Chapter 1
Nagmamadali akong naglakad habang dala-dala ang aking tatlong libro. Punyeta! Late na ako sa first class ko! Hindi ko kasi namalayan na tumunog na pala 'yung bell, nakatambay lang kasi ako sa library kanina, mag-isa lang rin naman ako kaya walang gumising sa akin. Alarm clock ko lang talaga ang nagpapagising ng kaluluwa ko, late pa ng ten minutes!
Nang makarating ako sa magiging classroom namin ay nakatuon lahat ng atensyon nila sa akin nang bigla akong sumulpot sa gitna ng discussion ni Mrs. Ramos.
"Good afternoon, Ma'am!" bati ko sa kaniya kahit na alam kong abot hanggang langit ang pagtaas ng kaniyang mga kilay nang makita ako.
"You're late again, Ms. San Diego! How many times do I have to tell you that five minutes late is considered absent! Seryosohin mo naman itong subject ko!" napalunok ako ng wala sa oras pero nginitian ko pa rin siya.
"Ma'am, sorry... it won't happen again."
"Pang-ilang pangako mo na 'yan?" sabi niya sabay iling at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.
So much for the first day of my class! Since wala ng bakanting upuan sa loob ay lumabas nalang muna ako para kumuha ng bakanteng upuan sa kabilang silid. Dahan-dahan akong kumuha ng upuan, without minding the person who's sitting in front. Naka-earphones naman kaya paniguradong wala siyang pakialam.
Palabas na sana ako ng bigla akong natapilok sa sarili kong heels! Dahilan para bumagsak ang upuan at muntik ng matamaan ang kaliwang paa ko!
"The hell?!" sigaw ko ng wala sa oras. Buti nalang hindi nasira ang heels ko!
Binuhat kong muli ang upuan nang biglang sumulpot sa harapan ko 'yung lalaki. Hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresyon, pero mukhang iritado siya sa nangyari.
"Kung hindi mo naman pala kaya, sana nagpatulong ka nalang. You disturbed my sleep." mahinahon niyang sabi sa akin.
Aba, aba?! Ang yabang naman nito!
"Pasensya ka na rin, ah? Hindi kasi 'to bahay ni'yo para tulugan mo," inis kong sabi sa kaniya at inirapan ko siya.
Nakakainis! Ngayon ko lang nalaman na may mga hambog pala sa University na'to. Bakit ba naman kasi dito ako pinag-aral nila Mama at Papa sa Mount Carmel College!
I am taking BS Nursing, since iyon naman talaga ang gusto kong kurso na kunin. Ang napag-planohan namin ay sa Manila ako mag-aaral dahil doon nalang ako kay Tita titira but my parents won't allow me to live there at baka daw maglakwatsa lang raw ako.
Hindi na rin ako nag-reklamo dahil ano pa ba ang bago? Wala nga akong nagawa noong muntik na silang maghiwalay, ngayon pa kaya? Inalis ko na lamang iyon sa aking isipan at nang matapos ang unang klase ko ay kaagad akong umalis.
I actually don't have friends yet, wala rin naman akong balak makipag-kaibigan. Mamayang alas-cuatro pa ang magiging sunod ko na klase kaya naglakad-lakad nalang muna ako sa loob ng campus.
There are to be exact eight buildings in this school for different courses. Sobrang laki ng skwelahang ito, to the point na hindi ko na siya madiskubre. Pababa na ako ng building namin at paglabas mo ay makikita mo kaagad ang mga nagliliherang mga puno ng kahoy. Kung lalabas ka ng skwelahan ay ang mga puno ang sasalubong sa'yo na nakatayo sa gilid ng daanan. Kapag nakarating ka na sa gitna, may makikita ka na logo ng aming school, umiilaw ito kapag gabi.
Pagkarating mo sa entrance ay sa gilid naman ay may pasilyo na may mga nakahilerang benches. Doon tumatambay ang halos lahat ng studyante ng MCC. Ang iba naman ay sa open field nagpapalipas ng oras, mahangin rin naman kasi doon kahit na medyo mainit, pero presko naman ang hangin doon.
Nagpasya ako na umupo na lamang doon sa may bakanteng bench at doon na lamang magpalipas ng oras nang pag-upo ko ay may tumalsik sa akin na malamig na tubig!
"Shit!" sigaw ng isang lalake.
Hindi ko maibuka ng maayos ang aking mga mata nang dahil sa malamig ang tubig na tumama sa akin!
"Ano ba'ng problema mo?!" galit kong sabi sa kaniya.
"Pasensya na, akala ko si Leister ka-" binara ko siya sa dapat niyang sasabihin.
"Tumahimik ka nga! Pinag-ti-tripan mo ba ako, ha?! Kung wala kang magawa sa buhay mo, pwes huwag mo akong idamay!" paniguradong namumula na ang aking mga pisngi nang dahil sa galit.
Tinignan ko siya at nakita ko na mas matangkad pa pala siya sa akin. He's wearing the bs accountancy uniform. Matangkad na lalaki, hindi masiyadong maputi, sakto lang.
"Please, Miss? Hindi ko talaga sinasadya. I thought you were Leister, siya dapat ang nabuhusan ko ng tubig." Pagpapaliwanag pa niya sa akin.
"Hindi mo ba nakita ang ginawa mo?! Basa na itong uniform ko! Wala akong pampalit!" reklamo ko sa kaniya habang inaayos ko ang nabasa kong upper uniform.
Kumunot ang aking noo nang makita ko siyang dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang bag at inabot sa akin ang isang kulay maroon na polo shirt na may nakalagay na "Martensen" sa likod nito.
"You can wear my polo shirt, it's my fault anyway. Ibalik mo nalang 'yan sa akin kapag nakauwi ka na sa inyo. Kung galit ka talaga sa akin, itapon mo nalang." Sabi niya sa akin.
Marahas akong bumuntonghininga, hindi ko sana tatanggapin ito pero may isa pa akong subject na kailangan kong pasukan at wala rin naman akong extra na damit. I really don't have a choice!
"Susunugin ko talaga ito!" pagalit ko pa rin na sabi sa kaniya at marahas ko itong hinablot sa kaniyang mga kamay at padabog na umalis. Tinawag pa niya akong muli.
"Miss, sorry!"
Sorry mo mukha mo!
Kaagad akong dumiretso sa comfort room ng building namin at inis akong nagpalit ng damit. Ano ba ang nakain ng lalaking 'yun? Napapailing na lamang ako't lumabas ng banyo.
Dumiretso na lamang ako sa labas ng skwelahan at bumili na lamang ako sa don macchiato na malamig na kape. Gusto kong pakalmahin ang aking sarili, dahil hanggang ngayon ay naiirita pa rin ako sa lalaking iyon!
"Isang macha," sabi ko sa nagtitinda doon.
Habang naghihintay ako sa aking inumin ay nakita kong nakangiti ng palihim ang babae. Kumunot ang aking noo sa kaniyang naging ekspresyon. Napalingon pa ako sa aking likuran at baka assuming lang talaga ako na sa aking damit siya nakatingin.
"Is there any problem, Miss?" inosenteng pagtatanong ko sa kaniya.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sabay iling sa aking mga sinabi.
"Nothing, Ma'am. Ikaw na pala ang bagong girlfriend ni Kerby," mas lalong kumunot ang noo ko.
Sinong Kerby?
"I don't understand you," pabalik kong sab isa kaniya. Nilahad niya muna sa akin ang matcha coffee bago niya ako sinagot.
"Suot-suot mo kasi ang damit niya. Ayan oh, may K. Martensen na naka-print sa may gilid," kinikilig pa niyang sabi sa akin.
Napatingin ako nang wala sa oras.
What the hell! Mayroon nga!
Hindi ko mapigilan ang hindi maging irita sa kaniyang mga sinabi. Alam kong wala siyang kasalanan pero I want them to know that I am not his or whoever that person's girlfriend!
"I'm not his girlfriend. Atsaka, he let me use his shirt it is because he did some horrible thing to me. I wouldn't lower my standards for that guy," natahimik siya sa aking mga sinabi at umawang ang kaniyang bibig.
Mamaya ng aking klase, maliligo talaga akong muli! Huhugasan ko ang buong pagkatao ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top