Chapter 7
Maxie's P.O.V
My head was resting on my arms that's on the table as I watch nanay Pat work around the kitchen. Sa wakas. After five days ay nakapagpahinga na ako sa pagluluto ng agahan. Today's sunday and it's rest day. Suppose to be ay day off ko sa trabaho ko but I can't go home. Dapat sa loob ng isang buwan ay araw-araw kong binabantayan si Duke. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa loob ng isang araw na nawala ako. Baka pagbalik ko ay hindi ko na siya makita dahil kinain na siya ng inodoro. O 'di kaya'y natapilok siya at nabagok ang ulo niya tapos nagkaamnesia siya. Baka hindi niya maalala na ako ang pinakagwapo niyang personal assistant.
“Bakit ka nandito? Don't you want to go home and take a rest? Day off mo ngayon. Baka sabihin ng mga tao na hindi ko pinagpapahinga ang mga empleyado ko.” napatingin ako kay Duke na papasok sa kusina.
I yawned and didn't answer him. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa huminto siya sa harapan ko. Nakakapanibagong makita siyang nakasuot ng casual clothes at hindi ang kadalasan niyang sinusuot na business suit and tie and of course his boxers. Nakasuot siya ng cargo pants at black shirt. Magulo rin ang kanyang buhok na halatang kagigising pa lang niya.
“Gising ka na pala ser,” she placed a large bowl with a fried rice in it on the table. Inangat ko ang aking ulo at sinilip ang pagkain na nagpapalabas ng mabangong amoy at mas lalo akong ginugutom. “Maupo na po kayo ser at malapit nang maluto itong mga pagkain.”
Sinunod naman ni Duke ang sinabi ni nanay Pat at umupo siya sa tabi ko. Sinimangotan ko siya at muling ibinalik ang aking ulo sa ibabaw ng aking mga braso.
“Thankfully pupunta ka rito nay once in a week. Because if not, I'll have to eat trash everyday.” he smirked and looked at me with a teasing eyes.
My head jerked up because of his nasty comment and I scowled at him. “How dare you call my food trash! Don't you know na masamang sabihan na basura ang pagkain? At saka hindi naman ‘trash’ ang mga niluluto ko ah. Sama mo.”
“Okay, okay,” itinaas niya ang dalawa niyang mga kamay na parang sumusuko. “I'm just kidding, Aoki. Ang init naman ng ulo mo.”
“Well you are not funny. And for you to know, talagang mainit ang ulo ko.”
I rolled my eyes which he noticed. Isa pang biro mula sa kanya ay baka maihulog ko siya mula sa balcony. Mainit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon dahil bukas pa matatapos ang dalaw ko. Makakatikim talaga siya nitong kamao ko kapag iinisin pa niya ako. At naiinis pa naman ako sa kanya dahil hindi ako makakauwi sa family number two ko dahil kailangan ko siyang bantayan.
After a few minutes ay natapos na rin ni nanay Pat ang pagluluto. Inihain niya ang mga pagkain at inilagay sa ibabaw ng mesa. Ang masarap na amoy ng pagkain ay nagpatunog ng aking tiyan. Mabilis kong inangat ang aking kutsara at nagsandok ng fried rice mula sa kinalalagyan nitong bowl. Nagsimula na akong kumain at sunod-sunod ang aking naging subo.
“You really eat a lot but you're still scrawny. I wonder where did all the food go.” pang-aasar na naman ni Duke.
Matalim ko siyang tiningnan. “Kumain ka na nga lang diyan! Kung ayaw mong kumain, sabihin mo lang sa akin dahil ako na ang kakain sa pagkain mo.”
Pagkasabi ko nun ay nagsimula na siyang sumubo. “May pagkain ka na riyan tapos aagawan mo pa ako.”
Mabuti naman at hindi na siya nagsalita at tinuon na lang ang pansin sa pagkain. Narinig kong mahinang tumawa si nanay Pat na nakaupo sa upuang nasa harap namin ni Duke at kumakain.
“Siya nga naman Max iho. Mapayat ang katawan mo kumpara sa katawan ng normal na mga kalalakihan. Kaya kumain ka pa ng marami.” at pinagsandokan pa niya ako ng pagkain.
“Are you ready Duke? Aye aye captain! I can't hear you! Aye aye captain! Who lives in a pineapple under the sea? SpongeBob SquarePants! Absorbent and yellow and porous is he. SpongeBob SquarePants! If nautical nonsense be something you wish. Spongebob-”
“Stop singing it's irritating!” inis na bulyaw sa akin ni Duke.
Sinasabayan ko kasi ang kanta sa tv na Spongebob Squarepants. Iyon kasi ang pinapanuid namin at naiinis siya sa akin dahil sa pagkanta ko. Pagkatapos naming kumain kanina ay umalis agad si nanay Pat dala ang mga damit namin at pumunta siya sa laundry shop sa baba. At matagal pa siyang babalik dahil bibili pa siya ng grocery at kukunin ang mga damit. Kaya naisipan naming manuod na lang ng tv at kung sino ang mananalo sa bato-bato pik ay siyang pipili ng panunuorin.
Inis na inis sa akin si Duke dahil ang pinili ko ay Spongebob Squarepants. Paulit-ulit nga niyang tinanong sa akin kung hindi ba talaga ako uuwi sa amin para masolo na niya ang tv.
“Maganda naman ang boses ko ah!” inangat ko ang aking mga paa at pinatong ito sa ibabaw ng hita ni Duke. “Mabuti pa masahiin mo na lang ako.” inayos ko ang aking sarili at naglagay ng throw pillow sa may armrest at hinigaan ito.
“Palitan mo nga na lang kasi 'yan. Para kang bata dahil nanunuod ka pa ng ganyan.” pilit niyang inaagaw mula sa akin ang remote control kaya inilayo ko ito sa kanya.
“Maganda kaya ang spongebob. Pasalamat ka nga at hindi Barbie ang pinili ko. Saka maganda naman ang spongebob kasi nakakatawa. Para ka namang hindi pa nakapaunod niyan.” sabay baling ko sa tv.
“Hindi pa naman talaga ako nakapanuod niyang SpongeBob na yan.”
“Wala ka pa lang childhood eh. Ano ba ang napanuod mo noon?” nagtataka kong tanong sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin na parang nahihiya at nagkamot ng ulo. “W-Well, I don't like watching movies like that. Pero dahil palagi akong kinukulit ni Diane noon ay napipilitan akong samahan siyang manuod ng,” napalunok siya. “Ng Barbie.”
Parang nagloading pa ang utak ko dahil nakatitig lang ako sa kanya. Nang marealise ko ang sinabi niya ay bumalanghit ako ng tawa. Tawa ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking tiyan at naikilos ko ang aking mga paa. May naramdaman akong matigas na bumubukol sa ilalim ng aking mga binti pero hindi ko iyon pinansin.
“Ugh! Aoki, stop moving!” nakakunot ang noong sita niya sa akin.
“Hahaha! Barbie talaga?” patuloy pa rin ako sa pagtawa. I can't believe nanonood pala siya ng Barbie noon.
“Stay still! You're waking my buddy! Fuck! Shit!” inalis niya ang paa ko at mabilis na tumakbo patungo sa banyo.
Namula ang mukha ko nang mapagtanto ang nangyari. Napaayos ako ng upo at tinuon ang pansin sa tv.
I can hear his soft moans and groans despite the loud volume of the tv. I bit my lower lip. I am not oblivious of what he's doing but I can't believe he's doing it from just across the room with me here. Naramdaman kong mas lalong uminit ang aking mukha. Hindi na ako magtataka na kasing pula na ako ng kamatis kapag titingnan ko ang aking mukha sa salamin.
Paglipas ng ilang minuto ay bumukas ang pinto ng banyo at lumabas siya. Umupo siya sa tabi ko na parang walang nangyari at wala siyang kababalaghang ginawa sa loob ng banyo. Umusog ako palayo sa kanya.
“Bakit ka lumayo? Come here, lumapit ka dito.” akmang hihilahin niya ako sa braso pero umiwas ako.
“Kadiri ka! Mag-alcohol ka nga sir!” nakangiwi kong asik sa kanya.
Tumawa siya dahil sa naging reaksyon ko. “Para namang hindi mo pa nagawa ang bahay na 'yon sa buong buhay mo.” inabot niya ang remote control at inilipat ang channel. Napasimangot ako pero hinayaan ko na lang siya.
Never in my whole life did I tried to pleasure myself. Kahit na palagi kong naririnig na mag-usap ang mga kaibigan ko noon tungkol sa sex life nila. I would always find it gross. But there's no way I am going to say that.
“P-palagi ko kayang ginagawa 'yon. Araw-araw pa nga eh. Ang sa akin lang n-naman linisin mo muna ang kamay mo,” napalunok ako dahil muntik na akong pumiyok dahil sa tingin niya na parang hindi naniniwala. “Nakakadiri kaya 'yon.”
“Really?” he squinted his eyes and moved his face closer to mine.
Sunod-sunod akong tumango na nagmukha na tuloy akong defensive. Pero bahala siya kasi hindi ko talaga sasabihin ang totoo. Binalik ko na lang ang aking tingin sa tv kahit hindi ko gusto ang palabas. Naiilang na tuloy ako sa presensiya niya.
How I wish nasa bahay ako at kasama ang mga babies ko, nanunuod ako ng SpongeBob tapos kumakain ng popcorn. Wa ako rito at kasama si Duke Zachary na palagi akong sinasabihan nang bakla sa bawat kilos ko.
Ayos lang 'yan Maxie. Pagkalipas ng ilang linggo ay magtatapos rin ang paghihirap mo. Hindi mo na makikita si Duke Zachary at makakalaya na ang dalawa mo pang babies. Think positive lang. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
“Wala ka ba talagang plano na umuwi sa kung saan ka man nakatira? You should enjoy your day-off today.” he said while playing with the remote control on his hand.
Walang emosyon sa mukha na tiningnan ko siya. “Sabi ngang hindi ako uuwi sir. Tigas ng ulo mo. Aminin mo na nga lang na ayaw mo akong makita kaya gusto mo akong pauwiin.”
Naiinis na ako sa paulit-ulit na tanong niya. Sarap niyang suntukin sa mukha. Tingnan natin kung may lakas ng loob pa ba siyang magtanong pagkatapos kong basagin ang mukha niya.
Narinig ko siyang nagpakawala ng malalim na hininga. Tumayo siya at pumasok sa kanyang kwarto na pinagtaka ko. I shrugged and reach the remote control to change the channel while he's not here. Napasimangot ako dahil malapit nang matapos ang SpongeBob na pinapanuod ko kanina.
Narinig kong muling bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya napatingin ako sa direksyon niya. Hawak niya ang susi ng kanyang sasakyan at pinapaikot-ikot ito sa hintuturo niya.
“Let's go. I'm going to drive you to your place.” sabi niya nang nakatalikod. Hindi pa ako nakasagot ay lumabas na siya sa condo.
Napakurap-kurap ako kasi hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya bago ako nagsisigaw. “Hoy! Duke Zachary sabing hindi ako uuwi! Tigas talaga ng ulo mo! Kasing tigas ng sa bato! Bwesit!”
Napipilitan akong tumayo at pinatay ang tv. Mabilis akong lumabas sa condo pagkatapos itong mailock para mahabol siya. Ayos lang naman si nanay Pat dahil alam niya ang password sa condo ni Duke.
“Sir, pwede ba kitang murahin? As in 'yong hard talaga?” naiinis na tanong ko sa kanya.
“Segi lang. Basta bukas wala ka nang trabaho.” he answered without sending a glance at me dahil nagmamaneho siya.
Inirapan ko siya. Pinanuod ko na lang ang mga sasakyang nadadaanan namin.
Bahala siya dahil hindi ko siya hahayaang umalis kapag dumating na kami. Asa siya. Mahirap na at baka makidnap siya ng mga bakla. Patay ako kay sir Luke kapag mayroong nangyaring masama sa kanya. 'Di bale, ipapakilala ko na lang sa kanya ang mga babies ko. Tutal pinangako ko naman na ipakikilala ko siya sa kanila, eh 'di tuparin ko na lang ang pangakong iyon ngayon. I can't help but grin at that thought.
“Di to mo na lang ihinto sir.” utos ko sa kanya. Hininto niya ang sasakyan sa tabi ng apartment ko. Hindi ako bumaba at tiningnan lang siya.
“Bakit hindi ka pa bumababa? Labas ka na.”
“Mauna ka muna sir.”
“Lumabas ka na nga para makaalis na ako.” masungit na aniya.
“Sasama ka sa'kin kasi ipapakilala ko sa'yo ang mga babies ko.”
Lumapit na ako sa kanya dahil parang wala talaga siyang balak na lumabas sa sasakyan niya. Desidido talaga siyang umalis at iwanan ako rito. No can do. I won't let him anywhere without me by his side.
“Why are you leaning? Move away,” inikotan ko siya ng mata dahil umatras siya palayo sa akin. “May sira ba ang mata mo, Aoki? Do you want me to look for an Opthalmologist?”
Hindi ko siya sinagot at tinanggal ang seatbelt sa kanya. Pagkatapos ay binuksan ko ang pinto sa tabi niya at tinulak siya palabas ng sasakyan.
He grunted a few words and complained but I ignored him. Inalis ko ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko at lumabas sa sasakyan.
“Kukunin muna natin sila. Iniwan ko kasi sila sa kapitbahay.” tinulak ko siya papunta sa bahay na katabi lang ng apartment ko.
“You really have kids?”
“Hindi ka naniwala nung sinabi ko sayo 'yon noon?”
Nagdoorbell ako sa bahay at hinintay na may magbukas.
Humalukipkip siya. “Why would I believe you? Wala namang kapanipaniwala sa mga sinabi mo.”
Napasimangot ako. Kung hindi naman pala kapani-paniwala ang mga sinabi ko no'n, eh bakit hindi niya ako tuluyang tinanggal sa trabaho ko? Nahiya pa siya. Mayroon pa lang siyang sekretong pagtingin sa akin.
Narinig naming bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin dito. “O Maxiemus. Kukunin mo na ang mga pinaalagaan mo?” halatang nagulat ang matandang ginang nang makita ako.
Sinabi ko kasi sa kanya bago ako umalis para sa misyon na siya muna ang pababantayin at paalagain sa mga babies ko. Wala naman siyang reklamo dahil binabayaran ko naman siya. Tapos nagpaalam din ako na isang buwan akong hindi makakapunta dito.
“Yes po. Pero ngayong araw lang at ibabalik ko rin po sila kaagad dito,” natingin siya kay Duke na nakahalukipkip pa rin. “Si Duke nga po pala.”
Tumango ito at iginiya niya kami sa living room ng bahay. Alam kong hindi na siya nagulat sa ayos ko ngayon dahil palagi akong paiba-iba ang get up. Noong tinanong niya ako ay cosplay ang palaging pinapalusot ko.
Napangiti ako ng malaki pagkakita ko sa anim kong mga babies na naglalaro at nagtatalon sa ibabaw ng sofa. Ang dalawa naman ay nakikipaghabulan sa pusa na pagmamay-ari ni aling Gina. Lumapit sila sa akin nang makita ako. Samantalang ang dalawa sa kanila ay pumunta kay Duke. Kinarga ko ang puti at maliit na kambing na nasa paanan ko. She started chewing my hair just as I carried her.
“What the hell, Aoki?” lumayo siya sa dalawang kambing na pilit nginunguya ang suot niyang pants.
Tinawanan ko lang siya sa naging reaksyon niya. “So yeah. Meet my babies. Si Choco, si Mocho,” tinuro ko ang dalawang brown na kambing na sinundan siya at akmang ngunguyain na naman ang pants niya. “Itong hawak ko ay si Snow, tapos iyong mataba na maliit ay si Bear. Tapos iyong dalawa ay sina Sky at Flex,” I pointed the two baby goats chasing the fat cat. Ngumiti ako sa kanya ng malaki. “Ang liit at cute nila 'di ba?”
“Cute kung hindi nila kinakain ang damit ko. Damn you, Maxiemus Aoki!”
...
(A/N: please bear with the errors. I just love goats 😍.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top