Chapter 5

Maxie's P.O.V

Gusto kong magtago dahil nararamdaman ko ang dark atmosphere na pumapaligid sa kanya. Kahit seryoso lang siyang nagmamaneho ng sasakyan ay nakakatakot pa rin siya. Simula pa kanina noong bumalik ako kasama si Diane ay madilim na ang kanyang mukha. Tinanong nga niya ako kung bakit daw umabot ng apat na oras ang pagsundo ko kay Diane gayong hindi naman daw masyadong malayo ang airport.

Sinabi ko sa kanya ang pagsama ko kay Diane sa pagshoshopping nito. Hindi siya nagkomento pero alam ko na gustong-gusto na niya akong balibagin, kanina pa. And here we are right now. Pagkatapos naming ihatid si Diane sa bahay nito ay pauwi na kami ngayon.

Itinigil niya ang sasakyan sa parking lot pero parang wala pa siyang balak na lumabas. Akmang tatanungin ko na siya pero naunahan niya akong magsalita.

“I don't want you flirting with my cousin, Maxiemus,” he send me a deathly glare while unbuckling his seatbelt. “Kapag malaman ko lang na may kagaguhan kang ginawa, hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa trabaho mo.”

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas. Mabilis din akong bumaba at sumunod sa kanya. Pumasok siya sa elevator kaya nagmamadali akong pumasok bago pa man ako masarhan.

Gusto kong mag-explain pero hindi ako makakapagsalita dahil tila ba'y mayroong bumabara sa aking lalamunan. Hanggang sa bumukas muli ang elevator. When we got inside the condo, Duke forcefully tug his necktie and throw it on the couch when he finally removed it. Akala ko 'yon na 'yon but what he did next made me immediately cover my eyes. He took off his clothes leaving him with only his boxers. Kulang na lang ay hubarin na lang din niya ang boxer na tinira niya at makikita ko na lahat ng kanyang mga tinatago.

Naramdaman ko ang pag-init ng buo kong mukha pati ang aking dalawang tainga. I've seem lots of shirtless men, displaying their body but never with only his boxers and in this kind of situation.

“Magluto ka ng pagkain. I'm done eating food from restaurants,” huminto siya sa pagsasalita. “Why the hell are you covering your eyes,Maxiemus?”

Nanginginig ang boses na sinagot ko siya. “Eh kasi naman sir! Paanong hindi ako magtatakip ng mga mata kung nakahubad baro kayo jan na parang walang ibang tao!”

Naramdaman ko ang paglapit niya at inabot ang aking kamay na nakatakip sa aking mga mata. Saglit kaming natigilan dahil sa elektrisidad na aming naramdaman mula sa kamay ng isa't-isa. Narinig ko siyang bumuga ng hangin at tinanggal ang mga kamay ko mula sa aking mga mata.

“Fuck Maxiemus Aoki! We're both guys and it's normal between men. Anong bang pinagsasabi mo riyan? Hindi naman ako talagang nakahubad dahil nakasuot pa ako ng boxer. Para kang bakla at bakit ka namumula? Are you sick?” he hissed as he let go of my hand. “Magluto ka na nga!”

Natauhan ako dahil sa mga sinabi niya. Tama naman ito. Ilang beses ko nang nakita ang mga kapatid kong nakahubad baro lang sa bahay at minsan pa ay nakaboxer lang. Kaya alam ko na normal lang ito para sa mga lalaki lalo na kapag kapwa lalaki ang kasama mo. Pero hindi ko siya kapatid kaya nakakailang at… hindi ko maiwasang mapatitig sa kanyang six pack abs. Halatang suki siya sa gym dahil sa mga ebidensiyang nakabalandara sa aking harapan.

I gulped and force myself not to drool over his body. Eyes up, Maxie! Baka tuluyan ka na niyang paghinalaan. Kita mo! Ilang beses ka ng tinawag na bakla!

Tumikhim ako. “A-Ano sir… Ayos lang ba sa'yo na maghapunan ng itlog, hotdog at bacon? Mga 'yon lang kasi ang kaya kong lutuin.” binigyan niya ako ng matalim na tingin. “Ahehehe sir. Noodles na lang po lulutuin ko. May nakita po ako roon sa cupboard kanina. Hahanapin ko lang po.”

I turned my back on him and march towards the kitchen. I opened the cupboard and rummage through the foods when I heard his voice from my back.

“Ako na nga lang ang magluluto! No wonder you're a walking stick. Puro hindi masusustansyang pagkain ang mga kinakain mo,” Inabot niya ang apron at isinuot ito sa sarili. “Umupo ka na lang diyan. Baka mafood poison pa 'ko ng dahil sa'yo.”

Salubong ang mga kilay na hinila niya ako at pinaupo sa upuan. Wala akong nagawa kun'di ang magpaubaya at panoorin siyang magluto. I propped my head on my hands and watch him grab the ingredients. He seems to be proficient in cooking. Talo pa 'ko nito na tanging mga prito lang ang alam na lutuin. Idagdag na rin natin na marunong akong maglugaw at magnoodles. I think that's still something I should be proud of because I know how to cook. Yun nga lang limited lang ang kaya kong lutuin.

I caught sight of the bulge in his boxers that's still very visible even though he's wearing an apron. Unconciously, I bit my lower lip. My mind started wandering around thinking of the length of his- uhm… ‘thing’. Hindi ko mapigilang isipin kung gaano kahaba ang sa kanya. Is it 8? Maybe 9? Or even longer than that with just eyeing at the bulge. Bakit ko nga ba iniisip 'to? Shit! I am turning into a pervert!

“Hand me the salt.”

Natatarantang inabot ko sa kanya ang lalagyan ng asin. I stumbled that I almost fell on the floor. He eyed me suspiciously when he probably noticed my weird actions. I just smiled at him awkwardly and go back to my previous position, on the chair.

Finally after a long torture ay natapos din siya sa niluluto niya. Tinikman ko ang pagkain habang siya naman ay hinihintay ang komento ko. Pinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang lasa ng pagkain.

“Uhmm…” I can't help but moan as I tasted the food.

Hindi ko alam na ganito pala siya kasarap magluto ng pagkain. Narinig ko siyang napaubo kaya mabilis akong dumilat at nagtataka siyang tiningnan. Inabotan ko siya ng isang basong tubig.

“Don't moan like that ever again! Nakakakilabot!” namumula ang mukhang bulyaw niya pagkatapos maibaba ang baso.

Nakibit-balikat ako. “Masarap eh.”

Pinagpatuloy ko ang pagkain at nagsandok pa ng maraming kanin at ulam. Sunod-sunod ang naging subo ko at hindi na siya pinansin.

Napahinto ako sa pagkain dahil napansin ko siyang nakatitig lang sa akin at hindi man lang nagalaw ang kanyang pagkain. Nakapangatlong plato na 'ko pero siya ay nakatunganga lang.

“Ayaw mong kumain sir? Akin na lang 'to lahat.”

Tila natauhan siya nang nagsalita ako dahil nagsimula na siyang sumubo. “You have no shame at all, Maxiemus. Talagang hihingin mo lahat ng linuto ko? You also eat like a pig. Nakakapagtaka kung saan napupunta ang mga kinain mo.”

Napatingin ako sa flat kong dibdib dahil sa bandage. Siguro napunta ang mga kinain ko sa kanila. Kung kaunti na lang kaya ang kakainin ko, liliit kaya sila? Para hindi na ako mahirapang itago sila araw-araw. On a second thought, I can't bear eating lesser than my normal food intake. Baka ikakamatay ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagvolunteer akong maghugas ng pinggan dahil siya naman ang nagluto. Nakakahiya naman kung ako iyong assistant tapos amo ko ang pinagtatrabaho ko. At least kahit hindi ako maalam sa pagluluto ay marunong naman akong maghugas ng pinggan.

Naglakad ako palabas ng kusina nang tapos ko nang hugasan ang mga pinggan. Naabotan ko si Duke na nanonood ng basketball game sa tv at nakadekwatrong upo sa couch. Still, with only his boxer on. I wonder kung bakit hindi siya nakatutok sa laptop niya at nagtatrabaho.

Biglang nagring ang cellphone ko na nakalagay sa loob ng bulsa ko kaya napatingin siya sa direksyon ko.

“Sasagotin ko lang.”

Nagtungo ako sa balcony at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ko. Napangiti ako pagkakita sa nakaregister na caller.

“Mama napatawag po kayo?”

Narinig ko ang malakas niyang pagsinghap na parang may narinig na nakahindik-hindik. “Maxie, ikaw ba na?! Why's your voice sound like of a man?! What happened to my precious baby girl?! Was it you your kuya saw ganina? Why did you cut your hair short? Oh dear, I think I'm going to faint.” she asked hysterically. (Maxie, ikaw ba 'yan?!— Was it you your kuya saw kanina?)

Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses niya. I forgot about my brother. Nagpunta nga pala siya rito sa Manila para sa isang Business Convention.

“Mama please stop overreacting. It's me. And it's a long story ma-” she didn't let me finish my sentence.

“I don't care! I want to hear your explanation 'nak. What happened? Your kuya told me nga nakit-an ka niya sa mall nga naay kauban nga babaye. And you even dressed up like a man. Worst, you cut your hair.” matigas ang boses na aniya. (Your kuya told me na nakita ka niya sa mall na mayroong kasamang babae.)

Malakas akong napabuntong-hininga. Tumingin ako sa likuran ko kung saan tanaw ko si Duke na nasa pinapanuod ang buong atensyon.

“I need to disguise myself as a man para po matanggap sa inaapplyan kong trabaho. Natanggal po kasi ako sa dati kong pinagtatrabahuan kaya kailangan kong maghanap ng bago. May nahanap naman po akong trabaho pero kailangan nila ay lalaki kaya naisipan kong magpapanggap na lalaki.”

Mabuti na lang ay nakapaghanda na ako ng palusot sa ganitong mga sitwasyon. Narinig ko na naman ang malakas niyang pagsinghap na nagpaikot ng aking mga mata.

“What have you done, Maxiemus Aoki? You can just tell us that you need a job and your father-”

“Ma, please let me do this. I love my current job and certainly no one can convince onto quitting this one. Not even your nagging. And please tell them to keep this a secret. I promise, I'll visit you guys one of this days. I love you ma. Tell papa and kuya's and bunsoy that I love ‘em. Bye” I didn't let her utter another word and ended the call.

I put back my phone inside my pocket and walk towards where Duke Zachary's comfortably sitting.

Umupo ako sa tabi niya. “Paupo rito sir.” I grimace at what he's watching. Inabot ko ang remote na nakapatong sa ibabaw ng centre table at inilipat ang channel. Napangiti ako dahil Midnight Sun ang nasa kabilang channel. I place the remote control back on the table when felt a deadly glare coming from my side. “What? Pangit iyong pinanuod mo kaya nilipat ko.” I told him with a shrug. Ipinatong ko ang dalawa kong paa sa ibabaw ng table.

“Really Maxiemus? Nakinuod ka na nga lang ililipat mo pa? I really want to strangle your neck and throw you outside the window right now,” inabot niya ang remote control at ibinalik ang channel sa pinanunuod niya kanina pagkatapos hampasin ang paa ko gamit ang remote. “Huwag mong ipatong ang paa mo riyan!”

Ibinaba ko ang aking mga paa at napahawak sa aking leeg. “Grabe ka sir! 'Di ko alam na killer ka pala. I should have known!”

“You should have known, Maxiemus. Inisin mo pa 'ko sa labas ka na matutulog buong gabi.”

Napasimangot ako at iniisip kung seryoso ba siya sa kanyang sinabi.

“Totoo namang pangit ang pinapanuod mo. Lipat mo kasi ang channel. Maganda kaya 'yong Midnight Sun. Nakakaiyak.”

Tila napanting ang magkabila niyang tainga at mabilis siyang napabaling sa akin. Linapit niya ang mukha niya sa akin kaya napaatras ako. I bended my back and avoided his eyes. He stared at me in the eyes like I'm some criminal caught in a crime.

“H-Hoy! B-bakit ka ba lapit nang lapit?” namumula na ang mukha ko dahil gahibla na lang ang layo ng mga mukha namin. Dahil din sa patuloy na paglayo ko sa kanyang mukha ay lumapat ang likod ko sa mismong upuan ng couch at tuluyan na akong napahiga.

Nanlaki ang aking mga mata dahil pumatong siya sa akin pero mayroon pa ring distansiya sa pagitan namin. Ang dalawa niyang kamay ay ginawa niyang pangsuporta sa kanyang sarili para hindi siya tuluyang dumikit sa akin.

“Maxiemus Aoki Imperial,” using his left hand, he touch my face lightly causing me to gulp. My breathing's uneven and my heartbeat's on its abnormal rate. “Napakakinis ng balat mo. Your skin is smooth like a woman's skin. You're even flushing deep red right now. Do you know Maxiemus Aoki that no normal man would prefer watching a romance movie over basketball? Are you probably…”

Nanlaki ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay tinakasan ng kulay ang aking mukha. Did he found out? Am I busted? Did he put two and two together and made out four? How?! Why?! Is it the end of everything? After my efforts and pain? Pagkatapos kong tiisin ang lahat ng sakit? Pagkatapos kong ignorahin ang mga pagmamakaawa ng aking dibdib na pakawalan sila?

Pinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

“Are you gay, Maxiemus Aoki? Even your name sounds really gay.”

Malakas akong napabuga ng hangin at mabilis na nagdilat ng mga mata. “Tangina sir! Saan ang gay roon sa Maxiemus? Hanapin mo nga!” akala ko kung ano na. Mabuti na lang at may pakabobo rin pala ang boss ko. “At hindi ako bakla! Sarap mong halikan sir!”

I pouted my lips and pretended that I'm going to kiss him. Umalis siya mula sa pagkapatong sa akin. “Fuck. What the hell  Maxiemus. You are gay.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi nga kasi ako bakla! Tangina mo rin sir.” kasi babae ako.

“Really? But you're going to kiss me just awhile ago. Doesn't that made you gay? Did you think I am an idiot, Maxiemus Aoki?”

“Tangina mo talaga sir times ten. Sabing hindi ako bakla at hindi ako magiging bakla. Bakit ba ikaw ang magdedesisyon kung bakla ako?” tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag-inat ng katawan.

“Tigilan mo ang pagmura dahil hindi nun mababago ang tingin ko sa'yo. You. Are. Gay.”

Napairap ako sa hangin. “Ewan ko sa'yo sir. Matulog na nga lang ako. Goodnight! Irarape pa kita sa panaginip ko.” I wink at him before I entered my bedroom.

“Shit! You're gross, Maxiemus!”

Tumawa ako ng malakas at sinara ang pinto.

...
(A/N: please bear with the errors.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top