Epilogue

GRADUATION DAY

Nakangiti kong sinalubong ang Du Mort University. For almost two years of studying here in Du Mort University I realized that this school has a lot of flaws. Hindi man kami sabay-sabay na naka-graduate ay masaya pa rin ang mga estudyante. Wearing a red graduation gown ay masaya kaming pumasok sa loob. Ang dating sirang school ay napalitan ng bago at masayang kulay para sa mga estudyante. 

“Ingrid!” malakas na sigaw ni Camilla suot ang kanyang graduation gown. 

“Camilla!” sigaw ko. Mabilis ko s’yang niyakap at nagtawanan kaming dalawa. 

“Natutuwa akong makita na natupad mo ang pangarap ng ate mo para sa ’yo,” nakangiting sabi ni Camilla. “Ang bilis ng panahon parang kahapon lang nangyari ang lahat.”

Huminga ako ng malalim at ngumiti. Sa mga nakalipas na buwan ay kinalimutan ko ang nangyari sa mga araw na halos mamatay ako kakahanap ng killer. Kinalimutan ko ang mga nangyari sa nakaraan at nagsimulang magpatuloy sa hinaharap. Naglakad kaming dalawa ni Camilla papunta sa loob at nakitang maraming estudyante. Napangiti ako ng makita ko ang malaki nilang ngiti sa kanilang labi maging ang mga magulang na nagdidiwang sa graduation ng kanilang mga anak. 

“Kenzo,” nakangiting tawag ko.

“Hi,” nakangiting sabi ni Kenzo. Nakasakay s’ya sa isang wheelchair dahil napuruhan ng husto ang kanyang hita. Kasama niya ang kanyang lolo at lola. “Kumusta?”

“Okay lang ako,” nakangiting sabi ko. “Masaya akong makita kang muli, Kenzo.”

“Salamat sa pagbibigay kalayaan sa mga estudyante dito,” mahinahon na sabi ni Kenzo. 

Sabay kaming napatingin sa upuan na para sana kay Ate Ivory. Nakalagay doon ang iba’t ibang klase ng bulaklak kaya napangiti ako at tumabi sa upuan ni Ivory. Nagsimula ang program at hindi ko maiwasan na pangilidan ng luha sa mga mata. 

“Ladies and gentlemen, distinguished guests, faculty members, parents, and most importantly, the graduating class of Du Mort University!” Ngumiti si Sir Lucian. “My sincere congrats go out to each and every one of you, first and foremost. A year's worth of hard work, commitment, and endurance culminate in graduation. In addition to growing academically and personally, you have also accepted opportunities and conquered obstacles. It is important that you celebrate and treasure your achievements.”

Napangiti ako at tinignan ang mga estudyante na nakangiti. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa upuan na nasa tabi ko. Ang upuan na dapat ay para kay Ate Ivory ngunit mas napangiti ako nang biglang may dumapo na paro-paro sa aking balikat. Natawa ako at pinanood si Sir Lucian. 

“Salutatorian is the first esteemed prize. With the second-highest academic standing in our graduating class, this prize is given to the student. It is Kenzo Pineda who has been awarded the Salutatorian Award. Congratulations!”

Nag palakpakan kaming lahat at kusa akong napatingin kay Kenzo kasama ang kanyang lolo at lola. Tumango ako at tinaas ang daliri ko para sabihin na ang galing niya. Natawa ako at nag-take ng pictures. 

“The greatest academic excellence, the Valedictorian Award, is about to be announced. The student with the highest academic standing in our graduating class receives this honor. Camilla Flores is the recipient of the Valedictorian Award. Congratulations!” 

Tumayo ako at pumalakpak sa kaibigan ko at kaibigan ni Ivory. Ngumiti ako sa kanya na nakangiti sa akin at kitang-kita ko ang luha na nasa gilid ng kanyang mga mata. Pagkatapos ng ceremony ay nagsalita ulit si Sir Lucian kaya nakinig kami sa kanya. Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang bulaklak na nasa hita ko. 

“Of course, hindi ko makakalimutan ang estudyanteng nag-resolba ng kaso ng Du Mort University. Ang estudyanteng hindi tumigil sa kakahanap ng hustisya para sa kanyang minamahal. Ang estudyanteng tumatak sa aking puso…” Tinignan ako ni Sir Lucian. “Ingrid Dela Torre.”

I smiled and walked towards the stage. Mabilis kong niyakap si Sir Lucian at hinawakan ang microphone.

“Hi,” bati ko. Huminga ako ng malalim at tinignan silang lahat. Pinagmasdan ko ang bawat isa, ang mga ngiti, at mga mukhang naging malapit na rin sa akin. “I want to say congratulations to all of us. Hindi naging madali ang mga pagsubok na pinagdaanan natin sa loob ng school ngunit masaya akong nandito kayong lahat at patuloy na nangangarap. Hindi man tayo magkakilala at hindi man natin alam ang personal na pinagdaanan ng bawat isa… gusto kong sabihin na kinaya at kakayanin mo pa!”

Tinignan ko ang minsan naging kaibigan ko sa eskwelahan na ’to. Tinignan ko ang mga magulang ko maging ang mga naging daan sa hustisya ng ate ko. 

“Thank you…” Ngumiti ako at bumuntong hininga. “Salamat sa napakaraming memorya sa paaralan na ’to. Hindi ko makukuha ang hustisya na gusto ko kundi dahil sa tulong niyong lahat. Now, as we move forward, please choose to be happy and love your parents, friends, and even your lover to the fullest. Again, congratulations.” Tinignan ko ang upuan ni Ate Ivory. “Ate Ivory, congrats… and I know you’re happy that we finally give you the justice you deserve.”

Nag palakpakan ang mga tao. Bumaba ako at napatingin sa upuan ni Ate Ivory nang makita s’yang nakangiti sa akin. Napangiti ako at naglakad papunta sa upuan ko. 

“For the honor of standing in front of you today, I would like to conclude by sincerely thanking my fellow graduates. Being a part of this amazing adventure with all of you has been a privilege. Let us face the obstacles that lie ahead with bravery, determination, and confidence in our own skills as we venture into a new world.” Nakangiting sabi ni Sir Lucian. “Best of luck, 2023 class! I hope that we have a life full of boundless opportunities, deep connections, and a clear purpose. Let's go out into the world together and leave our imprint.”

Tumayo kaming lahat at sabay-sabay na hinagis ang aming mga sumbrero at napangiti sa isa’t isa. Niyakap ko ang mga magulang ko maging ang mga kaibigan ko. Sabay-sabay kaming nag-picture kasama si Luna at natawa sa isa’t isa. 

“Congrats!” sigaw ni Camilla at tumawa. Hawak-hawak niya ang picture ni Ate Ivory na nakangiti. 

“Thank you, Camilla…” nakangiting sabi ko. “And sorry sa mga nagawa ko noon.”

Natawa si Camilla. “Ginawa mo lang protektahan kami laban sa kanila. You’re brave, Ingrid. Masaya akong naging kaibigan kita.”

Niyakap ko si Camilla at napangiti kay Kenzo na hawak nila Timothy at Lance. Tinignan ko ang karatula sa itaas at napangiti. Umihip ang malakas na hangin kaya napapikit ako at pinakiramdam ang hangin. 

“Ingrid, tara na!” sigaw ni Lolo Thomas. 

Dumilat ako at tinignan sila na nasa labas at naghihintay. Tumango ako at agad na tumakbo papunta sa kanila. Kumaway ako sa mga kaibigan ko at agad na sumakay sa kotse.

Du Mort University…

The untold mystery is now finally solved. 

Du Mort University tells us that we can’t trust someone and we can’t call for help…

Because…

You only have yourself. 

I am Ingrid Dela Torre and I rest my case.   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top