ng aming instructor. Magkakaroon ngayon ng laro at kailangan naming sumali lahat para may performance task kami ngayong araw.
I hate sports, as usual!
"Everyone! Gather!" tawag sa amin ni Mr. Cruz at kaagad kaming pumila.
All first-year college students are classmates in physical education, pero ang BS Accountancy, BS Psychology and BS Nursing ay naka-assign lahat kay Mr. Cruz, while the other courses are assigned to the other instructors.
"We have our volleyball game today. I want all of you to write all your names on the index card. I will be the one to choose who will be your partner every group and I hope everyone will participate. Hindi muna by department ang laro, random muna." Wika ni Mr. Cruz habang kinokolekta niya ang index card namin.
"Sana maging ka-grupo kita!" napalingon ako sa aking likuran nang bigla akong hinawakan sa braso ng isang babae. She was shorter than me. Nakatali ang kaniyang buhok in a ponytail way, at kahit na hindi siya masyadong mataas ay bumabawi naman ito sa ganda niya. Matangos ang kaniyang ilong at manipis ang kaniyang labi at naka-arko ang mga ito.
Nakita niya siguro na nagtataka ako kaya kaagad niyang nilahad ang kaniyang kaliwang kamay para makapagkilala sa akin ng maayos.
"I'm Chloris Lavenia Rayon! Nice to meet you, Ms. San Diego," nakangiting sabi niya sa akin.
Kaagad kong tinanggap ang kaniyang kamay at nginitian pabalik.
"How do you know me?"
"Kilala ka kaya nang buong department namin," ani Chloris.
Umawang ang aking bibig at hindi makapaniwala sa kaniyang mga sinabi.
What the hell?! Seriously?
"Ano?" kunot-noo kong sabi sa kaniya.
"Yes! Usap-usapan ka kaya na ikaw raw 'yung bagong girlfriend ni Mr. Martensen," kinikilig pa niyang sabi sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng kaniyang mga sinabi. Ako? Maging girlfriend ng isang Martensen? Bakit, sino ba ang lalaking 'yun?!
"Girlfriend? No way! Nasaan ba ang lalaking iyon at masermonan ko!" pinigilan ako ni Chloris pero hindi ako nagpaawat sa kaniya.
Nang makita ko siya ay tumaas ang temperatura ng aking katawan. Ha! At naglalaro na ang gago! Kaagad akong lumapit sa kaniya.
May patawa-tawa pa ang lalaking ito?! Gwapong-gwapo ka na riyan sa pakiramdam mo? Nang nilingon niya ako ay nawala ang mga ngiti sa kaniyang labi. Nagkibit balikat na lamang ako at pinanliitan ko siya ng tingin.
"Oh, Miss?" bungad pa niya sa akin.
He's wearing a black sports headband, at ngayon ko lang din napansin na matangkad palang talaga siya. He's six feet, I think. Nakapameywang siya nang harapin niya ako. Natigil ang kanilang laro nang dahil sa akin. His curtain fringe haircut was very evident nang tangayin ito ng hangin.
"Pwede ba na tumigil ka na sa pagkakalat na girlfriend mo 'ko! Ang kapal naman ng pagmumukha mo," sabi ko sa kaniya at hindi man lang siya natinag sa aking mga sinabi.
A small devilishly smile crept into his face.
"Bakit ko naman gagawin 'yun, Miss? Wala akong girlfriend." Sabi pa niya sa akin pabalik.
Napapailing na lamang ako at iritado ko siyang tinignan.
"Hindi porke't pinahiram mo ako ng damit ay ganyan ka na kung umasta. I don't like guys who's so full of themselves. Hindi ka naiiba 'dun." Tinitigan lamang niya ako na para bang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kaniya.
In fact, siya iyong may nagawang mali sa akin!
Inilahad niya ang kaniyag kamay sa akin.
"Where is it?"
"What?"
"Yung damit ko..." umawang ang aking bibig at talagang hindi man lang marunong humingi ng tawad ang isang ito.
Marahas kong ibinato sa kaniya ang damit na pinahiram niya sa akin.
"Ang sungit talaga..." nakangiti pa niyang sabi sa akin.
"Kahit kailan hinding-hindi mangyayari iyon. I will never be your girlfriend, Martensen." Iyon ang huling sinabi ko sa kaniya at tatalikod na sana ako nang bigla siyang sumagot sa akin nang mas ikinagagalit ko ng sobra!
"Sino naman ang nagsabi sa'yo na magiging girlfriend kita?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top