Chapter 10

Maxie's P.O.V

"What are you doing?"

Napalingon ako kay Duke Zachary na kapapasok lang sa kusina. I grimaced at him and look at the crumpled papers that are laying on the table. I was trying to make an origami since one hour ago because I have nothing to do and Duke Zachary left me alone inside his house. Hindi ko rin naman gustong lumabas dito sa bahay niya dahil hindi ako pamilyar sa lugar. Kaya nang makakita ako ng gunting at mga papel sa sala niya kanina ay napagdesisyunan kong maggupit-gupit ng papel.

But I've been trying for almost an hour already and I still can't make a decent origami. I'd immediately crumple the failed products because I can't stand looking at them. That's why Duke's kitchen is really messy messy right now.

"Magkakalat ka na nga lang, dito pa talaga sa kusina ko? Seriously, Aoki?" halata ang inis sa boses niya.

He stride his feet towards my direction and eyed all the crumpled papers that are scattered on the table, the floor and some are even in the sink. Hindi ko napansin ang mga 'yon ah. Nasobrahan ko yata sa pagtapon kaya umabot sa lababo.

Nag-angat ako ng tingin at pilit na ngmiti sa kanya. Magkasalubong ang kanyang kilay habang naiinis niya akong tiningnan. Yumuko siya at inabot ang trash bin sa gilid. Isa-isa niyang pinulot ang mga papel na nagkalat sa sahig at padaskol na nilagay sa basurahan. Parang nabaliktad na naman ang role naming dalawa. Siya ang assistant samantalang ako ang amo. Gusto kong matawa sa kaloob-looban ko.

Dahil mayroon din naman akong kaunting hiya sa katawan ay yumuko ako at pinulot ang gusot na papel na nasa ilalim ng lamesa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Duke at mas lalo lang sumama ang kanyang mukha. Akmang lalapit ako sa kanya upang ipasok sa loob ng basurahan ang mga napulot kong papel nang may maliit na boses ang sumigaw. Napatayo ako sa gulat pero ang tanga ko lang din dahil nakaharang nga pala ang lamesa kaya ngayon ay namimilipit ako sa sakit dahil sa pagkauntog.

Tuluyan na akong nakasalampak sa sahig habang nakasapo sa aking ulo ang dalawa kong kamay. Hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil sa sakit at pakiramdam ko ay lumipad yata ang utak ko mula sa pagkauntog. Para rin akong nakarinig ng malakas na tunog ng kampana. Narinig kong binitawan ni Duke ang hawak na basurahan at ilang segundo lang ang nakalipas ay nandito na siya sa tabi ko.

Inalis niya ang mga kamay ko at hinawakan ang aking baba. Sinipat niya ang parte kung saan ako nauntog at narinig ang kanyang pagsinghap. Pilit akong dumilat upang tingnan ang kanyang reaksyon.

"Is it that bad?" kinakabahan kong tanong. Sana naman hindi nagsugat dahil ayaw kong magsuot ng benda sa ulo sa pupuntahan naming bertdey. Nakakahiya 'yon.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Duke bago sumagot, "Napakalaki ng bukol mo, Aoki." Inalalayan niya akong tumayo at inupo sa upuan.

Nagmamadaling umalis si Duke sa harap ko ay binuksan ang cupboard at mayroong kinuha. Napagawi ang tingin ko sa may salarin kung bakit ako mayroong bukol ngayon. Nagtatago ito sa likod ng medyo may kalakihang vase. Sumilip ang akala ko kanina'y tsanak na bigla na lang sumulpot at nagtama an aming mga mata. I can see the guilt in his eyes. Sa wari ko'y tatlong taong gulang pa lamang ang batang lalaki. Muli itong nagtago sa likod ng vase na siyang ikinangiwi ko.

Bumalik si Duke sa tabi ko na mayroon ng hawak na ice pack. Hinila niya ang isa pang upuan at umupo rito. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking baba at inilapat ang ice pack sa aking bukol. Muntik na akong napasigaw sa sakit dahil hindi man lang siya nagdahan-dahan.

"Sir idahan-dahan mo naman! May galit ka ba sa akin? Plano mo yata akong patayin." Inagaw ko sa kanya ang ice pack at ako na mismo ang naglapat nito sa aking malaking bukol. Kung hahayaan ko siyang siya ang gagawa nu'n sa akin, imbes na gagaling ang bukol ko ay baka mas lumala pa ito.

"Ako na," I wanted to protest when he snatched the ice pack from my hand but he silence me by putting his index finger on top of my lips, "Ano bang dahan ang gusto mo? Mahina na nga ang pagkalapat ko nu'n sa noo mo. Napakabakla mo talaga, Maxiemus Aoki."

"Tangina sir. Pang-ilan mo na 'yan ha. Tawagin mo pa ulit akong bakla at makikita mo kung paano ako maging bakla," I spitefully told him.

Kung wala lang akong bukol ngayon ay baka nabigyan ko na siya ng upper cut. Totoo na talaga 'to, walang halong biro. Maging si Candy nga ay sang-ayon na mukhang akong lalaki, pero siya wala yatang araw na hindi niya ako sinabihan na bakla.

"Totoo naman na astang bakla ka. Ayan marahan na, may reklamo ka pa?"

Umismid ako sa sinabi niya. "Ikaw yata ang bakla sa ating dalawa eh."

Nagtaka ako dahil bigla na lang siyang napatigil at ilang sandali ay padaskol siyang tumayo. Galit na galit ang kanyang mukha nang nilagay niya sa kamay ko ang ice pack. "Gawin mo 'yan mag-isa total malaki ka na," padabog siyang naglakad palayo at huminto sa tapat ng vase. Yumuko siya at kinarga ang batang kanina pa nagtatago doon, "Let's go, Theo. Iwan na natin siya."

May mali ba akong nasabi? I didn't have any other choice but to press the ice pack on the swollen part of my head while frowning.

Hanggang ngayon ay napapangiwi pa rin ako tuwing naalala ko kung gaano kalaki ang bukol ko nung tininggnan ko ito sa salamin kanina. Kaya pala ganoon na lang ang pagsinghap ni Duke nang makita niya ang bukol ko. Napakalaki pala at medyo mahahalata pa rin kahit nakatayo ka sa malayo. Kaya heto ako ngayon at inaayos ang sombrero sa ibabaw ng aking ulo at nagbabakasakaling maikubli nito ang bukol ko.

Tiningnan ko ng mabuti ang aking sarili sa rear view mirror. I can't decide on myself if I look fine kaya mabagal akong lumingon kay Duke na nakatutok ang mga mata sa daan. Simila kanina ay hindi na niya ako pinansin sa hindi malamang dahilan.

Humugot ako ng malalim na hininga bago siya tinanong, "Sir maayos lang ba ako tingnan kahit mayroon akong suot na sombrero?" Hinintay ko ang kanyang sagot at tanging tango lang tinugon niya sa akin samantalang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa daan.

"Seryoso sir? Maaayos lang talaga?" paninigurado ko. Muli ay isang tango lang ang nakuha kong sagot.

Nagsalubong ang aking dalawang kilay. Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya at pinagmasdan ang mga tanawin sa labas ng sasakyan. Bahala siya sa pag-eemote niya.

Nauna siyang bumaba sa sasakyan at hindi man lang ako hinintay. Nagmamadaling tinangal ko ang seat belt at lakad-takbong sumunod sa kanya. Binuksan niya ang malaking pinto ng bahay na pinuntahan naming at pumasok. Hindi na naman ako hinintay. Hindi muna ako sumunod sa kan'ya at sa halip ay inayos ulit ang aking sombrero. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa makinis at makintab na pinto ng bahay. Nang kontento na ako sa aking hitsura ay pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang nakakunot nuong si Duke na hinintay yata ako.

Marunong pala siyang maghintay?

Hinawakan niya ang manggas ng suot kong polo shirt at hinila ako papunta sa malawak na dining room ng bahay. Mayroon nang mga pagkain na nakalatag sa mahabang mesa pero isang tao lang ang aming nadatnan.

"Happy Birthday, Uncle Mike." Binigay ni Duke ang hawak nitong regalo sa lalaking tinawag nitong uncle.

Ngumiti ito ng malaki at niyakap si Duke ng mahigpit. Kahit medyo may katandaan ang lalaki ay pansin pa rin ang kisig nito at halatang habulin ito ng mga kababaihan nung kabataan nito. Napakarami sigurong babae ang may nais na malahian ng dugong Montenegro dahil sa genes ng mga ito. Wala yatang hindi maganda at gwapo sa pamilya nila.

"Mabuti at nakarating ka sa maliit naming salo-salo, ijo. Napakatagal na mula nung huli mo kaming binisita rito ng auntie mo." Pansin ko ang kislap sa mga mata nito habang kinakausap si Duke Zachary.

"Sorry, masyado lang talagang maraming ginagawa sa kompanya uncle. Lalo na at hindi pa bumubuti ang kalagayan ni dad."

Tumango ang uncle ni Duke tsaka tinapik nito ang balikat niya. "Huwag mong masyadong pahirapan ang sarili mo, ijo. Dapat ka ring magpahinga minsan dahil sigurado akong iyan din ang gusto ni kuya Miguel na gawin mo. Dapat sagarin mo na ang pagkakataon na narito ka sa Baguio upang magpahinga." May bahid ng pag-aalala ang boses nito.

"That's also the reason why I am here with Aoki. Maybe I have to take a break from my work."

Nahihiyang ngumiti ako sa uncle ni Duke nang mapatingin ito sa akin dahil binaggit ni Duke ang pangalan ko. Sa totoo lang ay nahihiya akong pumunta rito dahil unang-una sa lahat ay isa itong family dinner at hindi nila ako kamag-anak kaya dapat wala ako rito.

"And you bring someone with you," lumapit ito sa akin at nakipagkamay sa akin, "You must be my daughter's friend that she has been talking about. You must be Maxiemus."

That caught me off guard. I never expected Dianne would tell her family about me.

"Ahh... yes. It's a pleasure to meet you sir."

"Our daughter told us a lot about you, ijo," ani ng bagong dumating. Pinatong nito ang hawak na bote ng wine sa ibabaw ng lamesa. Kamukhang-kamukha ni Dianne ang ginang at dito rin namana ni Dianne ang pagiging fashionista nito. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi, "Masaya ako't sa wakas ay nakita na namin ang bagong kaibigan ng anak namin."

"Hindi ko po alam na naikwento pala ako ni Dianne sa inyo," ang tanging naisagot ko.

Tumawa ito ng mahina bago lumapit at humawak sa braso ng asawa nito. "Sinasabi ko sa 'yo, ijo. Simula nung dumating si Dianne rito ay madalas kang gawin niyang sentro ng aming usapan. Also, tawagin mo akong tita Marianne at itong matandang nasa tabi ko naman ay tito Mike."

Mabilis itong nakatanggap ng masamang tingin mula sa asawa nito. "Anong matanda?"

Humagikhik si tita Amy at hinalikan ang asawa sa labi. "Don't worry hon. Kahit matanda ka na ay ikaw lang ang isisgaw nitong puso ko. Oh aking irog."

Isang salita lang ang paulit-ulit na umikot sa aking ulo habang pinanuod ko ang uncle at auntie ni Duke na walang awang naghasik ng katamisan sa paligid- sana lahat.

"Mom, dad. I think kuya Zach and his friend are already hungry. So please instead of spreading sweets, why don't we start our dinner," ani ng batang babae na sa palagay ko ay nasa fourteen years old. Sunod na pumasok sa dining room ay babaeng na mas matanda yata sa nauna ng tatlong taon. May nakasabit na camera sa leeg nito. Isang tingin lang at alam ko na agad na mga kapatid ito ni Dianne dahil magkamukha sila.

"Mabuti pa nga. Sige maupo na tayo- no Lianne! How many times do I have to tell you that you can't drink beverages with alcohol until you're eighteen?" Piningot ni tita Marianne ang anak nito sa tenga.

"B-But why ate Sianne can drink wine even though she's not eighteen yet?" naiiyak na reklamo nito habang hinihimas ang tenga.

"How dare you tell them? I thought you promi-'' hindi nito naipagpatuloy ang sasabihin dahil pinutol ito ni tito Mike.

"Girls behave. We have visitors," tumingin sa akin si tito Mike, "Pasensya ka na, ijo. Ganito talaga ang mga anak ko minsan."

Ngumiti ako at umiling. "Ayos lang po tito."

Sa wakas ay nakakain rin kami nang natigil na ang magkapatid at hindi na rin pinilit ni Lianne na uminom ng wine. Natatawang pinakinggan ko lang ang magkapatid dahil sa kanilang mga kwento tungkol sa mga lalaking kanilang natitipuhan. Samantalang si Duke naman at si tito Mike ay nag-uusap tungkol sa negosyo na hindi ko naman maintindihan. Paminsan-minsan ay sumasali rin sila sa usapan ng magkakapatid para lang pagalitan ang mga ito kapag napapasok sa usapan ang salitang boyfriend. Si tita naman ay tinatawanan lang din ang magkapatid kagaya ko.

"Anong boyfriend-boyfriend? Ang bata-bata niyo pa pareho at lalo ka na Lianne. Kapag nalaman kong nagboboyfriend ka na Lianne, sa all-girls school ka pupulutin,'' may pagbabantang wika ni tito.

"Paano ang mga suitors ko daddy?" nakabusangot ang mukha na angal ni Lianne.

"Bastedin mo lahat. Problema ba 'yon?"

Bigla kong namiss ang pamilya ko sa Cebu habang pinapanuod sila. Matagal na simula nung huli ko silang nakita. Nakakamiss din pala ang bangayan naming magkakapatid. Nakaramdam ako bigla ng lungkot pero hindi ko pinahalata. Kailan ko kaya sila ulit makikita? Parang gusto ko na tuloy umuwing Cebu.

...

(A/N: please bear with the errors. )

Balik na me sa pagsusulat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top