Chapter 17

"Oh my God! Where is my son?" The thunderous voice of Mrs. Martensen almost made me jump in my seat.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Fil at iniluwa roon ang kaniyang mga magulang. His mother was looking intently at Fil with worries in her eyes. Her hair was a bit messy, maybe because they just got here from Iloilo to Agusan. Ang kaniyang ama naman ay nakatitig lamang sa kaniyang anak habang dala-dala ang mamahaling sling bag ng kaniyang asawa.

She gave a wry look to her son and rushed to Fil.

"Kerby Fil! How many times do I have to tell you to be careful?! Hindi ba ay pinagbabawalan na kita sa car drifting na 'yan?!" Galit na sabi ni Tita Pearl sa kaniyang anak.

Nakaupo lamang ako sa gilid ni Fil at nakikinig lang ako sa kanila. This is a bit awkward, maybe because they didn't notice me. Oh, siguro ay napansin nila ako pero mas nag-aalala sila sa anak nila. That's reasonable naman.

"Ma, it's okay." Sagot ni Fil sabay nakaw ng tingin sa aking direksyon.

"No, it's not! Look at you now! Marami kang sugat at... may benda ka pa. Anak naman." She groaned in irritation while bubbling her resentments at her son.

A smile was very evident on his face. Pinipigilan niyang ngumiti habang pinagmamasdan ang kaniyang ina na naglilitanya sa kaniyang harapan.

Kahit kailan talaga itong lalaking ito! Pasaway talaga!

Napalingon naman sa akin ang kaniyang ama at ngumiti ito ng tipid sa akin. Sinuklian ko rin ito ng ngiti bilang isang pagbibigay ng respeto sa kaniya.

"Sino ba ang kasama mo kanina, ha? What happened? Bakit ka na-aksidente?" Nag-aalalang pagtatanong ng kaniyang ina.

"I lost my brakes. I tried to stop the car, but it didn't. Binangga ko nalang sa gilid."

Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. What the hell?!

Awang ang aking bibig habang pinagmamasdan ko siya. Hindi niya sinabi ang mga iyon sa akin kanina. I almost forgot to ask him about what happened earlier. Gusto ko siyang pagalitan pero hindi ko magawa dahil nakakahiya rin naman iyon kung gagawin ko 'yun sa harap pa mismo ng kaniyang mga magulang.

"You know what? You are just like your father, Kerby. He was used to car racing way back in our teenage years! God! You make me worried!"

Nakita ko ang pagkibit-balikat ng kaniyang ama na para bang proud pa ito sa sinabi ng kaniyang asawa. I can attest that all the features of Fil were acquired from his father. I can only call him a second version, a younger version of his dad! His father has tanned skin and is very masculine. Those hooded eyes and thick eyebrows can capture a lot of women's attention. Makurba rin ang mga labi nito at matangos ang ilong, kagaya ni Fil. But his father has a darker aura than him, who has a lighter version of himself.

Nabalik lang ako sa realidad nang biglang lumingon sa akin si Mrs. Pearl Martensen at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Hija, thank you for taking care of my son. Reian couldn't make it. She has a fever. Kaya, uuwi kaagad kami ngayon. We just want to check on this guy."

Napatawa na lamang ako ng mahina nang tinuro niya si Fil.

"It's okay, Tita. Reian called me, actually."

Pinaulanan pa si Fil ng mga sermon mula sa kaniyang ina, bago ito tuluyang umalis para makauwi ng bahay.

Kaagad kong isinarado ang pintuan ng kaniyang kwarto at bumalik ako sa kaniya. Nakapamewang ako habang nakatingin sa kaniya.

Kumunot naman ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ako ng may pagtataka sa kaniyang mukha.

"What?"

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin kanina ang mga nangyari sa'yo? Atsaka, sino ang kasama mo? Leister told me that you will drink together with your cousins! Kaya, bakit ka nag-racing?"

Hindi ko mapigilan ang hindi mainis sa kaniya. Nag-alala ako sa kaniya nang sobra nang dahil lamang sa mga nangyari. Paano kung may mas malala pa na nangyari?

Amusement was plastered on his face. Tinignan niya ako nang manghang-mangha.

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga habang nakatitig pa rin sa akin.

"Ano? Hindi ka lang ba magpapaliwanag sa akin?" Iritado kong sabi sa kaniya.

"I just couldn't believe that you cared for me. God... hindi ako makapaniwala." Sabi niya habang kumukurap-kurap pa ang kaniyang mga mata.

What the hell?!

Nagagalit na ako rito pero parang wala siyang naririnig sa mga sinasabi ko!

"Gusto mo ba talaga na magalit ako sa'yo, ha?" Malamig kong sabi sa kaniya.

Umigting ang aking panga at nakita ko ang pag-aayos niya ng upo sa kama, habang nakasandal sa board ang likuran.

"Baby, I don't want to shout on you. Relax ka lang. Gusto mo ba talaga malaman kung bakit ako sumali sa race ng mga oras na iyon?"

Bigla akong ginapangan ng kaba nang marinig ko ang mga salitang iyon. Well, I still need an explanation. We have mutual feelings, kaya, deserve ko rin naman siguro malaman ang mga rason niya.

"When I got home from Sweden, I immediately went to school just to check on you, but I saw you with Leister." Natigilan ako roon.

Lalo na nang biglang nagbago ang kaniyang ekpresyon. He looked at me with seriousness in his eyes.

"Nagkataon lang 'yun." I defended myself from that. Dahil, iyon naman talaga ang totoo.

"I really thought that you liked my cousin that deeply. Inaya ako ng mga kaibigan ko sa isang car racing. Matagal ko ng iniwan ang bagay na iyon, pero... sinubukan ko ulit dahil sa galit na naramdaman ko."

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil para akong mapapaso sa mga tinging ibinibigay niya sa akin.

"I'm sorry for being childish, Paige. I shouldn't do that. Nadala lang talaga ako sa selos na nararamdaman ko."

Biglang lumambot ang aking puso at napabuntong hininga na lamang ako.

Unti-unti akong lumapit sa kaniyang direksyon at umupo sa gilid ng kaniyang kama. Nakakunot pa rin ang kaniyang noo at magkasalubong ang dalawang kilay. His eyes were full of mixed emotions. Ang hirap niyang basahin, pero pagdating sa akin ay kay dali lamang niya akong masuri at maintindihan.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yun. Pwede mo naman akong kausapin."

"Really? I still can remember everything that you have said to me about not liking me. I don't have the strength to talk to you, Paige. And you're avoiding me."

Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at ipinagsalikop ang mga ito.

Mapupungay na ngayon ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin. Na para bang ako lang ang taong nakikita niya ngayon. Na para bang ako lang ang laman ng kaniyang isipan at wala ng iba.

"Kung hindi pa ako na-aksidente... paniguradong hindi mo aaminin lahat." Mahina niyang sambit sa akin at inikotan ko lang siya ng aking mga mata.

"Alam ko. Kaya nga nandito ako ngayon dahil gusto kong sabihin sa'yo ang lahat. Hindi ko na kayang magpanggap, Fil. Mas lalo akong nasasaktan, at mas lalo akong masasaktan kapag nalaman kong may mahal ka ng iba."

"Baby... I have only ever loved you. Always remember that. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Ngayon lang ako nag-seryoso ng ganito." His voice was gentle to my ears, and it sent shivers down my spine.

Tinitigan ko lamang siya na para bang isa siyang dyamante na ayokong mawala. Isang napakahalagang bagay na gusto kong ibaon sa puso't-isipan ko. He is the only exception of everything.

I cried... I cried so much tonight... I can't accept that he is getting married to someone else. He's already engaged.

Nang mabasa ko ang mensaheng iyon galing sa aking kaibigan ay parang winasak ang aking damdamin. It's been eight years... It's been eight years of waiting. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin.

I was the one who gave up first, when he was really trying his best to fight for us. Even when the darkness came and swallowed us in the midst of our relationship, nandoon pa rin siya para ipaglaban ako, para mahalin ako.

What did I do?

What did I do to lose him this long?

Am I really too late?

Malamang, Paige. Sa walong taon na hindi mo siya nakita, sa walong taon na hindi mo siya nakasama... paniguradong nakahanap na 'yun ng iba. Nakahanap na iyon ng isang babae na bubuo sa kaniya.

At nakahanap na nga...

Napabuntong hininga ako at parang may bumara sa lalamunan ko at unti-unting tumulo na naman ang aking mga luha. Mga luhang dapat ibinaon ko na sa limot.

Do I really deserve this kind of pain?

All those years... throughout those years... did he try to think about me? kahit isang beses lang?

Nilunok ko nalang ang huling wine na natitira sa aking baso, at ipinikit ang aking mga mata.

I hope that everything goes back to the old days. I hope I can turn back the time and savour all those treasured memories with him.

Kasi... kahit anong pag-iyak ko ngayon... ay hinding-hindi ko na mararanasan ang mga bagay na iyon... kasama siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top