Chapter 16

My hands were shaking as I was trying my best to hold the phone as I could. Nanginginig ako nang dahil sa iba't-ibang emosyong aking nararamdaman ngayon. Lungkot, pangamba, sakit at takot.

Nang mahanap ko na ang cellphone number ni Leister ay kaagad ko itong tinawagan.

"Manong, pakibilisan nalang po." Sabi ko sa aming driver habang hindi mapakali sa inuupuan.

Lalong-lalo na nang lumakas ang ulan sa labas habang nasa byahe kami papuntang ospital na tinutukoy ni Reian sa akin kanina. I kept on calling Leister but he's not picking up! Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Unti-unting nanlalabo ang aking mga mata at sumisikip ang aking dibdib.

Nang makarating kami sa hospital ay kaagad akong lumabas ng sasakyan. Kahit na umuulan ng malakas ay hindi ko ininda ang mga iyon. Basa ako nang makapasok sa loob ng tuluyan.

Dumiretso ako sa reception area at tinanong kung anong room number si Fil.

"Excuse me, Nurse. What room number po si Kerby Fil Martensen?" Nanlaki ang mga mata ng nurse na humarap sa akin nang makita akong basang-basa.

Awang pa ang bibig nito habang nakatingin sa akin.

"Ka-ano-ano niyo po ang patient?"

Ka-ano-ano ba niya ako?

Parang may gumuhit na matalim sa aking puso nang maisip ko 'yun. Ka-ano-ano ba ako ng isang Kerby Fil Martensen, sa buhay niya?

"I'm his friend." Maikli kong sagot sa kaniya.

"He's still in the emer-" hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang marinig ko ang boses ni Leister sa gilid.

I saw him coming with a phone in his right ear. Nang makita ako ay umigting ang kaniyang panga at nagmamadaling lumapit sa aking direksyon.

"Leister! Where's Fil?"

Tinignan niya ako ng mula ulo hanggang paa. "What happened to you?"

Kumunot ang kaniyang noo habang sinusuri ang aking sarili. Damn! Hindi niya sinasagot ang tanong ko!

"Leister, answer me first. Where is Fil?"

"He's in the emergency room. Ginagamot pa 'yung mga su-" I didn't let him finish his words and I immediately went to emergency room.

Wala akong ibang naiisip ngayon kung hindi ang makita siya. Kung hindi ang humingi ng kapatawaran sa lahat nang mga masasakit na salitang binitiwan ko. Lahat ng iyon ay gusto kong pakawalan.

Everything went slow when I heard some noises from the room. Hinawi ko ang kurtinang nakapalibot roon at nakita ko siyang ginagamot ng mga nurses habang kausap ang isang doctor.

Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha at parang hinaplos ang aking puso sa mga nakikita ngayon. There are some wounds on his arms. Ang isang braso naman niya ay may nakapalibot na puting tela. He was still in his race attire in his lower part.

Unti-unti akong lumapit sa direksyon nila at nakita ko ang kaniyang paglingon. Napasinghap siya nang makita ako. His hair was messy, maybe because he got into an accident. Umawang ang kaniyang bibig at hindi kailanman inalis ang paningin sa akin.

His eyes were full of sorrowful emotions. Mga emosyong hindi ko nakita noong bumalik siya galing ibang bansa. His stares showed gentleness towards me. Para akong niyayakap sa mga tinging ibinibigay niya sa akin. It's something I want. It's something that I want to have... forever.

Tinakbo ko ang distansya at kaagad akong lumapit sa kaniya. I hugged him tight. I hugged him so tight. Ang mga yakap na nagsesenyales na takot siyang mawala.

I have so many regrets. I have not been at peace these past few weeks, trying to avoid everything that I have felt. But he took my heart away. He took my heart and embraced it wholly.

Napahikbi ako habang yakap-yakap ko siya. Ipinikit ko ang aking mga mata at mas lalong dinama ang init ng kanyang katawan. If I knew earlier that hugs can heal, I would've just hugged him when he got home from abroad.

"I'm sorry... I'm really, really sorry, Fil." I couldn't even construct my words properly because of my own tears.

"I'm sorry..." My voice broke.

Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik.

"Baby... why you keep saying that?" His voice was just like a music to me.

Ang boses na banayad. Ang boses na may pagmamahal sa akin.

"I'm sorry..." it was almost a whisper when I heard him chuckle a bit.

Naramdaman kong kumalas siya sa aking mga yakap at aalis na sana ako para makausap siya ng maayos nang hinawakan niya ang aking bewang at pinaupo sa kaliwang hita niya.

I would like to express all my gratitude to the doctor and nurses who left us here alone.

Nagtama ang aming mga mata habang hawak-hawak niya ang aking bewang gamit ang kaniyang isang kamay. He's still so strong, even with his wounds.

"I can't wipe your tears. My right arm is wounded, but I can hold you like this, forever, baby..."

Napakapit ako sa leeg niya at hinawakan ang pisngi. There were a few drops of tears falling down his cheeks. I wiped it all.

"I'm sorry..."

Hinding-hindi ako magsasawang ipadama sa kaniya ngayon kung gaano ako ka-tanga at humihingi ng tawad sa isang tulad niya.

Pumungay ang kaniyang mga mata at nakatitig lamang sa akin ng buong-buo. "Akala ko ba... ayaw mo sa'kin? Akala ko ba... pinsan ko ang gusto mo?"

Natigilan ako sa kaniyang mga sinabi. Iyon nga ang problema, eh. I keep insisting to myself that I like his cousin. I liked Leister, but the truth is... not. 

Pinilit kong mas kamuhian siya ng sobra. Dahil ayoko sa kaniya noong una. Ayokong mapalapit sa kaniya. Nagbago ang lahat nang ipinaramdam niya sa akin kung gaano siya ka-suwerte nang makilala ako.

I shook my head as an answer. Ngayon, ako ang hindi mapakali. Hindi ko siya kayang tignan ng matagal. Not because I am guilty or something, but because I am in between of shame and regrets.

"Baby, look at me."

Nag-angat akong muli sa kaniya ng tingin at ang mga mata niya ay naghahanap pa rin ng sagot.

"I don't like him, Fil. Iba ang gusto ko." sagot ko sa kaniya pabalik.

Kumunot ang kaniyang noo at tinagilid ang ulo na para bang sinusuri ako.

"Kung hindi siya, sino kung ganoon?"

Inikotan ko siya ng aking mga mata at nakita ko ang pagpipigil ng kaniyang ngiti.

"Fil, use your common sense, okay?"

"Sorry baby, I don't see it that way. Kapag kaharap kita, nanghihina ako. Kapag kaharap kita, para akong nabobobo."

"So, tell me. Tell me everything, Paige. Kasi mababaliw ako kakaisip kung ano ang dahilan mo kung bakit ka nandito ngayon. When the truth is... you hated me so much." His voice broke when he said those words to me.

Bumuntong hininga ako at mas lalong kumapit sa kaniya. Not minding my surroundings. Wala rin naman ibang tao rito. Kaming dalawa lang.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag sa'yo, Fil. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nang tinawagan ako ni Reian at sinabi niyang na-aksidente ka ay kinabahan ako. I rushed here to confirm that it was true. Bigla akong nanghina nang makita kitang may mga sugat. I just realized that... I don't want to lose you. I am fighting my own battles alone, this past weeks, Fil. Sinubukan kong kalimutan ka. Kinaya ko ang mga pagkakataong hindi mo ako pinapansin nang dahil nasaktan kita ng sobra. Yes, I like you. Yes, I really, really like you, Martensen."

He bit his lower lip while looking at me, straight into my eyes. Ang mga mata niya ay mas lalong pumungay at inilapit ang katawan para makasandal ako sa kaniyang dibdib.

"Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi sa akin?" Pagtatanong niyang muli sa akin.

"Ngayon lang ako nagkaroon nang lakas ng loob, Fil. Dahil... natakot ako. Natakot akong mawala ka," parang may bumara sa lalamunan ko nang masabi ko ang mga salitang iyon.

Lumambot ang aking puso nang maramdaman ko ang malambot niyang mga labi sa kaliwang pisngi ko. He planted a kiss on my left cheeks. I heard his breath.

"You're in love with me." a soft voice came from him through my ears.

Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil sa aking nararamdaman ngayon. I just want to stay like this forever. Near him. Just like this. Exactly like this.

"I overthink so much, Paige. Thinking that you would end up with Leister and not me. I spent my weeks abroad just to get healed, pero... habang lumalayo ako ay mas lalo kitang minamahal. Hindi ko pala kaya," pagpapaliwanag niya sa akin.

He put his chin into my right shoulder and pulled me even more to him.

"I just can't spent my days there, thinking about you and him."

Hinawakan ko rin ang kamay niyang nakapalibot sa bewang ko. Mas lalo itong nadepina nang hawakan niya ako nang may pag-iingat.

"Don't worry, it won't happen again. I won't think about the other men. It's you. It will always be you, from now on." I assured him that this is final.

I will choose him.

I will choose him this time.

"Are you sure about this, Paige? Dahil hinding-hindi talaga kita pakakawalan kahit anong pagpipilit mo." Pagbabanta niya sa akin.

Napangiti na lamang ako sa kaniya at tinitigan siya pabalik.

"I won't let you go, either."

He smiled at me with pure love, softness, and gentleness. Na para bang ako lang ang nakikita niya. Na para bang ako lang ang napapansin niya.

"God, I love you so much, Paige..."

Nang sinubukan niya akong halikan ay kaagad ko siyang pinigilan nang maalala ko si Mira. Mira! That girl!

Nagtaka naman siya nang ginawa ko iyon. Tinaasan ko siya ng kilay. "Teka lang... sabi-sabi ngayon na nagkakamabutihan na raw kayo ng Mira na 'yun." Malamig kong sabi sa kaniya.

His expression didn't changed. Ganoon pa rin iyon at para bang hindi man lang siya kinabahan nang banggitin ko ang pangalan ni Mira.

"Where did you get that information?" Pagtatanong niya sa akin.

So? Interesado talaga siyang malaman.

"Tss..."

Iniwas ko ang paningin sa kaniya at narinig ko lamang ang kaniyang mahinang tawa at pinigilan ang sarili dahil baka ay mas mainis ako lalo.

"Don't worry about her. She's just my friend. Wala akong gusto sa kaniya, Paige. Ikaw lang."

"Ano naman 'yung narinig ko noong sinabi mo sa amin ni Leister na kailangan ka raw niya. Ano iyon?"

Sige nga, mag-dahilan ka pa...

""She called me that day because she wanted to see me. I allowed that time because I wanted her to know that I was not interested in her. She confessed to me. I rejected her. She got hurt."

Umawang ang aking bibig sa kaniyang mga sinabi. Paano kung... dumugin ako ng mga kaibigan nun? Or worst... siya pa mismo?

"What are you thinking, baby?"

"I was just wondering... why me? Why me, Fil? Mayroon pa namang ibang babae riyan na mas compatible sa'yo. Na maipagmamalaki mo. Hindi katulad ko. We are not rich just like yours. Kung tutuusin, para lang kaming mga mumunting mga negosyante sa inyo."

"Hey, don't think like that, Paige. You are the only one compatible for me. Atsaka, huwag mo ngang sabihin na hindi tayo compatible. Dahil kahit anong gawin mo, sa'yo lang ako. I am and will always be yours, Paige. Don't mention about our status, please."

Pakiusap niya sa akin. Tumahimik na lamang ako at pinalipas ang oras na ganoon ang pwesto naming dalawa.

Nabalik lang ako sa realidad nang biglang pumasok si Leister. Buti nalang talaga at nagpumilit akong tumayo dahil sumasakit na ang likuran ko! Buti nalang talaga at hindi kami nakita!

Pumasok si Leister sa loob at napakunot pa ang noo nito nang makita akong narito sa emergency room.

"What are you doing here, Leister?" He asked in a cold tone.

"I am just checking on you. Buti nalang at nandito pa rin si Paige. Tita and Tito said, they will be here in an hour. They canceled their plans when they know that you got into an accident."

Nakita ko ang pag-iling ni Fil sa mga sinabi ni Leister sa kaniya.

"Sinabi mo?"

Nakikinig lamang ako sa kanila at naramdaman kong parang unti-unting nag-iinit ang usapan ng dalawa.

"I didn't. Of course, you were in a race! Talagang lumabas ang mga litrato mo sa news."

Race?

Aside from being an athletic person, marunong rin siya sa mga ganyan-ganyang bagay?

"Can you stop the publishing of that, Leister? Magbabayad ako kahit magkano."

"Magpaliwanag ka nalang kila Tita." Maikling sagot nito sa kaniya.

Nilingon ko siya at nagtama ang mga mata naming dalawa. Magkasalubong ang magkabila niyang kilay. Hudyat na mukhang galit o magagalit pa lang?

Napapailing ito at napayuko.

Bakit? Pagagalitan ba siya ni Mrs. Martensen?

"I will help you, Fil." Sagot ko at napahilamos naman siya sa kaniyang mukha.

"Don't worry, we'll take this baby."

Narinig ko ang pagsinghap ni Leister nang marinig niya mismo sa bibig ni Fil ang salitang iyon.

Nilingon ako ni Leister nang may pagtataka.

Shit! I couldn't even process and explain it to him!

"Kayo na?" Napalunok ako ng wala sa oras.

"Not yet, Leister. Can you just go out? You're disturbing us."

Nakita ko ang mga ngiting multo sa labi ni Leister.

"Okay, okay." Kaagad itong tumayo at nang aalis na sana siya ay pigilan ko.

"Thank you," I mouthed and smiled at me before he went out.

Sinabi rin sa akin ni Leister na ililipat na siya sa isang private room.

Nang tuluyang nakalabas si Leister ay humabol pa ng isang halik sa aking pisngi si Fil...




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top