Chapter 15
Umuwi ako sa bahay nang may mabigat na damdamin. Suddenly, I felt like I was carrying the whole existence of pain in my life. Lahat ng mga sinabi sa akin ni Fil ay nag-iwan ito ng marka sa aking puso. Marka na mahihirapan akong tanggalin.
Wala akong gana nang inilagay ko sa ibabaw ng kama ang aking dala-dalang purse. Nabasa pa ako ng ulan nang dahil natagalan ang aming driver sa pagsundo. It's okay, though... I didn't mind the cold. I didn't even mind the surroundings. I think about everything that Fil's said to me earlier. Those eyes are telling me about their feelings. How can he love me when all I give is pain in the ass? Paano niya ako natututunang mahalin?
Parang may tumusok na matalim sa aking dibdib at nahihirapan akong i-proseso ang mga nangyari. I left the party to breathe and to release this burden that I had felt. But he was there, sumunod siya sa akin at sinabi ang nararamdaman niya.
Nagbihis muna ako at pagkatapos ay humiga sa malambot na kama. I was supposed to sing tonight, but I messaged them that I was not feeling well. Hindi ko rin naman kayang kumanta sa maraming tao na may mabigat na dinadala. I don't want to ruin the performance of the team, but I just can't perform this night.
Tinawagan ako ni Leister at hinahanap na raw ako. I explained to him everything, except the part that his cousin confessed to me. Ako lang dapat ang nakakaalam sa mga salitang iyon. I am glad that Leister understand my situation. Sinungaling na akong sinungaling pero hindi ko talaga kayang kumanta doon.
Knowing that he will be there, too!
Buong gabi yata akong umiyak dahil nakita ko ang pamamaga ng aking mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit nararamdaman ko ang lahat nang ito. I shouldn't be crying like a river! Nang dahil sa inis ko ay kumuha ako ng ice cubes at inilagay sa tubig at kumuha ng dalawang spoon at matagal ko itong ibinabad sa tubig na may yelo at inilagay ko ito sa magkabilang mata ko.
Tumunog ang aking cellphone, kaya natigilan ako sa aking ginagawa. Buti na lang at may sarili akong comfort room at sink, kaya hindi nila malalaman na umiyak ako buong gabi. Dahil kung lalabas ako ngayon at makita nila Mama at Papa na namamaga ang aking mga mata ay paniguradong papaulanan ako ng mga iyon ng mga tanong.
Nang makita kong si Chloris ang tumawag ay sinagot ko ito agad.
"What happened to you?! Hinanap ka ni Coach, kagabi!" She's worried because she thinks that the coach will kick me out because of this.
"Masama ang pakiramdam ko kaya umuwi ako kagabi. Leister already talk about this to Coach." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Sinungaling na akong sinungaling pero iyon lang ang naisip kong pwede kong i-dahilan sa ganitong sitwasyon.
"Bigla nalang kasi kayong nawala ni Kerby Fil, eh. 'Yung Martensen na iyon ay hinahanap ng mga babae0 kagabi dahil gustong masayaw, pero hindi na rin bumalik sa loob."
Did he go home after we talked? He didn't go back to the venue? Bumuntong hininga na lamang ako at napatuwid sa aking pagkakatayo.
Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko kay Chloris ang tungkol rito. I mean, she's my friend after all.
"He actually did confessed, last night."
Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. I bit my lower lip and just played with the spoon that I have in my hand right now.
"Oh my God! Really?! I really thought that Leister will be the one to confessed to you?! Si Kerby Fil, pala?" hindi niya makapaniwalang sabi sa akin.
"Si Leister ang gusto ko," pinal kong sabi sa kaniya.
Are you really sure about that, Paige? Is it really love that you felt for Leister? Oh, takot ka lang talaga na tanggapin na unti-unti mo na rin nagugustuhan ang isang Martensen?
"Sigurado ka? Is it really Leister? Oh, in-denial ka lang talaga? Bakit ba ayaw mo kay Kerby Fil? That guy is really trying his best, in order for you to like him."
Tinamaan ako sa mga sinabi ni Chloris sa akin.
"Okay lang, hindi rin naman niya ako pinilit na gustohin ko siya. He doesn't want to bother me anymore. And I think I preferred that."
"Hay naku, Audrey Paige... sana nga lang ay hindi mo kainin 'yang mga sinabi mo ngayon." Nag-aalala niyang sabi sa akin, bago siya nagpaalam na putulin na ang tawag.
Inalis ko nalang sa aking isipan ang mga nangyari at sinubukan kong mag-focus na lamang sa mga bagay na dapat pinagtutuonan ko ng pansin.
Weeks passed by and everything feels okay. Oh, sinusubukan ko lang talaga na maging okay? Hindi ko alam. At hindi ko rin alam kung bakit parang hinahanap ko ang presensya niya!
Nalaman ko kay Leister na umalis raw ito at nagpunta ng Sweden at hindi pa rin bumabalik. Hindi rin daw nagpaalam sa kanila kung kailan ito uuwi. I am just worried for his grades. Ilang araw na siyang absent sa lahat ng subjects niya.
Did I hurt him that bad?
Masama ba talaga akong tao?
"You okay?"
Nabalik lang ako sa realidad nang magtanong sa akin si Chloris habang nag-aaral kami sa loob ng library. Tahimik ang campus at wala akong narinig tungkol sa kaniya. Nahihiya rin naman akong magtanong ulit kay Leister at baka isipin niya na may gusto ako sa pinsan niya.
"Siguro iniisip mo si Kerby Fil, no? Hulaan ko." Nilingon ko siya at nakita ko ang ngising aso niya.
Napapailing na lamang ako at sinubukan na mag-concentrate nalang sa aking binabasa. Exam is approaching and I really need to study hard! Hindi madali ang nursing, kaya kailangan kong magsunog ng kilay.
"Hayaan mo, uuwi din 'yun." Pahabol pa niyang sabi sa akin.
I am really trying my best not to stalk him on social media or even ask Leister about him. Sinabi niya sa akin na hindi na niya ako guguluhin, kaya ganoon rin dapat ako sa kaniya.
It was an exam day when the rain poured outside the house. Pasado alas-otso na nang umaga kaya nagmamadali akong lumabas ng bahay at nagpahatid na lamang ako sa aming driver. While my parents are away for a business meeting.
Nang makarating na kami sa entrance ng school ay nakita ko rin ang ibang mga studyante na nagtatakbuhan papasok sa loob nang dahil lamang sa ulan. Ang iba naman ay naghahati sa i-isang payong habang magkayakap at dala-dala nila ang kanilang mga libro.
Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan. It was coloured grey, white, and black. It looks like smoke that's trying its best not to explode. Pero, kahit anong pigil mo ay hindi mo naman talaga iyon mapipigilan, hindi ba? You can't actually predict what will happen.
"Ma'am, mamaya na po ba kayo papasok?" Pagtatanong sa akin ng driver.
Kaagad akong umiling sa kaniya at lumabas na ng sasakyan. I tried my best to open my umbrella, but I think it got stuck in the middle! I tried to press it one more time, pero, mas lalo lamang itong nasa ilalim at ayaw lumabas!
Napamura na lamang ako sa aking isipan dahil sa unti-unti na akong nababasa! Habang ginagawa ko iyon ay may biglang tumabi sa akin.
Natigilan ako sa aking ginagawa at nakita ang isang Leister Dew Martensen. He's wearing a black hoodie jacket, and underneath his hoodie is his psychology uniform. Kaagad kong naamoy ang mentol na nagmumula sa kaniyang bibig.
"Let's go," he said to me with a smile plastered on his face.
His hair was a bit messy just because of the rain that flows in the wind.
Tuluyan na kaming pumasok sa loob at nag-insist pa talaga ito na ihahatid niya lang ako sa aming classroom dahil mabigat ang bag na dala-dala ko.
Habang naglalakad kami ay biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at kinabahan ako ng wala sa oras.
I saw Fil, walking towards our direction! Sa ilang linggo ko siyang hindi nakita ay maraming nagbago sa physical appearance niya. Ilang linggo ba siyang nawala? Two weeks? Three weeks? At ngayon lang talaga siya bumalik? Paano naman ang mga exams niya?
Tuluyan na akong hindi mapakali nang lumapit rin si Leister sa aming dalawa. Nang tuluyan na itong nakalapit sa amin ay pinagmasdan ko lamang siya habang kinakamusta ang pinsan. He had his new, clean hair cut. No wonder some girls flock to his feet just because of his presence. Matipunong katawan, matangkad, gwapo, matalino, a guy who's active in sports also.
He didn't even look at me for a second. Para bang nakita niya ako na hangin lamang at hindi nabibigyan ng importansya.
Ito na ba 'yung sinasabi niya sa akin na pag-iwas at huwag na akong gambalahin?
"What happened to you, Kerby? You're almost three weeks gone! How's Sweden?" Pagtatanong ni Leister sa kaniya.
I saw him put his hands on his pockets. Nanliliit ang aking mga mata habang pinagmamasdan siya.
"It's okay. I just took a short vacation with Reian." Malamig niyang sabi kay Leister.
Tinapik ni Leister ang kaniyang kaliwang balikat at tumango lamang ito sa kaniya. Hindi niya ako nilingon kaya hindi ko na rin siya tinignan. Parang pinapaso ang puso ko nang dahil sa nararamdaman. Why my heart suddenly act like this? Bakit parang nasasaktan ako?
"Na-miss ka namin. Punta ka ng bahay mamaya, inuman tayo kasama ang ibang mga pinsan natin." ani Leister.
Itinuon ko nalang sa ibang direksyon ang aking paningin. Kailan ba sila matatapos sa pag-uusap?
"Got it, dude." He said in a calm tone.
"Mauna na ako. Mira called me earlier. I need to see her."
Nang makaalis na ito ay nilingon ko siya. He didn't look back at me. Hindi siya lumingon sa'kin kahit isang segundo lang. Awang ang aking bibig at humigpit ang pagkakahawak ko sa aking sling bag.
Parang tinutusok ang puso ko nang dahil lang sa walang dahilan. Mira? Nagkakamabutihan na ba sila ng babaeng iyon? That's why, he's acting like he didn't see me at all? Akala ko ba ay palagi siyang nandyan para sa akin?
Natapos ang aking klase na parang wala ako sa aking sarili. Wala akong ibang naisip kanina kung hindi ang umuwi. Buti nalang at hindi sumipot ang last instructor namin kanina kaya maaga kaming umuwi.
Dumiretso kaagad ako sa aking kwarto at ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. I couldn't help but cry in sadness. Bakit ka ba umiiyak, Paige?! This is what you truly want, right? Bakit ka nasasaktan? You should face the consequences you make! You should stay firm in your own decision!
Pero, bakit ang sakit-sakit?
Mahal ko na ba si Fil?
Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi. The pain is just too much to bear.
Natigilan lamang ako nang may biglang kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Awang ang aking bibig at kaagad kong pinunasan ang aking mga luha. Inayos ko muna ang aking sarili at kaagad na binuksan ang pintuan ng kwarto.
I saw my mother with weary eyes. She looks concerned about me. I didn't look at her back because I didn't want her to think that I was really crying.
"Can I come in?" Pagtatanong niya sa akin.
Nagbigay ako ng espasyo sa kaniya at pumasok naman siya.
"May kailangan po ba kayo, Ma?"
Nagkibit-balikat naman siya habang ang kaniyang buong atensyon ay nakatingin lamang sa kabuuan ng aking kwarto. I was just wondering what she's thinking about. Kung bakit bigla na lamang siyang kumatok at pumasok.
Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga.
"It's really hard, is it?"
Nabigla ako sa naging tanong niya sa akin. Hindi ko inaasahan ang mga tanong na iyon. Kumunot ang aking noo at hindi maintindihan ang ibig niyang iparating sa akin.
"A-ano po ang ibig ninyong sabihin, Ma?"
"To be in that situation, hija. I know you, anak. I know that you are hurting inside. I know, when you're in love and when you're hurting."
I bit my lower lip to stop myself from crying again. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. Nasasaktan ako lalo. Mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko.
"Why? I just want to know why, you didn't take the risk? If you really love that guy, go for it. Bakit mo pinipigilan ang sarili na mahalin siya? You're already falling, anak."
"Ma, I'm complicated. I'm broke as a person and I don't think he can handle me."
My voice broke when I said that to her. Hinarap niya ako nang may pag-aalala.
"I just... I'm just afraid to fall in love like you. I don't want to be like you, Ma."
Unti-unting lumapit si Mama sa akin nang may ngiti sa kaniyang mga labi. She hugged me so tight. Para akong nanghina at doon na kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Don't worry, anak. You will never be like me. Kaya, bigyan mo nang pagkakataon si Fil. Your father and him are totally a different person. Ang ama mo, may minamahal sa nakaraan, si Fil, ikaw lang ang minamahal at iniisip. If you don't want to regret all of this in the end, you have to take the risk."
Napahikbi ako nang dahil sa mga sinabi ni Mama sa akin. I didn't expect, these kinds of words were came from her. Parang niyayakap ang buong pagkatao ko. All this time, I thought that they didn't see me just because of their works. Just because they're busy. I was wrong. Mama knows everything. She sees me. She see me.
Natigilan lamang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. I excused myself and I saw Reian, calling me from messenger.
I immediately answer the call.
"Yes, Reian?"
"Paige..."
Awang ang aking bibig nang marinig ko ang hikbi ni Reian sa kabilang linya.
"Reian, are you okay? Why are you crying?"
"Kuya, he's in a hospital. He-he got into an accident, Paige. Our parent's not around, while I'm still here in this fucking house! I'm sick, Paige. Please, please help me to contact Leister."
Parang hinati ang puso ko sa mga narinig, galing kay Reian.
Parang pino-proseso ko pa ang lahat nang kaniyang mga sinabi.
Na-aksidente siya?!
My mind was filled with clouded emotions and all I could think right now is him! Oh God! Please, make him okay...
Please, make him stay...
I need him...
I have just realized...
I need him...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top