Chapter 12

I am in my room right now, thinking about what happened last night. Biglang nanlambot ang aking puso nang nakita ko ang kaniyang naging ekspresyon nang binigyan ko siya ng malamig na tingin.

Am I that rude to him? Ganoon ba talaga kalaki ang pagkamuhi ko sa kaniya para tratuhin siya ng ganoon? Blocked his number on my phone, restrict him on messenger and avoiding him to the core! Is it really hatred that I feel for him?

Bigla akong kinilabutan sa aking mga inisip. Why I sudden think about him?

Nabalik lamang ako sa realidad nang may kumatok sa labas ng aking kwarto. It was Manang Gia, our mayordoma.

"Audrey, anak. Pinapatawag ka na nang mga magulang mo. Sumabay ka na raw sa kanila sa pagkain." Sabi ni Manang Gia, with her usual look.

She served our family for almost twenty-years now. Binata pa lamang si Papa ay nagta-trabaho na si Manang Gia sa amin, and Manang Gia witnessed the tragedy of love between my Mother and the ex-girlfriend of my father. My father was almost engaged to his ex, but it didn't happen because the family of my mother and my grandparents are against that.

Hindi na-kwento ni Papa sa amin, sa akin, ni kahit isang beses ang tungkol sa babaeng iyon. Ang palagi niyang sinasabi sa akin ay matagal na niya itong hindi mahal. That's why, he agreed to marry my mother. Pero, hindi ako naniniwala sa mga salitang iyon. Sa mga salitang binibitawan niya. I can see it in his eyes every time my mother mentions that woman in front of him. Those flickers in his eyes every time he hears the name "Karina".

Nanlamig ako nang maalala ko ang matinding away nilang dalawa noong nakaraang buwan. Napabuntong hininga na lamang ako at tuluyan akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko silang kumakain sa dining area. I almost forgot that Chloris will be here in a minute! Sinabi niya kasi sa akin na pag-uusapan namin 'yung mga susuotin namin sa nalalapit na acquaintance party this coming Monday!

This weekend will be our practice for our ball dance! Lahat sila ay may mga partners na, ako nalang ang wala. Should I ask, Leister? Paano kung mayroon na siyang partner? Hindi ko dapat inaalala ang mga bagay na iyon. Kaya ko naman mag-isa kahit wala akong partner sa sayaw. I will just drink wine all the time, kung ganoon man ang mangyari sa akin.

Negative thoughts were dripping from my throat down to my spine like acid when I remembered Fil's word. He wants me to be his partner. Eh, ayoko nga!

"What's in your mind, anak? You seemed bothered."

Nabalik lang ako sa realidad nang biglang magtanong si Mama sa akin. Pinagmasdan ko lang ang nakahain na pagkain sa lamesa at hindi ko muna ito ginagalaw.

Masyado ba akong occupied pagdating doon? Masyado ba akong occupied pagdating sa kaniya?

I shook my head as a response, "No, Ma. Naalala ko lang ang nalalapit namin na party sa school." Namilog ang kaniyang mga mata at parang mas excited pa ito kaysa sa akin.

"Really? Then, I should call my designers right away! Kailan magaganap ang party na 'yan? You should've told me earlier, para naman makapaghanda pa tayo sa susuotin mo." Mama was in a hysterical mood when she know when will the party started.

Si Papa ay tahimik lamang sa gilid habang nakikinig sa aming dalawa ni Mama.

Napasapo ako sa aking noo at kaagad akong umiling sa kaniya. Kahit na mayroon kaming maraming pera ay hindi ko kayang mag-aksaya ng pera para lamang sa isang gamit! Bibili nalang ako sa Mall.

"Ma, it's okay. I don't need it anyway. It's just a party. Atsaka, isang beses ko lang naman susuotin, eh."

"Kahit na, Audrey! Gusto mo ba na magmukha kang manang doon sa party ninyo? I won't let that happen! What kind of dress do you want? I will contact Danilo for that."

Kahit anong pagpapaliwanag ko kay Mama ay hindi pa rin siya nakikinig sa akin. My budget for a gown was fifteen thousand pesos, beyond that, I will never spend money for just one fucking gown!

Hindi ko na siya napigilan nang inutusan niya ang kaniyang sekretarya na tawagan ang kaniyang kaibigan na si Danilo.

"He will be here in a minute," masaya pa niyang sabi sa akin bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Magpo-protesta pa sana ako nang biglang sumingit ang isa sa mga katulong namin.

"Ma'am, nandyan na po si Ma'am Chloris." Napahinto ako sa aking pagkain at napalingon sa aming katulong.

"Who's Chloris?" Pagtatanong ni Mama at sinabihan ko siyang kaibigan ko sa school.

Lumabas ako ng gate para salubungin si Chloris. We have been planning about buying dresses, today! Pero, umiksena si Mama at gusto niya talaga na sa kaibigan niya ako pipili ng gown.

Chloris with her long straight black hair and light make up, wearing a mini black skirt with white button on the side of it as a style, and she's wearing black boots na bumagay naman sa kaniyang kutis.

She smiled at me widely and even wave her hands to me. Napapailing na lamang ako sa aking kaibigan at tuluyan siyang pinapasok sa loob ng bahay.

"So, may naisip ka na ba na design sa gown mo? May nakita ako noong nakaraang araw. Ang ganda ng mga designs nila, Audrey! I was so in love with the styles and colors of it. Tapos, pasok pa sa budget natin."

How could I tell to her that I am not going to buy gown outside? I don't want to fail her, either. Sana pala ay hindi ko nalang sinabi ni Mama na may party kaming magaganap.

Napahinto ako sa aming paglalakad at nalito naman siya sa aking naging biglaang ekspresyon.

"Chloris, I'm not going to buy any dresses or gowns from the mall. My Mother called her designer to show me the designs of theirs. Hindi ko naman talaga gusto ito, eh. Pero, nagpumilit si Mama at ayoko rin naman siyang magalit sa akin." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Napangiwi naman siya nang marinig niya ang aking pagpapaliwanag. Disappointments was very evident in her eyes. Hindi na lamang ako nagpahalata na medyo nasaktan ako sa naging reaksyon niya sa akin.

"It's okay, Audrey. Wala namang problema sa akin 'yun, eh. I understand." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Alam kong hindi okay sa kaniya dahil magkaibigan kami at napagplanohan na namin ito noon, pero, ako itong hindi tumupad sa usapan namin.

Of course! She has the right to be disappoint at me!

"You must be Chloris!" Nalaglag ang aking panga nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa aming likuran.

Tapos na pala silang kumain ni Papa! Nakangiting sinalubong ni Mama ang aking kaibigan at niyakap pa ito. Namilog naman ang mga mata ni Papa nang makita niya kung sino ang aking kasama.

"Hi po, Tita! Nice to meet you!"

"Nice to meet you, too! Narinig ko ang pinag-usapan ninyo kanina, Audrey. You can have your design, hija. Sagot ko na ang lahat."

Medyo gumaan ang aking pakiramdam nang sabihin iyon ni Mama sa kaniya. Ganyan rin kasi ang nasa isip kong gawin na plano. My plan a didn't work. So, I need to cooperate with my plan b.

"Tita, nakakahiya naman po kung ganoon." Nahihiya pa niyang sabi kay Mama.

"Don't be shy, anak!"

"Anong pangalan mo, hija?" Narinig ko ang pagtatanong ni Papa sa aking kaibigan habang nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kaniya.

Tumuwid nang pagkakatayo si Chloris at kaagad naglahad ng kamay kay Papa.

"I'm Chloris Lavenia Rayon, Tito."

Umigting ang panga ni Papa at tinanggap naman niya ang nakalahad na kamay ni Chloris.

My smile faded when I saw my mother's becoming a different person, in front of us. Nakita ko ang biglaang pagbigay niya ng malamig na tingin sa aking kaibigan. I want to talk to her about her reaction but Chloris seems in heaven of happiness when my mother said that she will be paying everything for all of us!

"Chloris, sa labas muna tayo. Doon nalang tayo maghintay kay Danilo." Sabi ko sa kaniya at nakangiti naman itong tumango sa akin, bago lumabas ng dining area.

Bago ako tuluyang dumiretso sa may pool area ay narinig ko pa ang mga salitang binitawan ni Mama kay Papa.

"Throwback ba, Nicholas Keslier?" Malamig na sabi ni Mama kay Papa.

Kumunot ang aking noo at hindi ko maintindihan ang lahat ng mga sinabi ni Mama sa kaniya.

She is unreasonable! Pabago-bago ng mood at minsan ay hindi namin siya maintindihan ni Papa kung bakit biglaang naging ganoon ang kaniyang ekspresyon.

Huwag lang sanang magbago ang pakikitungo niya sa aking kaibigan. Chloris is a kind person, a soft-hearted woman. Kaya, masasaktan talaga ako kapag babawiin ni Mama ang offer niya tungkol sa gown.

Hindi ko lang talaga maintindihan, why all of a sudden she react like that?! Napapailing na lamang ako at kaagad akong tuluyang umalis ng dining area.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top