Chapter 4
Maxie's P.O.V
Nagising akong parang tinusok-tusok ang ulo ko ng kutsilyo dahil sa sakit. Ramdam ko pa na pumipintig-pintig ito. Nahihirapan akong umupo sa kama at inalala kung paano ako nakarating dito sa kwarto mula sa nightclub ng ako lang mag-isa. Parang binibiyak sa sakit ang ulo ko at mas lumala pa ito nang mapansin ko ang oras. Lampas ala syete na ng umaga. Pangalawang araw ko pa sa trabaho pero nagbubulakbol na kaagad ako. Kahit naman kunware lang ito ay kailangan ko paring pagbutihan.
Chineck ko ang aking sarili at nakahinga ng maluwag nang makitang kagaya pa rin kahapon ang suot ko. Baka makatay ako nang wala sa oras dahil sa mga pinaggagawa ko at nabuking ako. Ayoko pang magbabye earth because I still have so much to do.
Biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Duke Zachary na mayroong dalang isang basong tubig at Advil. Nakasuot na siya ng kanyang business suit at handa nang umalis papasok ng opisina samantalang ang kanyang assistant ay nakahilata pa sa kama. Napatitig ako sa nakakahipnotismo niyang mga mata na kulay berde at napalunok. If I am handsome with a boy-next-door look when I dress up like a man, well… he is rugged. Yung makalaglag panty niyang mga muscle na halata parin kahit natatakpan na ito ng suot niyang suit. Hindi siya iyong lalaking over na ang pagkamaskulado. Tama lang ang mga muscles niya sa katawan. The words hot and gorgeous are just some of the adjectives that could describe him.
Tumikhim siya na nagpabalik sa ulirat ko. Kanina pa pala siya nagsasalita pero hindi ko naman naririnig dahil abala ako sa pagtitig sa kanya. Mapagkakamalan na naman yata ako nitong bakla, bading, chararat, at etc.
“S-sorry sir. Pwedeng pakiulit nung sinabi mo? Hehehe.” I said awkwardly.
Napailing siya at nilahad ang baso at gamot sa akin. Inabot ko ito at ininom ang gamot sa harap niya.
“Ang sabi ko, pagkatapos mong inomin ang gamot at maayos na ang pakiramdam mo ay iligpit mo na ang mga gamit mo. Bumalik ka na sa kung saan ka man galing.” pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya at mayroon pang binulong pero hindi ko ito narinig. “Tanga na nga bingi pa.”
He was already in the doorway when realization hits me. Dali-dali akong bumaba sa kama at hinabol siya kahit masakit ang ulo ko. I grab the hem of his suit to stop him from leaving. Hindi ako pwedeng masisanti dahil hindi pa tapos ang aking mission. I can't let him leave knowing that he's firing me.
Tiningnan ako ni Duke Zachary at tiningnan ng masama. Pero hindi ako nagpatinag at sinalubong ang kanyang nakakamatay na tingin.
“Duke Zac-…I-i mean sir, nagbibiro po kayo 'di ba? 'Di ba sir hindi po niyo ako sinisisanti? Magpapakabait po ako sir! Promise sir hindi na po ito mauulit na maglalasing ako.” pagmamakaawa ko sa kanya.
Tinanggal niya ang kamay ko na nakakapit sa damit niya. “I am deadly serious, Mr. Imperial.”
Bigla akong tinakasan ng dugo dahil sa sinabi niya. Mabilis akong lumuhod sa harap niya habang hawak pa rin ang damit niya.
“Sir hindi niyo po ako pwedeng tanggalin sa trabaho! May pamilya po akong binubuhay at kapag tinanggal niyo po ako ay wala na akong maipangkain sa kanila. Please sir maawa kayo sa mga anak ko. Maliit pa po sila at kailangan po nila ng nutrisyon para lumaki ng maayos. Kung wala na po akong trabaho ay hindi na sila makakain ng maayos. Kaya sir huwag niyo po akong tanggalin! Pangako hindi po sasakit ang ulo niyo dahil sa akin. Gagawin ko po lahat ng ipag-uutos mo sa akin.”
Mas lumalim ang gatla ng kanyang noo dahil sa mga sinabi ko. Inalis niya ang kamay ko mula sa kanyang damit at pinagpag pa ito. Napasimangot tuloy ako.
“Ilang taon ka na ulit? 24? Tapos ilan ang mga anak mo?” he looked at me suspiciously.
Napakamot ako sa aking ulo at tumayo. Kailangan ko pang tumingala dahil mas mataas siya sa akin kahit na mataas na ang height ko para sa aming mga babae. “A-ano sir. Anim po ang mga pinapakain ko. Malaki po talaga kasi ang pamilya ko kaya kailangan ko talaga ng trabaho ngayon.” hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
“Bakit hindi married ang nakalagay sa resume mo? Bakit single? Are fooling me Maxiemus Aoki?” humakbang siya kaya kaunti na lang ang distansiya namin sa isa't-isa. “At hindi ka makatingin sa akin ng diretso.”
Pagkasabi niya no'n ay mabilis akong lumingon sa kanya at narinig ko pa nga ang paglagitik ng aking leeg. “Sir hindi naman po dahil sa may mga anak ako ay kailangan mayroon akong asawa! 'Di ba pwedeng iniwan ako nung ina ng mga anak ko! O 'di kaya'y hindi ako kasal sa kanya? Naku sir napaka-over naman ng imagination mo." napaghalataan yatang sobrang defensive ko dahil hindi siya nagsalita. Tinitigan lang niya ako ng mariin na para bang sinusuri kung nagsisinungaling ba ako o hindi. “Huwag kang mag-alala sir! Ipapakilala kita sa mga anak ko pag magkaroon ako ng oras. Pangako 'yan!”
Confident akong mangako dahil tutuparin ko naman talaga ang ipinangako ko.
Napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga bago niya ako tinalikuran. “Im going to the company. Sasabihan ko si Samuel na hintayin ka at samahan ka papunta roon. Huwag kang masyadong mabagal dahil may ipapagawa ako sa 'yo mamaya.”
Tila nagliwanag ang buong paligid at muli akong nakaramdam ng kasiyahan. “Talaga sir?! Totoo 'yan? Hindi ka nagbibiro? Salamat sir at mas pagbubutihan ko na ang aking trabaho. Ang gwapo mo sir! Mana ka sa akin.”
“Bilisan mo na riyan. Para kang bakla.” at tumluyan na siyang lumabas sa suite niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kamatayan ko na kanina dahil sinesante niya ako. Mahirap pa naman mag-isip ng paraan para makalapit sa kanya at maprotektahan ko siya laban sa kung sino man pontio pilatong 'yan. 'Yong babies ko lang pala ang makakapagkombinsi sa kanya. Di bale, pag-uwi ko sa susunod, bibilhan ko sila ng masarap na pagkain.
Naging effective ang ininom kong gamot dahil nabawasan ang sakit ng ulo ko. Mabilis akong kumilos at naligo. Pagkatapos yata ng 24 hours ay saka pa lang nakahinga ulit ang dibdib ko. Parang nangmamanhid na ewan ang dalawa ko pang mga babies.
“Sorry mga baby. Sa susunod hindi na ako maglalasing. Sayang ang one night na dapat nakahinga kayo ng maayos. Sorry talaga.” Mabuti na lang din at hindi ako binihisan ni Duke Zachary o ano pa man.
Pagkatapos kong maligo ay pakiramdam ko fresh na fresh na ulit ako. Nagbihis ako ng presentableng damit bago lumabas ng pent house at naabotan si kuya Samuel na naghihintay sa akin sa parking lot. Pagkakita sa akin ay nginitian niya agad ako.
“Kamusta ang ulo mo? Masakit pa rin?”
Umiling ako. “Medyo okay na siya kuya. Uminom kasi ako ng gamot kaya nabawasan ang sakit.”
Pumasok ako sa sasakyan at ganoon din ang ginawa niya. Pinaandar niya ito at kinausap ako pagkatapos itong mainobrahin.
“Lasing na lasing ka kagabi maging si Allan. Pinagtutulungan namin siyang ihatid kagabi sa bahay niya. Grabe napakabigat niya talaga. Ikaw? Maayos ka namang nakauwi kasama si sir? Buti hindi ka pa niya tinanggal sa trabaho mo. Knowing sir Duke, tatanggalin niya ang isang trabahante kapag mayroon itong nagawang hindi kaaya-aya at hindi niya nagustuhan.”
Napalunok ako. Suwerte nga ako dahil hindi niya pa ako tinanggal. Baka magbigti kapag tinanggal niya ako sa trabaho. “Tatanggalin nga po niya ako dapat.”
“Tapos? Bakit hindi? Bakit nagbago ang isip niya? Ahhh…Baka naawa siya sayo kaya hindi ka niya sinesanti. Dapat hindi ka na maglasing ulit. Naku kapag iyan si sir—”
Hindi ko na pinakinggan ang iba niyang mga sinabi. Tanong niya, siya sagot.
Pagkapasok ko pa lang sa opisina ni Duke Zachary ay utos niya kaagad ang bumungad sa akin. At buong araw ay ang pagsunod sa mga utos niya ang ginawa ko. Parang hinahamon yata talaga ako ni Duke Zachary dahil sa mga pinagsasabi ko kanina tungkol sa pagsunod ko sa lahat mga utos niya. Hindi ko naisip na seseryosohin niya talaga ang sinabi ko at alilain ako.
Pumasok ako sa opisina ni Duke pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses dala ang mga papeles na pinaprint niya sa akin. Naabotan ko siyang may kausap sa telepono— or more like may kaaway sa telepono. Magkasalubong na magkasalubong ang dalawa niya kilay. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nabawasan ang kanyang taglay na kagwapohan.
“I told you I am busy, Daine. I have a meeting in just half an hour. Hindi kita masusundo riyan,” napahilot siya sa kanyang sentido at sa wakas ay napansin din niya ako. “Okay, fine. Pero iba ang papupuntahin ko para sunduin ka. Bye. I still have work to do.”
Pagkatapos niyang patayin ang tawag ay tumayo siya at lumapit sa akin. Kinuha niya mula sa akin ang mga papers at hinawakan ako sa magkabilang balikat. I felt a tingling sensation and a slight bolt of electricity when he placed his hands on my shoulders and he also seems to feel it. Pero pareho lang namin iyon inignora.
“I have a favor to ask.”
“Okay?…” napapantastikuhang patanong na sagot ko.
Huminga siya ng malalim bago sumagot. “I want you to pick someone from the airport,” he fish out his phone from his pocket. “This is her.” pinakita niya sa akin ang litrato ng magandang babae.
Pula ang kulay ng buhok nito at balingkinitan ang katawan. May pakakahawig nito si Duke maliban sa mga mata nito na color brown.
“Sino ang magandang babae na 'to sir?” hindi ko mapigilang itanong.
Kumunot muli ang kanyang noo. “She's my cousin, Diane Montenegro. Don't even think of something nasty towards her because I'll chop you into pieces.” pagbabanta niya.
I throw my hands up in resignation. “Easy sir. I am not that kind of person.”
Inalis niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko at may hinagis sa akin na susi. “Use my car and bring her here.” pagkasabi niya no'n ay tumalikod na siya at bumalik sa pagtatrabaho.
Oo nga pala. Wala si tatay Juan ngayon dahil nagkasakit daw ang apo niya. Nagkibit-balikat ako at lumabas sa opisina niya. Nakita ko si Allan na abala sa harap ng computer. May ginagawa yata siya para sa gaganaping meeting mamaya. Sina kuya Finn at kuya Troy naman ay tahimik naglalaro ng chess. Hindi ko makita si kuya Samuel sa paligid.
“Susunduin mo si ms. Diane?” nakangiting tanong ni kuya Finn.
“Opo.”
“Good luck.” nakangising sabi niya na siyang ipinagtaka ko.
Pagdating ko sa airport ay namataan ko kaagad ang babaeng kamukhang-kamukha ng sa litratong pinakita sa akin ni Duke Zachary kanina. Madali lang siyang mapansin at halos lahat ng mga tao sa airport ay napapatigil at napapatingin sa kanya. Agaw pansin ang kanyang pulang buhok na bumagay sa kanyang napakagandang mukha. Malahian ka lang yata ng kaunting dugo ng mga Monteverde ay gaganda ka na.
Umibis ako sa sasakyan at naglakad patungo sa kanya.
“Excuse me, are you ms. Diane Montenegro?” she examined me before nodding. “I am Max and mr. Montenegro asked me to fetch you.”
Ngumiti siya at nakipagkamay sa akin. “Nice to meet you, Max.”
Napangiti rin ako. Mas maganda siya sa malapitan. The picture Duke Zachary showed me did no justice to her at all. Nakakainggit ang makinis na makinis nitong balat na wala man lang ebidensyang pinamuhayan ito ng tigyawat noon. Samantalang ako kulang na lang ay kuskusin ko na ng scrub ang mukha ko para lang matanggal ang mga tigyawat sa mukha ko noong nagdadalaga ako. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya.
“H-hindi pa ba tayo aalis?” pulang pula na ang mukha niya. Siguro dahil sa mga titig ko.
Pilit kong sinupil ang ngiti ko na gustong kumawala. “Pasensya na po ms. Daine. Napakaganda niyo po kasi,” mas lalo pang pumula ang mukha niya dahil sa puri ko. “Tulungan na po kita sa luggage mo.”
Pinasok ko ang bagahe niya sa loob ng trunk ng sasakyan. Iminuwestra ko na pumasok siya pagkatapos kong buksan ang pinto ng backseat para sa kanya. Nagpasalamat siya sa akin bago pumasok sa sasakyan. Mabilis kong sinarado ang pinto pagkatapos ay lumulan sa sasakyan at pinaandar ang sasakyan.
“'Di ba may meeting pa si kuya Zach?”
“Yes po.”
Tumango-tango siya. “Huwag mo muna ako ihatid roon sa company. Punta muna tayong mall. Nakakainip naman kasing maghintay sa opisina ni kuya.”
Napakasaya rin pa lang kasama ni ms. Diane at napakarami niyang kwento tungkol sa vacation niya sa Spain. Mas bata rin siya sa akin ng dalawang taon. Madami siyang binili na kung ano-ano kaya magkabilang kamay ko na ang may hawak na mga paper bags na pinaglagyan ng mga pinamili niya. Pero ganoon pa man ay hindi ako naglekramo dahil naaaliw ako sa mga kwento niya. Sanay na rin naman ako sa ganitong gawain dahil minsan din kaming nagshoshopping ni Candy pero mas madalas ay window shopping lang.
Nagpahinga kami sa Starbucks malapit sa mall at umorder. Sa wakas ay nakapagpahinga rin ang mga paa't kamay ko.
“Alam mo, nakakainis si kuya Zach kasi hindi niya ako pinayagang dalhin dito ang mga binili ko sa Spain kasi raw puno na ang wardrobe ko dito. Kaya dito na lang ako bumili. Kill joy talaga ni kuya, ” nakasimangot na kwento niya na tinawanan ko lang. “Mabuti ka pa hindi ka naiinis sa akin dahil sa pagshoshopping ko ng ilang oras. Sina kuya Finn kasi, napakaraming angal sa tuwing nagpapasama ako sa kanilang magshopping. Kaya ayon palagi nila akong tinatakasan kapag nagpapasama ako papuntang mall.”
Kaya pala sinabihan ako ni kuya kanina ng ‘Good Luck’. 'Di ko maiwasang matawa nang maalala ko iyon. Kapag nga naman mga lalaki allergic talaga sila sa mga gan'tong gawain.
“Ayos lang ms. Daine. Trabaho ko naman 'to.”
Napahagikhik siya dahil sa sinabi ko. “Parte ba sa trabaho mo ang pagsama sa akin dito?" inabot niya ang kanyang Frappuccino. “And please Diane lang ang itawag mo sa 'kin.”
...
(A/N: please bear with the errors.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top