Chapter 19
"Audrey," nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng aking pintuan.
I looked at my wall clock, and it's already seven a.m. Bakit naman sila nanggigising nang ganito ka-aga? Kinusot ko muna ang aking mga mata habang nakapikit pa rin.
"Ma'am Audrey," ulit ng katulong namin.
I rolled over to the right side of the bed and answered her back. Narinig ko ang pagkakabukas ng aking pintuan at nandoon pa rin siya.
"Ma'am Audrey, pinapatawag po kayo nila Ma'am at Ser. Sumabay na raw po kayo sa kanila sa pagkain." Pagpapaliwanag ng katulong namin.
Sinabihan ko nalang na ito na susunod kaagad ako. Pumayag nalang ako sa gustong mangyari ng mga magulang ko dahil minsan ko lang naman silang nakakasama sa hapag-kainan dahil abala sila sa kanilang mga negosyo. Just like Papa, he's almost out of this place because of his transactions in Iloilo. Wala akong alam sa pag-ne-negosyo, ang nabalitaan ko ay ang maayos na pagkakasundo ng mga magulang ni Fil at sa aking ama. My father was one of the stockholders in the Martensen Fishing Corporation. Hindi ko nga rin alam kung bakit biglaan naman ang pagkaka-interes ni Papa sa mga ganoong klaseng negosyo.
Kaagad akong bumaba nang matapos na sa pag-aayos ng sarili. Naabutan ko silang nag-uusap sa may dining area at napatigil lamang ang dalawa nang makita akong bumaba.
"Join us, anak." Mama said in a soft and inviting voice, bago naglagay ng butter sa kaniyang bread.
Tumango lamang ako sa kaniya at nakita ko ang paninitig ni Papa sa akin. Ngayon lang ang balik niya galing Iloilo, tapos bukas ng umaga ay aalis na naman siya para sa negosyo.
"Nicholas, nabalitaan ko kay Margaret na mas lalong nakilala ang Fishing Corporation na mayroon sila. Mukhang, nagkakamabutihan na kayo ng kaniyang asawa."
Nakinig lamang ako sa kanilang pinag-uusapan. I am a future nurse, and I don't want to get involved in any circumstances or situations when it comes to business. Kaya nga si Mama ang sinasama ni Papa sa tuwing may meeting sila together with the board.
"Of course. Nang dahil sa akin ay nagkaroon ng plano ang mga kakilala kong taga-ibang bansa. They want to be part of the Martensen Fishing Corporation. Kaya, pinagbubutihan ko talaga." Papa said in a proud tone.
Sumimsim na lamang ako sa gatas na nakalagay sa gilid ng aking pinggan. My mother looked at him with curiosity.
"Sino ang mga iyon? I haven't seen them when you bring me to the company of the Martensen in Iloilo."
"Sumali sila noong nakaraang linggo. Paniguradong milyon-milyon ang makukuha kong pera nang dahil sa kanila."
Kumunot ang aking noo at nabaling ang atensyon ko kay Papa na ngayon ay nag-ngiting aso lamang habang ang buong atensyon ay nasa kaniyang pagkain. Nagtataka akong lumingon kay Mama at nakita kong may bahid na galit ang mga mata ni Mama nang tumingin rin siya sa kaniyang asawa.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at nakangiti itong tumingin sa aming dalawa ni Mama.
"These businessmen are part of the other fishing company. They didn't know that I let them in. They negotiate with me first. Wala rin naman sigurong dahilan para tanggihan ko ang ginto, hindi ba?"
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso sa mga sinabi ng ama ko mismo.
What the fucking hell?!
"Nicholas, are you out of your mind? Are you risking your life, again?!" Galit na sabi ni Mama sa kaniya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos at hindi makapaniwala sa lahat nang mga sinasabi ni Papa sa amin ngayon. He is slowly ruining the company of Fil's parents and the Martensen's hardships! Paano niya nagawa ito sa kanila?!
"No, of course not! Kaya nga mag-iingat tayo."
"Pa, pinagkatiwalaan kayo ng ama ni Fil. Don't do this to them." Hindi ko mapigilan ang hindi magsalita sa gitna nila.
I just couldn't believe that he can do this while Mr. Martensen is trusting him wholly. Hindi pa ba sapat ang pera na mayroon kami ngayon? To the point that he will do this because this is not enough for him? Really? Nakakatakot.
"Hindi mabubunyag ang mga ito kung hindi kayo magsasalita. I am only doing this because you are not interested in business! Gusto mo ba na maghirap sa buhay? Gusto mo ba na pulutin tayo sa kalsada nang dahil wala na tayong sapat na pera? Is that what you want, Audrey?" Galit na sabi ni Papa sa akin.
Napahilot sa sentido si Mama at kaagad kaming inawat na dalawa.
"This is not what I want, Papa. Oo, wala akong interes sa pag-ne-negosyo, pero, huwag niyo naman po itong gawin sa kanila." Narinig ko ang mala-sarkastikong pagtawa ni Papa nang dahil sa aking mga sinabi.
He found my words ridiculous and empty. Hindi nga talaga niya ako pinagkakatiwalaan. Hindi ako sapat para sa kaniya. I am no use for him. Kasi nga, hindi ako interesado sa pag-ne-negosyo.
"Hindi ka ba talaga nag-iisip? You didn't even think about why I did this. I do this because I don't want to ruin your future! I am doing this for our family! I am doing this for the best! Kung hindi ako kakapit sa mga Martensen, saan ako hahanap ng pwedeng pagkakapitan? I am doing this because my child has no interest in business!" Parang kulog ang boses ni Papa habang ibinabato niya ang mga salitang iyon sa akin.
Pinamumukha niya sa akin kung gaano ako ka-walang silbi sa bahay na ito. I get it. I get it now.
"Nicholas, tumigil ka na." Pagbabanta ni Mama sa kaniya.
Kaagad kong inalis ang mga luhang lumandas mula sa aking mga mata. Kahit anong pagpipigil ay hindi ko magawang hindi umiyak. It hurts so bad. Those words are killing me slowly.
"No, Fhelia! Mas mabuti nang matauhan itong anak mo! Since you were a child, I have provided everything that you need and everything that you want! Now that you are already a grown woman, I am content because I thought you would help me in business, pero hindi mo ginawa. Instead, you chose nursing! Kaya hindi mo ako masisisi kung nakaya kong gawin ang mga bagay na iyon."
Napapikit ako at napakagat sa aking pang-ibabang labi. Parang umismid ang aking dila at hindi ako makapagsalitang muli. Ang aking mga paningin ay unti-unting nanlalabo nang dahil sa mga luhang nagsisilandasan.
"Atsaka, nakakahalata na ako sa'yo... may namamagitan ba sa inyo ng Kerby na iyon? Kung sabagay... mas mabuti nang doon ka mapunta sa isang lalaking may kaya sa buhay at kaya kang buhayin. You can't stand for yourself, kaya mabuti nalang ang ganoon."
"Nicholas, stop it!"
He leaves the table after those hurtful words. Tinignan ako ni Mama nang may pag-aalala sa kaniyang mukha at tumayo ito at yumakap sa akin.
"I am sorry, anak. I am really sorry." Doon na ako napahagulgol ng iyang nang niyakap niya ako nang napakahigpit.
If there is one thing that I can assure you that's comforting, That is my mother's hug. Kahit na minsan lamang kaming magsama at kahit mayroon siyang pagkukulang sa akin ay hindi niya ako kailanman pinagsalitaan ng mga masasakit na salita.
She's always comforts me with words that I can apply in life. Those words that I live for.
Nagkulong ako sa kwarto buong araw at hindi na naisipan na lumabas. Dinalhan nalang ako ng pagkain ng aming katulong at sa loob lamang ako kumain ng pang-tanghalian.
My phone vibrated again and I saw text messages from Chloris, but most of them were from my boyfriend.
Nang magkaroon na ako nang lakas ay kinuha ko ito at tinignan ang mga mensahe.
From: Chloris
Where are you? Kerby's trying to contact you but he can't reached you out.
Nagtipa muna ako ng mga salitang pwede kong i-reply sa kaniya at ang sumunod na binuksan ko ay ang mensahe ni Fil.
From: Fil
Baby, are you okay? Why aren't you answering my calls?
From: Fil
I'm done with my workouts. What are you doing?
From: Fil
Baby, I am worried. Pupuntahan nalang kita diyan.
Biglang nanlaki ang aking mga mata sa huling mensahe na ipinadala niya sa akin. It was sent ten minutes ago! Napabangon ako nang wala sa oras at sinubukan siyang tawagan ngunit hindi na niya ako sinasagot.
Baka mas lalong magtaka sila Mama at Papa kapag pumunta rito si Fil! Nasaktan ako sa mga sinabi ni Papa kaya hindi ko kakayanin na sabihin sa kaniya ang totoo na may namamagitan nga sa aming dalawa ni Fil.
He even said that I can't stand for myself that's why I need Fil. Masakit iyon, nilunok ko lang talaga.
Napalingon ako sa aking pintuan nang may biglang kumatok.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas."
Kumalabog ang aking puso at kaagad na pumunta sa direksyon ng aking bintana.
Inalis ko ang kurtina at nakita ko siya sa labas ng gate ng aming bahay.
He is leaning on the side of his big bike while holding a bouquet in his leather black jacket. Lumingon pa ito sa kaniyang gilid bago nag-angat ng tingin.
Nagtama ang aming mga mata at pumungay ang mga ito nang makita ako. Muntik na akong mapatalon nang biglang tumunog ang aking cell phone. Kaagad ko itong kinuha at sinagot habang nakatingin pa rin ako sa kaniya sa bintana.
He smiled at me while talking to me in the phone.
"It's already six p.m. in the evening, and I messaged you earlier at noon and called you many times, but you didn't answer. Now, I am visiting you and seeing you through your windows. Might you care to explain to me why you act that way, my baby? Because I am going crazy if you don't talk to me. Tell me, Paige. Tell me everything that's bothering you. Please, baby."
Bigla akong nanlambot sa kaniyang mga sinabi. I just hate the fact that my father's words are hunting me even now. Hindi ko siya kailangan dahil sa mga luho ko at mas lalong hindi ko siya kailangan dahil natatakot akong maghirap sa buhay dahil wala akong interes sa pag-ne-negosyo.
Kailangan ko siya dahil kailangan ko siya. Kailangan ko siya dahil mahal ko siya.
I love him so much, it hurts me...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top