Chapter 10

Watching the sunset will always melt my heart. Lumundag ang aking damdamin habang pinagmamasdan ito. Ang mga ibon na lumilipad sa malayo. Unti-unti na rin nagiging kulay kahel ang kalangitan. The skies were turning red and orange.

Nabalik lang ako sa realidad nang biglang gumalaw ang kabayo na sinasakyan namin. Ginamit namin si Ron para sakyan namin. He was patient with us all the time. Akala ko ang mga kabayo ay agresibo at mabilis magalit. This one was actually raised by a gentleman.

Ramdam ko ang marahas na pagbaba ni Fil sa kabayo at nakita ko na naglahad siya ng kamay sa akin. Kaya ko naman sigurong bumaba, mag-isa? Napapailing na lamang ako sa aking isipan nang hinawakan niya ang aking magkabilang bewang at walang ka-hirap hirap na binaba ako mula sa kabayo.

"Umupo muna tayo roon," sabi niya sabay turo sa isang maliit na kahoy na upuan.

Hindi na lamang ako umangal sa kaniya at sumunod na lamang ako. Tinali niya muna si Ron sa may gilid bago siya bumalik sa aking direksyon.

Pinagmasdan kong muli ang kalangitan na ngayo'y unti-unting inaagaw na nang kadiliman. The sun were already setting down and the colors of it is already fading. Kagaya ng mga nakikita natin sa buhay, sa mga naranasan natin. Some of it were good and some of it were bad. Not all the times are made of happiness and not all the times are made of sadness. Kagaya ng kalangitan na nag-aagaw na nang liwanag at dilim. All of these are going to be fade. All of these moments were turn into memories. Hindi nagtatagal, kumukupas.

"Are you okay?" a soft baritone voice was escaped from his mouth.

Nilingon ko siya at nakita ko ang kaniyang mapupungay na mga mata. His hair was a bit messy just because of the wind. Pero, hindi pa rin nakatakas doon ang makisig niyang mukha.

Iba talaga kapag Martensen...

"Yes." Tipid kong sagot sa kaniya.

Sa gilid ng aking mga mata ay napansin kong nakatitig pa rin siya sa akin. Why is he still looking at me?! May dumi ba sa mukha ko?

"Parang ang lalim naman ng iniisip mo," dagdag niya pa.

Bumuntong hininga na lamang ako at hinayaan ko nalang siya na titigan ako.

"I was just wondering... all of these were turn into memories." I said to him with a smile.

'Yung ngiti na halatang walang interes sa lahat. Yung mga ngiting hindi naman masaya sa loob.

I heard him laugh. Hindi ko maiwasan ang hindi mapalingon sa kaniya. I looked at him slowly. Those thick eyebrows and attractive eyes were always captivating. Ang ma-arko niyang mga labi ay mas lalong nadepina nang ngumiti siya sa akin. Even when his moreno, his lips were still red.

"You're right, Paige. This moment will turn into memories. Kaya kung ako sa'yo? Pahalagahan mo nalang ang lahat. Just savor the moment." Pagpapaliwanag niya pa sa akin.

I never knew that I would have this kind of conversation with him. When it fact, I hate all of him. Kaya, bakit nga ba ako nandito kasama siya?

"Ayoko nga! Ang malas ko naman dahil ikaw ang kasama ko rito!" Maarte kong sabi sa kaniya at nagkibit-balikat na lamang ako.

"Ang gwapo ko namang malas kung ganoon."

I rolled my eyes on him. Kumunot lamang ang aking noo nang may iniabot siya sa aking maliliit na mga bulaklak at nakalagay pa ito sa mga dahon.

It looks like a little bouquet!

"Ingatan mo 'yan, ha. Ginawa ko yan para sa'yo." He said in a small tone of voice.

'Yung boses na para bang iniingatan niya na hindi mabasag at magtaas ng boses.

Umawang ang aking bibig nang maalala ko ang lahat ng mga sinabi ng kaniyang kapatid tungkol sa fixed marriage. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot doon. I don't even like Fil. But he's a good person. He doesn't deserve to be in a situation like that when he can't choose whoever he wants to marry.

"If you don't mind me asking... are you okay with fixed marriage?" Pagtatanong ko sa kaniya.

Pinagmasdan ko ang kaniyang magiging reaksyon. Kumunot ang kaniyang noo at nilingon ako bigla.

"Hindi," tipid niyang sabi sa akin.

Iyon lang? Hindi?

"Really? Why?"

Umigting ang kaniyang panga at parang nagtataka siya kung bakit tinanong ko siya nang mga ganoong bagay.

"Fixed marriage will never be okay with me. Hindi ako papayag kung ipapakasal ako sa iba, sa gayong may mahal naman ako."

Inilagay ko muna ang aking takas na buhok sa gilid ng aking tenga, bago ako nag-isip ng itatanong ulit sa kaniya.

"Paano kung wala kang choice?"

He look at me with his full of attention.

"You will always have a choice when it comes to that, Paige. Dahil sa'kin, mayroon. Hindi ako papayag na matali sa iba."

Bakit parang pakiramdam ko para talaga sa akin iyong mga sinabi niya? Hindi ako makatulog buong gabi nang dahil lamang doon.

Paikot-ikot ako sa higaan habang iniisip ko ang mga bagay na iyon. What if he gets married? With a fix marriage? What if he will say yes? Ano naman ngayon, Audrey kung papayag siya? Wala ka namang gusto kay Kerby Fil, hindi ba?

Kinabukasan ay bumalik ako sa kanila. Sinabi niya sa akin kagabi na tuturuan niya raw ako sumakay ng kabayo. I grab the opportunity because I really want to try this my whole life! Ngayon pa ba ako tatanggi? He let me use Ron for a while. Ang ginamit naman niya ay ibang kabayo. Sa lahat raw kasi ng kabayo nila ay si Ron lang ang hindi agresibo.

"You think you can?" Pagtatanong niya sa akin, habang nasa gilid pa rin siya ng aking kabayo. Nakasakay na ako ngayon at nakahawak sa mga lubid nito.

He looks so worried. Na para bang anytime ay pwede niyang kunin si Ron sa akin at hindi na lamang ipagpapatuloy ang pagtuturo niya sa akin.

"Of course!" Matapang kong sagot sa kaniya.

Nakita ko ang kaniyang pagbuntong hininga at dahan-dahan namang itong tumango sa akin, bago sumakay sa kaniyang kabayo.

I hold the rope so tight and tried to control the horse while running. Itinangay ng pang-hapong hangin ang aking mahabang buhok.

This is so interesting!

Nakangiti ako habang pinapatakbo ko si Ron, dito sa malaking lupain nila. Nilingon ko si Fil at nakita kong nakatingin rin pala siya sa akin.

He smiled at me while signing that I really need to hold the rope so tight.

Nagpatuloy kami sa aming ginagawa at hindi namin namalayan na pasado alas-sais na pala ng hapon.

Masaya akong bumaba mula kay Ron at hinaplos ang kaniyang alaga.

"How was the experience?" Pagtatanong ni Fil sa akin.

Pinagpawisan siya nang dumating sa kwuadra. I smiled at him with genuine.

"It's good. Thanks to you," masaya kong sabi sa kaniya.

Ngumiti lamang siya sa akin pabalik. I really thought that would be the last time that I will visit to their home, but I was wrong.

It took me three weeks to learn on how to ride a horse! Araw-araw akong pumupunta sa kanilang bahay dahil may bakasyon kasi kaming naganap. The teachers were also having fun on their short vacation of time. Habang tumatagal ay mas lalo kong nakilala si Fil. His personalities, his ambitions, his attitude and all his complexities.

"Thanks, Ron!" Pasasalamat ko sa kaniyang kabayo, bago ko siya dinala sa kwadra.

Natigilan ako nang bigla siyang tumahimik sa aking tabi. Kumunot ang aking noo at kaagad ko siyang nilingon.

What's wrong with him?

When I looked at him, he look at me with his hooded eyes. Mas lalong nadepina ang kaniyang mga braso nang nakapamewang siyang nakatingin sa akin.

"Bakit?" Pagtatanong ko sa kaniya.

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga, bago ako tinignan sa aking mga mata.

"Paige, can I ask you something?"

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng ganito. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Iyong mga tibok na parang hinahaplos ang aking tiyan, na para bang may paru-paro sa aking kalooban.

"What is it?" Itinuon ko nalang ang aking paningin kay Ron.

"Can I ask you to be my partner? Malapit na kasi ang acquaintance party. It is actually my first time joining that kind of party."

Ano? First time niyang makasali sa mga ganoong party? Bakit? Saan siya nilagay ng Panginoon noong umuso ang mga may event.

Hinintay niya ang aking mga sagot. Na para bang ako nalang ang hinihintay nila.

"Yes, it's okay." Tipid kong sagot sa kaniya.

A hidden smile was very evident when he tried to hide it again. Napangiti na lamang ako aking kalooban.

Hindi maalis ang aking mga mata habang nakatitig sa maliit na picture na naka-display sa harapan ng aking sasakyan. Marahas ko itong kinuha at pupunutin ko na sana nang bigla ko siyang naalala.

It was our picture from a party. An acquaintance party. Sa likod nito ay nakalagay pa ang date kung kailan ito kinuha. It was true. Lahat nang mga nangyaring magaganda sa buhay natin ay kukupas rin. Even the memories.

Iritado ko itong itinago sa lalagyan at aalis na sana ako for my evening shift when someone sent me a picture. It was actually from my former best friend.

Biglang bumagsak ang aking balikat nang makita at mabasa ko ang nakalagay sa may article na ipinagkakalat ngayon.

Parang may tumusok sa damdamin ko nang makita ko ang pangalan niya at ang kaniyang maamong mukha.

He changed a lot. That's all I can say.

Mahigit walong taon rin naman kasi iyon. Ano pa ba ang aasahan mo, Audrey? Na kayang maghintay ang mga lalake na ganoon ka-tagal?

I don't think so.

He even matured enough to be in this kind of relationship. While me,  having at a party all the time.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Mga luhang hindi ko inasahan na tutulo.

Those news were haunting me, all the time!

"Mr. Kerby Fil Martensen together with his girlfriend are now planning for their engagement party."

Para akong sinaksak ng paulit-ulit. Hindi ko matanggap! Hindi ako naging handa! Why this happen all of a sudden?

Do I deserve to be in a situation like this?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top