Chapter 1
Maxie's P.O.V
I made a deep sigh as I wrap the last layer of bandage around my chest. Sa tulong nito ay naitago ko ang medyo may kalakihan kong dalawang dibdib. Nahihirapan akong huminga kasabay ng dalawa kong dibdib. Sa ganitong sitwasyon mas hihilingin ko pang sana maliit ang mga dibdib ko at nang sa ganoon ay hindi ko na kailangan ang mga ito itago.
Isang buwan ako magpapanggap ayon kay sir Luke na siyang nagbigay nitong misyon na'to sa akin. Dahil sisiguraduhin nilang makakahanap sila ng paraan para hindi na makalapit ang illegitimate son ni don Miguel sa pamilya nito bago matapos ang isang buwan. Pero parang isang taon ang isang buwan. Ngayon pa lang ang magiging unang araw ko pero parang gusto ko nang hindi tumuloy.
My breasts are begging me to let them out and breathe again. Pero 'di ko sila maaaring pagbigyan dahil kailangan kong maayos na magawa ang misyon na 'to.
"Huwag kayong mag-alala mga babies. After one month naman makakahinga na ulit kayo forever. Promise one month lang kayong magdurusa. Kumapit lang kayo diyan, okay? 'Wag kayong magpabisto."
Isinuot ko na ang black t-shirt na pinatungan ko ng grey na blazer. Ito lang ang susuotin ko dahil personal assistant lang naman ang pag-aaplyan ko and there's no way that I am going to wear a suit.
Humarap ako sa salamin na nasa loob ng banyo at sinuklay gamit ang aking buhok gamit ang aking kamay. Puno ng paghihinayang ang aking naramdaman nang padausdusin ko ang aking kamay sa ngayon ay maikli kong buhok.
Inignora ko nalang ang maikli kong buhok at tiningnan ang kabuoan ko sa salamin. I can't help but smirk at my appearance. I must say, I am quite handsome myself. Hindi 'yon pagmamayabang at ngayon ko lang rin nalaman na gwapo pala ako. Kung tunay siguro akong lalaki ay marami na akong najowa at jinowa.
"Hey, babe." I winked at the mirror and bit my lower lip like some experienced fuck boy trying to seduce someone and get laid.
Everything's perfect and I totally look like a man now except for my voice. I can't help but roll but eyes because of my voice. The remaining trace that's telling the world that I am no man but a woman who should be wearing and doing girly stuff.
"Maxie, lumabas ka na nga. Bakit napakatagal mo diyan? Nalunod ka ba sa inidoro?" Napalingon ako sa pinto nang marinig ang naiinis na boses ni Candy.
"Lalabas na po."
Binuksan ko na ang pinto dahil mayroong nilalang na hindi makapaghintay na kusa akong lalabas. Atat na atat na siyang makita ang gwapo kong mukha. Nang makalabas na ako sa cr ay tumayo ako sa harapan niya.
She stood there with her mouth wide open. She's gawking at me as if she can't believe her eyes. Lumapit ako sa kanya at sinara ang nakanganga niyang bibig gamit ang aking hintuturo.
"Baka mapasukan langaw." I tried mimicking Ace's husky voice but I failed.
Tila ay natauhan siya nang magsalita ako. She gasped and circled me. Nagniningning ang kaniyang mga mata at napapalakpak pa siya habang iniikotan ako. I grimace when she circled me five times before finally settling down.
"Alam mo, hindi ka maganda pero hindi ko aakalain na gwapo ka pala kapag naging lalaki. You're totally my type! Hell, you can swoon ladies just by looking at them. Dear, you are definitely a boy next door with that getup."
Akmang lalapit siya sa akin but I put my forefinger on her forehead to keep her from me. Nakatulong rin na mataas ang height ko kumpara sa kaniya. I am 5'8 by height, luckily.
Sumimangot siya sa akin dahil sa pagpigil ko sa kan'ya.
"What are we going to do with my voice?"
Inirapan niya ako bago inabot ang kanyang bag tsaka mayroong kinuha roon. Bumalik siya sa harap ko habang nakasimangot pa rin. She handed a necklace with a star pendant on it. The pendant is color black but it's surrounded by gems which made it really stunning.
Kinuha ko ito mula sa kaniya at sinuot sa aking leeg. Hinawakan ko ang pendant at hindi mapigilang mamangha dahil sa ganda nito. Nagtataka ko siyang tiningnan kung para saan ang kwentas na binigay niya.
Lumapit siya sa akin at inabot ang pendant tsaka may pinindot doon. Saglit itong umilaw ng color green at nawala rin kaagad.
"Sir Luke asked me to give this to you. This is a voice changer and this is a big help to your mission. Speak."
I cleared my throat. "Ehem! Mic check, mic check. Ehem."
I received a gentle hit on my head from her. I glared at her and rubbed my head.
"Hindi 'yan mic! Voice changer yan! VOICE CHANGER. Gets mo?"
Napangiwi ako dahil sa kasungitan niya at tumango. Magkasabay kaming napalingon ni Candy sa pintuan nang bumukas ito at pumasok si Ace. Mayroon siyang dalang folder na sa palagay ko'y naglalaman ng mga documents na gagamitin ko sa pag-aapply.
He eyed me from head to toe looking very amazed with my new look. Nagpose ako ng pogi sign sa harap niya.
"Gwapo 'di ba? Mas gwapo sa 'yo?"
Mas lalong lumaki ang ngisi ko dahil sa bago kong boses gawa ng voice changer. Girls will certainly fall head over heels to me.
Umismid siya at pabalyang binigay sa akin ang folder.
"Mas lamang pa rin ako sa 'yo ng sampung paligo, Maxiemus Aoki Imperial." pang-aasar niya.
I can't help but frown when I heard my full name. Alam nila kung gaano ko kaayaw ang pangalan ko na Maxiemus kaya mas prefer kong tawagin nila akong Maxie or Aoki na lang. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng mga magulang ko at iyon ang ipinangalan sa akin.
Madami namang pangalan ang pwedeng pagpilian pero Maxiemus talaga ang ipinangalan nila sa akin. Siguro dahil puro lalaki ang naging anak nina mama at papa kaya nakalimutan na nilang mag-isip ng pambabae. Kaya bitter na bitter ako sa pangalan ko eh. Mabuti pa si Candy kasi maganda ang pangalan niyang Candy Eloise. See?
"Suntukan nalang tayo ano?" I challenged him and I rolled the sleeves of my blazer upward.
"Sorry ka na lang dahil hindi ako mag-aabalang palitan ang pangalan mo sa documents. Bagay naman sa 'yo ang Maxiemus. Lalaking-lalaki at pangchicks boy talaga. Ayaw mo nun?"
"Ayos na 'yan, Maxie. Or...Max. Kailangan ka pa naming ihatid para magawa mo na ang misyon mo. Nasa loob na rin ng maleta ang mga gamit mo. Total stay-in ka naman sa bahay ng magiging amo mo kaya hindi ka na mahihirapan pang magcommute."
Pinaalala pa niya ang isa ko pang kalbaryo. I let out another deep sigh.
Kailangan ko kasing magstay-in sa bahay ni Duke Zachary dahil magiging all around personal assistance niya ako. Na siyang mas magpapahirap sa akin na itago ang tunay kong pagkatao.
Nauna na silang lumabas sa bahay bitbit ang malaking maleta. Sumunod ako sa kanila at pumasok sa sasakyan na nakaparada sa gilid ng bahay ko.
"Hindi pa nga ako na-hire. Hindi natin alam na baka papalpak ako sa interview."
Lumingon sa akin si Ace habang pinapaandar ang sasakyan. "Gamitan mo ng pogi ability mo kapag babae ang HR."
"Gago."
Tumawa lang ito at nagfocus na sa pagmamaneho. Binaling ko nalang ang aking atensyon sa tanawin sa labas ng bintana kahit wala naman akong bagong makikita.
Nang marating namin ang destinasyon ay hininto niya muna ako sa tapat ng building bago niya pinark ni Ace ang sasakyan sa parking lot. Hindi ko muna dinala ang maleta ko at iniwan ko muna ito sa loob ng sasakyan. I told them to wait for me dahil kukunin ko iyon and it'll depend kung mah-hire ba ako o hindi.
Isang napakatayog na gusali ang nakatayo sa aking harapan. Kitang-kita ang yaman ng mga Montenegro dito palang sa labas. I gathered myself and tighten my hold of the folder. Pumasok ako sa loob ng building at lumapit sa receptionist upang magtanong.
"Excuse me miss."
Sabay na napalingon sa akin ang dalawang receptionist. Napatitig sila sa akin at napahinto sa kanilang ginagawa.
"Y-yes sir? What can I do for you?" nauutal na tanong ng isa sa kanila.
"Gusto ko sanang mag-apply bilang personal assistant ng CEO. I heard he is in need of a new personal assistant," I said and smiled at them.
"T-teka lang po," tumingin ito sa lalaking kasamahan nila. "George, pakihatid sa kanya sa HR department. Nais niyang mag-apply bilang assistant ng CEO. Siya na po ang magdadala sa 'yo doon sir."
Tumango ako sa kanya at ngumiti ng malaki.
"Salamat miss Ganda." I winked at her na siyang nagpapula ng kaniyang mukha.
Lumapit ako sa lalaking maghahatid sa akin sa mag-interview sa akin. Nang makarating kami doon ay hindi ko inaasahan ang aking nadatnan.
There are twelve women sitting on the chairs while waiting for their turn to be interviewed. Mayroon ring mga lalaki pero tatlo lang sila at nakatayo pa dahil hindi na sila makakaupo sa mga nakalinyang upuan.
"Ganyan talaga palagi kapag may hiring para sa personal assistant o secretary ni Sir Montenegro rito. Kahit alam nilang hindi sila matatanggap ay pumupunta pa rin sila rito para mag-apply. Hindi ko maintindihan ang mga pumapasok sa utak ng mga babae. Sige, maiwan na kita. Marami pa kasi akong trabaho na dapat kong gawin."
"Sige, salamat tol," pagpapasalamat ko sa kanya.
Nang makaalis na siya ay tumayo ako sa tabi ng isang lalaking mayroong bigote sa pinakahulihan. Saglit siyang napalingon sa akin. Tinanguan ko siya pero inisnob lang niya ako. I shrugged and just waited for my turn.
Tumayo ako at inayos ang aking damit nang marinig ko nang tinawag ang aking pangalan.
Pumasok ako sa opisina.
"Good morning, ma'am," bati ko.
"Take a seat."
Masungit na pagkasabi ng babaeng nakasuot ng salamin habang mayroong binabasang papeles. Umupo ako kagaya ng inutos niya sa akin.
"I am Maxiemus Imperial ma'am and I want to apply to be the CEO's personal assistant. Here is my resume."
Inilahad ko sa kan'ya ang resume ko na kanina ko pa hawak-hawak. Nag-angat siya ng tingin pero saglit na napatigil nang magtama ang aming nga mata.
Tumikhim siya at inayos ang kaniyang eyeglass bago inabot ito. Nagbaba siya ng tingin at binasa ang resume ko.
...
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at pumasok dito. Sabay na napatigil sa pagbabangayan sina Ace at Candy at napatingin sa akin.
"So how's the enterview? Natanggap ka ba?"
Pinakita ko sa kanila ang hawak-hawak kong susi at papel na mayroong nakasulat na address. Binigay ko kay Ace ang papel.
"Go to that address dahil mayroong ipapakuhang mga papeles sa akin. Kailangan madala ko 'yun kaagad dito bago magnine-thirty."
Naintindihan nila kaagad ang ibig kong sabihin. Ace ignited the engine and maneuvered the car to the address that's written on the paper. Hindi kalayuan sa company ang nakasulat na address dahil after ten minutes ay narating namin ito.
Ace helped me get my luggage from the trunk when we got there. Nagpaalam ako sa kanila at pumasok sa loob ng gusali bitbit ang aking maleta. Pinuntahan ko ang floor na nakasaad sa papel.
Namangha ako dahil isang pinto lang ang bumungad sa akin. Parang okupado ni Duke Zachary ang buong floor na ito. I was about to open the door using the key that was given to me when I noticed that it was slightly open.
Pumasok ako sa loob nito at pinalibot ang tingin sa kabuoan ng pent house. Mahahalatang mamahalin lahat ng mga kagamitan sa loob at hindi basta-basta ang presto ng mga ito. Magkahalong black, brown and white ang dominant color ng mga kagamitan. Maging ang dingding at carpet ay kulay dark brown. Ganoon pa man ay refreshing at vintage na vintage ang atmosphere ng buong kabahayan.
Napalunok ako.
Hilig naman ng amo ko ng mga dark na bagay. Sana naman hindi dark ang kulay ng budhi niya.
"Ikaw ba ang bagong assistant ni ser Duke, iho? Halika ka at igigiya kita sa magiging silid mo." biglang salita ng isang matandang babae na siyang kinagulat ko.
Napahawak ako sa aking dibdib habang nanlalaki ang mga matang tiningnan siya.
"Ay! Pasensya ka na iho at nagulat pa yata kita."
I composed myself after I realized my epic expression.
"A-ayos lang po. Ako nga po ang bagong assistant ni Mr. Montenegro. Max nga po pala ang pangalan ko." nahihiyang sabi ko.
Lumapit ako sa kan'ya at inabot ang kan'yang kinukulubot na kamay upang mag-mano.
"Aba kay galang mo namang bata, Max iho. Nakakatuwa rin na mayroon pang mga batang kagaya mo. Hindi kinakalimutan ang kultura at tradisyon ng mga pilipino. Nakakalungkot rin minsan dahil halos lahat ng mga kabataan sa henerasyon niyo ay hindi marunong gumalang. Tawagin mo nalang akong Nanay Pats. Ako ang tagalinis dito sa suite ni ser Duke pero kada Linggo lang ako rito. Nandito lang ako ngayon dahil may inutos sa akin si ser. Hala sumunod ka sa akin at ipakita ko sa'yo ang silid mo simula ngayon."
I scratched my head shyly after being praised.
"Ganyan po kasi ang palaging tinuturo sa amin doon sa Cebu. Lalo na sa mga matatanda doon sa bukid."
Huminto kami sa harap ng pinto at binuksan niya iyon. Tinulungan niya akong ipasok ang maleta sa loob nito.
"Mabuti pala at ganoon," tumingin siya sa akin. "Kompleto na ang gamit sa loob dahil minabuti ko iyon kahapon. Teka kukunin ko lang ang papeles na sinasabi ni ser. Ipinabigay niya kasi iyon sa bago niyang assistant nung tumawag siya kanina."
Tumango ako sa kan'ya. She left to get the papers while I inspected my new bedroom.
...
(A/N: please bear with the errors.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top