Chapter 9

Maxie's P.O.V

“Aoki, are you up? I'm going inside.”

Napabalikwas ako ng bangon at kinakabahang napatingin sa pinto. Pinihit ni Duke Zachary ang seradura upang buksan. I sighed in relief when I remembered that I locked it last night. Him barging in my room is the last thing I want to happen.

Bumaba ako sa kama bago ako sumagot, “Hintayin mo na lang ako sa labas kasi maliligo pa ako,” pasigaw kong sabi.

“Alright, make it faster. We need to hit the road before ten.”

Narinig ko ang papalayong tunog ng kanyang mga paa. Kinusot ko ang aking mga mata inaantok na humikab. Pilit kong hinila ang aking sarili papunta sa banyo. Sabi niya ay apat hanggang anim na oras ang magiging byahe namin kaya kailangan naming bumyahe ng maaga para hindi kami aabotin ng hapon.

Nang lumabas na ako sa banyo ay nawala na rin ang aking antok. I proceed on packing my clothes and other things that I needed. Tinatamad kasi akong mag-impake kagabi kaya ngayon ko na lang gagawin. One of the reason why Duke Zachary's knocking on my door when noticed I am still not up. I checked twice if I inserted some binding in my clothes. Hindi ko rin nakalimutang magtago ng dalawang baril sa kinailaliman ng aking mga damit.

Nang lumabas ako sa aking kwarto ay bitbit ko na ang aking medyo may kalakihang bag. Duke was on the living room busy with his laptop. Tumikhim ako upang makuha ang kanyang atensyon. Nag-angat siya ng tingin at tumagal ang titig niya sa akin kaya nailang ako. He just stared at me, and I was just standing in front of him.

Hindi ko napigilang kagatin ang ibaba kong labi dahil sa pagkailang. “May dumi ba ang mukha ko, sir?” I asked consciously.

Namula ang kanyang tainga at nag-iwas ng tingin. Hindi ko pinansin ang pamumula ng tainga niya dahil abala ako sa pagkapa sa aking mukha. Baka mayroon pa lang dumi tapos ay hindi ko napansin.

He answered with a low voice, “Mukha kang bakla.” Pagkatapos ay tumayo siya at sinara ang nakabukas na laptop.

Hindi pa man ako nakasalita iniwan na niya akong mag-isa. I hissed and ran after him. Baka iwanan pa niya ako rito ng mag-isa kapag hindi ako magmamadali.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya biglang sinabi na mukha akong bakla. Napakalayo naman kasi sa sinabi niya ang dahilan ng biglaang pagtitig niya sa akin. Cause it's clear that I look handsome and not gay. Pwede na bang maiapply dito ang fallacy na 'Non Sequitor' na ang ibig sabihin ay 'It doesn't follow'?

Ano ba 'tong iniisip ko? Pati fallacies pinagdiskitahan ko na. Combing my hair with my hand, I groaned inwardly.

Pagkababa sa parking lot ay naroon pa ang sasakyan niya at nasa loob na siya nito. Mabuti naman at hinintay pa niya ako. Mabilis akong tumakbo at pumasok sa shotgun seat bago pa niya maisipang paandarin ang sasakyan at iwanan ako. Hindi niya ako binalingan at pinaandar lang ang sasakyan pagkatapos kong maikabit ang seatbelt sa akin.

Hindi niya pinasama sa amin papuntang Baguio ang tatlo niyang bodyguards, pati na rin si tatay Juan dahil sa malayo ito at hindi na maaaring masyadong magpagod ang matanda. But it's fine 'cause I am here to protect and watch over him. Para lang akong nagbabantay ng isang batang pasaway.

Tinaponan ko ng tingin si Duke na hindi nagsasalita. Head propped on my arm, I peered at his face. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatutok lang ang mga mata niya sa daan, na siyang pinagtaka ko. Ganoon pa man ay hindi nito nabawasan ang kanyang kagwapohan dahil mas lalong nagliliwanag ang kanyang berde na mga mata dahil tinatamaan ito ng sinag ng araw. I can feast at this sight all day.

His ears are still slightly red. I don't even know the reason why his ears are red. Baka makati o di kaya ay dahil sa temperature. He looked really cute with reddish ears.

Hininto niya ang sasakyan nang magred ang traffic light. I took the opportunity to reach and slightly rub his ear.

He jolted because of my sudden touch. Eyes wide, he looked at me like I was being naughty again. I rolled my eyes and just looked outside the window.

“Aoki, wake up. We're here.” Niyugyog niya pa ako upang magising.

Kinusot ko ang aking mata at humikab. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong natulog. Naramdaman ko na mas malamig ang klima kaya napayapos ako sa aking sarili. I didn't wear thick clothes on our way here dahil mainit. Masusuffocate  ako kung nakabalot ako tapos mainit ang panahon.

Lumabas si Duke Zachary at kinuha ang mga gamit namin na nasa loob ng trunk ng sasakyan. I opened the car door and helped him with the luggage. Akmang maglalakad na siya habang bitbit ang aking bag nang pinigilan ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay. Parang pinapa-inggit yata ako nito sa makapal niyang kilay.

I grimaced before saying, “I can perfectly carry my bag alone. Ibigay mo 'yan sa'kin.” Inilahad ko ang aking kamay at hinintay siyang ipasa ito sa akin.

Saglit niya akong tinitigan. Ayan na naman ang mga titig niyang nagpapatindig ng mga balahibo ko.

He smirked like he thought of something funny. “Sa bakla mong 'yan, dapat nagpapasalamat ka sa pagiging gentleman.” Tumalikod at naunang nang maglakad papasok sa medyo may kalakihang bahay na nasa harapan namin.

Mas lalong nagusot ang aking mukha. “Nakakalaki ka na ha! Sir, may araw ka rin sa akin!” nanggigil na singhal ko at sumunod.

Pati ba naman pagbuhat ko ng gamit pinapansin pa niya at sinasabihan na napakabakla. Aba't! Ipapatikim ko pa sa kanya ang uppercut ko. Makikita niya.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay namangha ako. Napakahomey ng feeling at parang gusto ko na lang ipagpatuloy ang aking tulog, kahit pa sa ibabaw lang ako ng puting couch nakahiga.

Dumiretso si Duke sa kusina pagkatapos maipatong ang bitbit niyang bag na hindi naman kalakihan. He opened the fridge and seemed satisfied when he saw that it was filled with food. Kumuha siya ng bottled water at uminom. Napalunok ako nang mapansin na ang ibang tubig ay dumaloy mula sa kanyang bibig papunta sa kanyang panga at leeg. I can vividly see his throat go up and down as he gulp down the water. My throat went dry at the sight. Inalis niya ang bottle mula sa kanyang bibig at lumingon sa gawi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-iisip na baka ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nababaliw na yata ako. Something's wrong with me lately.

“Let's go upstairs. I am going to show you to your room.”

Tumango ako sa kanya at sinundan siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Katulad sa baba ay napakahomey rin ng feeling dito. Minimalistic paintings are hung on the the hallway.

“This will be your room,” tapos ay tinuro niya ang pinto na kaharap ng sa akin, “That's mine. You can easily call me if you need anything and change into something thicker.”

Ngumiti ako ng maliit at pumasok sa kwarto ko. Pumasok na rin siya sa kanyang kwarto. Binaba ko ang aking bag sa sahig at pabagsak na humiga sa kama. I didn't bother closing the door dahil tinatamad ako. Kahit natulog lang ako sa buong byahe ay nakaramdam pa rin ako ng pagod. Humikab ako at pinikit ang aking mga mata. Ayos lang naman sigurong matulog ulit.

Nagising akong kumakalam ang sikmura ko. Pagtingin ko sa paligid ay madilim na pala. Alas tres kaming dumating kanina at alas syete na ng gabi ngayon. Ibig sabihin ay nakatulog ako ng apat na oras. Umupo ako sa kama at napansin na mayroong kumot na nakapalibot sa akin. Ang sapatos kong hindi ko inalis kanina ay hindi ko maramdaman. Nakasarado na rin ang pinto ng kwarto.

Isang tao lang ang maaaring gumawa sa lahat ng mga 'to. I know it's Duke Zachary dahil kaming dalawa lang naman ang nandito sa loob ng bahay. May naramdaman akong kakaiba sa aking tiyan habang iniisip ang ginawa niya. I am being weird again.

Tumayo ako at kumuha ng sweatshirt sa bag k at sinuot ito. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kitchen upang maghanap ng pagkain. I didn't saw Duke while I was heading downstairs dahil nasa kusina pala siya at nagluluto.

“Mabuti naman at gumising ka na mahal na hari,” nakasimangot niyang usal.

“Kakagising pa lang, aking alipin,” sagot ko na hindi niya pinansin.

Ngumisi ako ng malaki at umupo sa upuan habang siya ay abala sa paghahain ng pagkain. Natatakam akong nakatingin sa mga pagkain at bigla na namang tumunog ang aking tiyan. Napahinto si Duke sa kanyang ginagawa.

“Anong klaseng halimaw ba ang nakatira sa loob tiyan mo?”

Hindi ako nagpatalo sa kanya at sumagot, “Dragon sir. Bakit? Gusto mo magpatusta sa apoy niya?”

Umiling lang siya at parang natatawa sa akin.  Napatingin ako sa huling plato na inilapag niya sa mesa. I raised my eyebrows at him questioningly.

“What? Is this your first time seeing a crab?”

“Hindi sir. Nagtataka lang ako kung bakit nagluto ka niyan. And isa po ang crabs sa mga paborito kong pagkain.”

Nagkibit-balikat siya at umupo sa harap ko.
“Then let's eat. Huwag nang maraming tanong.”

Inabot ko ang isang crab at dinala ito sa aking bibig. I tried biting into it to break the hard shell, however, I failed. Sinubukan ko pa ng ilang ulit hanggang sa sumuko na lang ako at sinipsip na lang ang sabay nito. Malungkot ko itong tinitigan. Napakalapit lang nito sa akin at hawak ko na nga pero hindi ko rin makakain. One thing, I don't know how to remove its shell and someone would always do it for me. I only know how to eat it.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Duke kaya tinaponan ko siya ng masamang tingin. He's even laughing at my misery. Nakakainis siya. Sarap niyang ibalibag at sipain papuntang Mars.

“Are you even for real, Aoki? Sabi mo paborito mo pero hindi mo kayang kainin?” pang-iinis niya sa akin.

Binaba ko ang crab na hawak ko at sumandok ng kanin na para bang walang nangyari. Alam kong nakakahiya lalo na't isa akong lalaki pero hindi ako marunong magtanggal ng shell nito.

“Puro kain lang talaga ang kaya mong gawin,” natatawang napaiiling siya. “Ako na nga, baka iiyak ka pa riyan.”

Inabot niya ang crab na sinipsip ko kanina. Hindi ko siya pinansin at tinuon na lang ang pansin ko sa pagkain. Hindi lang naman alimasag ang linuto niya kaya ayos lang. But still, it'll be better if I can eat the crabs. They'll go down in my stomach to satisfy my dragon pet, then everyone will live happily ever after.

“Oh! Kainin mo.”

Inangat ko ang aking ulo at nagtatakang tiningnan ang meat ng crab na itinapat niya sa aking mukha. He gestured me to eat it. Nagliwanag ang aking mukha at tumango. Hinawakan ko ang kanyang kamay upang mas mailapit ko pa ito sa aking bibig. Kinuha ko ang meat mula sa kanyang kamay gamit ang aking bibig. I didn't let go of his hand and put it inside my mouth to sip and lick off the juice of the meat na natira sa dalawa niyang daliri.

Binitawan ko lang ang kanyang kamay nang malunok ko na ang pagkain. Malaki ang ngiti ko siyang tiningnan upang magpasalamat, “Salamat sir! That was great!”

Hindi siya sumagot at nakatulala lang sa kamay niya. His face up to his ears were all flushed. Muli kong tinawag ang kanyang pangalan dahil hindi siya sumagot. Pero bigla na lang siyang tumayo at naglakad patungo sa cr. Pabagsak niyang sinara ang pinto ng cr at iniwan akong nakatunganga. Hindi siya maintindihan.

‘May nagawa ba akong mali?’ I thought to myself. That's when I realise what I just did.

“Did I just licked his fingers?”

Binatokan ko ng malakas ang aking sarili. I am crazy! Walang lalaking bigla na lang didilaan ang mga daliri ng kapwa niya lalaki. Ugh! What have I done?


...
(A/N: please bear with the errors.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top